Split Again

By JellOfAllTrades

1.5M 42K 9.4K

Graduate na ng psychology si Genesis at nagtratrabaho na para sa isang malaking kumpanya. Si Raegan naman nas... More

Split Again (GirlXGirl)
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
From the Author

Chapter 27

17.4K 783 270
By JellOfAllTrades

Split Again by JellOfAllTrades
Chapter 27

"Genesiiiiiiiiis," 

"Doctor Haaaaaiiiiiiiil," balik ko sa mahabang pagsabi niya sa pangalan ko.

"Miss na kita, kelan ba tayo pwedeng lumabas ulit?" Tanong ni Hail sa kabilang linya.

"Hindi ko alam." Sagot ko sa kanya. "Alam mo namang hectic na rin ang sched ko."

"Nag-masteral ka lang nakalimutan mo na ako." Nagtatampong sabi ni Hail. "C'mon, it's only been three months, you're not really that busy with school di ba?"

Napairap ako kahit alam ko namang hindi niya ako nakikita. "Hail, I barely have enough time for myself lately."

"I'm a doctor doing full shifts every goddamn time and I still have enough time for myself." Balik ni Hail. "Have you ever heard of work-life balance? Work hard, play harder? Time management?"

Napahikab ako at napatingin sa orasan. 1:39AM. Hindi pa ako ako natutulog since kahapon at nararamdaman ko na ang bigat ng pakiramdam ko

"Can we just stay at home if you really want to hang out? Pagod ako sa trabaho at hindi pa ako tapos sa pinapagawang paper sa akin ng prof ko."

"Movie marathon?" 

"If you don't mind me snoring halfway through the first movie, sure."

Ilang segundo bago sumagot si Hail, tila nag iisip ng isasagot sa akin. "Why don't I just spend the night at your place, dalhin ko si Jaguar tapos tulungan kita sa paper mo?"

Napaayos ako ng upo. "Seryoso ka?"

"May interest din naman ako sa clinical psychology, why not? I'm sure I'll be of some help somewhere. The brain is my specialty."

Natawa ako, minsan sa mga kalokohan niya nalilimutan kong neurosurgeon nga pala siya. "Sige. Pero make sure nasa good mood si Jaguar. Pag ako inatake niyang pusa mo sisipain ko siya palabas ng bahay!"

"Hoy! Animal cruelty yun!"

"Wala akong paki, animal cruelty din siya sa akin!"

"Kasi hayop ka?"

"Oo."

Natawa si Hail sa sagot ko.

"Punta ka na lang dito sa bahay. Dala kang foods!" 

"May request ba ang mahal na reyna?"

Natigilan ako sa sinabi niya, naalala bigla ang lolo't lola ni Raegan. Ang King at Queen ng Familia Olympia. 

"Genesis?"

"Ikaw na bahala, basta bring enough para may food din si Mama. Bayaran na lang kita dito sa bahay."

"Hmm, okay. Mga anong oras?"

"Lunch?"

"Okay, I'll see you tomorrow."

"See you tomorrow."

Tinapos ko na ang call at itinabi ang cellphone ko. Tiningnan ko ang desk ko kung saan nakabukas ang laptop ko sa paper na kaninang after dinner ko pa sinusulat. Pagod na ako. Bukas ko na lang itutuloy ang pagsusulat.

Kinuha ko ang towel ko na nakasabit sa likuran ng pinto ko at pumuntang CR. Gusto kong mag-half bath bago matulog.

Sa CR, pinuyod ko ang buhok ko at saka naghubad ng damit. Nang buksan ko ang shower ay agad na tumama sa katawan ko ang malamig na tubig na gumising sa diwa ko.

Kumusta na kaya si Raegan? 

Halos limang buwan na noong nagbreak kami at huling nagkita. Matagal na rin noong huli akong tinawagan ni Alexa para kumbinsihin akong balikan si Raegan. Minsan natetempt akong tawagan si Alexa para kumustahin siya at si Raegan, pero alam kong busy siya sa best friend niya. Hindi na rin ako magtataka kung sa tinagal na panahon na kasama nila Raegan si Katarina ay alam na niya ang totoo.

Pano kaya hinandle ni Katarina ang balitang may split personality ang girlfriend niya? Sila pa kaya? Kelan kaya ang kasal nila?

Binasa ko ang mukha ko. Ilang buwan na pero hindi pa rin mawala wala sa isip ko si Raegan, si Alexa, si Katarina at ang Familia Olympia. 

Matapos ko mag-half bath ay natulog na ako. Dahil sa pagod ko ay madali akong nakatulog.

===========

"You look like shit." Bati ni Hail nang pagbuksan ko siyang pinto. "Natulog ka ba?"

"Oo." Di ko na pinansin ang kumento niya at tinulungan siya sa dala niyang pizza.

"Kelan ba tayo huling nagkita? You look like you've aged 5 years since we last saw each other."

"Wag kang OA, nag-coffee tayo last month."

"You need a new haircut." Puna ni Hail sa buhok ko. "It's growing too long."

"Gusto mo lang ata ako akitin sa labas eh." Tawa ko. "You want to get your hair colored, no?"

Medyo pansin na rin kasi ang brown hair ni Hail at mahaba na rin ang undercut niya.

"Actually, yeah. Pero kung ayaw mo talaga, wala naman akong magagawa."

"Asan pala si Jaguar?"

"Tinataguan ako. Ayaw niya ata sumama kaya iniwan ko na lang."

"Okay."

Nasa kitchen si mama kaya doon kami dumeretso ni Hail. Inilapag namin ang pagkaing dala niya at naghain na ako.

Nang matapos kami kumain ay pumunta kami ni Hail sa kwarto ko kung saan naghihintay sa akin ang research paper ko. 

Naupo si Hail sa kama habang ako naman ay naupo sa chair sa desk ko. Kinuha ko yung laptop at iniabot kay Hail. 

"It's not much but I'll appreciate anything from you."

"Okay, teka. Basahin ko lang to."

Habang nagbabasa si Hail ay naisipan kong ayusin ang desk ko. Tinapon ko ang mga dapat itapon at itinabi ang mga dapat itabi. Ibabalik ko na sana yung sticky notes ko sa pinaka ilalim na drawer ko nang mapansin ko ang isang envelope sa loob. Hindi ko maalala kung anong laman noon kaya kinuha ko ito at binuksan.

"Oh, shit."

Nanlaki ang mga mata ko nang marealize ko kung ano yung envelope na binuksan ko. 

"Bakit, ano yun?" Napatingin sa akin si Hail.

"I....I opened it."

"What's that?" Itinabi ni Hail ang laptop ko at nilapitan ako.

Inabot ko kay Hail yung envelope at tiningnan niya ang unang papel sa loob.

"Henry?" Nakakunot ang noo ni Hail nang tingnan ako. "Who's this?"

"Totoong tatay ko."

"What?" Nanlaki ang mga mata ni Hail at muling ibinalik ang tingin sa papel na hawak niya. "How did you get his papers?"

"Binigay ni Mama." Paliwanag ko. "Pinahanap niya iyang lalaking yan tapos binigay niya sa akin yang envelope. Ang tagal na niyan sa drawer ko, nalimutan ko nang andito yan."

"Sa Switzerland pala pinanganak ang tatay mo, Genesis." Manghang sabi ni Hail.

I'm torn between feeling angry at him and curiosity. Gusto ko malaman ang lahat ng pwede kong malaman sa kanya. Kailangan ko lang tingnan ang laman ng envelope. Pero pinipigilan ako ng galit ko.

May kinuha sa loob ng envelope si Hail. "Genesis, you have your dad's eyes."

"Ha?"

Inabot sa akin ni Hail ang picture ng isang lalaki. Ang totoong tatay ko.

Mukha siyang nasa 20s pa lang niya. Kulay brown ang buhok niya at brownish ang mga mata niyang hugis almond. Tama si Hail, pareho kami ng mga mata.

Nakangiti siya at napansin kong hawig nga kami ng labi. Perpektong puti ang mga ngipin niya. Mukha siyang may ibang lahi. Pero sabi nga ni Hail kanina ay sa Switzerland siya pinanganak kaya hindi na ako magtataka kung may ibang lahi nga siya.

So may ibang lahi rin ako?

"You okay?" 

Napatingin ako kay Hail. "You're right, I have his eyes."

"Do you want to read his papers?"

Pinagisipan ko kung handa na ba akong makilala ang totoong tatay ko pero bago pa ako makasagot ay may kumatok sa pinto, maya maya ay bumukas ito at sumilip sa loob si Mama.

"Anak?"

"Po?" Napatayo ako at ibinalik kay Hail ang picture ng tatay ko. 

Nakita ni Mama ang picture kaya binigyan niya ako ng maliit na ngiti. "Binuksan mo na pala ang envelope niya."

"Aksidente lang po. Hindi ko alam na papeles niya yung laman ng envelope."

Lumapit sa akin si Mama at hinawakan ako sa may pisngi. Mukha siyang naiiyak. "Gusto kong magpaka-Harry Potter sayo right now."

"Ha?"

"You have your father's eyes."

Natawa si Hail sa sinabi ni Mama at napangiti naman kaming dalawa ni Mama. Minsan talaga may pagka-corny siya.

"Anyway, pwede ko ba kayong imbitahan muna sa may sala? May bisita ka, Genesis."

Nagkatinginan kami ni Hail. Wala naman akong ibang inimbita para maki-hang out sa amin. Nagkibit balikat rin lang si Hail kaya alam kong wala siyang ideya sa kung anong sinasabi ni Mama.

"Sino po?"

"Si Alexa."

Nagulat ako sa sinabi ni Mama, tiningnan ko si Hail pero mukhang wala naman siyang ideya kung sino si Alexa.

"Hail, dito ka muna sa kwarto. Harapin ko lang si Alexa." Sabi ko kay Hail. For sure paguusapan namin ni Alexa si Raegan at hindi pa alam ni Hail ang lahat tungkol sa ex ko. Baka mapag usapan namin ang sakit ni Raegan.

"Oh, okay. I wanted to meet this Alexa but sure." Bumalik siya sa pagkakaupo sa kama at kinuha yung envelope. "Is it all right if I read your dad's papers?"

"Okay lang. I'll read it later."

Sumunod ako kay Mama sa labas ng kwarto at hinarap si Alexa sa living room. 

"Hello," bati ko sa kaibigan ko. Humaba na ang buhok niya at itim na itim na ito. Medyo tumaba rin siya simula noong huli kaming nagkita.

"Gene," lumapit si Alexa sa akin para yakapin ako. Niyakap ko naman siya pabalik.

"Sa kwarto lang ako." Paalam naman ni Mama at pumasok na sa kwarto niya. Naiwan kaming dalawa ni Alexa sa sala.

"Pasensya na kung bigla akong bumisita. Kailangan lang kasi kita makausap." Panimula ni Alexa.

"Tungkol kay Raegan ba?"

Mukhang guilty si Alexa sa sinabi ko pero tumango siya.

"Alexa, you saw what happened. I can't go back to her."

"Kahit ba sabihin ko sayong may chance ka pa?"

"What do you mean?"

"Raegan is under ate Marian's care na and Katarina is completely oblivious to her split personality."

Naalala ko si Mam Marian Perez na professor ko noong nasa St. Scholastica ako at kakilala pala nila Raegan at Alexa. Si Mam Perez ang fiance ng kuya ni Raegan bago ito namatay sa car accident kasama ang iba pang mga miyembro ng Luces family.

"Well, that's good news. Magaling na psychologist si Mam Perez." Sabi ko. "Pero anong ibig mong sabihin na hindi alam ni Katarina na may split personality si Raegan?"

"Just as I said, wala siyang alam sa pagiiba ng personality ni Raegan." Paliwanag ni Alexa. "Si Oli na ang main personality ni Raegan ngayon pero pag lumabas si Raegan mismo, hindi siya nagsasalita. Katarina keeps on assuming na wala lang sa mood si Raegan kapag ganoon."

"Okay." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa mga sinasabi ni Alexa. Kung ginagamot naman na pala si Raegan, bakit kailangan niya akong puntahan ngayon? It's been months. Nananahimik na ako.

"Look, things didn't end well with you and Raegan, I know. I saw everything." Hinawakan ni Alexa ang kamay ko. "But I'm asking this, one last time, before it's too late."

Umiwas ako ng tingin, muling naaalala ang ginawa ni Raegan at Katarina sa condo.

"Raegan's engagement to Katarina is still unofficial. But it's going to be announced on the Winter Solstice party soon. Sa birthday ni Raegan."

December 21. It's three weeks away.

"Pag naiannounce na ang engagement nila, final na yun. Plans will start moving and whether or not Raegan wants to get married to Katarina, hindi na siya pwede umatras. Unless if she wants to get disowned by the Familia and thrown to some distant country."

"Genesis, I think you need to see this."

Napatingin kami ni Alexa kay Hail na lumabas ng kwarto ko at hawak hawak ang papeles ng tatay ko.

"Hail, I told you to stay inside." Sinamaan ko siya ng tingin.

"Yeah, I know. But there's a death certificate in here." Pinakita ni Hail yung papel na hawak niya. "And it's dated before you were born."

Natigilan ako sa sinabi niya at napapikit. Nalilito ako sa kung ano bang dapat kong maramdaman. Naaalala ko yung galit ko kay Raegan at Katarina, at the same time, nagagalit din ako sa totoong tatay ko. Naiinis ako kay Hail at lalo niyang ginugulo ang isip ko.

"Hello," bati ni Hail kay Alexa na naka-nganga lang sa aming dalawa.

"You're friends with her?" Tanong ni Alexa sa akin, tinuturo si Hail.

"Yes."

"You're from the Apollo house! You're the one supposed to be engaged to Percy!" 

"Woah, lady. I don't know what you're talking about!" Napaatras si Hail sa biglaang pagkagalit ni Alexa.

"Ikaw si Hailey Cadwell di ba?" Masamang tingin ni Alexa kay Hail. "Di ba?!"

"Alexa, wag ka sumigaw." Hinawakan ko si Alexa bago pa niya maisipang saktan si Hail.

"Ako nga." Sagot ni Hail. "But I'm inactive from the Familia since I went to med school."

"Percy's parents wanted you for him." Masama ang loob na kwento ni Alexa. "But your family said no."

Parang maiiyak si Alexa sa kwento niya. 

"You should have been the one married to Percy!" Napaatras si Hail sa pagsigaw ni Alexa. "Ikaw dapat! Hindi ako!"

Napaupo na lang si Alexa at may nakatakas na isang luha sa mga mata niya.

Tinabihan ko siya at hinimas ang likod niya. "Hey, wag ka na umiyak."

Lumuhod si Hail sa harapan ni Alexa. "I'm sorry about your engagement. I didn't know the Familia was interested with me and my family."

Pinunasan ni Alexa ang pisngi niya. "I'm sorry, medyo stressed lang talaga ako right now. Seeing you made me snap."

"It's all right. I guess I look a little off putting, eh?" Ngumiti si Hail.

Napakunot bigla ang noo ni Alexa. "Si Uncle Howard ba yan?"

Tinuro ni Alexa ang picture ng tatay ko na hawak ni Hail.

"I don't think so. This guy's named Henry." Sagot ni Hail. 

"Sino yan?" Tanong ni Alexa at tiningnan ako. 

Nagkatinginan kami ni Hail, alam niya kasing siya pa lang ang pinagsasabihan ko ng sikreto namin ni Mama. Ni hindi alam ni Alexa kung anong nangyari kay Papa kasi never namin napagusapan.

"Tatay ko." Mahinang sagot ko kay Alexa.

Napakunot ang noo ni Alexa. "That's not your dad. I saw his picture."

Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya. "Anong nakita mo yung picture niya?"

"Di ba pinabackground check kita before? I know your dad worked for the Army and died when you were just a kid. I saw a picture of him and he's dark skinned and has black hair. That's not your dad.... di ba?"

Nagkatinginan ulit kami ni Hail. 

"Well, I think si Papa yung nakita mo." Panimula ko. "This guy, siya yung totoong ama ko."

"Wait, what?"

Tahimik lang si Hail na naupo sa tabi ko. 

"Boyfriend to ni Mama. Actually, fiance pa nga. Pero umalis siya at nawala. Hindi na niya nalaman na nabuntis niya si Mama. Nung nalaman ni Papa na buntis si Mama at hindi na nakabalik si Henry, siya na yung nanagot sa amin."

"Patingin ako?" Inabot ni Alexa ang picture ni Henry, ng ama ko.

"It says here that he died of a heart attack July 3, 1995. Di ba February 14, 1996 ang birthday mo?" Pinakita ni Hail ang death certificate na hawak niya. "That would explain why he never returned to Doctora."

Last Name: Rayleigh
First Name: Henry
Middle Name: Vetsch
Date of Death: July 3, 1995
Cause of Death: Myocardial infarction

"Myocardial infaction?" Tanong ko kay Hail. 

"Medical term for heart attack." Sagot ni Hail.

Medyo nahiya ako sa sarili ko. Ilang taon akong nagalit sa tatay ko sa pag iwan niya sa amin yun pala ay namatay siya kaya hindi na siya nakabalik.

"Oh my gods," mahinang sabi ni Alexa.

"Bakit?"

"You're a Rayleigh." Gulat na gulat na sabi ni Alexa sa akin.

"By blood, yeah, I guess." Sagot ko. "Honestly, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayong alam ko na kung bakit hindi siya nakabalik sa amin ni Mama."

"Genesis, you're a Rayleigh." Napakapit sa akin si Alexa.

"Yeah, I know, I know."

"You don't get it, do you?" Hindi pa rin makapaniwala na sabi ni Alexa. "You're a Rayleigh. Kapatid ni uncle Howard si Henry, tatay mo."

"Ha?"

"Hindi mo natatandaan si uncle Howard?" Tanong pa ni Alexa. "Siya na lang ang natitirang Rayleigh ng House Chronos. Sa mansion niya tayo nagprepare ng  surprise birthday party ni Raegan noon!"

Kinuha ni Alexa ang death certificate ni Henry. "Look here, he died in a hospital in Lucena. That's close to the Familia compound. I bet he was with the Chronos family when he died!"

Naalala ko na si uncle Howard nila. Matanda na siya, probably around his 60s. Mabait at tahimik na tao.

"Genesis, you're part of the Familia Olympia!" 

Nagkatinginan kami ni Hail. Pakiramdam ko hihimatayin ako sa mga nalalaman ko. Hindi ako makahinga ng maayos. Napakapit ako kay Hail.

"Are you all right? You're pale. Gusto mo ba ng tubig?" Alok ni Hail.

"Ako na kukuha." Tumayo si Alexa at pumuntang kitchen.

Sumandal ako kay Hail, sumama bigla ang pakiramdam ko.

"Are you all right?"

"Hihimatayin ata ako."

Tiningnan ako ni Hail. "You're really pale. I think you're undergoing some sort of shock. Huminga ka lang."

Pinaypayan ako ni Hail at bumalik na si Alexa na may dala dalang isang baso ng tubig. Pinainom niya ako.

"Genesis, do you know what being a Rayleigh means?" Excited na sabi ni Alexa.

"Hey, she's not okay. Can we talk about the Rayleigh thing later?" Sabi naman ni Hail.

Gusto kong pasalamatan si Hail pero ang sama kasi talaga ng pakiramdam ko. Pakiramdam ko masusuka ako.

"Here, I'll take you to bed." Inalalayan ako ni Hail na tumayo pero nang muntikan na akong bumigay ay binuhat na niya ako.

Gusto ko sanang magpababa kay Hail kasi naaalala kong mahilig akong buhatin ng ganito ni Raegan kaso bago pa ako makapagsalita ay nawalan na ako ng malay.

================

"Genesis," may tumatawag sa akin at tumingin ako sa madilim na paligid para mahanap kung sino iyon. "Genesis."

"Sino ka?"

May lumapit sa akin na lalaki. Matangkad siya, mas matangkad kay Hail o kay Raegan. Brown ang buhok niya at ang mata niya. Nakangiti siya.

"Genesis,"

"Henry?"

Mas lalo pang lumapad ang ngiti niya.

May dumating at tinulak niya si Henry papalayo. Napatingin ako sa bagong dating at napaatras nang makita si Raegan pero nakalugay ang mahaba niyang buhok. "Sky!"

Akmang lalapit siya sa akin pero napatikwas ako sa pwesto ko at nagising ako sa panaginip ko.

Napatingin ako sa paligid. Nasa kwarto na ako. Walang ibang tao. 

Napahawak ako sa ulo ko nang maramdaman ko ang sakit nito. Nauuhaw pati ako.

Naalala ko ang panaginip ko. Si Henry Rayleigh ang totoo kong ama at miyembro siya ng Familia Olympia. Si Raegan, pero nakalugay ang buhok niya. Tinawag niya akong Sky.

Tumayo ako at lumabas ng kwarto, sa sala ay naabutan kong naguusap si Hail, Alex at si Mama.

"Genesis!" Napatayo si Hail nang nakita niya ako. "You shouldn't have stood up. Dun ka muna sa kwarto. I'll get you some water."

"I'm fine. Anong nangyari sa akin?"

"Anemic ka na and you haven't had much rest. You passed out. Naistress ka ata sa mga nalaman mo kanina." Paliwanag ni Hail at inalalayan akong maupo sa sofa. "Teka, I'll go get you some water."

"Thank you."

"Kumusta ka?" Nag aalalang hawak ni Mama sa noo ko at saka sa leeg ko, tila tinitingnan kung nilalagnat ako.

"Okay lang po."

Nakabalik na si Hail na may dalang tubig at agad ko itong ininom. 

Tinitingnan lang ako ni Alexa, mukhang nagiguilty siya sa nangyari sa akin. Pinipilit niya kasing pagusapan namin yung Rayleigh issue kanina.

"Matalino siya, si Henry." Hawak hawak ni Mama ang picture ng tatay ko. "Palabiro rin siya."

"Pwede po ba naming malaman kung pano kayo nagkakilala? Bakit umalis siya?" Tanong ni Alexa. "Pero kung ayaw niyo naman po pag usapan, okay lang din naman po."

Tiningnan ako ni Mama, tila nanghihingi ng permiso na ikwento ang love story nila ng totoong tatay ko. Tumango lang ako sa kanya. I guess it's just about time na malaman ko na ang totoo. Pinagkakatiwalaan ko naman si Alexa at si Hail, okay lang na marinig nila ang kung ano mang ikukwento ni Mama.

"Nakilala ko si Henry sa airport. Kababalik ko lang galing Amerika dahil sa masters ko." Panimula ni Mama. "Nakatabi ko lang siya noon sa pila sa taxi. Seeing na pareho kaming walang kasama, kinausap niya ako at ibinigay sa akin ang isang relo na sabi niya ay gawa niya."

Walang nagsalita sa aming tatlo at huminga lang ng malalim si Mama bago nagpatuloy sa kwento niya.

"Ang sabi niya nakipagbreak sa kanya ang girlfriend niya na pagbibigyan niya sana ng relo na iyon. Mukhang same daw kami ng size kaya sa akin na lang daw iyon kasi wala naman na siyang gagawin dun. Nung una ayaw ko tanggapin kasi mukhang mamahalin yung relo pero mapilit siya. Tinanggap ko rin tapos sumakay na ako ng taxi.

"Nung nakauwi ako, nakita ni tito Ramir mo yung relo tapos pinaliwanag niya sa akin na nakakuha ako ng libreng Kronos watch. Hand made daw ang mga ganoong watch at umaabot ng daang libong piso, kung hindi milyon milyon. Nagulat ako syempre kasi hindi ko naman ineexpect na aabutin ng ganoon yung presyo ng relo. Kinwento ni tita Cristy mo na may store daw yung Kronos sa Makati kung gusto ko ibalik yung relo or itrace si Henry."

Umayos ng upo si Mama at napatingin sa kwarto niya. Siguro nakatago sa kwarto ang relong sinasabi niya.

"Pumunta akong Makati at doon sa store, nakita ko ulit si Henry. Apparently, sila ang may ari ng store na yun. Sinubukan kong ibalik yung relo pero ayaw niya tanggapin. Nung inis na inis na ako, inoffer na lang ni Henry na bayaran ko yung relo kung ayaw ko talaga tanggapin yung mamahaling regalo niya. Alam kong hindi ko kayang bayaran yung relo pero tinanong ko pa rin kung magkano ibabayad ko if ever. Ang sabi lang ni Henry, isang dinner date lang ang bayad."

Napangiti ako, naiimagine ko si Mama, inis na inis kay Henry kasi ayaw nito kunin ang relo.

"Ayaw talaga bawiin ni Henry yung relo kaya wala na akong ibang nagawa kundi tanggapin yung offer niya na ilibre ko siya ng dinner." Pagpapatuloy ni Mama. "So, nagdinner kami and ikinwento niya yung ex girlfriend niya na nakipagbreak sa kanya. Masaya siya kausap and by the end of the dinner, hinatid niya ako pauwi. Hanggang sa madalas na siyang bumibisita. Noong una ay magkaibigan lang talaga kami kasi broken hearted siya pero nung lumipas ang ilang buwan, nagkagustuhan na lang rin kami. Naging kami na nga and after some time nagpropose siya sa akin. Pumayag ako. First boy friend ko siya and akala ko siya na talaga."

Napapikit si Mama, halata ang lungkot sa mukha niya. "Umalis siya, ang sabi niya uuwi siya sa kanila para kausapin ang pamilya niya. Ipapakilala niya na raw ako sa kanila. He was supposed to return after a week pero hindi na siya nagparamdam. Naisip ko baka may nangyari lang kaya nadelay siya. But weeks turned to a months and I found out na buntis ako. So bumalik ako sa Makati, sa store nila and nakita ko yung kuya niya dun. Ang sabi niya umalis na ng bansa si Henry at nagpakasal. So umuwi ako sa amin. Nalaman ni Jayson na tinakbuhan ako ni Henry. Umamin siya na matagal na niya akong mahal at inoffer na pananagutan niya ako at si Genesis. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko noong mga panahong iyon kaya pumayag ako."

Naaalala ko yung iilang pictures ni Papa na nakita ko. Masyadong nasaktan si Mama nang mamatay si Papa kaya tinago niya ang mga picture ni Papa at ginawa niya ang lahat para hindi ako maghanap ng ama. Hindi naman siya nagkulang sa akin. At hindi rin naman ako masyado nagtanong. Kuntento na ako sa buhay naming dalawa at sa minsanang pagbisita nila tito Ramir.

"Si Jayson ang kinilalang ama ni Genesis hanggang sa sinabi ko sa kanya ang totoo noon ten years old siya. Pero nagalit lang siya kay Henry kaya wala akong ginawa para hanapin si Henry. Until mag twenty years old si Genesis nitong February." Patuloy na kwento ni Mama. "Naghire ako ng private investigator at iyang envelope na yan ang lahat ng papel na nahanap niya. Hindi ko yan binuksan at binigay ko kaagad kay Genesis pagkakuha ko. Gusto ko siya ang unang makaalam sa kung sino ang tatay niya at anong nangyari sa kanya."

"I'm sorry," mahina kong sabi kay Mama. "I should have opened it sooner para nalaman mo agad kung bakit hindi siya nakabalik."

Niyakap ako ni Mama. "Okay lang, nak. Alam ko namang galit ka sa kanya eh. Naiintindihan kita. Ang totoo niyan, medyo galit din ako sa kanya noon. Pero ngayong alam na natin ang totoo, pwede na natin siya mapatawad."

"Well that answers a lot of questions." Sabi ni Alexa. Halos nalimutan ko nang andito pala sila ni Hail. "But I'm curious kung bakit sinabi ni uncle Howard na umalis si Henry at nagpakasal sa iba kung namatay na pala siya?"

"Hindi ko rin alam. But Henry did tell me na may pagka-playboy siya noong college siya. Baka akala niya hinahabol ko si Henry."

"Maybe."

"We should ask uncle Howard ourselves." Sabi ni Alexa. "Also, we need to convince him to take a DNA test with you."

"Alexa, I think you're being rude here." Singit ni Hail. "Kakasabi lang ni Dra. Beltran na si Henry yung tatay ni Genesis and you want Genesis to take a DNA test?"

"That's not what I mean." Mabilis na tugon ni Alexa. "What I mean is that the family would like to have some concrete evidence na Rayleigh si Genesis."

"Ayan ka na naman eh." Naiinis na sabi ko kay Alexa. "Eh ano ngayon kung Rayleigh ako?"

"Genesis, the Rayleighs are one of the first family in the Familia. Along with the Imperial, Castor and Chauvin families." Paliwanag ni Alexa. "If we can prove you're of a pureblood Rayleigh, you have a better chance at getting Raegan than Katarina!"

Tiningnan lang kami ni Mama, hindi naiintindihan kung ano yung pinaguusapan namin. I guess I'll have to tell her about the Familia Olympia some day. Pero hindi ngayon.

"Alexa, let's not talk about this right now."

"Pero--!"

"I said no. I'm done with all this stuff for today." Tumayo na ako. "Thank you for coming, Alexa."

Halatang nasaktan si Alexa sa sinabi ko at sa biglaang pagpapaalis ko sa kanya. Hindi kaagad siya nakasagot.

"Alexa, I appreciate your concern for my past relationship with Raegan but please, this is all too much. Give me some time to think about all of this."

Lumunok si Alexa at binigyan ako ng isang maliit na ngiti. "Okay, I understand."

Tumayo na si Alexa at sumunod sila Mama at Hail. 

"Will you call me when you're done thinking?" Tanong ni Alexa.

"I will."

"That's good enough for me. I just hope you make up your mind before the 21st."

"I'll try."

Tiningnan ni Alexa si Mama. "Thank you for having me, Doktora. Hail, it was nice to meet you." 

Tumango si Hail. "Pleasure is mine."

"Magiingat ka pauwi."

Hinatid ni Mama si Alexa palabas ng pinto at nagkatinginan kami ni Hail. 

"Should I leave na rin?" Tanong niya sa akin.

"Binasa mo na ba yung research paper ko?" Tanong ko sa kanya.

Ngumiti si Hail. "Hindi pa."

"Then go get my laptop, we have work to do."


===============

A/N:

Special thanks ulit for my wonderful girlfriend Vii na hindi pa binabawi ang netbook niya sa akin. Sa akin na lang ba to? hahahaha

Hello rin sa cheerdance teammates ko, alam niyo na kung sino kayo! Saka sa mga dati kong kaklase na readers ko pala! Sana nageenjoy kayo sa pagbabasa ng kalokohan ko! Alam kong iba na ang tingin niyo sa akin after finding out na ako si JellOfAllTrades. Puro kahalayan pa naman tong librong to. Jusko, nakakahiya hahahahaha

Anyway, salamat sa pagbabasa! Comment niyo na lahat ng reaksyon niyo! I want to know what you're thinking!

(06/08/2018 edit: Genesis was born 1996 not 1995. I'm so sorry. Nalito na ako sa birth year niya. Si Raegan pala yung 1995. Inadjust ko na rin yung year of death ni Henry Rayleigh from 1994 to 1995.)

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 79K 56
[This is a GL story] Date started: March 24, 2017 Date completed: April 29, 2020 Additional chapters: Date Started: May 9, 2020 Date completed: July...
710K 24.6K 42
Athena De Vera, a very famous Celebrity has decided to enroll to a Graduate School Program in order to fulfill what she wants in life. She met her Pr...
1.8M 56.1K 30
~ COMPLETED ~ Side Story 2 of Sweet Surrender 🦋 Started: October 23, 2021 Ended: March 05, 2022 ALL RIGHTS RESERVED 2021 ****UNEDITED****
445K 6.2K 24
Dice and Madisson