MAGIAN ACADEMY : The Legendar...

By mandarambs

973K 28.2K 3.1K

Sabi nila lahat tayo may pag asa sa buhay.......... May mga maswerte na natupad at nakuha nila ang mga bagay... More

Magian Academy:The Legendary Princess of Celestial Kingdom
Prologue
Chapter 1:Meet Her
Author's Note
Chapter 2:Book Of Prophecy
Chapter 3:Enchanted Forest
Chapter 4:Welcome To Magian Academy
Chapter 5:Purple Eyes and Purple Hair
Chapter 6:Clinic
Chapter 7:BestFriend
Chapter 8:Bonding with my Bestie
Chapter 9:First Day
Chapter 10:His Smile
Chapter 11:Forbidden Cursed Forest
Chapter 12:Flashback
Chapter 13:The Battle
Chapter 14:The Battle #2
Chapter 15:Awake
Chapter 16:Thank you and Sorry
Chapter 17:New Student
Chapter 18:Goddess of Power
Chapter 19:History of Magical World
Chapter 20:Celestial Kingdom and the Truth
Chapter 21:The Truth
Chapter 22:Goddess of Water
Author's Note
Chapter 23:Deep Sleep
Chapter 24:Lie
Chapter 25:She's Dead?
Chapter 26: She's Gone
AMAZING COVER
Chapter 27:A Secret Reveal
Chapter 28:The Princess of Celestial Kingdom is Back
Chapter 29:New Friends
Chapter 30: I'm Back!
Chapter 31: Her Revenge #1
Chapter 32: Her Revenge #2
Chapter 33:Forgiveness
Chapter 34:Magians Day
Chapter 35: With Him
Chapter 36: Training
Chapter 37:Happy Friends
Chapter 38:Giant Monster
Chapter 39: I Really Forgive Them
Chapter 40:Veronica's Past and Plan
Chapter 41: Meeting the Queen of Wizard Kingdom and Linda's Secret
Chapter 42:At Mortal World
Chapter 43:War:Icy Vs. Veronica and Ellisay
Chapter 44: Repentance of a Traitor and a New Traitor
Chapter 45:Girlfriend?!
Chapter 46:New Students
Chapter 47:Jealous and a New Enemy
Chapter 48:The Legend Blade Sword
this is not an update
Chapter 49:Adelaida Celestine
Chapter 50: Truth Hurts but it Helps
Chapter 51: RalphEna
Chapter 52: Pretender
Chapter 53: The Olympian Greek Gods and Goddesses
Chapter 54: Inlove
Chapter 55: Melissa's Birthday Part 1
Chapter 56: Melissa's Birthday Part 2
Chapter 57: Unexpected Invasion
Chapter 58: We Won
Chapter 60 : Q and A
Chapter 61: Ace's Plan
Chapter 62: Taken Away
Chapter 63: Confession
Chapter 64 : The Beginning
Chapter 65 : War
Chapter 66 : Downfall
Chapter 67 : Cliff Edge
Chapter 68 : Ethereal Mountain
Chapter 69 : Sanctuary of the Statues
Chapter 70 : The Real War

Chapter 59: Strenght of will or Weakness?

6.4K 190 9
By mandarambs

Dedicated to imwinvy-winvy
Hi! Sorry akala ko sa chapter 58 kita maidededicate :( forgive me :(

•••••••••••••••••

Elissay's Pov

"Mga walang kwenta! Wala kayong mga silbi! Ano?! Talo na naman tayo?! Tapos sila na naman ang nagtagumpay ha?! Asan si Dracky?! Papuntahin mo siya dito! " sigaw sa'min ni Haring Drack. Nakita kong tumalikod siya sa'min at napahilamos sa mukha dahil sa dismaya.

Kasalukuyan kaming sinesermon ni Haring Drack dahil sa kapalpakan sa pagsugod kanina. Napayuko nalang ako at tinanggap ang sermon ng Hari dahil may kasalanan rin naman ako dito. Ano pa ba? Edi yung sumuko agad ako sa babaeng White Ice Controller na 'yon.

Ssabihin ko ba? Na nahuli sila Dracky nila Athena? Anong gagawin ko?!! Leche kasing Athena 'yan!

Paanong 'di kami matatalo kung ang dami-dami nila kanina?! Pinagtutulungan na nga si Dracky kanina e. Baka nga patay na 'yon ngayon e.

"Ahhhh H-haring Drack.....nahuli po s-silang tatlo ni Athena. H-hindi sila nakapalag dahil pinatulog ni Athena sila Drack----"

"Ano?! Eh anong gagawin na'tin ngayon at nahuli sila?!! Wala kayong kwenta e! Lahat ng plano sira na! Imbes na makukuha niyo na yung pamangkin 'ko, sila Dracky pa nakuha diba?! Sinabi ko naman yung plano di'ba?! At sinabi niyo pa na hindi niyo'ko bibiguin. Anyare ngayon?! Ikaw Ace?! Anong ginawa mo?!" Nabaling naman ang tingin ng Hari kay Ace na nasa tabi ko habang diretsong-diretsong nakatingin sa mga mata ni Haring Drack.

"Haring Drack, ginampanan ko lang ang role ko na magpanggap. Hindi ba yun ang utos mo? Tsk!" kapal ng mukha netong Ace na'to. Kitang galit na galit na si Haring Drack, sinagot pa ng pabalang. Nakita 'kong mas lalong nagalit ang mukha ng Hari at mukhang sisigawan niya ulit si Ace pero naunahan siya nito.

"Pero wag kayong mag-alala, may naisip akong ibang plano" nakangising sabi ni Ace. Ano na naman bang binabalak ne'to? Siguraduhin niyang magandang plano 'yan.

"Siguraduhin mo sa'king gagana 'yang plano mo Ace" sabi ni Haring Drack at umupo na ulit siya ng maayos sa inuupuan niya. Pinagmasdan ko lang sila habang nakatingin sa isa't isa na parang may masamang balak.

"Talagang maganda kasi kahinaan ng malalakas ang pupuntiryahin na'tin" Nagulat ako ng biglang ngumiti si Haring Drack tapos ngumisi naman si Ace sa kanya.

So wala na'kong silbi ngayon dito? Parang dati ako yung kanang kamay niya ah? Nagbago na'ba? Mang-aagaw rin ng posisyon 'tong si Ace e. Pag nalaman 'ko lang talaga kung ano ang pinakahuli nilang plano na napag-usapan nila dati ni Haring Drack, edi sana alam ko na yung mga tinginan nila ngayon.

Napairap nalang ako sa kawalan dahil may favoritism na ngayon ang Hari namin.

Kung hindi lang talaga sa paghihiganti ko kay Athena hinding hindi ako sasama dito. Dahil may kaagaw na'ko sa posisyon ko dito sa Kahariang ito.

Gusto kong maging Prinsesa ng Kahariang 'to kaya galit ako kay Barbie minsan kasi kakumpitensya ko siya sa posisyong 'yon.

At alam na alam 'kong sampid lang naman dito yung prostitute na 'yon dahil nga di nga daw siya nababagay sa Mortal World. Sabagay demonyita nga pala siya at dapat nasa impyerno siya, gaya ng Dark Kingdom.

Bigla ko'ng naisip si Athena. Siya yung tipo ng puting mago na nakakapatay ng ibang mago ng di namamalayan. Siya rin yung mago'ng malandi kung makadikit kay Ralph. But don't worry Athena, soon magiging akin rin si Ralph at ikaw? Mabubulok ka sa impyerno.

Athena. Athena. Athena.

Oo, malakas ka pero hindi ibig sabihin non ay magpapatalo 'ko sa'yo. Porket malakas ka, panalo ka'na sa lahat? Ang kahinaan mo rin ang tatalo sa'yo.

Athena's Pov

Nag teleport kami ni Ralph sa kaharian namin. Nakakapagtaka lang dahil walang mga kawal sa loob ng kaharian pero sa labas ay marami. Habang naglalakad papunta sa sikretong daan papunta sa underground cell dito, bigla akong namula ng maalala ko na magkahawak kami ng kamay ni Ralph. Parang biglang may nagkakaguluhan na bubuyog sa loob ng tiyan ko.

Bubuyog talaga Athena? Tsk utak ah?ayus-ayusin minsan.

Omyghod! Naalala ko eto yung ginagawa ng mga magsyota they called it 'Holding Hands While Walking?!!' >_<

Nakakahiya pasmado pa naman kamay ko tsaka 'di malambot. Aalisin ko na dapat yung kamay ng biglang hinigpitan ni Ralph yung pagkakahawak. Nakakainis naman 'tong si Ralph! Lagi nalang akong pinapakilig!

Hindi ba pwedeng ipagpabukas nalang 'tong kilig ko? Feeling ko kasi titili ako bigla dito sa sobrang kilig e!

Shhhhh! Athena be quiet!
Wala na'kong nagawa at hinaltak ko nalang si Ralph na umiikot ang mata.

Hindi pa ba siya nakakapunta dito? Siguro nga.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad at hindi ko na inintindi yung kamay naming magkahawak dahil ayokong mapahiya at baka tanungin niya 'ko na 'bakit? Kinikilig ka?'.

Di'ba? Kaya ayoko ng iopen ang topic tungkol sa kamay namin. Pshh!

Narating na namin ang pinakadulong bahagi dito sa kaharian namin. Yung pinakadulo kasi nito ay talagang puro kulay lilang dyamanteng pader at mapapaisip ka talagang parang wala ka ng malalabasan. Pero meron talaga, akala mo lang pader yon pero hindi.

There are many secret passage hidden here in Celestial Kingdom at pamilya lang ng Celestine ang nakakaalam kung nasaan ang mga 'yon. Pero siguro naman hindi pagsasabi ng katabi ko dito yung tungkol sa mga secret passage dito no? At 'di rin naman madaldal si Ralph para ipagsabi niya.

"Ralph? Wag mong pagsasabi ang tungkol sa makikita at maririnig mo ngayon. Dahil pinagkakatiwalaan kita." sinserong sabi ko at ngumiti sa kanya, pero laking gulat ako ng tunawa siya ng mahina. Wait--parang ano ahhh bakit parang ang sexy ng pagkatawa niya? Hay nako Athena kung ano ano naman ngayon ang naririnig mo.

"Kahit hindi mo sa'kin sabihin 'yan Athena. Alam ko ang mga limitasyon ng bibig ko at hindi naman ako madaldal tulad ng IBA d'yan" Teka nga, teka nga. Ako ba pinariringgan neto?? Paanong di ako mag aasume na ako ang pinaringgan niya e kung inemphasize niya yung IBA?

"Oy! For your information hindi ako madaldal no!" sabi ko sa kanya saka siya inirapan. Tinawanan nalang niya 'ko ulit. Nakakarami na siya ng ganyang tawa ah? Hindi naman ako clown para tawanan niya!

Hindi ko na siya pinansin muli at tinignan nalang ang pader. Oo nga pala ang bawat secret passage naman ay may secret code para makapasok ka dito, pero iisa lang ang code na'yon. At kayang makadetect ng dark magian ang passage dito. Pwedeng may lumabas na mga patalim papunta sa'yo. Kaya kung dark magian ka, wala ka pa sa underground cell patay kana. Pero isang daanan lang ng mga dark magian 'yon kaya pag may dumaan na pangalawa wala ng mga patalim na maglalabasan. Ewan ko ba ang galing nila Mommy at Daddy, hindi ko alam paano nila nagagawaang ganyang bagay-bagay. Biruin mo nakagawa sila ng gantong passage tapos nakakadetect ng dark magian tapos maglalabasan ang mga patalim pag nakadetect. They amazed me always.

Nang makarating na kami sa tapat ng pader ng kulay lilang dyamanteng 'yon kinapa ko muna ito bago sabihin ang katagang magpapabukas dito.

"apokálypse"

Pagkasabi ko ng katagang 'yon biglang nawala ang pader sa harap namin at ang sunod naming nakita ay mahabang daan. Hindi ko na pinagsalita si Ralph at hinalatak nalang siya papasok kasama sa pagpasok namin ang tatlong dark magian.

Habang naglalakad napapansin kong nakakunot ang noo ni Ralph. Hahaha! Sabi ko na nga ba mahihilo siya e. Halos nakaka ilang minuto na kami sa paglalakad-lakad, mapakaliwa-mapakanan-mapadiretso kaya siguro mainit na ang ulo. HAHAHA!

Pwede naman talaga kami dumaan ni Ralph sa pinakashort-cut nito pero gusto kong maexperience ni Ralph yung hilo pag dumaan ka talaga sa tamang daanan hahaha! Maraming daan dito kaya parang matatawag 'tong maze passage. Kasi kaya ginawa itong maraming daan dahil kapag sakaling may makapasok na dark magian ay maliligaw sila. Pero may rules dito na bawal gamitin pero para sa'min lang 'yon nila Mommy at Daddy, ito ay ang pagteteleport papunta sa loob ng underground cell. Kami lang ngang pamilya ng Celestine ang makakagamit ng kapangyarihan dito. Kahit galing ka sa angkan ng dugong bughaw pagkapasok mo palang ng passage ay hinding-hindi na gagana ang kapangyarihan mo. Ayan ang sabi sa'kin ni Mommy nung makabalik ako dito sa tunay 'kong tahanan.

"F*ck! Ba't ayaw gumana ng kapangyarihan ko?! Athena ba't antagal naman nating makarating sa pupuntahan natin?! Tapos baka mamaya magising na yung tatlo sa likod natin!" inis na sabi niya kaya napabitaw siya sa kamay ko. Got'cha!

"Hindi talaga gagana ang kapangyarihan mo dito kahit anong pilit mo at manghihina ka'pa sa ginagawa mong 'yan" sabi ko at nagpatuloy na sa paglalakad at nakasunod naman sa'kin yung tatlong dark magian na nakalutang.

"Tsk!" Ayon naman pala susunod rin naman pala sa'kin pero nanlaki mata ko ng hawakan na naman niya yung kamay ko.

"Buti nalang may natititira pa'kong kapangyarihan na minamahal ko."

Ako ba yon? Nako! Athena wag assumera, sa itsura at ugali mo ngayon magugustuhan ka niyan? As if!

'Pero alam kong magugustuhan niya'ko' that line was called IMAGINATION MO ANG LIMIT!
Ibig sabihin limi-limitahan mo naman ang imahinasyon mo dahil lumalagpas-lagpas na at pwede ng maging bangungot. Imbes na nagiimagine ka ng kay'ganda tapos bigla kang sumobra ayan! Bangungot ang aabutin mo.

Pagkarating namin sa dead end ng passage may secret code na naman, pero para sa'kin madali lang siyang tandaan.

" Majika Celestia" Nawala bigla ang pader na'yon at may lumitaw na sobrang lalim na hagdanan. Narinig ko pang napamura si Ralph dahil sa sobrang layo na ng lalakadin namin for the second time! Laughtrip mukha niya grabe HAHAHA. Yung mukha niya kasi parang matatae na HAHAHA.

At sa wakas after 123456789 decades narating din namin ang dulo at may pintuan na kulay lila don. Sa wakas naman, binuksan 'ko na 'yon at laking gulat 'ko ng nandoon sila lahat.

Melissa's Pov

Pagkamulat ko ng mata ko mga bandang ala una 'i med'ya ng madaling araw nakita 'kong wala na si Ralph at Athena sa higaan nila. Madilim ang paligid at buwan lang ang nagbibigay liwanag. Saan kaya nagpunta ang dalawang 'yon? Pumunta ako sa ibaba at nadatnan ko roon ang mga katulong ng aking Ina.

"Ahhmm... Ate naayos na po ba ang lahat ng nasa Legendary Forest? Wala na bang natirang mga halimaw doon. O wala bang napahamak na mga estudyante?" nag-aalalang tanong 'ko dahil baka may napahamak sa nangyari kanina.
Tsaka hindi namin agad napaasikaso dahil nakatulog kaming lahat sa sobrang pagod at puyat dahil anong oras na din ng matapos ang pagsugod kanina.

"Wala ho Prinsesa Melissa. Sa katunayan nga po ay dumating ang mga kawal ng Celestial Kingdom upang linisin ang lahat. May isang kawal naman po si Reyna Alicia siguro yun yung pinakapinuno sa lahat ng dumating na kawal, sabi niya ho pumunta daw po kami sa dorm ng mga estudyante kung sakaling may napahamak kanina at gagamutin namin"sabi niya kaya tumango ako at umalis pumasok muli sa silid kung saan kami natutulog.

Makatulog na nga lang, sigurado namang nasa mabuting lagay si Athena at si Ralph dahil ayaw na ayaw nilang mapahamak ang isa't isa.

Zzzzzz

Unknown Pov

Athena mag iingat ka lagi. Masaya ako dahil natalo niyo ang pinasugod nila Drack don sa Legendary Forest. Alam kong alam mo na, na hindi ako ang isa sa mga kasama niyo kaya alam kong gumagawa ka na ng plano.

Nandito pa rin kami sa Dark Cell ng Dark Kingdom. Nakakakain naman kami minsan dito pero yung kainin ang bigay ng isang demonyo ay parang di kaaya-aya. Hindi naman namin matiis ang aming sikmura na kumukulo kaya minsan kinakain din namin ang bigay nila.

Madilim. Maalikabok. Nakakasulasok ang amoy ng paligid. Walang hanging minsang' pumapasok. Malaki siya kaya hindi ko masyado kita ang dulo dahil nasa dulo lang rin kami at medyo malapit sa pintuan. Medyo may naaaninag akong kulay pulang pintuan sa dulong dulo. Ano kaya meron don?

*BLAGGG*

Bumukas ang pintuan at iniluwa non ay sila Drack at Elissay na may kasamang ilan pang kawal sa likod nila.

"Anong mga pakiramdam niyo? Kailangan niyong maging malakas at maging handa. Dahil hindi ko na kukunin ang mga kapangyarihan niyo" Anong ibig niyang sabihin? Ba't kailangan naming magpalakas? At maging handa? Bakit?

Puro katanungan lang ang pumasok sa isip ko pero binigyan lang ako ng ngiti ni Drack.

"Bakit? Anong balak niyong gawin sa'min?! Kung may gagawin kayo sa'min, ako nalang wag ang mga magulang ko!" Napatayo ako at napakapit sa malamig na rehas kung saan ako nakakulong. Ayokong mapahamak ang mga magulang ko kaya please ako nalang.

"Anak hindi ako papayag, kung isa lang ang kukunin niya sa'tin. Ako nalang yon, hindi ikaw o hindi ang mama mo. Ayokong mapahamak kayo habang ako dito ay walang magawa. Kaya anak ako lang ang sasama." Nanghihina ang tuhod ko at bigla nalang akong bumagsak kasabay ng pagpatak ng mga luha ko. Hindi pwede! Ayokong mamatay si Papa.

"Oh paano ba 'yan, sasama ko na ang papa mo? Buksan ang kulungan nila" binuksan ng mga kawal ang kulungan habang kami ni mama ay magkahawak ng kamay at umiiyak. Ayokong mawala sa'min si papa. Nakaalis na si papa sa kulungan kaya nasara na muli ang kulungan nila mama. Pero nagulat ako ng biglang may inilabas si Drack sa damit niya, isa itong kulay itim na parang pangstapler na malaki.

Pero mas nanlaki ang mata ko ng ilagay niya iyon sa tapat ng leeg ni papa. Saktong nakatalikod sakanya si papa at pinindot niya 'yon kaya biglang natumba si papa.

"Papa!" Ngumisi lang sila sa'kin ni Elissay at pinadala ni Drack si papa sa mga kasama nilang kawal.

Walanghiya siya! Pag may nangyaring masama sa papa ko di ko alam kung anong magagawa ko sa'yo Drack!

"Mamamatay ka din Drack! May araw ka din sa'min! Pag may nangyaring masama sa papa ko t*ng*n* mo mawawala ang lahat lahat sa'yo pag nakawala kami dito!!! Papa!!!" Nakalabas na silang tuluyan pero nakita kong naiwan si Elissay.

"Si Athena inaasahan mo ba siyang ililigtas ka? Eh tanga ka pala e, kung gusto niyang iligtas ka matagal na niyang ginawa. Wala ka ng pag-asa sa lahat mabubulok at mamamatay kayong mag ina dito. See you again bitches!" lumabas na siya pagkatapos niyang pababain ang lakas ng loob namin ni mama sa pagligtas ni Athena sa'min. Kung may mangyari man sakin aming mga diyos sana ay buhayin niyo lang kahit si mama at papa kahit di na'ko. Lalaban ako hanggang kamatayan ko. Ang gusto ko lang ay maging malaya sa kapahamakan at kasamaan pero wala nakuha nila si mama at papa. At sinundan ko ang misyon na pinaggawa sa'kin noon para sa pagkawala nila mama at papa pero hindi nangyari dahil mapanlinlang si Drack.

Athena sana kumilos na kayo. Hirap na hirap na kami rito.

Niyakap ako bigla ni mama kaya niyakap ko din siya pabalik. Hindi ako iiyak, hindi pwede. Ako lang kukuhanan ng lakas ni mama dito. Kami lang ang pwedeng magtulungan kaya di ko papakitang mahina ako. Alam kong nanghihina na si mama kaya kailangan kong maging malakas para magaya siya sa'kin na malakas sa labas ngunit 'di niya alam ay mas mapurol sa loob.

Hindi ako panghihinaan ng loob lalaban ako at hindi ko ipakikita sa lahat na nahihirapan ako dahil mas magandang piliin ang kalakasan ng loob mo kaysa sa kahinaan mo.

Hindi naman kasi patas na nakakulong kami rito ni mama habang yung kalaban namin ay malayang nagagawa ang gusto niya.

Alam kong makakaya mo siya Athena dahil ikaw lang ang makakapatay kay Drack at ikaw lang ang nag iisang itinakdang tagapagligtas ng mundo ng mahika.

Continue Reading

You'll Also Like

176K 12.8K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...