Listen To My Heart

By wistfulpromise

2.9M 40.9K 7.6K

(The Second Installment of G-Clef Song Trilogy) Ang hirap mamili lalo na kung puso mo na mismo ang nakataya... More

Paunang Salita
LTMH: Prologue
Chapter 1 ♥ She's Officially Back
Chapter 2 ♥ Meet The Band
Chapter 3 ♥ Partners In Crime
Chapter 4 ♥ I Love You
Chapter 5 ♥ So Much Fun. So Much Love.
Chapter 6 ♥ Rico's Cousin
Chapter 7 ♥ Ellipses And Their Feather Tattoo's
Chapter 8 ♥ That Awkward Moment...
Chapter 9 ♥ Secrets (Part one)
Chapter 9 ♥ Secrets (Part two)
Chapter 10 ♥ Gun Fight
Chapter 11 ♥ Princeton Academy
Chapter 12 ♥ Oh Friends!
Sa Mata ng Balatkayong Bata
Chapter 13 ♥ Foreshadow
Chapter 14 ♥ Operation 101
Chapter 15 ♥ School Clubs (Part one)
Chapter 15 ♥ School Clubs (Part two)
Chapter 16 ♥ Changes
Chapter 17 ♥ Shinobi Yakuza
Chapter 18 ♥ You are my Sunshine
Chapter 19 ♥ Maeda Mora High
Chapter 20 ♥ Trouble
Chapter 21 ♥ Problem Unsolved
Chapter 22 ♥ Good Morning Sunshine!
Chapter 23 ♥ A game of no turning back
Chapter 24 ♥ Complicated
Chapter 25 ♥ Normal Day at Princeton
Chapter 26 ♥ Lovers Quarrel?
Chapter 27 ♥ Black Savage's Famous Leader
Chapter 28 ♥ The Opposite Makeover
Chapter 29 ♥ First Day at Maeda Mora
Chapter 30 ♥ Threat
Chapter 31 ♥ Love is in the air
Chapter 32 ♥ Acapella Song
Chapter 33 ♥ Consequences
Chapter 34 ♥ Pietr's Confession
Chapter 35 ♥ It's Complicated (Part one)
Chapter 35 ♥ It's Complicated (Part two)
Chapter 36 ♥ Who's the Traitor?
Chapter 37 ♥ Compromise
Chapter 38 ♥ Three-Eleven Deal
Chapter 39 ♥ Payback For Real
Chapter 40 ♥ Serene's Answer
Chapter 41 ♥ Unleashing Secret
Chapter 42 ♥ More Clues...
Chapter 43 ♥ The Queen (Part one)
Chapter 43 ♥ The Queen (Part two)
Chapter 43 ♥ The Queen (Part three)
Chapter 44 ♥ Confused Heart
Chapter 45 ♥ Music and Feathers
Chapter 46 ♥ Doubts
Chapter 47 ♥ On the Hunt
Chapter 48 ♥ Where is your Loyalty?
Chapter 50 ♥ Haunting Memories
Chapter 51 ♥ Finally Meeting Her
Chapter 52 ♥ In Denial
Chapter 53 ♥ I Understand
Chapter 54 ♥ Misunderstanding
Chapter 55 ♥ Start All Over
Chapter 56 ♥ Second Chance?
Chapter 57 ♥ Three o'clock
Chapter 58 ♥ The Traitor
Chapter 59 ♥ Confusion
Chapter 60 ♥ Big Revelation (Part one)
Chapter 60 ♥ Big Revelation (Part two)
Chapter 61 ♥ Damnatio Memoriae
Chapter 62 ♥ Forgiven
Chapter 63 ♥ Hidden Secrets
Chapter 64 ♥ The Controversy
Chapter 65 ♥ Connecting Puzzles (Part one)
Chapter 65 ♥ Connecting Puzzles (Part two)
Chapter 66 ♥ Forbidden (Part one)
Chapter 66 ♥ Forbidden (Part two)
Chapter 67 ♥ Unexpected Comrade
Chapter 68 ♥ The Allies (Maeda Mora)
Chapter 68 ♥ The Allies (Maeda Mora II)
Chapter 68 ♥ The Allies (Maeda Mora III)
Chapter 69 ♥ The Blue Archer
Chapter 70 ♥ The Final Battle (Part one)
Dear You
Chapter 70 ♥ The Final Battle (Part two)
Chapter 70 ♥ The Final Battle (Part three)
Epilogue I
Epilogue II
Epilogue III
Epilogue IV
Epilogue V
LTMH: The extended ending
Extended Ending: Part One
Extended Ending: Part Two
Extended Ending: Part Three
Extended Ending: Final
A Letter To The Reader ♥

Chapter 49 ♥ The Queen and the Devil

22.7K 365 49
By wistfulpromise

A/N: 

Dedicated po sayo :) Salamat po ng marami sa pagshashare ng thoughts and comments nyo sa bawat chapter ng story ko. Maraming salamat sa pagbabasa at sa suporta. Mabuhay kayo! :D Godbless and keep inspiring! Mwuah! 

Enjoy!

♥♥

Chapter 49

Serene's POV

Nagpaiwan na ako noong nahalata ko na ang tungkol sa opisina ang pupuntahan nya. Ayoko namang makasagabal. Alam kong alam ni Jace ang gagawin nya.

Wala na ang mga gangmates ni Jace kanina pa kaya kami na lang ng mga gangmates ko ang naiwan. Pumunta ako kanila Deck na kasalukuyang kumakain ng biscuit at umiinom ng mineral water. Nagamot na ang ilan sa mga sugat nila, salamat kanila Aziel na palaging may dalang first aid sa kotse nila.

"Deck, Andrei.." usal ko sa mga pangalan nila. Busy na nag-uusap sila Niel at Julian di kalayuan. Ang iba naman sa mga gangmates ko ay naghahanda na sa pag-alis namin.

Halos maubo at mabilaukan si Deck matapos akong makita. Tinapik tapik ni Andrei ang likod nya kahit na ba ilang beses na sabihin ni Deck na wag sya nitong hahawakan. Itinuon na lamang sa akin ni Deck ang atensyon nya.

"Bumalik ka! Akala ko umalis ka na eh kasama yung... yung..."

"Si Jace ba ang tinutukoy mo?"

"O-oo! Y-yun! Yun nga!"

Ngumiti sa akin si Andrei, parang maluluha sa sobrang saya dahil ligtas na sila sa wakas.

"Shay idol, maraming maraming salamat sa pagtulong mo sa amin. Kung hindi dahil sa... kundi dahil sayo baka wala na kami ngayon. Utang namin ulit ang buhay namin sayo."

Pabiro kong ginulo ang buhok nya. Kahit kailan talaga ang cute ni Andrei lalo na ng mga matataba nyang pisngi. Ngumiti man sya o kahit pa umiyak tulad ngayon, nakakapanggigil na pisilin!

"Shay totoo talaga?" tanong ni Deck sa akin.

"Totoo ang alin?"

"Totoo ang balita na nakakatakot ang leader ng Black Savage! Yung mga tingin nya sa akin kanina, para syang papatay. Paksh*t! Hanggang ngayon nanginginig buo kong katawan sa tuwing naaalala ko yung malalamig nyang mga mata sa akin p*ta!"

Napakunot noo ko. Sa totoo lang sanay na ako na ganun ang first impression nila kay Jace. Mas na abala lang talaga ako sa lantaran nyang pagmura sa harap ko.

"Deck kung gusto mong magkasundo tayo iwasan mo yan."

"Iwasan ang alin?"

"Ang pagmura. Wala yan sa bokabularyo ko. Hindi maganda sa tenga."

Tinakpan nya ang bunganga gamit ang dalawang kamay. Nanlalaki ang mga mata nyang humingi ng tawad sa akin.

Tumingin ako sa buong paligid. Bakit parang may kulang?

"Nasaan si Sophia?" kunot noo ko sa kanilang dalawa.

Matapos ang isang lunok at lagok ng tubig, sinagot ako ni Andrei.

"Kanina pa sya umalis. Tumakbo na sya at tumakas bago pa man may makapansin."

Hindi ko masisisi si Sophia. Siguradong takot na takot sya dahil sa nangyari.

"Kayo lang ba ang mga bihag dito?"

Tumango sila sa akin. Nagsalita si Andrei.

"Hindi namin alam kung nasaan yung iba pero sa tingin ko kasalukuyan pa rin silang hinahunting ngayon."

"Nakatakas nga ako eh." pagmamayabang ni Deck sa akin. Ngunit agad ding nabura ang ngiti sa mukha nya. "Ang kaso nahuli rin ako. Ang saklap nga eh."

"Ililigtas mo rin ba sila Shay idol?" tanong sa akin ni Andrei.

Napakamot ako. "Shay na lang Andrei o kaya Serene. Bahala ka. Wag lang idol."

"Uhm. O sige idol! este- miss Serene! Pero.. okay lang ba kung Shay na lang itawag namin sayo? Doon kami mas sanay eh." kamot nya sa ulo sabay iwas ng tingin. Parang namumula ang mukha sya. Sa tingin ko nahihiya pa sya sa akin lalo na't nakita nya na akong walang make-up sa mukha.

"Pati ako, Shay na lang din ang itatawag ko sayo." ani Deck na may ngiti sa mukha. "Mas memorable yun eh. Pero wag mo ng ilagay ang make-up na inilalagay mo sa mukha. Tama na yung ganito, natural. Ang ganda ganda mo talaga sa personal. Ang galing mo pa GClef!"

"At ang astig pa!" segunda naman ni Andrei. Napailing na lang ako sa kanila.

"Akalain mo yun, sa isang utos mo lang napasunod mo silang lahat. Utos mo ang batas. Ang astig nun men! Walang kadudaduda, ikaw nga ang gangster queen! Naaalala ko tuloy nung first time mo kaming tinulungan noon, napanood namin kung paano ka makipaglaban! At wow grabe talaga, super ang kaastigan mo nun!"

"Tapos kumakanta ka pa diba?" bulalas pa ni Andrei. "Ang galing galing! Idol na idol na talaga kita Shay!"

Patuloy pa sila sa pagsasalita. Para silang nagpapaunahan kung sino ang makakapagsalita ng mas marami kaysa sa isa. Puno ng kasabikan at kasiyahan sa mukha nila na akala mo, hindi sila nanggaling sa bugbugan at pagpapahirap na kinasadlakan nila.

Pero ngayong ipinasok nila ang tungkol sa pagtulong namin nila ni Niel bago pa man kami magkakilala sa Maeda Mora, hindi maiwasang masagi sa isip ko ang sinabi sa akin ni Cecilia noon. Yung tungkol sa totoong leader ng gang nila Deck.

"Deck may itatanong ako?"

"Ano yun?"

"Sino si Owen?"

Halos mapahinto sila ni Andrei sa pagkain. Marahil hindi nila inasahan ang magiging tanong ko dahil biglang naging malungkot ang mga mukha nila. Tapos sa isang iglap nagbago ang tingin ni Deck kay Andrei, masama ang tingin nya rito halata na may galit. Si Andrei naman sa ikalawang banda ay malungkot na napayuko. Humingi sya ng tawad sa akin at saka tumakbo palayo.

"Teka saan pupunta si Andrei? Andrei!"

"Huwag mo ng tawagin ang isang yun. Isa syang lampa. Wala syang kwentang tao." Nagulat ako sa lamig ng boses ni Deck matapos sambitin iyon.

"Bakit ba... bakit ba ganun na lang ang trato mo sa kanya?" Hindi ko maiwasang itanong dahil kahit pa noong una ko silang makilala, malamig na ang trato ni Deck kay Andrei.

"Dahil sya ang may kasalanan kung bakit nawala si Owen. Sya ang may kasalanan kung bakit nakulong ang leader namin."

Pakiramdam ko bigla nag-iba ang ihip ng hangin sa paligid. Parang biglang bumigat, taliwas ito sa saya ng kwentuhan namin kanina. Tumayo sya sa kinauupuan nya, ang likod ay nasa akin.

"Noong araw na tinulungan nyo kami... hinabol tayo ng pulis hindi ba? Hindi kami nakatakbo agad kaya nanlaban sya. Sa sobrang dami ng pulis nahirapan kami. Tapos ito namang walang kwentang tabachoy na ito, hindi nakatakbo. Nakalayo na kami pero binalikan sya ni Owen. Nasaktan ni Owen ang isa sa kanila, nasaksak... at naging malubha. Hindi naman nya sinasadya yun. Tinulungan nya lang si Andrei pero nauwi sa aksidente. Ayos naman na yung pulis pero wala naman kaming pangpyansa kaya hanggang ngayon nakakulong pa rin sya."

"Kung tinulungan sya ni Owen, bakit ka galit sa kanya?" tanong ko.

"Noong tuluyang nagkagulo, humingi ng tulong sa kanya si Owen. Pero tumakbo lang sya palayo, hindi sya tumulong. Ang walang kwentang tabachoy na yun. Nangako kaming tatlo na walang iwanan. Hindi ko lang talaga matanggap na tinalikuran nya ng ganun ganun lang si Owen na halos iniligtas ang buhay nya." ikinuyom nya ang mga kamay. "Isa syang malaking duwag."

Kung ganun iyon pala ang kwento. Hindi ko akalain na nagsasaya kami ni Niel noong araw na iyon dahil natakasan namin ang mga pulis, samantalang may gulo na palang nangyayari na katulad ng ganun ng wala kaming kaalam alam.

Pero bilib ako sa ginawa ni Owen kahit na ba ganun ang nangyari. Ang pagtulong na ginawa nya sa gangmate nya noong panahon na yun ang nagpataas ng respeto ko sa kanya bilang leader.

Matapos ang ilan pang sandali ay naayos na ng mga gangmates ko ang lahat ng dapat ayusin. Isa-isa na kaming nagsialisan at ganun din sila Deck na pinagbilin ko ng ihatid pauwi.

Sa loob ng kotse kung nasaan si Julian ang nagmamaneho, katabi ko sa likod si Aziel. Si Niel ang kasama ni Julian na nakaupo sa harap at wala akong ibang masabi kundi sobrang tahimik sa loob. Para kaming namatayan dahil sa lungkot at kaseryosohan sa mga mukha nila. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin sila makapaniwala sa ideya na may traydor sa loob ng gang namin.

Umabante ako ng konti sa harap para buksan ang radyo. Hindi ko kasi kaya na ganito katahimik. Hindi ako sanay.

Pagbukas na pagbukas nito, sakto naman na pumasok ang chorus ng kantang "Wrecking Ball." Sa sobrang pagkabigla napaatras ako. Biglang lakas ko rin kasi ng radyo at hindi ko akalaing iyon ang maabutan kong kanta para sa currently playing.

Nagsitawanan ang mga kasama ko dahil sa naging reaksyon ko. Wala pang ilang sandali nakitawa na rin ako. Pero talagang nagulat ako roon ah! Hindi ko rin kasi yata kinaya ang bagsik ng boses ni Miley!

