BESTFRIENDS'WEDDINGS 1 - Frie...

Galing kay besprenAiRa

40.1K 574 75

Kabilang sa walong magkakaibigan na bumuo ng isang pangarap sina Wilfred at Rowelyn at isa sa friendship rule... Higit pa

Foreword
THANK YOU FROM THE AUTHOR
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN

CHAPTER EIGHT

2.1K 35 3
Galing kay besprenAiRa

"ANG kulit mo naman kasi, eh. Parating na ang parents ko at mga bisita. Sila rin ang magdadala ng handa. Ayoko ng mapagod at mag-abala. Kaya relax ka lang," biglang naiba ang tono ni Vida.

Lumambot ang tinig nito at malambing na tumabi sa kanya sa sopa.

"Ganoon ba?" kumbinsidong react niya.

"Kumain ka na ba? Pwede akong magpadeliver ng food?"

"No. Hihintayin ko na lang ang family mo."

"Okay. For the meantime, simulan na natin ang selebrasyon. Habang nagwi-wait tayo, mag-toast muna tayo. May red wine ako dito."

"Hindi na ba natin sila hihintayin?"

"May isang boteng wine pa ako na pwedeng buksan mamya for everybody. At may inihanda na akong food for us while drinking. Wait. Ihahanda ko lang."

Hindi niya napansin kanina pero sa mesa kinuha ni Vida ang pagkaing tinutukoy nito. Sisig at saka adobong manok.

"You want rice?"

"No. Kumain na ako sa bahay bago ako nagpunta rito."

"Kung gayon ay pwedeng-pwede ka nang uminom. Sigurado akong hindi ka malalasing."

Nagbukas ng alak si Vida at nagsalin niyon sa dalawang wine glass. Iniabot sa kanya ang isa at saka naupo ito sa tabi niya.

"Lets toast for my birthday, Wilfred..."

Pinagbigyan niya ang babae at saka ininom ang alak na nasa baso niya. Bahagya pa lang sumasayad sa tiyan niya ang alak ay nakaramdam na siya ng hilo.

"Bakit kaya parang naliyo ako?"

"Ha?"

Napatingin siya kay Vida. Unti-unting nanlalabo ang tingin niya sa babae.

"Vida..." tangi niyang nasabi bago siya tuluyang mawalan ng malay.


"AT last, nahulog ka rin sa mga kamay ko," larawan ng tagumpay na saisip ni Vida habang nakatitig sa walang malay na si Wilfred.

Kinuha niya ang dalawang wine glass at hinugasan at pati na ang binuksang bote ng alak. Itinapon ang lahat ng laman niyon.

Who would ever thought na may pampatulog ang ininom mong alak? Now, palalabasin kong naubos natin ang alak at kapwa tayo nalasing.

Pagkatapos noon ay ibinangon niya ang lalaki at isinampay ang braso sa balikat niya. Bago yumapos sa bewang nito at saka iginiya iyon papasok sa kuwarto ng kanyang apartment. Inihiga ni Vida si Wilfred sa kama niya. Hinubaran ng damit ang lalaki at walang itinira sa saplot nito. Pagkuwa'y naghubad rin siya ng damit at saka tumabi sa lalaking walang malay. Kinumutan ang sarili at yumakap sa lalaki.


NASA Eastwood na silang magkakaibigan at nag-text na siya kay Wilfred pero hindi pa rin ito sumasagot sa mga text niya.

"Nasaan na si Wilfred? Parating na raw ba?" usisa ni Prima.

"Kanina ko pa nga tini-text, eh. Hindi naman sumasagot."

"Saan raw ba nagpunta?"

"May bibisitahin raw bagong kaibigan," paliwanag niya nang hindi nagbibigay ng idea na si Vida ang kaibigang tinutukoy niya.

Ayaw niyang magsinungaling kung kaya sumagot siya ng totoo nang hindi binabanggit kung sino ang tinutukoy niyang kaibigan. Mahigit isang oras na sila sa Eastwood ay wala pa rin siyang sagot na natatanggap sa text niya.

"Ano kaya ang nangyari sa lalaking iyon?"

"Teka, tatawagan ko na," prisinta ni Prima.

Pero paulit-ulit na tumatawag si Prima ay hindi pa rin sumasagot si Wilfred.

"Nagri-ring naman ang cellphone niya pero bakit ayaw sumagot?"

"Ano na kaya ang nangyari sa lalaking iyon?"

Siya man ay nagtataka. Gustung-gusto na niyang sabihin sa mga kaibigan na kasama nito si Vida pero nanahimik siya. Nangako siya kay Wilfred na hindi sasabihin kung sino ang kasama nito.

Ngunit nag-aalala na siya kung bakit hindi sumasagot ang lalaki. Kung anu-ano ang naglalaro sa isipan niya. Paano kung pinikot na pala ito ni Vida? Napapikit siya sa isiping iyon. Kapag nagkataon, wala na talaga siyang chance pa kay Wilfred.

Nasaan na kaya sila at ano ang ginagawa nila sa mga sandaling ito?

Hanggang sa pauwi na sila sakay ng van nina Christian ay panay ang tawag nila kay Wilfred pero hindi pa rin ito sumasagot.

"Kinakabahan na ako, ah. Baka may nangyari na kay Wilfred."

"Ang mabuti pa ay i-report na natin ito sa mga pulis."

"Huwag muna. Hindi pa naman natin alam kung ano talagang ang nangyari sa kanya. Bukas na natin siya hanapin uli. Kapag hindi pa rin siya sumipot hanggang kinabukasan ng hapon, then that's the time na hanapin na natin siya."

"Wala ka bang idea kung saan siya nagpunta, Rowelyn? Kayo ang palaging magkasama, eh."

"Basta ang sabi niya sa akin, kapag nasa Eastwood na tayo ay i-message ko siya and I told him na tatawagan ko na lang siya. Pero wala nga siyang sagot maski kay |Prima."

Parang gusto na niyang sabihin ang totoo pero baka naman malagay sa alanganin si Wilfred. Minabuti niyang manahimik na lang muna.


NANG pagbalikan siya ng malay ay nagulat pa siya sa kanyang kinaroroonan.

Nakahiga siya sa kama at katabi si Vida. Inangat niya ang kumot at nabigla nang mapagtantong pareho silang nakahubad ng babae.

Paanong nangyari ito? naguguluhang tanong niya sa sarili

Napatingin siya sa wall clock na nakasabit sa dingding at napabalikwas siya ng bangon nang makitang alas tres na pala ng madaling araw. Ibig sabihin, dose oras na siyang kasama si Vida. Naalala niya na may lakad sila ng mga kaibigan at hindi siya nakarating. Nagmamadaling nagbihis siya nang makita ng mga damit niya sa sahig. Hustong nakabihis na siya nang magmulat ng mga mata si Vida.

"Saan ka pupunta?"

"Uuwi na"

"Thanks for everything, sweetheart. You made me a woman over and over again," nakangiting wika ni Vida.

"Ano ang ibig mong sabihin?" hindi tumitinging tanong niya habang nagbubutones ng kanyang polo.

"Hindi mo natatandaan ang nangyari sa atin kagabi? We made love and you was so demanding."

"Wala akong matandaan sa mga sinasabi mo."

Nakatakip ng kumot na tumayo si Vida at saka yumakap sa kanya.

"You can't get rid of me anymore, sweetheart. Matapos ng nangyari sa atin, I am all yours..."

"Hindi kita maintindihan. Paanong nangyari? Ang alam ko lang, nahilo ako nang uminom ako ng alak na ibinigay mo."

Malakas na napatawa si Vida.

"Yes, and you recovered at uminom pa tayo ng uminom. Naubos natin ang laman ng bote. Tingnan mo at wala ng laman ang bote ng alak."

"Talagang wala akong matandaan! Ano ang ginawa mo sa akin?"

"Sweetheart...kapag lasing ang tao, mas malamang na hindi niya naalala ang kanyang ginagawa. Lalo pa at sobrang lango na sa kalasingan. At iyan ang nangyari sa iyo."

Marahang tinabig niya si Vida.

"Niloko mo lang ako. Wala ka talagang birthday party at hindi rin dumating ang mga kamag-anak mo. Sinadya mong mangyari ito."

"Sabihin mo na ang gusto mong sabihin. Pero ang mahalaga, tayo ng dalawa."

Namutla siya sa sinabi ni Vida. Kung totoong may nangyari na sa kanila, parang mahihirapan na siyang iwasan ang babaeng ito lalo pa at kasama niya ito sa trabaho. Naguluhan siya ng husto.

