CHAPTER SEVEN

2.1K 37 3
                                    


NANG makauwi sila at nakahiga na sa kanyang kama ay hindi siya dalawin ng antok dahil sa dami ng

iniisip niya na iba't-ibang bagay.

Confusing and at the same time, frustrating. At may kasama ring fear dahil sa maraming 'baka' at

hinala sa kanyang isipan.

Naiisip niya ang pagiging close ni Wilfred kay Vida at ang panunukso ni Prima sa kanya.

Nababasa ba ni Prima ang nararamdaman ko. Naku, kailangan yata akong mag-ingat sa mga ikinikilos ko. Bala mabuking ng mga friendship.

At si Wilfred, ano kaya ang iniisip ni Wilfred tungkol sa kanya? Baka maging obvious na rin sa lalaki na more than friends ang pagtinging iniuukol niya dito. Kailangang mailigaw niya ang hinala ni Wilfred sa tunay niyang nararamdaman para sa lalaki kung kaya dapat siyang mag-ingat.

Nang mga sumunod na araw ay hindi na siya nagpakita ng pagkadisgusto kay Vida. Hinayaan niya si Wilfred sa choice nito. Hinayaan na rin niya si Vida sa ginagawa nitong pang-aakit kay Wilfred kahit na tila gusto na niyang patayin ito sa titig at batuhin ng sapatos ang bruhang babae.

Kahit na naiinis siya at nasasaktan ay nanahimik siya dahil sa tingin niya ay siya pa ang nakakapagbigay ng stress sa kaibigan kung patuloy siyang mag-iinarte.

Pero, may kunsuwelo pa rin siya k ay Wilfred dahil hindi talaga siya iniiwanan nito. Kahit na anong tangka ni Vida para masolo ang kaibigan ay hindi siya pinababayaan ni Wilfred at priority nito ang kapakanan niya kesa kay Vida.

Kahit na magyaya si Vida na mamasyal, kasama siya ay okay na rin sa kanya just to be sure na nababantayan rin niya ang kaibigan. 'Yung nga lang, talagang kapuna-puna na naging closer na ang dalawa kesa dati. At kapag sila na lang ni Wilfred ang magkasama ay palaging si Vida na ang topic nila. Pinagtitiisan na lang niyang making sa kuwento ni Wilfred na si Vida ang topic kesa naman magkaroon ito ng idea na may gusto siya rito. .

"Sa palagay mo ba ay magiging match kami ni Vida kung sakaling maging sweethearts kami?"

"Ewan ko sa inyong dalawa. Kayo lang ang makakasagot niyan," medyo asar na sagot niya.

"Payag ka bang siya na lang ang ligawan ko?"

"Ewan ko rin sa iyo. Choice mo iyan."

"Pero kung ikaw ang tatanungin, okay lang sa iyo?"

"Ayoko nang magsalita. Alam mo na naman sa simula pa kung ano ang stand ko."

"Paano kung mahal ko na pala siya?"

Tumingin siya kay Wilfred.

"Wala naman akong karapatang pigilan ka, Wilfred. Its your choice. Go, kung mahal mo talaga si Vida. Go..."

Hindi siya nagpahalata na parang gusto nang umakyat ng dugo niya sa ulo at takungin ang bumbunan ng kaibigan para matauhan. Ano ba kasi ang magandang katangian ng Vida na iyon na napaka-atribida naman at ang landi-landi pa para magustuhan ng manhid na kunehong ito!

"Bigla akong nanibago sa iyo. Dati-dati, palagi kang againsts."

"Noon iyon. Pero naisip ko, I'm putting my self into a bad situation. Kasi, nangengealam ako sa disposisyon mo.." pigil na pigil ang inis na wika niya kahit na tila gusto na niyang umiyak sa tindi ng selos at sama ng loob.

Tsakit-tsakit kaya. Busit ka! Saisip niya habang nakatingin sa kaibigan.

"Okay lang namang makialam ka dahil magkaibigan tayo."

BESTFRIENDS'WEDDINGS 1 - Friends In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon