Never Be The Same | Filipino...

By MinaTZUzaki_Sana

374K 6.8K 1.6K

(UNDER REVISION) "What?! First night natin bilang mag asawa tapos may gana ka pang magbar. Nasisiraan ka na b... More

Impersonators
Chapter 1 : Forced Wedding
Chapter 2 I Hate You
Chapter 3 V-Cut
Chapter 5 : Ex
Chapter 6 : Sweet
Chapter 7 : I'm her girlfriend.
Chapter 8 : Bar
A/N
Chapter 9 : Visitors
Chapter 10 : Cousin
Chapter 11 : San Carlos
Chapter 12 : El Paraiso
Chapter 13 : Unique Kind of Cuddle
Chapter 14 : Cuteness Overload
Chapter 15 : This is mine
Chapter 16 : Backfired
Chapter 17 : Weird
Chapter 18 : Why so sweet?
Chapter 19 : Attention
Chapter 20 : Back off
Chapter 21 : Special day?
Chapter 22 : Honey
Chapter 23 : So Freaking Adorable
Chapter 24 : Pervert
Chapter 25 : You can do it
Chapter 26 : Oops sorry ;)
Chapter 27 : Let's play
Chapter 28 : Clumsy as f-
A/N
Chapter 29 : Sweet but weird
Chapter 30 : I love you
Chapter 31 : Lyvhie....
Chapter 32 : I don't deserve you
Chapter 33 : Secretary
Chapter 34 : I want her back
Chapter 35 : Kissing you
A/N
Chapter 37 : Wedding Ring
Chapter 37 : Mad at you
Chapter 38 : You have me
Chapter 39 : I Told You
MUST READ 😘

Chapter 4 : Talk to my hand

14.5K 239 11
By MinaTZUzaki_Sana

Lyvhie's POV

"Andy..." gising ko sa katabi nang marinig ang doorbell.

"Hmm?" rinig kong tugon nito habang nakasubsob pa ang mukha sa leeg ko at mahigpit din akong yakap yakap.

"Tumayo ka muna dyan. Tignan mo kung sino yung nagdo-doorbell? Aish. Andy ano ba?!" inis na hiyaw ko ng maramdaman ang paghalik nito sa leeg ko.

"Let that stupi–"

"Anong hayaan?! Pwede ba tumayo ka na baka sila Mama yun" palatak ko kasabay nang pag-alis ko ng mga braso nitong nakayakap sakin.

"Urgh!" daing nito bago napipilitang tumayo sa kama.

Nakapikit pa rin siya kaya pader ang sumalubong sakanya imbis na pinto ng banyo.

"Ouch! What the fuck!" inis na inis nitong hinihimas ang noo niya habang nakatingin sa pader na pinagbungguan nito kanina. Pagalit pa nga nitong sinipa ang parteng iyon ng pader bago pumasok sa loob ng banyo.

Kagat labing pumikit naman ako para pigilan ang sarili sa pagtawa pero infairness ang cute niya dun. Pinili ko nalang ding muling magtalukbong ng kumot dahil antok na antok pa talaga ako tsaka ramdam ko pa rin yung sakit ng buong katawan ko.

"Hon come on, wake up" pang-iistorbo sakin ni Andy habang pinauulanan din nito ng mumunting halik ang nakaexposed kong balikat dahil nga sa nakasando lang ako.

"What?" medyo antok ko pang tanong.

"May bisita ka" sagot nito at hindi pa iyon rumehistro ng maayos sa utak ko.

"Hmm~" tanging naisagot ko na lamang dahil sa sobrang kaantukan.

Narinig ko naman ang mabining pagtawa ni Andy pero maya maya'y nangunot nalang bigla ang noo ko ng maramdaman ang mainit na bagay na humahaplos sa mga binti ko. Nagmulat ako ng mata at tumingin sa taong iyon. Magandang nakangiting mukha ni Andy ang sumalubong sakin.