Hanggang sa nakisabay na rin ako sa pagkanta. Full of emotions pa nga kaya tawa sila ng tawa. Hindi rin yata nakatiis si Julian dahil nakisabay na rin sya sa akin sa pagkanta-- isang malaking delubyo sa totoo lang. Pinipilit nya kasing abutin ang high notes pero sa lalim ng boses? Hindi bumagay kaya sa huli, panay ang piyok nya. Tawa na kami ng tawa kaya nauwi na sa asaran at kantsayawan kung sino nga ba ang susunod na mag-aattempt na maging Miley. Alam nilang biruan lang ito kaya masaya ako na nakikisali sila kahit papaano.

Sa pagkakataong ito, si Niel ang napagdiskitahan namin. Panay ang sigaw namin ng 'sample' sa loob at sa pinaghalo halong sigawan, halos mapatakip na lang sya ng tenga sa sobrang ingay.

"Kakanta na yan!! Wooooh!! Niel dali! Ikaw na sa next line!"

Akala ko hindi nya gagawin ang request ko dahil bigla nyang inilayo ang tingin sa akin. Subalit noong nagsimula ulit ang chorus sa kanta, bigla na lamang syang tumingin sa amin na parang nagfliflip ng hair. May hawak syang ballpen na ginamit nya bilang mikropono. Tulad ni Julian ay pinilit nyang makamtan ang boses ng babae ngunit wala itong naidulot na maganda sa history nya bilang isang bokalista. Full of emotion din sya sa pagkanta at wala kaming magawa kundi humalagpak sa kakatawa.

Ang sagwa kasi nyang umarte. Hindi bagay!

Tapos sunod din na nag-attempt si Aziel na parang bato sa tabi ko. Sa aming lahat sya lang ang nanatiling tahimik, marahil hindi nya akalain na ang mga itinuturing nyang mga pinuno na talagang nirerespeto nya ay may side na ganito, kalog.

Iniabot ko ang ballpen sa kanya na kunwari mikropono namin at nakikita ko sa mga mata nya na parang hindi nya alam kung ano ang gagawin.

"A-ako po?" turo nya sa sarili na parang hindi makapaniwala na isinasali ko sya sa kalokohan namin.

Tumango ako.

"S-sigurado po kayo?"

Tumango ako ulit na may ngiti sa mga labi.

Puno man ng pag-aalinlangan ay kinuha nya ang ballpen na hawak sa kamay ko. Ginamit nya itong mikropono pero noong ibuka nya ang boses nya, para syang robot kung kumanta. Halatang nahihiya pa.

Gayunpaman, mas lalo kaming natawa dahil sa ikinikilos nya. Inakbayan ko sya at kahit yata roon, hindi sya makapaniwala. Sinabayan ko syang kumanta at ganun din sila Julian.

Nakisabay sila sa pag-awit hanggang sa natapos ang kanta. At sa buong pag-awit na iyon ang sumakit ang puso ko! Parang nagsisi tuloy ako na pinilit ko pa silang kumanta. Magkakaroon yata ng signal number five Dyos ko po dahil sa pagdagundong ng boses nila sa loob ng kotse!

Sa sumunod pang mga kanta ay tuloy tuloy pa ang pagsising-along namin. Nawala na ang awkwardness na katahimikan na bumabalot kanina sa loob ng kotse. Salamat sa wrecking ball ni Miley. Na-wreck talaga nya gamit ang ball ang mga pader na bumabalot sa pagitan naming lahat kanina. Kung hindi ko siguro binuksan yung radyo, mukha na kaming tuod ngayon dahil sa kabagutan.

"Uh-oh. Looks like we'll be stuck on a traffic if we go that way. Do you guys mind if I change route? Oui?" sambit ni Julian.

"Ikaw na bahala." sagot ni Niel sa kanya. Sumang-ayon kami.

Maayos naman ang lahat noong mga naunang sandali pero noong may mapansin kaming may mga kotse na sumusunod sa amin medjo naghinala na kami. Binilisan ni Julian ang pagmamaneho pero ganun din ang ginawa nila. Hindi lang isa, dalawa o tatlo ang van na nakikita naming mabilis ding nagpapaharurot. Lima sila kung hindi ako nagkakamali.

Binilisan pa ni Julian ang pagpapatakbo at halos makipagpatintero kami sa kanila. Hindi namin namalayan na nakaabot na kami sa lugar kung saan wala ng gaanong kotse kaya nakitang pagkakataon ito ng mga humahabol sa amin para ipitin ang kotse namin sa gitna.

Sa loob ng kotse ay todo ang kapit namin. Madali kong inilabas ang baril na parating nakatago sa ilalim ng upuan ng kotse since kotse ni Julian ang gamit namin. Ganun din ang ginawa nila Niel at Aziel. Para kaming nag-uunahan sa pag-aassemble nito. Kung kanina ay puro tawanan ang maririnig mo, ngayon pagkasa ng baril ang namumukod tangi.

"Humanda kayo. Hindi maganda ang pakiramdam ko rito." utos ko sa kanila. Wala pa namang nagpapaputok ng baril mula sa mga humahabol sa amin pero mas mabuti nang nag-iingat.

Sa isang malakas na pagpreno, halos maitilapon kami sa loob. Mabuti na lang at may suot kaming seatbelt at nakakapit kami sa maaring makaapitan. Kung hindi siguro namin ginawa iyon, may ilang sentimetro na ang layo namin mula sa kinauupuan namin.

"Are you guys okay?" tanong ni Julian sa amin.

"Anong nangyayari?" Iniangat ko ang tingin para makita kung bakit biglang prumeno si Julian. At nakita na sa halos harap ng kotse namin ay ang isa sa humahabol sa aming kotse kanina. Sa magkabilang gilid pa ay ang panibago na namang kotse, pati sa likod ay iyon ang makikita mo.

Napagitnaan nila kami.

Lumabas ang mga sakay nito at halos lahat sila armado.

"Master... anong gagawin natin?" tanong sa akin ni Aziel.

Papalapit na sila ng papalapit. May nakakatakot ekspresyon ang mga mukha nila.

"Ihanda nyo ang mga baril nyo at kapa sinabi kong 'fire', magpaputok kayo, maliwanag?"

Nagitanguan sila sa akin.

"Lumabas kayo jan." utos ng mga armadong mga lalaki sa amin. Malakas nilang kinalabog ang kotse. "Labas!"

Papaputukan na sana ni Aziel ang mga lalaking ito pero sinenyasan ko sya na wag nyang gagawin. Delikado. Bukod sa mas marami sila sa amin, mas marami rin silang dalang baril. At ang lahat ng ito ay nakatutok sa amin.

"Pero master! Nakikita nyo ba ang tattoo nila? Black Savage sila at hindi sa tinatawag nilang boss kundi kay... The Highest."

Nakita ko ang tinutukoy nya. Gayunpaman, hinawakan ko ang baril nya at saka umiling.

"Wala ba kayong naririnig? Lumabas kayo jan!"

Ibinaba ko ang baril na hawak at nagulat ang mga kasama ko.

"Serene nababaliw ka na ba?!" naaalarmang wika ni Niel.

Tumingin ako sa may bintana, naroon pa rin sila sa labas. Binuksan ko ang pinto ng kotse at lumabas.

Nakipagtitigan ako sa lalaki na may tutok ng baril sa akin. Hindi lang isa, tatlo sila.

Sumunod na lumabas ang mga kasama ko kaya agad din silang tinutulan ng iba pa sa mga kasama ng mga armadong grupo na ito.

"Ibaba nyo ang mga baril nyo. Baba!" Utos nila sa kanila. Nagsitinginan ang mga kasama ko sabay tingin sa akin. Ako sa ikawalang banda ay nakatutok pa rin ang tingin sa mga may tutok sa akin. Habang tumatagal ay palamig ito ng palamig. Ginawa kong blanko ang mukha ko, hindi nalalayo sa mga itsura nila. 

"Talaga bang mga bingi kayo? Kapag sinabing baba, baba!"

Sinenyasan ko ang mga kasama ko sabay tango na ibaba na nila ang mga hawak. Nag-aalangan man, sinunod pa rin nila ito. Sa dami ng nasa paligid, ito lang ang nakikita kong paraan kung saan kami ligtas.

Itinuro ng lalaki ang isang kotse na sinakyan nila.

"Pasok kayo. Wag pabagal bagal. Pasok!"

"Wag mo silang hahawakan." makamandag kong utos na nakapagpaatras kahit pa ang mga lalaking armado na nasa harap ko ngayon. "Hindi ko alam kung sino kayo at kung anong kailangan nyo. Pero wala kayong gagalawin ni isa sa mga gangmate ko dahil kung hindi, magkakalintikan tayo rito." Meron sa boses ko na kahit ako ay hindi ko akalain na kaya kong sambitin. Puno ng lakas at kaseryosohan. Kahit pa ang mga kasama ko ay napaatras.

Nabigla man ay mabilis silang nakabawi. Itinutok ulit nila ang mga baril na hawak sa akin, halos lahat ay pawang mga armalayt at calibre trenta y tres.

"Pasok. Kung ayaw nyong magkagulo pumasok kayo."

Iniangat ko sa kanya ang tingin mula sa tinatamad na talukap ng mga mata ko. Alam kong gustong tumayo nila Julian at Niel sa pagitan ko at sa lalaki na nasa harap ko pero hindi nila magawa. Pati rin kasi napapalibutan ng nakatutok na mga baril.

"Alam pinakaayoko sa lahat yung inuutusan ako. Kung gusto mong mas lalo akong mabwisit... iyon ang gawin mo."

"Papasok kayo sa loob ng kotse sa ayaw nyo man o gusto."

Nakipagsukatan ako ng ngiti mula sa malamig nyang mga mata.

"Make me." Dalawang salita. At sa dalawang salita na iyon, nagkagulo na. Sumirko ako sabay dausdos sa may lupa. Kinuha ko ang baril na binitawan nila Niel at iyon din ang ginawa nila. "Fire!" sigaw ko. Nagpaputok sila ng baril pero naunahan namin sila. Noong kami na sana ang aatake ng sunod  sunod, hindi na namin nagawa matapos makarinig ng isang malakas na palakpak pagtapos ay ang isang malalim na boses.

"Incroyable! You guys are truly remarkable." /~incredible!/

Lahat ng mga armadong lalaki sa paligid ay huminto at yumuko sa isang taong palabas ng isa sa mga kotse na pumalibot sa amin. Umaayos kami ng tayo ngunit nakataas pa rin ang depensa. Noong makita namin ng buo ang taong lumabas mula rito, hindi namin mapigilan ang mapasingap ng konti dahil sa pagkabigla.

Dahil ang lalaking ito ay si walang iba kundi si The Highest. May mapaglarong ngiti sa mga labi nya.

"It's been a while, n'est ce pas?"/~isn't it?/

Huli ko syang nakita noon sa Battle of the Gang. Gayunpaman, ngayon ko lang sya nakita ng harapan na tulad nito. May ngiti sa mga mata nya na nakakakilabot, postura na tila ba sumisigaw ng kapangyarihan at mga mata na para bang nagsasabing wala lang sa kanya kung papatayin ka nya ngayon. Pormal na pormal ang suot nya at mayroon syang sumbrerong itim na para bang isang mahikero. Bukod pa roon ay kapansin pansin ang malaking peklat sa mukha nya-- sa may bandang kanang pisngi diretso sa may mata nya  hanggang sa may kanang kilay. Halata man na sugat nya ito magmula noon pa man, hindi ko mapigilang mapaisip, saan nya kaya ito nakuha?

Ang ikinagulat ko pa ay ang kulay ng mga mata nya pati na rin ang kabuuan ng mukha nya. Pakiramdam ko kaharap ko si Pietr thirty years from now. Magkamukha kasi sila ni Pietr, magkamukhang magkamukha.

Umabante sila Aziel, aktong susugod na. Mabuti na lang at napigilan ko sila agad.

Nagkaayos man ang Black Savage ni Jace sa Ellipses, ang Ellipses ay nananatili pa ring may galit sa Black Savage ni the Highest. Masyado kasi silang madumi at marami ng nagawang mga bagay na gumugulo at lumalabag sa karapatang pantao. Magmula noong maghiwalay ang dalawang BSG, kung ano ang kinaayos ng gang nila Jace, iyon naman ang kinalala ng kanya. Ang gang nila ang isa sa mga responsable kung bakit may korapsyon, kaguluhan at kahit pa talamak na prostitusyon hindi lang sa bansa kundi sa lahat ng nasasakupan nya. Nagbebenta sila ng mga pinagbabawal na gamot, tumatanggap ng suhol, pumapatay ng kahit sino man ang gusto nilang tapusin, at kung anu ano pang madudumi at masasamang gawain.

Kung may nabubuhay mang totoong demonyo, sya yun.

"I'm here to talk about some business matter. It's an honor to meet the new gangster queen." meron sa accent nya na nagpapaalala sa akin kay Pietr noong una ko syang makilala. Malalim at puno ng dating.

Pero sa totoo lang gusto kong masuka sa ngiti nya. Hipokrito. An honor? Eh halos gusto nga nya akong patayin noon pa man. At nakakasiguro ako na kahit pa magpasahanggang ngayon.

Nakipagsukatan ako ng tingin. Kahit marami ng taon ang nakakalipas, hindi pa rin maitatanggi na ang lalaking ito na nasa harapan ko ang may dahilan kung bakit nawala si kuya.

"Say whatever you like to say. We don't have much time to deal with your crap."

Tinutukan kami ng baril ng mga kasama nya. Tumawa sya ng konti.

"What an arrogant thing to say to an elder like me. So unlady like." Nagsenyasan kami ng mga kasama ko. Aktong sisipain ko ang isa sa gangmate nya ng bigla na lang syang magsalita. "You wouldn't like to do that. I have a sniper everywhere around the place. Wrong move from you and they will shoot. It's your choice."

Ikinuyom ko ang mga kamay ko. Sinusubukan talaga nya ang pasensya ko.

♥♥♥

A/N: 

So dito nasagot kung sino nga ba si Owen at kung bakit malamig ang trato ni Deck kay Andrei :) The traitor? Abangan pa sa mga susunod na updates. Subaybay lang at malalaman nyo rin. Sa ngayon, read between the lines lang. Marami pang mangyayari. Maraming possibilities. Sya nga pala salamat sa mga nagcocomment at nagshashare ng kanilang mga thoughts and stuffs. LOL! Nakakaaliw kayong lahat. Natutuwa akong basahin ang mga comments nyo. Seryosong seryoso kayo! Nakakapressure xD Natutuwa rin ako na napapaisip kayo kung sino nga ba ang traydor! Thank you talaga Listeners! Basta hula lang! Word hunt kayo ^^ Goodluck! ;) 

OLE!

-wistfulpromise

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 62.5K 37
Lucienne Simons, also known as Lush Fox, is a best-selling mystery writer who is worshipped by millions of her fans. Everyone is eager to find out wh...
1.3M 45.2K 63
Astreille knew her capability as a hacker and how her strength in that field can ruin someone else's life. For years, aside from writing stories, she...
1.1M 35.4K 61
Maxreign Ezriel always watch her brother's friend, Bullet Knights, from afar. Supporting him silently and loving him will all her heart even if he do...
20M 700K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...