Spirits

Slylxymndr द्वारा

448K 22.6K 1.6K

Kapag ang isang bata ay tumungtong na sa edad na 12, sila ay bibigyan ng pagkakataon na pumunta sa spirit for... अधिक

Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
Announcement
22
23
24
25
26
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
Part 2 Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
Announcement!!
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
New Story Teaser
43
44
:)

27

4.4K 217 4
Slylxymndr द्वारा

Sumugod siya sa pwesto ni Scarlet na hudyat ng pagsisimula ng labanan. Umalingawngaw ang sigawan sa bangin. Sumugod na ang aking mga kasama laban sa mga bloodfist.

Biglang lumapit sa akin si Wency at nagtanong.

"Iinumin ko na ba ang ibinigay mo sa akin?"

"Hindi. Mamaya pa. Hindi pa ito ang tamang oras." Sabi ko sa kanya at tinignan ang paligid. Hindi ko tiyak kung paniniwalaan ko ang aking nakikita pero mukhang may pag asa kaming manalo sa labanan.

Pagtingin ko sa aking kanan ay nakita ko ang Centaur. Unti unti itong bumagsak sa lupa. Nang bumagsak ito ay agad yumanig ang lupa.

"Samahan mo ako!" Sabi ko kay Wency at tumkbo kami papunta sa pwesto ng Centaur.

Habang palapit kami ng palapit ay doon ko lang napansin kung gaano talaga ito kalaki. Madami itong sugat sa katawan at ang iba dito ay malalim. Agad kong inilabas ang aking mga potion at naghanap ng pwedeng ipanglunas sa kanyang mga sugat.

"Anong sinagawa mo!?" Tanong sa akin ni Wency.

"Naghahanap ng pwedeng igamot sa kanya." Sagot ko. Pagkapasok ng aking kamay sa aking lagayan ay nakadampot ako ng mga dahon. Agad ko itong inilabas at tinignan kung pwedeng ipanggamot.

"Bata, huwag mo nang sayangin ang mga dahon na dala mo sa akin. Tulungan mo ang Dragon na iyon. Mas malala ang kanyang mga sugat kaysa sa akin." Sabi nito sa akin.

"Hindi pwede. Malubha ang lagay mo. Mamaya ko na siya pupuntahan kapag pwede ka nang iwanan." Sabi ko.

Patuloy kong hinanap ang aking ipanggagamot pero nagsalita siya na ikinatigil ko.

"Unahin mo ang Drqgon na iyon. Mas madami siyang sigqt at siya ang punterya ng mga masasamang taong iyon. Siya ang tulungan mo."

Tinignan ko ito sa kanyang mga mata. Sinsero ang pagkakasabi nito at ang kanyang mukha ay seryoso. Siguro ay kaya nya talaga ang kanyang sarili. Hinawakan ko ang kanyang isang binti atsaka tumango.

"Pero bago ako pumunta sa Dragon,." Inilabas ko ang isang maliit na bote ng potion sa aking bulsa. "Wency, ipaamoy mo ito sa kanya. Unti unti niyang tatanggalin ang bisa ng itim na usok na nalanghap niya kanina." Sabi ko. Tumingin ako sa Centaur at nagsalita ulit.

"Huwag mong hahayaan na makuha ka ng mga Bloodfist." Sabi ko at sabay takbo.

"Huwag mo ring hahayaan ang aking kaibigan" sabi nito.

Sa kabila ng kanilang pagtatalo kanina, nakikita parin niya ang Dragon bilang kaibigan. Mabuting Spirit talaga ang Centaur na iyon. Agad akong tumakbo sa pwesto ng Dragon, Nang biglang may tumalsik na isang espada sa aking harap.

'Kid! Kunin mo ang espadang iyan!' Sabi ni master kaya kinuha ko iyon kaagad at sabay takbo muli. Habang papalapit ako ng papalapit ay bigla akong nagulat nang may humarang sa akin.

Isang bloodfist. Mapayat ito at nakasuot ng armor. Mayroon siyang hawak na espada sa kanyang kamay at isang shield sa kabila.

'Kid, dito na lalabas ang lahat ng pinag aralan at itinuro ko sa iyo. Gamitin mo ang lagat ng natutunan mo para matalo iyang payatot na iyan.' Sabi ni master.

'Opo.'
Agad kong inangat ang hawak kong espada at hinawakan ito ng dalawang kamay. Tinignan kong mabuti ang lalaki at pati siya ay naghanda na sa pagsugod.

"Handa ka na bang mawala, bata?" Sabi nito sabay labas ng kanyang mahabang dila.

Agad siyang sumugod sa pwesto ko. At ilang sandali pa ay nagtapat na ang aming mga espada. Maririnig mo ang kalantsing ng mga piraso ng metal na hawak namin. Nang subukan niya akong tamaan sa paa ay agad ko iyong sinalag at pinuwersa kong itulak ang kanyang katawan. Pagkatulak ko ay agad ko siyang tinamaan sa paa.

"Aaaarrrhh!!" Sigaw niya sabay ng pagbagsak niya sa lupa.

'Magaling, Kid.' Sabi ni master

Agad kong itinapat sa kanyang leeg ang espada. Peri hindi ko iyon magawa. Naawa ako sa lalaking iyon.

"Ituloy mo! Dahil kung hindi, magsisisi ka!" Sabi niya.

Nagtatalo ang aking isip. Hindi ko kayang kumitil ng buhay. Pero sa mukha ng lalaking ito ay halatang sanay itong pumatay. Hindi siya natatakot sa kamatayan.

"Hindi ka ba natatakot mamatay!?" Sabi ko.

Tinitigan niya ako ng masama. Sabay tawa.

"Hahaha! Madaming beses ko nang nakaharap ang kamatayan pero hanggang ngayon ay hindi niya ako nahuhuli. Madami doon ay natatakasan ko. Kaya hindi ako natatakot mamatay." Sabi nito sa akin na may matigas na tono.

Masama ang tao na ito! Pero kahit ganoon ay hindi ko kayang saktan ang tulad niya. Sa aking pag iisip ay sinipa ko ang kanyang sugat sa paa at nagpakawala ng suntok sa kanyang sikmura.

Binitawan ko ang espada na dala ko at nagpatuloy maglakad. Bumulagta siya sa lupa sa lakas ng aking pagsuntok. Habang naglalakad ako palayo ay naramdaman kong may pasugod sa akin. Pag harap ko ay siya parin. Agad akong umiwas sa kanya at pinulot ang shield na malapit sa akin.

"Hindi ka talaga titigil?" Sabi ko.

"Haha! Ang sabi ko kanina, magsisisi ka kapag hindi mo ako tinuluyan!" Sabi nito nang nakamgiti ng masama.

"Akala ko ay kaya kitang talunin gamitnlang ang espada pero mukhang nasanay na ng mgaayos ng iyong guro. Kung ganon ay ipapakita ko sa iyo ang totoo kong anyo!" Sabi niya.

"Morph!" Pagkasigaw niya ay unti unting nabalot ang kanyang buonh katawan ng kaliskis. Unti unti ring tumutubo ang buntot sa kanyang likod at unti unting humahaba ang kanyang nguso. Kasabay nito qng paglaki ng kanyang mga kuko sa kamay at paa. Unti unti ring tumutubo ang mga matutulis niyang ngipin.

"Isang Monster Lizard." Aniko.

Ang monster lizard ay isa sa mga komon na Wild spirit. Madalas itong nakikita sa mga bakawan at mapuputik na mapunong lugar. Iisa lang ang buong kulay nito kapag bata pa pero Kapag nasa tamang edad na ang mga ito, unti unting nagkakaroon ng mga patern ang kanilang mga katawan. Mabibilis ang mga ito kaya medyo mahirap makakuha nito.

"Mabuti at alam mo ang tungkol sa spirit ko. Mag Morph ka na rin dahil ayoko namang nawala ka nalang ng mabilis." Pag insulto nito sa akin ngunit hindi ko iyon dinamdam.

"Ha! Hindi na ako mag aaksaya ng panahon para mag Morph dahil kaya na kitang talunin." Sabi ko kahit wala akong Spirit. Sinabi ko lang iyon para magkaroon siya ng kaunting takot sa akin. At sa kasamaang palad, hindi iyon tumalab.

"Haha! Minamaliit mo ako bata! At dahil duyan, kakaharapin mo ang iyong katapusan! Wah!!" Sigaw niya sabay sugod sa akin.

Bigla akong natakot sa aking nakita kung kaya't napapikit nalang ako. Hindi ko kayang humarap sa isang Spirit Bearer na alam kong hindi ko kayang talunin.

Para akong isang langgam na nakikipaglaban sa isang elepante. Ganoon ang aking nararamdaman. Pakiramdam ko ay namamaliit ako dahil wala akong spirit.

Hinihintay ko nalang ang pagtama ng kanyang mga kuko sa aking katawan pero hanggang ngayon ay hindi ko parin iyon nararamdaman.

"Kid! Takbuhin mo na ang Dragon! Bilis!" Rinig ko. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata at nakita kong tumalsik na ang lalaki sa malayo at tumama sa mga bato. Nang tinignan ko kung sino ay si Zed pala ang nagsalita.

"Zed! Bakit ka nandito! Paano na ang plano natin!" Sabi ko.

"Pinauna ko na sila. Mas mabuti na iyon para pagbalik ko doon ay ililigtas ka nalang ang mga nabihag nila." Sabi nito sabay balibag ng isang Bloodfist. "Atsaka mabuti nang nandito ako para may magpoprotekta sa iyo." Sabi nito.

"Salamat Zed."

"Walang anuman. Kapatid kita kaya kita tinutulungan. Osige na. Puntahan mo na ang Dragon na iyooo-" sabi nito nang biglang may pumulupot sa kanyang paa at humila palayo sa akin. Isang buntot ng ahas.

"Zed!!" Sigaw ko at aakmang patakbo papunta sa kanya pero agad siyang nagsalita.

"Sige na! Kaya ko ito!" Sigaw niya.

'Pumunta ka na sa dragon Kid. Alam kong kaya ni Zed ang kanyang sarili.' Sabi ni master. Nag- aalinlangan man ay tumuloy na ako papunta sa pwesto ng dragon.

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

40.2K 5.8K 122
Year 2091. The virtual reality game called 'EPIC War online' was the most and the biggest hit all over the world in game history. The gaming company...
174K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...
39.7K 2.2K 35
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man.
562K 114K 102
Synopsis: Sa bagong yugto ng buhay ni Finn, isang panibagong pakikipagsapalaran at paglalakbay ang kanyang mararanasan kasama sina Poll, Eon, at Paul...