"Hi" sambit nito na nagpagising ng natutulog ko pang sistema. Mabilis pa sa alas kwatro ko itong itinulak dahilan para mahulog siya mula sa kama.

"Fuck!" rinig kong daing nito sa lapag.

Mabilis naman akong pumunta sa gilid ng kama para silipin si Andy sa sahig. Napangiwi ako nang makita itong mariing nakapikit habang hawak hawak ang balakang niya.


Omg...

"Did I pushed you so hard?" nagmulat naman ito ng mata at sinamaan ako ng tingin kaya wala sa oras akong napalunok ng ilang beses.

"What do you think?" ngayon wala ng emosyon ang mukha niya pero nahihimigan naman ang pagkainis sa boses niya.

"Uhm. Did I hurt you that bad? I'm sorry" sensiridad kong paghingi ng tawad. Umayos ito nang pagkakaupo sa sahig habang mahinang nagmumura sa sakit ng pagkakahulog niya kanina.

"Yes and I don't accept a simple sorry, Lyvhie" seryosong turan nito kaya wala sa oras na napaayos ako ng upo sa kama.

"Huh? Eh ano?" kinakabang tanong ko dahil sa hindi magandang kutob sa sasabihin nito.

Tumitig ang magagandang pares ng mata niya sakin habang wala namang emosyong mababasa sa mukha niya. Paano niya ba nagagawa to? Pati mata niya marunong magtago ng emosyon.

"Give me a kiss.." kapagkwang sambit niya na nagpatameme sakin.

"A-Ano?" ayaw pa yatang rumehistro sa isipan ko ang binigkas nito.

"I said give me a kiss" ngumisi ito at naglakad palapit sakin.

Yumuko siya at ikinulong ako sa mga braso niya. Napaatras naman ako ng upo sa sobrang lapit ng mukha nito sakin.

"A-Ano ba.. lumayo ka nga"

"No. Give me a kiss or else" pagbabanta nito.

Pikit matang hinalikan ko ito at mabilis rin siyang itinulak palayo sakin. Agad akong tumayo at kumuha ng twalya bago mabilis na nagtungo sa banyo para makaligo na.

"Pwede ba lumabas ka muna. Nakikita mo naman sigurong magbibihis ako di ba?" masungit na sabi ko habang nakataas pa ang isang kilay dito.

Kasalukuyan kasi akong nakatapis lang. Hindi ko kasi gusto ang ideyang magbihis sa loob ng banyo, feeling ko kasi malagkit iyon sa katawan. Nakita ko naman ang pag-arko rin ng kilay ni Andy sa sinabi ko.

"Why? Nakita ko naman na yan ah" namumula naman ang mukhang napapikit ako habang pinapakalma ang sarili at pinili na lamang na magtungo sa walk-in closet para maghanap ng matinong maisusuot. May kunting kirot pa akong nararamdaman sa pagitan ng mga binti ko pero kaya namang tiisin basta dahan dahan at maingat lang sa paglalakad.

"Sino palang yung nagdoorbell?" tanong ko habang nagbibihis sa harapan niya. Bakit pa nga ba ako mahihiya eh tulad nga ng sabi niya kanina. Nakita niya na itong buong buo and worst, natikman na rin naman niya. Hays. Langyang buhay to oh..

"I don't know but they told me that they're your friends" kunot noong napatingin naman ako dito ng marinig ko ang salitang friends.

"Oh asan na sila ngayon?" takang tanong ko habang isinusuot ang kulay itim na brassiere.

"They're still all outside" napatingin na naman ako dito habang salubong na ang kilay.

"Bakit hindi mo pinapasok?!"

"I don't know who they are and I'm not even sure if they're really your friends that's why I didn't let them in but I told them to wait outside, na tatawagin lang kita sandali" paliwanag naman nito habang nakatingin lang din sakin.

Sabagay nga naman. Lalo na't sikat siyang tao mahirap talagang magtiwala lalo na sa mga taong hindi niya naman talaga kilala. Napatango tango na lamang ako.

"Okay.. Sorry... But Andy halika nga muna dito. Tulungan mo nga akong i-hook to" tukoy ko sa bra na sinusuot ko bago tumalikod sakanya.

Naramdaman ko naman ang paglapit nito sa likuran ko. Bahagya pa akong napapikit ng dumikit ang palad nito sa likuran ko. Parang nagbigay iyon ng ilang boltahe ng kuryente na kumalat naman sa buong katawan ko.

"Done and you smell good..." kasabay pa pagdampi nito ng isang munting halik sa balikat ko.

Ngumiti lang ako dito bago isinuot ang plain pink shirt na pinartneran ko lang ng maong short shorts. Naglakad ako sa may love seat at doon nagblower ng buhok.

"Hindi na ba masakit yung ano mo?" tanong nito kasabay ng pagkuha ng blower sa kamay ko at siya na mismong nagblower sakin.

Napayuko naman tuloy ako dahil tiyak na namang namumula ang mukha ko sa ngayon.

"Uhm. Di na masyado" nahihiyang sagot ko na ikinatawa naman nito ng mahina.

......

"Omg!" natutuwang bungad ko nang makita ang mga kaibigan kong nakatayo sa harap ng gate.


"Halika pasok kayo" aya ko.

"Ugh. Thank God. Ang init sa labas Lyvhie" nagpupunas ng pawis na reklamo ni Jade pero ngumiti rin at bineso ako. Bumeso din si Abigail sa'kin.


Pinaupo ko naman agad sila sa couch at inahinan ng meryenda. Napansin kong kasama din pala nila Jade at Abigail si Mark. Kaibigan kong may lihim na pagtingin sakin. Umamin siya dati na may gusto nga raw siya sakin pero sinabi kong hindi pa ako handang pumasok sa isang relasyon. At kahit naman na he's every girls dream ay hindi pa rin siguro iyon nasasapat para makiparelasyon ako ng padalos dalos. Lalo na't hindi ko rin naman maintindihan ang nararamdaman ko pagdating dito. Kung gusto ko ba siya o sadyang hinahangaan ko lang talaga ang magandang katangian nito sa ugali't pangangatawan.

"Lyv we really missed you. Alam mo kung hindi pa namin kinulit si Tita hindi niya sasabihin na nandito ka lang pala. Lagi ka naming hinahanap sa campus but hindi ka namin mahagilap" paninimula ni Jade at tukoy din sa Mom ko.

Humihingi ng paumanhing ngumiti ako sa mga ito pero deep inside nagpapanic na ang sistema ko. Sinabi din kaya ni Mom kung bakit ako nandito sa bahay ni Andy. Hindi pa kasi ako handang sabihin sa kanila ang bagay na to' kahit na pinagkakatiwalaan ko pa sila ng sobra. Tityempo muna ako ng tamang pagkakataon para ipagtapat ang bagay na 'to and I hope na maintindihan nila ako.

"And grabe ka girl. Nakatira ka pala dito kasama si Andrea Victoria Hazelberg. Hazelberg! As in, one of the most well-known model and businesswoman dito sa bansa! I can't believe this but ah Jade is right namiss ka talaga namin" dagdag pa Abigail.

"Sorry talaga. Namiss ko rin naman kayo eh. Salamat talaga sa pagdalaw atsaka may pinagkaabalahan ako kaya di ako napasok ng ilang araw sa school" paliwanag ko habang hinahanap ng mata ko si Andy dahil hindi yata yun sumunod sakin dito sa baba at mukhang napirmi lang sa kwarto sa itaas.

"Oh. Mark wala ka bang sasabihin" pagbaling ni Jade ng atensyon kay Mark na kanina pa tahimik at nakangiting pinagmamasdan lang ako.

Umiling ito at muling nakangiting tumingin sa gawi ko.

"Namiss kita Lyvhie" turan nito habang may gwapong gwapong ngiti sa labi. Napamulahan naman ako ng pisngi at napayuko.

"Yieee" panunukso nila Jade at Abigail.

Natigil lang sila nang bumaba ng hagdan si Andy na bihis na bihis. Awtomatiko naman akong napatayo hindi dahil sa para itong diwatang bumaba sa langit kundi dahil para ipakilala ang mga kaibigan kong natameme yata sakanya. Ang nakapagtataka lang ay sa'kin pa rin nakatingin si Mark di gaya nung dalawa na mukhang may tutulo ng laway sa mga bibig na akala mo'y isang masarap na putahe si Andy sa harapan nila.

"Ah, Andy mga friends ko nga pala. Jade, Abigail and..." tumigil ako sandali para pakalmahin ang sarili para kasi akong hindi makahinga habang nakatingin si Mark ng diretsa sa mga mata ko "...this is Mark. Guys alam ko kilala niyo na siya but she's Andrea. Childhood friend of mine"

"Wha–" siniko ko si Andy dahilan para samahan niya lang ako ng tingin. Tinignan ko naman ito ng sumakay ka nalang look...

Nagbatian ang mga ito hanggang sa nagpaalam na nga si Andy na may pupuntahan daw. Ayaw ko man siyang samahan pa sa pinto ay wala na akong nagawa nang hilain niya ako roon.

"Childhood friend huh?" nang-uuyam na sambit nito habang may hindi makapaniwalang ngiti sa labi.

Napakamot naman ako sa kilay ko.

"Ano kasi di ba ano? Ah basta nag-iingat lang naman ako lalo na't sikat kang tao. Mas better ng kilala ka nila as my childhood friend para na rin sa reputasyon mo. Atsaka san ka ba pupunta?"

"Hmm okay. May photoshoot ako and I think gagabihin na ko ng uwi" walang emosyon ang mukhang tugon nito.

"Sige. Ingat ka" ngumiti naman ito sa sinambit ko.

"Pero teka lang Andy. Ano pwede ba kaming ano.." tumigil ako ng taasan ako nito ng kilay, not in mataray way kundi sa hinihintay lang nito ang sunod kong sasabihin.

Tumikhim ako at umayos ng tayo sa harapan niya.

"I mean pwede ba akong sumama sa kanila if ever mang yayain nila akong lumabas?" pinili ko namang kagatin ang labi ko habang naghihintay ng isasagot niya.

Kumunot ang noo ni Andy at hindi makapaniwalang napangiti ulit.

"Ofcourse and hindi mo namang kailangang magpaalam sa'kin"

"Eh Andy nung nagpaalam kasi ako sayo dati na magkikita kami ni John bigla ka nalang kasing nagalit sa'kin. Ayaw ko namang maulit ulit yun" nakalabi kong sabi na ikinangiti naman nito.

"Ah I remembered. Well ayaw ko lang lumabas ka ng kayong dalawa lang ng guy na yun. Alam mo na kasi sa panahon ngayon and mas kampante akong lumabas ka ng kasama ang dalawang friends mo dahil kapag may nangyari sayo. Konsensya ko pa di ba?"

Napasimangot naman ako. Okay na sana eh may pagganun pa kasi sa dulo.

"Umalis ka na nga lang" pangtataboy ko sakanya pero hindi ito gumalaw mula sa kinatatayuan.

"Ano gusto mong pasalubong pag-uwi ko?" napatitig naman ako sa magandang mukha nito.

"Uhm. Huwag na kasi di ba? Sabi ko naman sayo baka lumabas din kami mamaya" sagot ko habang inaayos ang collar ng denim jacket nito.

"Take care okay? Alis na ko" natigilan ako ng halikan ako nito sa noo.

"Bat may pag-ganun pa? Andy naman eh.. baka may makakita" inis na palatak ko habang inililibot ang tingin sa paligid baka kasi may nakakita kahit ni isa sa mga kaibigan ko. Patay ako nun. Kukulitin nila ako ng kukulitin hanggang sa masabi ko na rin sakanila yung totoo.

Hays kinakabahan talaga ko sa mga pinaggagawa nitong si Andy. Alam kong aware din naman siya na hindi lang kaming dalawa ang tao dito sa bahay pero nagagawa pa talaga nitong gawin ang mga bagay na alam niyang iakakapahamak namin.

Nagkibit balikat lang siya.

"Hays. Umalis ka na nga. Akala ko ba nagmamadali ka?"

"Yeah right. Fine, ito na nga oh aalis na nga ko. Basta ingat kayo dito atsaka magsaing ka pag-uwi ko, okay?" pagbibiro nito na ikinatawa naming dalawa.

Natatawa ko pa itong itinulak palabas ng pinto. Pigil pigil ang ngiting bumalik ako sa sala.

Si Andy kasi yung tipo ng taong parang walang pakialam sa mundo at parang laging seryoso kaya hindi mo naman talaga maiiwasang hindi makaramdam ng tuwa tuwing magpapakita ito ng ibang emosyon.

At inaasahan ko nga talagang mag-aaya itong mga kaibigan kong lumabas dahil sa pagkamiss nila sakin, na hindi ko naman tinanggihan. Okay din naman kay Andy kahit nga hindi pa daw ako magpaalam.

Sandali akong nagpaalam kila Jade para makapagbihis ng disenteng damit pang-alis. Nang maayos na ang lahat at masiguradong nai-locked ang buong bahay ay agad na kaming nagpunta sa mall sakay ng sasakyan ni Mark. Nagfoodtrip, nag-arcade at syempre nagshopping kami ng mga bagay na natipuhan namin. Hindi rin nakaiwas sa'min ang sandamakmak na mga posters ni Andy na nagkalat sa kahit na saang lugar kami magpunta. Sobrang sikat talaga ng babaeng iyon at aasahan talaga ng bawat isa na puro mamahalin at mabenta ang ibat ibang bagay na ineendorso niya.

"I hope nag-enjoy ka sa lakad natin kanina" nakangiting paninimula ni Mark habang nasa loob pa rin kami ng sasakyan nito na nakatigil naman sa tapat ng bahay namin ni Andy. Kaming dalawa nalang dahil inuna munang hinatid ni Mark sila Jade.

"Syempre naman. Ah. Mark salamat sa paghatid ah?" nahihiyang tumingin ako dito.

"No problem. Okay na ba? Ako na bahala dito" sabay kuha nito sa mga paper bags mula sa back seat.

"Naku. Huwag na Mark. Ako na, kaya ko naman" nahihiyang kinukuha ko ang mga pinamili ko kaso natigilan ako ng hawakan nito ang kamay ko para pigilan sa ginagawa.

"Ako na" para naman akong nanlambot sa sinabi nito at nahihiyang nagbaba ng tingin.

Lumabas siya at tumakbo paikot para pinagbukasan ako ng pinto.

"Pano ba yan alis na ko" paalam ni Mark matapos i-abot sakin ang mga pinamili ko.

"Sige. Salamat ulit Mark. Ingat ka sa pag-uwi" matamis ang ngiting paalam ko pero bigla ring natigilan kasabay pa ng panlalaki ng mata nang halikan ako nito sa pisngi na never pa naman niyang ginawa sakin before.

Mangiti ngiti nitong iniangat ang isang kamay para magpaalam. Nang makasakay ito ay sandali pang bumosena bago pinaharurot paalis ang sasakyan niya.

"Ay anak ng!" gulat kong sambit nang mabungaran ko si Andy na nakatayo sa bukas na pinto sa likuran ko.

Hawak hawak ang dibdib na sinamaan ko ito ng tingin kaso ang bruha sumulyap lang sa'kin sandali at agad din akong tinalikuran kasabay nang paglalakad nito palayo sa kinatatayuan ko.

Aba'y bastos to ah! Hindi man lang nagsorry.

'May dapat ba siyang ika-sorry?' tuya naman ng isipan ko.

