CHAPTER FIVE

2K 68 2
                                    


NANG second day of training nila ay dinatnan na nila si Vida sa training room at parang sadyang hinihintay sila.

Nang makita nito si Wilfred ay sumalubong kaagad ito at feeling girlfriend na yumakap sa lalaki at humalik sa pisngi nito. Gusto niyang mag-react, hilahin ang babae palayo at pumagitna para pagsabihan ito na hindi pa sila ganoong ka-close ni Wilfred para umasta ito na mas close pa sa kanila ng kaibigan.

Subalit nanaig pa rin ang self-control niya.

Sadyang makapal ang mukha ng babaeng ito. Wish ko lang na huwag nitong maakit ang friend ko at minamahal na kaibigan.

"Kanina ka pa?" react ni Wilfred at tila kinilig na naman ito sa ipinakitang pagkagiliw ni Vida rito.

Nilagpasan niya ang dalawa at naupo na sa upuang inupuan nila kahapon.

"Doon tayo sa bandang huli maupo, Wilfred." Maarteng yaya ng babae na kumapit pa sa bisig ni Wilfred.

"Ha?" wari ay nabiglang react ng lalaki.

Narinig niya iyon at hindi siya papayag na solohin ni Vida ang kaibigan kung kaya hinila niya ito at puwersahang pinaupo sa tabi niya.

"Dito ka maupo. Remember, ibinilin ako ni Mama sa iyo na huwag pababayaan. Kapag umiba ka ng upuan, baka may mangyari sa akin nang hindi mo alam."

"At ano naman ang mangyayari sa iyo, aber? At saka ang daming tao dito. Sana lang ay huwag kang papansin diyan," inis na wika ni Vida.

"Ikaw nga itong nagpapapansin, eh. Kaya kami nandito ng kaibigan ko ay para mag-training at hindi para guluhin mo. Baka hindi makapasa si Wilfred sa training dahil sa ginagawa mo."

"Sandali...huwag kayong mag-away," saway ni Wilfred.

"Friend, hindi ako nakikipag-away sa kanya. Gusto ko lang umayos siya dahil nasa training period pa lang tayo. Kailangang makapag-concentrate tayo kung gusto mong pumasa tayo sa training," pigil ang galit na paliwanag niya.

"Yeah. Tama ka naman, eh."

"Huwag mo siyang pansinin para hindi na rin magpapansin. Now, after office hour natin, mag-usap na kayo hanggang gusto mo at uuwi na lang akong mag-isa."

"Pwede ba naman iyon?"

"Pwede. Kapag hindi ka kumilos ng tama. Huwag kang paapekto sa babaeng iyan. Isipin mo na lang si Prima," seryosong wika niya

Noon ay halos nakaupo ng lahat ang mga kasabay nilang nagti-training at maya-maya ay pumasok na rin ang trainor nila. Sa halip na umiwas sa kanila ay talagang sumiksik pa rin si Vida kay Wilfred. Pilit na pinatayo ang lalaking katabi ni Wilfred at nakipagpalit ng upuan.

Na-shocked siya sa ginawa ng lalaki. At talagang palaban ang bruhang ito.

Ang kapal! Gigil ako ng babaeng ito, ah!

"Okay na ba? Wala ng tatayo?" tila inis na wika ng trainor nang mapansin ang ginawa ni Vida.

Kahapon pa medyo nainis ang trainor nila kay Vida dahil sa kadaldalan nito pero halatang nagtitimpi rin itong kagaya niya. Sinimulan ang lecture para ma-familiarize sila sa account na nakatakda nilang hawakan. Medyo taxing at maraming dapat na intindihin. Nang lunch break nila ay muling kumabit si Vida kay Wilfred.

"Para magkaintindihan kayong mabuti ng babaeng iyan, sasabay na lang akong kumain sa iba," anya at saka iniwanan sina Wilfred at Vida.

"Sandali lang! Huwag mo akong iwan!"

Pero parang wala siyang narinig at lalo pang binilisan ang lakad para makahabol sa elevator. Nagawa nga niyang iwanan si Wilfred at sumabay sa isang babae ring trainee.

BESTFRIENDS'WEDDINGS 1 - Friends In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon