CHAPTER NINE

2.5K 40 2
                                    

TULUYAN na siyang napaiyak sa narinig.

Halu-halong damdamin ang sumakanya ng mga oras na iyon. Nalulungkot na nadumihan na ang pagkalalaki ni Wilfred. Hindi pa naman kasi ito nagka-girlfriend kahit na kailan at nakakalungkot na si Vida pa ang nakauna rito.

"Pero ginusto mo ang pagpasok niya sa buhay mo. Paano akong maniniwala sa iyo?" kunwari ay untag niya kay Wilfrend.

"Kasalanan ko talaga. Sana nagpakatotoo na ako."

"Ano ang ibig mong sabihin na sana ay nagpakatotoo ka na lang?"

Tumingin sa kanya si Wilfred pero umiling lang ito. Naguluhan na naman siya.

"Parang ayoko nang pumasok. Ayoko na siyang makita."

"Hindi tama ang gagawin mo. Harapin mo ang problemang ikaw ang may likha."

"Paano kung pilitin niya ako na...kami na. Iyon kasi ang sinabi niya sa akin."

"Ganito lang kasimple, Wilfred. Kung mahal mo siya, pandigan mo siya. Kung hindi mo siya mahal, panindigan mo rin na ayaw mo sa kanya."

"Sobrang naguguluhan ako, Rowelyn. Pakiusap ko lang, huwag mo munang sasabihin ito sa barkada. Pwede ba?"

"Hindi ako pinalaking sinungaling ng mga magulang ko. Pero sisikapin ko na mapagtakpan ka."

"Salamat. Maraming salamat."

Pagkuway tumayo na siya.

"Maiwan na kita..." anya.

Tatalikod na lang siya nang tumayo rin si Wilfred at niyakap siya ng mahigpit.

"Maniwala ka, sising-sisi ako na nakipaglapit ako kay Vida. I'm so sorry."

Parang gusto na niyang maniwala sa sinasabi nito at nakaramdam na rin siya ng awa. Umangat ang kamay niya para yumakap rin sa lalaki pero nagbago siya ng isip. Ni kaunting pagpapakita ng tunay niyang nararamdaman ay hindi niya ipaparamdam sa lalaking ito.

Marahang itinulak niya ito palayo.

"Sige na. Umuwi ka na at baka hinihintay ka na ng parents mo. Pero hindi ako sasabay sa iyo para hindi sila maghinala na may alam ako sa nangyari saiyo."

Iyon lang at patakbong lumabas siya ng fastfood restaurant na iyon. Hilam siya sa luha at hindi na napigil ang pag-iyak. Sirang-sira na ang pag-asa sa puso niya. Winasak ni Wilfred ang puso niya. Sinaktan siya ng lalaki. Ginulo ni Vida pati na ang kanyang buhay. Iyon ang mga realisasyong pumapasok sa isipan niya ng mga oras na iyon. Malayo ang kantong iyon sa street nila pero hindi niya namalayan ang pagod ng paglalakad. Mabuti na lang at madilim pa kung kaya walang nakakapansin ng pag-iyak niya.

Pagsapit niya ng bahay ay nandoon na ang kotse nina Wilfred. Naka-park sa tapat ng bahay. Hindi niya alam kung nandoon si Wilfred sa labas pero nagmamadali na siyang pumasok sa kanilang bahay at dire-diretso na sa kanyang kuwarto. Mabuti na lang rin ay hindi siya namalayan ni Yaya. Kung nagkataon ay baka napuna pa noon ang mugto niyang mga mata. Paglapat ng katawan niya sa kama ay pinilit niyang makatulog uli para makalimutan ang kasawian ng kanyang puso.

MALALAKAS na katok ang gumising sa kanya at nasilaw pa siya sa sikat ng araw nang magmulat ng mga mata.

Sunos-sunod ang mga katok at may naririnig siyang mga tinig ng babae sa labas. Pakiwari niya ay sina Bernadeth, Prima at Chariz. Dali-dali niyang binuksan ang pinto.

"Ano ka ba? Tulug ka ng tulog. Nahuhuli ka na tuloy sa balita."

"Anong balita?"

"Umuwi na raw si Wilfred kaninang madaling araw. Pero ayaw makipag-usap kahit na kanino. Pinuntahan ng mga boys pero ayaw silang harapin. Ayaw ring sagutin ang mga tawag nila."

BESTFRIENDS'WEDDINGS 1 - Friends In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon