CHAPTER TEN

5.2K 80 21
                                    

"MARAMING-MARAMING salamat sa kabutihan mo sa akin and for being there besides me kahit na nakakainis ako kung minsan."

Napanganga siya. Tila hindi makapaniwala na ito lang pala ang sasabihin ng lalaki ay kinailangan pa nilang pumasok ng isang mall at kumain sa isang fine dining restaurant.

"Pwede mo namang sabihin iyan habang nagbibiyahe tayo. I thought you will be telling me something na sobrang gugulat sa akin."

Tila napapahiyang napakamot ng ulo si Wilfred.

"Naging over-reacting ba ako?"

"Hindi naman. I thought some shocking revelations ang sasabihin mo."

"Gusto lang kitang i-treat ng dinner."

"Ikaw talaga. Pinakaba mo ako," dismayadong wika niya. Mahirap talagang mag-expect ng sobra sa inaasahan.

I think, dapat ko nang ihanda ang sarili ko na mgmahal ng ibang tao. Sa tingin ko hindi mangyayari na liligawan ako ng lalaking ito. Nakakaturn-off. Promise. I have to move on.

Natapos silang kumain na walang nabago sa status nila bilang magkaibigan. Tulad pa rin ng datin. Nangangapa pa rin siya sa kahahantungan ng kanilang friendship.


PARANG gusto niyang batukan ang sarili niya nang pauwi na sila ni Rowelyn.

Bakit kasi nawalan siya ng lakas ng loob na ipagtapat ang nararamdaman niya sa babae. Natameme na naman siya at nahiya. Baka tuloy isipin ni Rowelyn ay pinaglalaruan niya ito. Kasi, kung magpapasasalamat lang siya, pwede naman talagang sabihin iyon habang pauwi sila.

Promise, next time...magiging matapang na ako. Kailangang malaman na niya ang totoo.


NAGING kampante na sila ni Rowelyn dahil sa paglipas ng mga araw ay hindi na nagparamdam si Vida.

At sadyang pinaghahandaan na niya ang gagawing pagtatapat sa dalaga. Siguro, para mas romantic, yayain niya ito sa Tagaytay. Doon niya ito pagtatapatan. Napapangiti siya habang binubuo ang mga plano sa kanyang isipan. Pero nang hapong iyon, nang pasakay na sila ng kotse at biglang sumulpot si Vida sa harapan nila.

"Kumusta na kayo?"

Kapwa sila napatda ni Rowelyn.

"Akala mo, tapos na tayo, Wilfred? May gusto akong ipaalam sa iyo. Buntis ako! Nagbunga ang minsang pagkalimot natin!"

Nanlaki ang mga mata niya sa pagkabigla. Gayon rin si Rowelyn na natutop ang bibig sa narinig.

"Panagutan mo ito or else...guguluhin kita."

"Ano bang kalokohan ang pinagsasabi mo?"

"Ayaw mong maniwala? Pwes, heto ang pruweba. Bilhin mo ang resetang iyan dahil kailangan ko raw iyang inumin. At sasama ako sa iyo ngayon para bilhin ang mga iyan. Huwag kang tututol dahil baka makunan ako at ikaw rin. Kawawa ang anak mo," pangongonsensiya ng babae.

Sa totoo lang, nakokonsensiya na siya talaga. Paano kung nagsasabi ng totoo ang babaeng ito at talagang siya lang ang nakalimot at hindi makaalala? Posibleng nilasing siya o nalasing kung kaya wala siyang matandaan. Naguguluhan siya pero ginawa niya ang inaakala niyang tama.

"Sige. Sumakay ka ng kotse at bibilhin natin ang mga kailangan mo."

Nangalog ang mga tuhod niya sa narinig. Tila hindi niya maihakbang ang kanyang mga paa paakyat ng sasakyan. Tuluyan nang nawalan ng pag-asa ang puso niya para sa kanila ni  Wilfred


NAWINDANG siya ng husto sa naging reaction ni Wilfred pero wala siyang nagawa kungdi ang sumama na lang sa dalawa.

आप प्रकाशित भागों के अंत तक पहुँच चुके हैं।

⏰ पिछला अद्यतन: Jul 21, 2018 ⏰

नए भागों की सूचना पाने के लिए इस कहानी को अपनी लाइब्रेरी में जोड़ें!

BESTFRIENDS'WEDDINGS 1 - Friends In Loveजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें