Without Doubt

By DoroteaDiana

757K 16.5K 3.6K

(For Love # 1) Saniela Victoria Clemente aspires to become a cardiologist like her deceased mother who she tr... More

Without Doubt
Simula *
Unang Kabanata *
Kabanata 2 *
Kabanata 3 *
Kabanata 4 *
Kabanata 5 *
Kabanata 6 *
Kabanata 7 *
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Huling Kabanata
Wakas

Kabanata 36

10.6K 259 29
By DoroteaDiana

Trust

Paulit-ulit niyang inuuntog ang ulo sa nakasara niyang laptop habang paulit-ulit din niyang pinagsasabihan ang sarili. Curiousity kills the cat. Tama sina Heidi, she better not persisted to watch the video because it is better that way. Mas maganda na iyong wala siyang alam, at least she could act normal unlike ngayong may alam siya, the situation just became awkward.

"Are you okay, Mama?"

Mabilis niyang inayos ang sarili bago pumihit dito at malawak na ngumiti.

"Of course, yes, I'm okay!"

Tumango ito bago bumalik sa panonood ng spongebob. Napangiti siya sa nakikita niyang reaksyon dito. Her son is paying close attention to the cartoon he's watching to the point where she finds him cute.

Nilapitan niya ito at umupo sa tabi nito. Kajel involuntarily leans on her while his eyes are still glued on the TV screen.

"Did Paps sent this to you?" turo niya sa stuff toy na yakap nito. Sandaling sumulyap ito sa kanya at tumango bago bumalik ang atensyon sa panonood.

"I'll be on the living room shortly. If you want something just call me." Aniya. Hinalikan niya ito ng minsan sa ulo bago tumayo at lumabas ng kuwarto.

Abala pa rin sa pag-aayos at pagbubuhat ng ibang mga muwebles ang naabutan niya sa may tanggapan. Hindi naman ganoon kadami ang mga gamit ngunit kakailangan mo pa rin talaga ng mga tao na katulong sa pag-aayos ng mga ito.

Nasulyapan niya ang ilan sa mga paintings niya na nakasandal sa isang tabi. Humakbang siya palapit patungo sa mga ito at napangiti nalang ng ang pinakapaborito niya sa lahat ang bumungad sa kanyang paningin.

It was the Blue Domain. The piece she would had took part of the National Painting Contest Exhibit six years ago.

Mas lumapit pa siya rito at masuyong pinakatitigan ang bughaw na bughaw na pinta. Inangat niya ang kamay at marahang pinaglandas ang mga daliri sa bawat detalye nito. It feels nostalgic whenever she sees and touches this painting. The sentimental longing and wistful affection it brings are independently acute.

Muli siyang napangiti nang maalala ang mga panahong ipinipinta pa niya ito. Mixed emotions covered her but it was the feeling of madness that made her this completed. It should be the feeling of affection but the bullshit emotion she felt triggered her to depict her piece.

Lumuluha pa siya habang ipinipinta niya ito kaya pati ang mata na nasa pinta ay mababakasan mo ng kalungkutan. By looking at it, you will feel an emotion of gloom, pain, and disappointment.

Tinigil niya ang kamay sa paglalandas dito at mas magiliw na pinagmasdan ang kanyang nasa harapan. The painting illustrates a guy surfing in an ocean blue eye. The eye however exhibits flowing tears made by the waves where the guy surfs. Kaya mas ramdam mo ang lumbay habang nakatitig dito.

"Ma'am! Saan ko ilalagay iyang mga pinta mo?" tanong ni Mina na nasa kanyang likuran.

Tumikhim siya dahil sa tila may kung anong bumara sa kanyang lalamunan gawa ng ilang minuto niyang pagtitig sa pinta. Humarap siya kay Mina.

"Hindi na, ako na ang bahala sa mga ito." Aniya. Nang tumango ito ay minsan pa siyang sumulyap sa kuwadro, partly thinking what she should do to that painting.

Kinabukasan ay maaga siyang gumising. Tulog pa ang mga kasama niya sa bahay ng lisanin niya ang condo unit upang gawin ang karaniwan niyang ginagawa sa umaga.

The tall trees, sky high buildings, busy street, and the people who jog along her just enlivened her starting day. Alas-singko pa lang ng umaga ngunit gising na gising na ang lansangan.

Dumaan siya sa Casa Italia Café para sa almusal nila. Nang makalabas ng café ay nilakad nalang niya ang daan pabalik sa Forbes.

"I'll go ahead. Ang mga bilin ko, Mina, huwag kalilimutan." Aniya matapos itali ang buhok. Pinasadahan pa niya ng kamay ang suot na pinaghalong kulay puti at berde na bestida at saka inabot ang kulay puting handbag.

"Opo, Ma'am."

Lumapit siya kay Kajel na kumakain ng cereals. Tumingala ito sa kanya gamit ang mga inosenteng bughaw na mga mata. Saglit siyang napatitig sa mga ito bago niya ginawaran ng isang halik sa ulo ang anak.

"Be good while I'm at work." Masuyo niya itong tinapik sa ulo.


PAGPASOK niya sa bukana ng ospital ay siyang pagbuntong-hininga niya. Panibagong araw na naman na puno ng kapaguran. Umpisa pa lang ng araw ngunit tila hapong-hapo na siya.

Matapos niyang suriin ang blood pressure, oxygen, heart sounds, at vital signs ng isang pasyente sa ICU ay siyang paglabas niya ng kwarto. Sinalubong siya ng tila ina at kapatid ng pasyente na kakaopera lang sa puso. The twenty-six year old HCM patient undergone a septal myectomy surgery and Saniela fucking swears how cold her palms were and how stiff she became while assisting the heart surgeon on performing the surgery hours ago. It's her first time kaya para siyang mahihimatay habang pinapanood ang ginagawang paghiwa sa gitna ng dibdib ng pasyente.

"He will be monitored here for about two days bago siya ilipat sa nursing unit. You can expect your son to stay here in the hospital a total of five to seven days, depende sa recovery niya. You can talk to his doctor for further specific guidelines." Paliwanag niya sa ginang na mangiyak-ngiyak sa harapan niya.

Tipid siyang napangiti nang mapait. Parang ang hirap bigkasin ng mga salitang iyon na maaaring sabihin din sa kanya ng ibang mga doktor pagdating ng panahon. She kind of seeing herself on the shoes of the woman in front of her and it makes her very scared. Just imagining her son Kajel taking the operation and having an incision for about six to eight inches on the chest is nerve-wracking. Wala pa man ay nanlalambot na ang kanyang mga tuhod sa samu't-saring mga emosyon.

Sabay-sabay na tumingin sa kanya sina Heidi, Lira, at Pols nang pabagsak niyang ilapag sa lamesa ang tray niya ng pagkain.

"What the—bakit ganyan ang itsura mo? Natulog ka ba?" sinamaan niya ng tingin si Lira.

Paano siya makakatulog kung kada-pikit niya ng mga mata ay ang patuloy na paghantad ng video sa isip niya? Naka-ilang biling at buntong-hininga na siya ngunit dilat na dilat pa rin ang mga mata niya. Hindi na niya alam kung anong oras na siya nakatulog o kung nakatulog nga ba siya dahil tila isang minuto lang sumara ang mga mata niya ng tumunog na ang alarm clock niya.

Nayayamot na sinabunutan niya ang sarili at marahas na bumuntong-hininga. Problemado ang mga mata niyang tumingin sa mga kaibigan na titig na titig sa kanya. Tila pinapahiwatig sa kanya ng mga mata ng mga ito na nababaliw na siya at nawawala sa sarili.

"This is all your fault! Kung sana pinigilan niyo ako sa paglalasing ko e 'di sana hindi nangyari iyong...iyong nakakahiyang pangyayaring 'yon!" palatak niya. Marahas siyang bumuga ng hangin at sumimangot.

"Where's the fun if we restrained you? The night would be boring, Saniela." Kumindat si Pols.

"Boring your ass." Umirap siya.

Humalakhak si Heidi at pinaningkitan siya ng mga mata. "Why are you so affected, Saniela? Your face is red because of what? Shame? Nahihiya ka kay Keegan?" mapanuyang tumawa si Heidi.

Mabilis na umangil ang mga mata niya sa sinabi nito at bago pa man siya dumipensa ay inunahan na siya ni Lira.

"Oh my god," ani Lira sa maarteng boses, "nahihiya si Saniela kay Keegan."

Sabay-sabay na tinawanan siya ng tatlo na animo'y mga nangungutya. Nalukot ang mukha niya sa inis at matalim na tinignan ang mga kaibigan. At talagang pinagtutulungan pa siya ng mga ito, ha?

"Of course not!" mabilis na salag niya, "bakit naman ako mahihiya sa lalaking iyon?! It's just that, I hate myself when I am drunk."

Tumango si Heidi, inosente ang mga mata nito ngunit nakangisi ang mga labi.

"Right! You shouldn't be ashamed, Saniela. Hindi ba dapat wala lang iyon sa'yo kasi nga 'di ba galit ka kay Keegan? You told us he was just nothing to you and that he was just a complete stranger." Tila pinaalala pa iyon sa kanya ni Heidi.

Humagikgik si Pols. "Not friends, not lovers, just strangers with some...wonderful memories."

"You got it, bitch!" may gigil sa boses at mukha na sabi ni Lira. Nag-apir pa silang tatlo.

"And haven't you noticed how Keegan simply behaved? Hinayaan niya lang si Katya na maka-one on one mo, he didn't even helped her went to the bathroom which I was merely thankful for because I literally dragged that watermelon to the comfort room and locked her up." Malawak na ngumiti si Pols at mabilis na tinaas ang kilay na para bang nagmamalaki.

Nanlaki ang mga mata nila sa sinabi nito at hindi makapaniwalang tumawa.

"And lastly, Keegan let you do the body shot. He could have said no or push you away but he didn't! Bitch, he did even fuckin' held your goddamn waist! What is that, huh?" yinugyog pa siya sa balikat ni Pols.

Inalis niya ang mga kamay nito sa balikat niya at walang-ganang sumagot.

"That was nothing." Umikot ang mga mata niya. "Seriously, don't mix everything with malice. A monster can play better."

Nagkibit-balikat ang mga ito ngunit hatalang hindi pa rin mga sang-ayon.

"Bakit ka ba kasi naglasing?" tanong ni Heidi.

Naghintay ang mga ito ng sagot niya nang hindi siya nagsalita. She was having a second thought if she'll tell them what she and Katya had talked about or not. Mula sa mga kuryosong mga mata ng mga kaibigan niya ay napabuntong-hininga siya. Fine, she's choosing the former.

"I actually had a conversation with Katya." Panimula niya. Mabilis na umayos ang mga ito ng upo at masigasig na hinintay pa ang mga susunod niyang sasabihin.

"Nagpapasalamat siya na naging tanga raw ako at umalis. She even said that she was always there for Keegan and that they are now happy and he trusts no one but her."

Nangunot ang noo ni Lira. "So basically, kinausap ka niya para lang sabihing tanga ka at panalo siya? How pathetic."

"And that I was never really mattered to Keegan, she said it's all about vengeance afterall and I came from a family of murderer." Patuloy niya.

Heidi scoffed. "Ano bang alam niya? She knows nothing to even say a thing. "

Napatigil siya roon. It's you who don't know anything, Saniela. That was what Katya told her.

"Did...did you know that Keegan got diagnosed with HCM?" tanong niya sa mahinang boses. Napalunok pa siya sa hindi malamang dahilan.

Tumango sina Pols at Lira. Si Heidi lang yata ang walang alam at nanlaki ang mga mata.

"That explains why your son has it!" Bblalas ni Heidi.

"But Keegan recovered when he got a transplant. Nasa end-stage na raw kasi iyong puso niya at hindi na kinakaya ang mga medicines and treatments." Tumango siya sa sinabi ni Pols.

"And believe it or not, iyong puso na ipinalit sa puso ni Keegan ay ang puso ni King." Saniela said clearly.

"What?!" sabay-sabay na sigaw ng tatlo.

"How did you know? Confidential ang mga impormasyon tungkol sa heart donor ni Keegan." Kunot ang noo ni Pols. "Anyway, do you happen to know who's Keegan's doctor? Let's try to confirm it."

Natigilan siya roon. Saglit siyang napa-isip ngunit umiling.

"There's no need for that. Katya said that to me herself. She's King's sister and probably... Keegan told her about that." Pagkibit-balikat niya.

"Holy fuck," mahinang naimura ni Lira.

"And you know what? Katya told me I'm a poison. I'm a toxin. And that I'm a fucking venom." Mapakla siyang tumawa.

Naguguluhang tumingin sa kanya ang tatlo gamit ang mga nagtatanong na mga mata. Saniela breath deeply. Kanina pa siya tila hindi makahinga nang maayos.

"Sabi niya lahat sila sinira ko. Si Keegan, si King, si Silver, pati na si Hendrix. That I am a chaos to their minds and a venom to their friendship." Umirap siya. "I mean, kasalanan ko bang sobrang ganda ko at nagkagusto sila sa'kin?"

Sabay-sabay na nalaglag ang mga panga ng tatlo hindi sa pagkamangha kundi sa kahanginan niya.

"Ayos na iyong drama mo e, bakit hinaluan mo pa ng comedy sa huli?" gumusot ang mukha ni Lira. Saniela hissed.

"Oo nga pala," humarap sila kay Heidi na nakatingin kay Saniela, "nakuha mo na iyong videocam sa opisina ni Dra. Briones? Let me watch the video! Gusto kong makita kung paano siya mataranta habang taeng-tae na." Tawa ni Heidi.

Napatayo siya nang tuwid. "Oh, oo nga pala. I almost forgot about that. Titignan ko kung makakapuslit ako sa opisina niya mamaya."

"Okay," tumango si Heidi.

Napatingin sila sa mga pagkain na nasa kanilang harapan. They nearly fail to remember about their foods. Nagla-lunch nga pala sila.

"In any case, do you happen to know someone who's interested with paintings?" tanong niya.

"May ibebenta ka?"

"Oo sana," sagot niya sa tanong ni Heidi.

Humugot siya nang malalim na hininga habang iniisip ang mga pinta na gusto niyang ipagbili, specifically the Blue Domain. Kagabi lang niya napag-isipan iyon at sigurado na siya. Hangga't nakikita niya ang pintang iyon ay hindi mawawala ang mga ala-alang patuloy na bumabalik at naglalaro sa kanyang isipan. The past...she's continually seeing the memories and she can't deny how it pains her and feels the longing. But no, lahat ng mga bagay na makakapagpa-alala pa sa kanya ng nakaraan ay dapat na niyang isantabi. And the Blue Domain, she should get rid of that painting.

"I have an idea," May hinugot mula sa bulsa ng coat niya si Lira. She fished a piece of paper, more like an invitation inside the pocket. Inusog niya iyon palapit sa kanya.

"My mom's friend will have an Art Exhibit next week. Hindi sana ako pupunta but then, why don't you participate the paintings you want to sell? I'll tell tita."

Kinuha niya ang kapirasong papel na may pagka-elegante ang tekstura. Binasa niya ang nakasulat doon at napatango.

"Sure. Do me a favor, please."

Kumindat si Lira. "My pleasure."


HUMINTO si Saniela sa tapat ng elevator at pipindutin na sana ang boton doon ng mapatigil ang kamay niya sa ere. Dahan-dahan niya iyong ibinaba at isang beses na humakbang paatras. Maybe she'll stop riding elevators.

Tiis-ganda niyang ginamit ang hagdan kahit na hingalin pa siya. Mas mabuti na ito 'no kaysa may makasabay na naman siyang bakulaw.

Sa palapag kung nasaan ang opisina ni Dra. Briones siya nagtungo. Nasa loob kaya ito? Matapos ang nangyari rito ay hindi pa rin niya ito nakikita. Sobrang kahihiyan siguro.

Nakita niyang lumabas ng opisina ang medical assistant nito kaya binilisan niya ang takbo para habulin ito.

"Lyca!" pagtawag niya. Hindi ito humarap.

"Bianca!" ani pa niya ngunit patuloy pa rin ang babaeng medical assistant sa paglalakad.

Shit. Ano nga ba kasi ang pangalan no'n?

"Myca!" mabilis na pumihit ito paharap sa kanya. Oh right. Dapat na niyang tandaan ang pangalan nito simula ngayon.

Lumapit siya kay Myca na naghihintay na makalapit siya. Binati siya nito kaagad at nagtanong kung may kailangan ba siya.

"Nasa loob ba ng opisina si Dra. Briones?" Saniela crossed her fingers praying that the doctor's not inside the office.

"Naka-leave si doctora ng tatlong araw." Sagot nito.

Lihim na napangiti siya bago tumango rito.

"Sige, sa ibang araw na lang."

Nang maka-alis ito ay pasimple siyang pumasok ng opisina ni Dra. Briones. Malinis ang paligid at maayos na nakatabi ang mga papel sa lamesa.

Kaagad na nagtungo siya sa istante ng mga libro at kinuha ang naka-ipit na videocam sa pagitan ng dalawang libro. Nilagay niya iyon sa bulsa ng kanyang coat bago lumabas ng opisina.

Nagulat pa siya nang paglabas niya ay ang pagdaan ni Dra. Margareth na natigilan ng makita siya at maging siya ay natigilan. Ilang segundo siyang nabato sa kinatatayuan bago tumikhim at bumati.

"Magandang hapon po." Bahagya siyang yumuko. Narinig niya ang malamyos nitong boses na bumati sa kanya pabalik.

Hindi niya alam kung dapat na ba siyang magpaalam na umalis o hindi. Teka, paano ba dapat? Katahimikan ang bumalot kung kaya't napa-angat na siya ng tingin. Sinalubong siya ng mga seryosong titig ni Dra. Margareth sa kanya na hindi niya alam kung dapat ba niyang pangamban.

Kumurba sa isang matamis na ngiti ang mga labi nito na ikinatigil niya.

"You are Saniela, right? Saniela Clemente?" tanong nito. May kung anong dumaang emosyon sa mga mata nito ng banggitin ang pangalan niya. Tumango siya.

"Ang laki mo na. Last time I saw you, you were just a small kid with pigtails, jumper, and barbies. Now you grew up into a gorgeous, fine, and sexy lady." Anito. Maliit siyang napangiti. Mukhang nasa lahi yata nila ang matatamis ang dila.

"I'm happy you followed your Mom's footsteps. I know you'll be as dedicated as her and maybe smarter." Ngiti nito.

"I don't think so. My mom's still the best." Aniya at mahinang tumawa.

"You bet." Tumango ito.

Pagkatapos ay natahimik na naman sila. Hindi niya alam kung saan ibabaling ang tingin kung kaya't yumuko na lamang siya. Mabilis siyang napapikit nang mariin nang patuloy na ipinukpok sa ulo niya ang realisasyong nakikipag-usap siya sa ina ni Keegan. She's feeling nervous and comfort at the same time.

"People got hurt to grow and to mature, people leave to breath and think, and people abstain for the sake of the other."

Napa-angat siyang muli ng tingin sa sinabi ni Dra. Margareth. Masuyo itong ngumiti sa kanya bago inangat ang kamay at hinaplos ang kanyang pisngi. Hindi siya makagalaw habang dinarama ang malambot nitong kamay sa kanyang pisngi. It feels warm and a sanctuary. She suddenly misses her mom.

"Freed whatever anger you are feeling, Saniela," ibinaba nito ang kamay at diretso siyang tinignan sa mga mata. "and please trust him."

Continue Reading

You'll Also Like

4.4K 310 43
[COMPLETED] After the death of her parents, Scarlett Natasha Romero or Sha sha seems to have died as well with all the pain and hatred she feels. Wal...
55.6K 1.8K 55
An Arcella Series Fajline Dianarra Salvani Matalino, matapang at matapat na abogado. She is an exceptional and has been praised for her achievement...
209K 3.4K 44
Port Barton Series #1 [COMPLETED] - Nicole Shekinah Reeve, an innocent and lovable young girl of a well-known family. She is a type of girl that ever...
2.2K 307 47
Troublemaker, that's what people call Ysa Suarez. She is good to the good, but she is worse to the bad. There's at least one thing you should know ab...