"Hindi pwedeng mangyari ang sinasabi mo. Hindi kita nililigawan at wala pa akong sinasabi sa iyo para mag-isip ka ng ganyan."

"But the thing is...may nangyari na sa atin. Sana ay hindi mo ako pinakialaman kung ayaw mong magkaroon tayo ng relasyon."

Lalong sumakit ang ulo niya sa mga sinasabi ni Vida. Wala siya sa wisyo para makapag-isip ng tama sa mga sandaling ito. Tiim ang anyong tiningnan niya si Vida at saka walang paalam na iniwanan iyon.

"See you on Monday, sweetheart..." pahabol ng babae.

Nagmamadali siyang sumakay sa kanyang kotse at gulo pa rin ang isip na pinasibad ang sasakyan palayo sa lugar na iyon. Wala siyang gustong sisihin sa mga nangyaring ito sa buhay niya kungdi siya na rin. Siy ang may kasalanan. Kung bakit hinayaan niyang mahulog siya sa bitag ni Vida.

Naalala niya ang kanyang cellphone na nagkataong naiwanan niya sa kotse. Puno ng messages ang inbox niya at ang dami niyang missed calls. Message mula sa barkada niya at pati na sa mga magulang niya. Pinakamaraming message si Rowelyn at ito rin ang pinakamaraming missed calls. Sa gitna ng kaguluhan sa kanyang isip ay tinawagan niya si Rowelyn. nakailang tawag na siya ay hindi pa rin ito sumasagot. Hindi siya tumigil ng katatawag. Kailangan niyang makausap si Rowelyn.


NAKA-silent mode ang cellphope niya pero naka-vibrating alert rin at nakalagay iyon sa ilalim ng kanyang unan.

Nagising siya nang maramdaman ang vibration ng cellphone niya sa kanyang kamay.

Napabangon siya nang mabasa ang pangalan ni Wilfred.

"Hello! Wilfred! Nasaan ka na?" sagot niya rito.

"Pauwi na ako."

"Ano ang nangyari sa iyo? Bakit hindi ka sumasagot sa mga text at tawag namin? Nag-aalala na ang parents mo sa iyo. Plano nilang mag-report sa mga pulis bukas."

"Mahabang salaysayin, Rowelyn at naguguluhan ako. Pwede bang magkita muna tayo bago ako umuwi sa bahay? Kailangan ko ng kausap."

"Alas tres pasado pa lang ng madaling araw, ah!"

"Mga alas-kuwatro y media ng umaga ay nandiyan na ako sa atin. Magkita tayo doon sa twenty four hour na fastfood restaurant sa bungad ng subdivision. Please..."

"Pero..."

"Please...kailangan nating magkausap."

Iyon lang at pinatay na ni Wilfred ang cellphone nito. Nagpupuyos ang kalooban na napaupo siya sa gilid ng kama.

Bakit ba ako pa ang ginugulo niya? At ano ang sasabihin niya? Ipagtatapat sa akin na sila na ni Vida at i-congratulate ko siya? Napakasadistang nilalang!

Naiinis siya at naguguluhan at the same time. Binirahan niya uli ng higa. Inisip niyang huwag nang siputin si Wilfred sa sinasabi nitong restaurant. Pero nag-aalala naman siya sa tunay na kalagayan nito. Para kasing balisa ito kaninang kausap niya. Nanaig ang pagmamahal niya kay Wilfred. Nagbihis siya at naghintay ng takdang oras.

GISING na ang kanyang Yaya nang bumaba siya ng bahay para makipagkita kay Wilfred.

Naka-panjogging siya para hindi makahalata ang kanyang Yaya kung bakit siya aalis ng ganoong kaaga.

"Magjo-jogging ka?" gayun pa man ay sita nito.

"Oo, Yaya."

"Sino ang kasabay mo?"

"Marami diyan sa labas. Pakisabi na lang kina Mama dahil tulog pa sila."

"Sige. Pag-uwi mo ay luto na ang almusal."

Nagmamadaling lumabas siya ng bahay at nang makalayo na sa gate nila ay pinara ang isang tricycle na nagdaan at nagpahatid sa tagpuan nila ni Wilfred. Ang lakas ng kaba ng dibdib niya habang papasok ng restaurant na iyon.

