Spirits

By Slylxymndr

450K 22.7K 1.6K

Kapag ang isang bata ay tumungtong na sa edad na 12, sila ay bibigyan ng pagkakataon na pumunta sa spirit for... More

Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
21
Announcement
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
Part 2 Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
Announcement!!
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
New Story Teaser
43
44
:)

20

4.5K 240 8
By Slylxymndr

Agad silang nag morph sa kani- kanilang Spirit pero agad ko silang pinigilan.

"WAG!Huwag nyo silang aatakihin!" Sigaw ko at isa isa silang tumingin sa akin.

"Huwag ninyo silang kakalabanin. Hindi ninyo kakayanin dahil sobra silang dami. At isa pa, hindi naman sila papunta sa pwesto natin at parang may tinatakbuhan sila. Parang may tinatakasan." Sabi ko.

"Ano ang gusto mong gawin natin, titigan lang sila?" Sagot ni Scarlet.

"Hindi." Mabilis kong sagot. "Kaya tumatakbo ang mga Spirits ay dahil nakakaramdam sila ng panganib."

"At paano ka nakakasigurado dyan, Ah!?" Sabi ni Ben at halata sa kanyanh tono ang pagmamaliit nito sa akin.

Gusto ko siyang sabihan ng mga salita pero baka makipag away ito sa akin kaya sinagot ko nalang. "Isang taon akong nanirahan kasama ng mga Spirits. Alam ko ang halos lahat ng mga kaalaman tungkol sa kanila na hindi nakasulat sa mga librong nabasa mo." Sabi ko habang nakatingin sa kanya. Muli akong lumingon sa iba at nagsalita ulit. "Isa sa mga kakayahan ng mga Spirits ay makaramdam ng panganib. Kapag nakaramdam sila ng pwersa na mas malakas sa kanila ay mag gugustuhin nilang tumakas at tumakbo para sa kanilang ikabubuhay. At iyon ang napansin ko. Tumatakbo sila sa iisang direksyon dahil doon ang sa tingin nilang pinaka ligtas na lugar. Mgayon, kung pupunta tayo sa lugar kung saan sila nanggaling, malalaman natin ang dahilan. Pero, hindi ko tiyak ang kaligtasan natin. Baka mas malakas sa atin ang pwersang iyon." Sabi ko.

"Nasasainyo ang desisyon." Sabi ko.

Natahimik sila at nagtinginan. Makikita sa kanilang mukha ang tanong kung tutuloy ba o hindi. Pero nabasag iyon nang nagsalita si Scarlet.

"Oo, tutuloy tayo." Sabi niya na ikinatingin naming lahat. "Pero, kung sino lang ang handang itaya ang kanilang buhay ang mga sasama. Maliwanag!!" Sabi niya. Tumango ang iba  sa sinabi sa pagsang ayon. "Pati ang mga Spirit Bearer na nasa 1st Step Spirit Practitioner pataas lang ang sasama sa amin." Sabi niya. "Ang iba na hindi Spirit Practitioner pataas, sumama sa mga natira doon at protektahan sila. Maliwanag!" Sigaw niya at sumagot silang lahat.

Dahil doon ay nasa mahigit 20 nalang silang natira. Naghanda na ako pabalok sa iba nang biglang nagsalita si Scarlet.

"Ikaw Kid, sumama ka sa amin."

"Bakit? Wala akong Spirit! Di ko kayang protektahan ang sarili ko." Sagot ko.

"Babantayan ka namin." Sabi niya.

Wala akong magawa kundi sumama sa kanila. Hindi ko ito gusto dahil baka ikamatay ko iyon. Una sa lahat, Wala akong Spirit! Di ko kayang protektahan ang sarili ko. Pangalawa, paano pag iniwan nila ako doon!? Paano ako!

Madaming pumapasok na tanong sa isip ko at natatakot ako sa mga sagot. Pero nagsalita si Zed.

"Huwag kang mag alala, poprotektahan kita Kid!" Sabi niya.

"Ako din" Sabi din ni Fred.

"Salamat sa inyong dalawa ah. Pero kung sakali na itataya ninyo ang buhay ninyo para sa akin, iwanan ninyo nalang ako. Ayokong madamay kayo sa pagkamatay ko. Maliwanag!" Sabi ko.

"Huwag mo ngang isipin iyan Kid! Hindi ka mamamatay. Diba Zed"

"Oo! Tama si Fred."

"Pero kung sakali ngaa! Pabayaan ninyo ako. Kailangan ninyong mabuhay maliwanag!" Sabi ko. Nag aalangan silang tumango pero wala silang magawa.

Mas mabuti nang maging sigurado ang lahat kaysa naman makadamay pa ako sa iba.

Papunta na kami sa lugar kung saan nanggagaling ang mga Spirits. Napakaraming spirits ang nagsisitakbuhan. Katamihan ay mga 10 hanggang 100 Years old pero minsan ay nakakakita ako ng mga 1000 hanggang 10000 years old spirit at nagugulat ako dahil minsan ay mga Rare iyon. 1 sa kada 100 na uri ng Spirit na iyon.

'Kid!' Sabi ni Master.

'Bakit po Master.'

'Iyon ang Kweba na pinaglagyan ko ng Recipe!' Sabi niya sabay turo sa isang kweba na hindi masyadong malayo. Ang problema lang ay nasa kabilang parte ito ng mga Spirits. Ibig sabihin ay kailangan kong tumawid sa kabilang parte ng mga Spirits para makapunta doon at makuha ang Recipe sa Kweba.

'Paano iyon Master!?'

'Malapit na ang pinaggagalingan ng pagyanig. Ibig sabihin malapit na ang Pwesto ng mga kalaban o kung anuman. Papuntahin mo sipa sa direksyong iyon at sabihin mong may titignan lang ikaw sa kwebang iyon.' Sabi niya.

'Sige po.'

Agad akong huminto at sumunod sila. "Doon nanggagaling ang pagyanig. Tignan ninyo doon. May titignan lang ako sa kwebang iyon para masigurado na hindi tayo susugudin ng mga kalaban." Sabi ko.

"Paano ka makakpunta syan eh may mga Spirits!?"

Agad akong napalingon kay Zed at nakaisip ng paraan. Itinuro ko si Zed at nagsalita. "May Spirit Siya na makakatulong sa akin. Sasamahan niya akong Tumingin doon pero hindi rin kami magtatagal. Kapag nakaramdam kami ng panganib ay agad kaming babalik." Sabi ko.

Tumingin si Scarlet kay Zed at tamango. "Sige pero bilisan ninyo, aantayin nin kayo doon at sasabihin mo sa akin kung ano ang nakita ninyo doon maliwanag!" At agad akong tumango.

Agad na nag Morph si Zed at naging isa siyang Black Beatle. Nagkaroon siya ng itim na balat na parang armor at nagkaroon ng pakpak ng Salagubang sa likod. Mayroon siyang tatlong sungay sa kanyang noo at magkabilang  ibabaw ng tainga. Nakasuot din siya ng parang helmet na itim sa kanyang ulo at maskara na itim pero hanggang sa ibabaw lang ito ng kanyang ilong.

Nang makapag morph na siya ay agad niyang imilabas ang kanyang pakpak sa kanyang likod at binuhat ako papunta sa kabila.

"Kid, anong meron doon sa kabilang Kweba?"

"Ang iisang bagay na kailangan mo at ng pamilya mo." Sabi ko.

Tumahimik siya at maririnik mo lang ang pagpagaspas ng kanyang mabibilis na pakpak na tunog bubuyog.

Tumingin ako sa knya ay nakita kong naluluha siya.

"Oh! Anong nangyari sa iyo! Kung magpapasalamat ka, huwag na muna, hindi pa tayo tiyak na nandoon pa ang Recipe. Halos ilang daang taon na ang nakalipa-" sabi ni at napahinto nang mapag isip isip ang mga sinasabi ko.

"H-ha, anong sabi mo Kid?" Sabay singhot ng kanyang namumuong sipon dahil sa pagiyak.

"Wala. Sabi ko, makukuha natin iyon kahit anong mangyari." Sabi ko.

"Hhmm-hmm" sabi niya at ibinaba na ako sa harap ng Kweba. Nang makalapag na ako ay agad kong pinagmasdan ang loob ng Kweba. Walang nanggaling dito dahil wlaang bakas ng mga tao na nanggaling. Puro bato lang ang nandito mula sa taas hanggang sa baba.

'Master, saan iyon nakalagay?' Tanong ko kay Master.

'Hindi ko sigurado kung saan pero nandito lang iyon. May makikita kang kulay pula na bato sa pader ng kweba. Kapag tinanggal mo iyon, nasa loob ang lahat ng mga kailangan ninyo. Sa pagkakaalala ko, may isa akong Scroll doon na pwede mong magamit. Laman non ang mga nalalaman ko tingkol sa mga Spirits.' Aniya.

Agad kong sinabi kay Zed na maghanap ng kulay pula na bato na nakadikit sa pader at kapag nakita niya ay agad niyang sabihin sa akin.

Masinsin naming hinanap ang pulang bato. Maigi pero mabilis dahil inaantay kami nila Scarlet sa kabila. Nagulat ako nang biglang sigaw si Zed.

"Kid! May nakita akong pulang bato dito!" Sabi niya na agad kong ipinunta sa pwesto niya.

Nang makita ko kung saan, nasa gitna ito ng parang biak sa bato. Medyo maliit ito kaya hindi masyadong pansinin. Kaya siguro nandidito ito ng  ilang taon at hindi nagalaw. Kasinlaki lang ng isang holen ang pulang bato kaya medyo mahirap tanggalin. Nang matanggal namin ay kumuha kami ng isang maliit na sanga ng kahoy at singungkit ang papel sa loob.

Nang makuha ay agad kong binuklat at mayroon itong dalawang papel siguro ay ang isa ay ang gamot at ang isa ay ang scroll na sinabi ni master kanina. Agad kong tinago ang Scroll at ibinigay kay Zed ang listahan para sa gamot. Agad kaming bumalik sa kabilang bahagi at hinanap sila Scarlet.

Nang mahanap sila ay bumalik na sa dati si Zed at binigyan ko siya ng Potion para bumalik ang kanyang lakas.

"Anong balita?" Tanong ko.

"Hindi ko tiyak kung ano pero galing iyon doon. Galing ang pagyanig doon" sabay turo. Bago ko pa malingon ay nagsalita ulit siya. "Sabihin mo na sa amin ang gagawin. Para matiyak natin kung sino ang gumagawa ng pagyanig."

Sinundan ko ang kanyang daliri pero hindi ako makapaniwala sa aking nakita. Nakakita ko ang isang bangin! Doon nanggagaling. Bangin na sa unang tingin ay alam mo nang malalim. Sinubukan kong tumayo at lumapit doon pero napigilan ako nang biglang yumanig ang lupa. Nanatili akong nakaupo dahil hindi ko alam ang sasabihin.

Continue Reading

You'll Also Like

24.1K 1.7K 50
Nakapagdesisyon na ang batang si Li Xiaolong na gusto nitong pumasok sa loob ng isang prestirhiyosong paaralan sa Dou City, ang Cosmic Dragon Instit...
564K 114K 102
Synopsis: Sa bagong yugto ng buhay ni Finn, isang panibagong pakikipagsapalaran at paglalakbay ang kanyang mararanasan kasama sina Poll, Eon, at Paul...
47.6K 2.8K 48
Ang binatang si Jharel at ang kaniyang mga kasamahan ay aksidenteng napunta sa ibang mundo na tinatawag na Eragon, panahon ng mga kaharian o medieval...
109K 11.4K 103
Si Clyde Rosario ang pinakamahinang hunter sa kasaysayan. Puro panunuya ang kanyang natatanggap. Ngunit isang insidente ang babago ng lahat. Ang mga...