Pinilig ko nalang ang ulo ko at pumasok na lang rin ng bahay. Sinigurado ko munang naka-locked ang pinto bago sumunod sakanya sa kusina pero inilapag ko muna sa sofa ang mga paper bags na pinamili ko bago nga nagtungo kung nasaan siya. Naabutan ko itong tahimik nang kumakain.

Awtomatikong nagsalubong naman ang mga kilay ko sa nabungaran. Bakit hindi niya man lang ako hinintay bago kumain di ba?

'Buti nga pinagluto ka di ba?' papansin na naman ng isipan ko.

Naiimbyerna na talaga ako. Kanina pa singit ng singit hindi naman kinakausap.

Padabog akong umupo sa harap niya at sumandok ng sariling pagkain. Habang sumusubo ay panaka-naka naman akong sumusulyap kay Andy na kanina pa tahimik habang kumakain.

Tumigil ako sa pagkain at uminom ng tubig habang nakatingin pa rin sakanya. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit siya ganito ngayon. Ni hindi man lang kasi ako nito sinusulyapan. May nangyari ba sa photoshoot niya kanina?

"Andy ayos ka lang ba?" napangisi ako sa isip isip ko nang sa wakas ay mag-angat ito ng tingin sakin.

Ngingiti na sana ako ng magkibit balikat lang ito at bumaling muli ng atensyon sa kinakain niya. Napasimangot tuloy ako ng wala sa oras. Ano ba kasing problema niya?

"Hoy may problema ka ba? Ano bang tinatahimik tahimik mo dyan?" salubong na ang kilay na tanong ko pero ang siste parang kinausap ko lang yung hangin sa paligid dahil para itong walang narinig.

Napaisip naman ako sa mga nangyari kanina ng magkasama pa kami. Napatingin ako dito ng hindi makapaniwala nang mapagtanto ko ang dahilan ng pagiging ganito nito ngayon.

"Dahil ba to' sa hindi ako nakapagsaing?" hindi makapaniwalang sambit ko habang pinipigilang huwag matawa.

Nakita ko naman ang pagngiti nito pero saglit lamang iyon. Alam ko hindi ako namamalik mata, ngumiti talaga siya.

"Nakita ko yun. Ngumiti ka" pang-aasar ko naman pero agad ding natigilan ng mag-angat ito ng tingin sakin.

Her tired eyes met my eyes again...

Awtomatikong tumitikom talaga ang bibig ko tuwing titignan niya ako ng ganyan. Na para bang kahit walang emosyon eh sinasabi pa ring don't mess with me or else.

Hindi naman ito nagsalita pero uminom lang ng tubig.

"Uy.. Andy ano ba kasing inaarte mo dyan?" nakangiwing tanong ko dahil nakakatakot naman kasi ang awra niya ngayon.

"Nothing" tumayo siya at ibinalik ang upuan sa ilalim ng lamesa "Tawagin mo nalang ako kapag tapos ka na dyan" atsaka na ito naglakad palabas ng kusina para magtungo sa sala.

"Andy naman eh. Uy ano b–"

"Talk to my hand" iniangat pa nito ang kamay niya bago tuluyang mawala sa paningin ko.

Aba't bastos talaga!

Inis na inis naman tuloy akong nagpapapadyak dahilan para tumilapon sa sahig ang kutsarang hawak ko dahil pati kamay ko kasama sa pag-aaburido ko kanina.

"Ayan tuloy nahulog. Nakakainis naman kasi eh!" mahinang palatak ko habang pinupulot ang kutsara para palitan iyon ng bago at matuloy ko na rin ang pagkain.

May araw ka rin sakin Andy. Makikita mo...

--------

Sorry for grammatical and typo errors💖

Thanks for reading💕

Continue Reading

You'll Also Like

9.4K 286 18
AshMatt fanfic
260K 9.9K 62
My collection of JENLISA one shot stories. May contain some stories written in Filipino.
224K 13.4K 11
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...