Malayo pa ay nakita na siya ni Wilfred at sinalubong na siya nito. Umiyak si Wilfred nang makalapit sa kanya, sabay yakap sa kanya ng mahigpit.

Naramdaman niya ang matinding paghihirap ng kalooban ng kaibigan lalo na nang ngumuyngoy ito sa balikat niya. Unti-unting umangat ang kanyang kamay at hinagod sa likod nito.

"A-Ano ba ang nangyari?" tanong niya.

"Ang laki ng problema ko kay Vida."

"Bakit?"

Hinila siya ni Wilfred sa isang sulok at doon sila naupo. Panay pa rin ang tulo ng luha ng lalaki at parang kay sikip ng dibdib nito.

"Ano ba talaga ang nangyari?"

"Sana, pinigilan mo ako na makipagkita kay Vida nang nagpaalam ako sa iyo kahapon. Sana sinira

mo na lang ang diskarte ko. Kasi, kapag kumukontra ka, nagdadalawang isip naman ako palagi at palaging sinusunod ko ang gusto mo."

"Hindi ba sinabi ko sa iyo na ayokong makialam sa desisyon mo? Iyan ngang hindi ako nakialam ay sinisisi mo ako. Lalo na siguro kung ang kagustuhan ko ang sinunod at pagkatapos ay may nangyaring hindi maganda."

"Hindi sana nangyari, Rowelyn..."

Parang nahuhulaan na niya ang ibig sabihin ni Wilred pero mas gusto niyang marinig iyon buhat sa bibig ng lalaki.

"Tell me...what happened?"

"May nangyari sa amin ni Vida..."

"Ano?"

"Pero hindi ko kagustuhan, Rowelyn. Maniwala ka."

"Paanong nangyari iyon at sasabihin mong hindi mo kagustuhan? Tiyak na alam mo nang ginagawa ninyo iyon. Hindi ka na batang paslit para sabihing hindi mo kagustuhan ang lahat," mangiyak-ngiyak na wika niya.

"Rowelyn, hindi ko alam at wala akong matandaan. Si Vida lang ang nagsabi. Natatandaan ko, pinainom niya ako ng alak at nahilo ako. Wala na akong natandaan. Tapos...nang magising ako...katabi ko na siya sa kama at pareho kaming naked."

"Nangyari na nga, Wilfred. Ano pa ba ang gusto mong palabasin?"

"Believe me, Rowelyn...hindi ko alam kung nagawa ko nga iyon. Dahil kung alam ko, tiyak na hindi mangyayari. Sabi ni Vida ay sobra raw akong nalasing kaya hindi ko alam ang ginagawa ko. Hindi ko maintindihan kung paano ako nalasing dahil unang tungga ko ng alak ay nakaramdam na ako ng hilo."

"Wala akong magagawa kungdi ang pakinggan ka lang. Wala rin akong maitutulong dahil kayo naman ni Vida ang sangkot diyan sa ginawa ninyo."

"Pero hindi ko siya mahal, Rowelyn."

"Bakit mo sinasabi sa akin iyan ngayon?"

" Dahil ayokong isipin mo na mahal ko si Vida."

"Iyan na ang iniisip ko. Dahil kung hindi mo siya mahal, hindi mo ipaparamdam sa akin na mahalaga siya sa iyo."

"Maniwala ka. Wala siyang halaga sa akin."

"Stop pretending! You made me feel that she is special. Naging dahilan siya ng mga misunderstanding natin. That is why I decided na hayaan ka na lang kahit..."

Hindi niya naituloy ang sasabihin. Parang may bumara sa lalamunan niya. Hindi niya magagawang aminin ang totoo sa lalaking ito kahit na mahal na mahal pa niya ito.

Ayokong maging kawawa sa paningin mo. Kumag! Sana ako na lang...

"K-Kahit..." ulit ni Jake.

Natigilan siya. Ano ang dapat niyang isagot?

"Kahit hindi ako boto sa kanya para sa iyo!" pag-iiba niya sa gusto sana niyang sasabihin.

"Hindi ko siya, gusto friendship. Maniwala ka!"

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

742K 26.4K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
797K 41K 61
• NOW A PUBLISHED BOOK • Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. • Fea...