CHAPTER FOUR

2.2K 28 1
                                    

IT'S their first training day at medyo nanibago sila na magkaroon ng mga bagong kahalubilong tao.

Ang account na napa-assign sa kanila ay isang internet provider na sikat sa Australia at ito ang magiging main concern ng kanilang trabaho na binubuo ng selling and email support. Nakatabi nila sa training ang isang babae na nagngangalang Vida at medyo naasiwa siya dahil sobra itong makalapit kay Wilfred.

"Wilfred, sabay tayong mag-lunch mamya, ha?" wika pa nito at tila hindi alintana na siya ang katabi nito.

"Sorry, may kasabay akong kumain."

"Sino?"

"Si Rowelyn," sabay turo sa kanya.

"Ah, okay. Pero pwede naman sigurong makisalo sa inyong dalawa."

"Okay lang. No problem."

Napansin ng trainor ang pag-uusap nila Wilfred at Vida at saglit na tumigil ito sa pagsasalita.

"Do you have another discussion there?" sita nito.

Kinalabit niya si Wilfred at tila gusto niyang batukan ang babaeng katabi nito sa kabilang side dahil sa panggugulo nito kay Wilfred. Tahimik siyang tao at pasensiyosa pero may ugaling hindi rin basta-basta nagpapaapak sa tao.

"Palit tayo ng upuan," anya kay Wilfred na nagpaunlak naman kung kaya siya na ang napatabi

kay Vida.

Tinapunan niya ito ng irap.

"Insecure..." parinig ng babae pero hindi niya ito pinansin.

Ayaw niyang ma-distract sa pinakikinggan niya. Natapos ang lecture nila ng umagang iyon at nag-lunch break for one hour.

"Join ako sa inyo for lunch, ha?" wika ni Vida kay Wilfred.

Napasulyap siya kay Wilfred. Mukha namang gusto ng lalakimg ito na mapalapit sa Vidang ito kung kaya hindi na siya nag-react nang sumama na sa kanila ang babae.

"I'll treat you for lunch today, Rowelyn."

"Palagi na lang ikaw. Ako naman."

"Tomorrow ka na lang. For today, ako muna. Binigyan ako nina Daddy ng malaking allowance, eh."

"Bahala ka."

"Ako na lang ang i-treat mo kung ayaw niya, Wilfred," sabad ng babae na nasa likuran nila ni Wilfred.

Tiis na tiis siyang mabastos ang babaeng ito pero sobrang adelantada naman. Nakikita na nga na close sila ni Wilfred ay nagpapansin pa.

"Sige, Vida. Pumili ka na ng gusto mong pagkain."

Value meals ang pagpipilian nila at pinili niya iyong pinaka-cheapest samantalang si Vida ay pinili iyong pinakamahal. Napanganga siya sa sobrang pagka-atribida ng babae. Mas mahal pa ang inorder nito kesa kay Wilfred.

"Iyan lang ba ang gusto mo, Rowelyn?" baling ni Wilfred sa kanya.

"Okay na iyan."

"Ako, pwedeng magpadagdag ng icecream?" sabad ni Vida.

Talagang ang kapal ng apog babaeng ito, ah. Feeling close kaagad kay Wilfred.

"Okay lang Vida."

Nag-order ito ng chocolate sundae. Inis na inis siya pero hindi siya makapagpahalata. Nang kumakain na sila ay si Vida ang palaging nagsasalita. Parang reporter na ini-interview nito si Wilfred. Tinanong ang tinapos, kung saan nag-aral, kung ilang taon na at kung saan nakatira na sinagot naman ng maayos ng lalaki. Naiinis siya sa babae pero hindi niya alam kung naiinis rin si Wilfred dahil nakangiti naman ito sa tuwing kakausapin ng babae at pana pa ang tingin dito.

BESTFRIENDS'WEDDINGS 1 - Friends In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon