CHAPTER THREE

2.4K 35 5
                                    


LUMAMANG pa rin si Prima sa kanya sa kabila ng lahat na wala rito ang kaibigan.

"Mas masaya ka nga siguro kung si Prima na lang ang hindi natanggap ng work at ako na lang ang nalagay sa posisyon niya, ano?" anya.

"Uy, ano iyan? Nagdadrama ka?"

"Hindi naman. Totoo naman ang sinabi ko, hindi ba?"

"Kalimutan mo na nga ang sinabi ko. Bigla ko lang kasing naisip."

"Alam mo, naniniwala ako na kung ano ang nasa puso ng tao, inilalabas niya iyon sa pamamagitan ng kanyang bibig."

"Puso?"

"Oo. 'Yang laman ng puso mo, nabubuking iyan minsan dahil bigla mong nasasabi."

"Sabi nang huwag mo nang intindihin ang sinabi ko, eh. Nabigla lang ako dun."

"Basta nasabi mo na iyan at nakatanim na iyan sa isip ko."

"At bakit mo naman kailangang itanim sa isip mo? Ibubuko mo ako kay Prima?" nandidilat ang mga matang react ni Wilfred.

"At bakit mo naman kailangang itanim sa isip mo? Ibubuko mo ako kay Prima?" nandidilat ang mga matang react ni Wilfred.

"Bakit ko naman gagawin iyon? Kung talagang gusto mo siya, bahala kang dumiskarteng mag-isa mo."

"Ano ka ba? Kung anu-ano ang sinasabi mo. Wala sa isip ko ang mga bagay na iyan."

"Kunyari pa. Nahuhuli naman sa bibig."

"From now on ay hindi ko na babanggitin si Prima sa harapan mo."

"Kakabanggit mo lang uli ng name niya."

Napahalakhak ng malakas si Wilfred.

"Kailangan pala talaga na mag-ingat ako sa mga sinasabi ko dahil walang lusot."

"Talaga. Beware dahil masyado akong nagpapahalaga sa mga salitang sinasabi ng isang tao. Siniseryoso ko iyon lalo na kapag may kinalaman sa akin."

"Ganun? Now ko lang nalaman iyan, ah."

"Now lang naman kasi tayo nakapag-usap ng solo. Palagi tayong grupo dati."

"Oo nga. At nami-miss ko na silang lahat."

"Baka si Prima lang," tukso niya.

"Wala akong sinasabi, ha. Ikaw ang nagsabi niyan."

"Sa totoo lang ay nami-miss ko na rin sila."

Sa weekends pa tayo pwedeng magkita-kita uli. Karamihan sa kanila ay tulog sa araw kung kaya hindi na natin makausap."

"Oo nga. Sana ay magka-work na tayo."

"Wish ko rin. Ano kaya, mag-apply na tayo sa iba? Baka naghihintay na tayo sa wala doon sa mga ina-apply-an natin."

"Tama ka. Gusto mo, bukas?"

"Sige. Call."


TAMANG-TAMA ay paalis sila kinabukasan nang umuwi naman ng sabay-sabay sina Prima, Bernadeth at Reymond, sakay ng kotse ng huli.

"Kumusta na kayong dalawa! Long time, no hear na!" bulalas ni Bernadeth.

Nagbeso-beso silang magkakaibigan.

BESTFRIENDS'WEDDINGS 1 - Friends In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon