Heart Lies (gxg)

By TimmyTheKyot

447K 8.5K 754

Maldita, mayabang, pusong bato, mapaglaro. Siya si Khym, maganda, sexy pero ang sama naman ng ugali. Maraming... More

Heart Lies
CHAPTER 1 - Rich and Sexy Playgirl
CHAPTER 2 - Magnanakaw
CHAPTER 3 - Wrong Move
CHAPTER 4 - Opposite Revenge
CHAPTER 5 - The Girl
CHAPTER 6 - Turn ON or OFF?
CHAPTER 7 - Hard To Get, Easy To Read
CHAPTER 8 - Lunch Date
CHAPTER 9 - Past is Past and Past is Present?
CHAPTER 10 - Change
CHAPTER 11 - Heartbeats
CHAPTER 12 - Love Tomorrow, Love Today
CHAPTER 13 - Confession
CHAPTER 14 - Lucky I'm in love with my BESTFRIEND
CHAPTER 15 - The Beginning
CHAPTER 16 - By Your Side
CHAPTER 17 - Sweet Kisses
CHAPTER 18 - Admission
CHAPTER 19 - Mamita
CHAPTER 20 - Meet your In-Laws
CHAPTER 21 - Expect The Unexpected
CHAPTER 22 - Missing
CHAPTER 23 - Happiest Surprise
CHAPTER 24 - About You
CHAPTER 25 - No Regrets At All
CHAPTER 26 - Fiesta
CHAPTER 27 - Fiesta II
CHAPTER 29 - Someone's Surprise
CHAPTER 30 - Unlucky or Lucky that you're my Girlfriend?
CHAPTER 31 - Officially Yours
CHAPTER 32 - Mr. Smiley
CHAPTER 33 - Centenniel
CHAPTER 34 - First Time
CHAPTER 35 - Traydor
CHAPTER 36 - Business Trip?!
CHAPTER 37 - 1000 Miles Away
CHAPTER 38 - New
CHAPTER 39 - Stuck in the Past
CHAPTER 40 - Revelation
CHAPTER 41 - Thinking Twice
CHAPTER 42 - Deserving
CHAPTER 43 - Going Home
CHAPTER 44 - Manloloka?
CHAPTER 45 - Ang Pagbabalik
CHAPTER 46 - No Pain No Gain
CHAPTER 47 - Don't Give Up On Us Baby
CHAPTER 48 - Challenge me, if you dare.
Author's Chikka
CHAPTER 49 - Warzone
CHAPTER 50 - Jace The Bridge
CHAPTER 51 - Mastermind
CHAPTER 52 - Katotohanan
Chapter 53 - Back
CHAPTER 54 - Bestfriend
CHAPTER 55 - Kacey Castro
CHAPTER 56 - Happy Birthday
EPILOGUE

CHAPTER 28 - Love Story Ni Nico

5.4K 95 2
By TimmyTheKyot

Hiii! Sorry sa late update :( Eto na po yung chapter 27!

Dedicated to sa makulit kong reader na naka chat ko dito sa wattpad ;) Nice to meet you pre. HAHAHAHA xD

----------------------------------

Khym's POV

Gumising ulit ako ng maaga para tulungan si Nanay Kristina sa paghahanda ng breakfast. Uuwi na kasi kami ni Nicole at mommy mamaya pabalik ng Maynila. Masaya sana kung dito muna kami pero we need to go home because of business matters. Ilang araw nlng at magaganap na ang big event sa company namin so that's why kailangan nila ako dun at pati na rin si Nicole. I have tons of things to do when I get there. Business aside muna tayo...

Nicole is still sleeping, hangover pa siguro si lola Nicole. Si Tatay Ramon naman natutulog pa rin. Kaya kami nlng ni Nico ang nagpunta sa kabilang kubo para pakainin ang mga alagang hayop nila. Sanay ako nito noon nung bata pa kami ni Nicole kasi tinutulungan ko sya sa pag-alaaga ng mga hayop nila.

"Woah, ang laki na ni Piggy oh! Siya ba'to?" tanong ko kay Nico.

"Oo siya yan. Ang takaw nga niya eh. Inaagaw pa nga niya yung pagkain ng iba pang baboy. Pero ngayon nahihirapan na siya maglakad kasi ang tanda na niya." kwento ni Nico.

Biik pa si Piggy nung inaalagan namin siya. Ako kasi ang nagbigay ni Piggy kay Nicole dahil gusto niya rin na may inaalaga syang baboy, kaya ayun no choice. Ayaw niya kasi sa mga aso, gusto niya daw maglibang sa mga ganitong klase ng hayop. Gusto niya rin yung mga kambing, manok at kalabaw. Weird nga pero it's her taste, hindi naman ako natu-turn off sa kanya kasi it's her own choice naman eh. I like the way she lives. Hindi sha kagaya ng ibang babae na puro kagandahan at pera lang. Siya yung babae na simple lang at hindi mayabang. Masayahin at napakabait pa, bonus nlng yung beauty niya ;)

"Ang laki mo na Piggy." sabi ko habang pinapakain siya. Ang ingay ng mga 'oink2' nila, ang dami kasi eh. 6 pigs and 5 piglets :) Ang cute nga eh, hindi naman sila marurumi kasi pinapaliguan sila araw-araw.

"Ate, pwede bang magtanong?" tanong ni Nico.

Kinakabahan ako, baka kasi hindi niya ako gusto para maging girlfriend ng ate niya.

"O-oo naman." sagot ko.

"Paano mo malalaman na inlove ka sa isang tao?" tanong niya.

Ang lalim ng tanong niya ah :3 Pero I need to be confident about this, seryoso kasi yung tanong niya eh. Mukhang inlove tong future kapatid ko...

"Hmm.. alam mo Nico, nung highschool pa ako, may na inlove sa akin na babae. Sabi niya raw, hindi siya pumapasok sa school kung wala ako kasi ako daw ang taong nakakapagbuo ng araw niya. Ako raw ang taong gusto nyang makasama araw-araw, yung taong gusto nyang makayakap, mahalikan at marami pang iba. Maraming paraan kung papaano mo malalaman na in love ka sa tao. Hindi mo kailangan isipin yun, kailangan mong ramdamin dito." sabay turo sa puso ko.

"Kaya ang tanong ko sa'yo Nico, naranasan mo na ba ang mga ganung bagay? Na gusto mo na rin siya makasama araw-araw o panghabang buhay?"

Ngumiti lang si Nico, mukhang may inaalala. Tumango naman siya at nagpatuloy naman ako sa pagsasalita.

"Ako rin nga eh. Masaya nga ako kasi tinanggap nyo ako bilang isa sa pamilya nnyo at pati na rin ang panliligaw ko sa ate mo. Mahal na mahal ko talaga si Nics, kaya nga ako nandito para pasayahin siya ng sobra. Kaya kung sino man siya ang nagpatibok sa puso mo, gawin mo ang lahat para mahulog rin siya sa'yo. Pero kung ayaw nya talaga, wala na tayong magagawa dyan. Wala ka namang karapatan para pilitin siya na mahalin ka rin niya kung wala talaga syang nararamdaman dba?"

Biglang nag-iba yung mukha ni Nico. Bakit sha malungkot? May nabanggit ba akong masama o mali?

"S-sorry Nico. Hindi kasi ako magaling sa pag e-explain ng mga bagaybagay eh. At saka di rin ako magaling sa pagbibigay ng advice."

"Tama ka naman ate eh. Wala tayong karapatan para pilitin sila." malungkot na sabi niya.

"M-may problema ba Nico? Ilabas mo yan, hindi ko naman yan sasabihin kahit kanino." at nagpromise na rin ako sa kanya to keep it as a secret.

"Nakilala ko sya dahil sa mga barkada ko. Naging friends na rin kami nun. Di ko naman kayang sabihin sa kanya baka kasi masisira lang yung friendship namin. Plus, matindi ang galit nya sa mga mahihirap na katulad ko. Hindi nya alam na galing ako sa mahirap na pamilya. Di ko nga alam kung bakit ganun ang tingin nya sa aming mga mahihirap, pero kahit ganun kasakit ang kanyang sinasabi, hndi pa rin nagbago ang tingin ko sa kanya. May boyfriend sha nun, ang masaklap pa nun ay ang bestfriend ko pa ang naging boyfriend nya, porket mayaman, gwapo at maputi. Malayo naman ako sa boyfriend nya eh, tapos hindi nya rin ako type. Ano pa ba ang magagawa ko? Malayo ako sa expectations nya. Sinubukan kong umiwas at lumayo sa kanya para mawala na siya sa isip at puso ko. Nakapagmove on na sana ako, but one time, nakita ko sya sa isang bar na malapit lang sa school namin. Lasing sya nun at pa gewang-gewang na lumalakad sa daan. Inalayan ko siya papunta sa dorm niya, then bigla nya akong hinila at hinalikan sa labi. Para akong nakuryente nung hinalikan nya ako, di ko inasahan na mangyayari yun. Nagulat ako nun kay naitulak ko siya palayo sa akin. Unang beses ko yun, na makipaghalikan sa babae, at sa taong minamahal ko pa. Umiiyak sya nun dahil nakipagbreak yung bf nya. Hindi ko nga maipaliwanag ang nararamdaman ko nun eh. Akala ko wala na akong nararamdaman sa kanya, pero bakit meron pa rin? Ilang araw ang nakalipas, sinubukan kong manligaw sa kanya. Alam na rin nya na gusto ko siya dahil umamin ako nung araw na hinalikan nya ako. Okay lang daw sa kanya kaya nanligaw ako. Araw-araw ko syang hinaharanahan sa klase at araw-araw ko rin syang hinahatid sa dorm niya. Sinabi nya rin sa akin na parang gusto na rin daw nya ako kaya hindi na 'ko nagpaligoy-ligoy pa na magtanong sa kanya kung gusto nya ba ako magiging bf niya. She said yes that time, ang saya ko nga nun eh. Di ko inakala na mapapa 'oo' ko siya. Naging kami for 3 months, pero ang hirap ng pinagdaanan ko. Nagsinungaling ako sa kanya, akala nya mayaman ako kasi pinapadalhan ko sya ng mga chocolates araw-araw. Kung alam nya lang na nauubos ang allowance ko sa kakabili ng mga gifts ko para sa kanya. Hindi naman sya nagreklamo kung bakit minsan lang ako nagtetext sa kanya. Wala naman akong cp, humihiram lang ako sa mga kaibigan ko at umuutang ng load para lang makatext ko siya. Naging mahirap pero masaya naman ako dahil napapasaya ko siya. Pero biglang naglaho ang lahat nung nalaman nya na mahirap pala ako. Ang dami nyang sinabi na nakakasakit sa kalooban ko. Manloloko daw ako, sinungaling pero totoo naman talaga eh. Kung naging totoo lang ako noon, hindi sana ako masasaktan ng ganito. Nahihiya na nga akong pumunta sa paaralan eh, kasi sabi niya ayaw na daw niya akong makita. Mapapahiya ko daw siya dahil aasarin daw siya ng mga kaibigan niya na bakit daw siya nakipagboyfriend sa katulad kong mahirap." malungkot na kwento ni Nico.

Hindi ko inakala na ganito pala kalungkot ang pinagdadaanan ni Nico sa lovelife. Akala ko nga masayahin siya eh kasi inaasar niya palagi yung ate niya tapos siya yung joker sa pamilya.\

"Hanggang ngayon pa rin ba Nico? Mahal mo pa rin siya?" tanong ko.

"Mahal na mahal." sagot niya.

"Nasubukan mo na bang mag move on?" tanong ko.

"O-oo. Pero ang hirap." sagot niya.

Nag-isip ako ng paraan para mapasaya yung future kapatid ko. Marami naman ang pumapasok sa isip ko pero ang hirap gawin para sa edad niya.

"Hmmm.. ilang taon ka na Nico?" tanong ko.

"B-bakit mo naitanong yun ate?" pagtataka niya.

"Basta. May solusyon kasi ako dyan sa problema mo." sagot ko naman.

"19."

Tamang-tama!

"Good!" napangiti ako sa idea ko.

"B-bakit ate? Ano naman ang iniisip mo?" tanong niya.

"Magtatrabaho ka sa company ko at tutulungan kita para ma inlove ulit siya sa'yo." nakangiting sabi ko.

"H-ha?! Sigurado ka ate?!" gulat na sigaw niya.

"Sshhh wag kang maingay. Hihingi ako ng permiso sa mga magulang mo. Pagkatapos mong mag graduate, trabaho ka kaagad sa company ko. Tapos may bonus ka sa sweldo. Ako na ang bahala sa bahay, pagkain at ano pang gastusin. Tutulungan kita para bumalik siya sa'yo. Ipamukha natin sa babaeng yun na karapatdapat ka sa kanya." sabay kindat ko pa.

Pumalakpak naman siya dahil sa idea ko. Ang saya niya nung narinig niya ang plano. Kung naging lalake si Nicole, si Nico talaga ang magiging kamukha niya. Para syang boy version ni Nics, ang cute nga eh.

"Thank you ate! Thank you!" at niyakap niya ako.

"No problem yun. All you need is patience Nico. Ako na ang bahala sa'yo."

Para na akong si Genie nito, tinutupad ang mga wishes ng mga tao at saka para magiging masaya na rin sila :))

"Mukhang ang saya nyo ah."

Nagulat kami ni Nico ng biglang nagsalita si Nicole sa likuran namin.

"Eh kasi bibigyan daw ako ni ate ng slot sa trabaho pagkatapos kong mag-aral ng college. Siya na rin daw ang gagastos sa titirahan at kakailanganin ko." masayang sabi ni Nico.

Halatang nagulat rin si Nicole, napa nga-nga siya eh and her eyes open wide.

"Totoo ba yun?" hindi talaga sya makapaniwala sa sinabi ni Nico. Nagwink nlng ako at ngumiti sa kanya.

"B-bakit mo naman kailangan gawin yun Khym? Kaya ko naman silang--"

"No, it's okay. Tinutulungan ko lang yung future kapatid ko sa problems nya sa love life." pinutol ko agad yung pagsasalita nya. Halata namang namula sha nung narinig nya yung 'future kapatid'.

"L-lovelife? I-ikaw Nico ha, ang bata-bata mo pa para--"

"W-wag kang maniwala kay ate Khym! Biro lang nya yun noh!" pagsisinungaling ni Nico.

"Hayy naku, uwi na nga tayo. Hinahanap na kayo ni mama. Kakain na daw." sabi ni Nicole.

Sabay-sabay na kaming bumalik sa bahay para kumain ng almusal. As usual ganun pa rin, may asaran, tawanan at marami pang iba. Pagkatapos namin kumain, nag impake na ako kasi uuwi na kami mamaya pagkatapos ng lunch. Ganun na rin ang ginawa ni Nicole.

"Mamimiss mo naman cla." sabi ko sa kanya.

Napabuntong hininga sya at nagpinta ng malungkot na mukha bago sumagot, "Oo nga eh. Matagal-tagal pa din bago ko sila makita ulit." sabi niya.

Lumapit ako at pinaharap ko siya sakin, "Andito naman ako eh." sabi ko sabay halik sa ilong niya. Napangiti naman siya nung gnawa ko yun.

"Ikaw talaga." at humalik din sya sa ilong ko.


.

.

.

*fast forward*

"Mamimiss ko naman po kayo." malungkot na sabi ni Nicole kay mama niya.

"Mamimiss ka rin namin anak. Ingat kayo sa byahe ha?" sabay yakap nito sa anak nya.

"Opo nay."

Tinapik naman ni Tatay Ramon yung balikat ko at bumulong ng, "Ikaw na bahala sa anak ko."

Napangiti naman ako sa bilin nya. Sumaludo ako sabay sabi, "Yes sir!"

Nag thumbs up naman si tatay at pagkatapos nun, pumunta na sha kay Nicole para magpaalam.

Nakipag high five naman ako kay Nico, parang bestfriends na kami eh XD Nagpaalam at nakipagbeso na rin si mommy sa kanila.

Pumasok na kami sa kotse, nakatingin pa rin si Nics sa pamilya niya. Mukhang mamimiss nya ito ng sobrang sobra. Dahan-dahan ko ng pinatakbo yung kotse ko at nagdrive na ako pauwi sa Maynila.

-------------------------------

Tim says: Thank you for reading guys! Sorry kung medyo boring ang chapter na ito. Tungkol kasi eto sa lovelife ni Nico eh, and I'm also planning to write another story about Nico and his love. I need your help guys, please comment below kung sang-ayon kayo sa idea ko :)) Thanks!

Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 60.5K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
778K 37.9K 24
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
618K 22.4K 32
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...