Deira POV
Napahawak ako sa may braso ko at tinakpan ng panyo dahil may malaking pasa nanaman ito.Baka pag nakita to ni roger magtatanong nanaman yon
"Aba aba! Hindi pa tayo tapos babae ka tinatalikuran mo nako?! Bastos ka ah!Ganyan kaba pinalaki ng mga magulang mo?!"
Napatingin ako sa babaeng kapapasok lang.
"Pasensya na" paumanhin ko dito?
"Anong pase pasensya?! Walang ganon!!Halika dtto dapat alam mo kung saan ka lulugar!!"
Sigaw nito saka lumapit sakin at hinatak ang buhok ko saka ako pinukpok ng pinukpok ng hawak nitong baseball bat.
"Tama napo! Tama na!!" sabi ko habang umiiyak at walang magawa.
"Hindi!Paduduguin natin ang buong katawan mo hanggang sa magtanda ka!!Ikaw wala ka na ngang nakukuhang pera pasaway kapa!!" sigaw nito
Sabay hampas sa ulo ko.Ramdam ko ang pagtulo ng dugo ko sa ulo at nag ikot ang paningin ko.
"Mama!Papa! Tulong .Tulungan niyo ko!! " sigaw ko kahit alam ko na hindi naman ako nila naririnig.
***
Sawang sawa nako sa buhay na ito.Sa buhay ng mga sindikato.Tatlong taon na ang nakalipas simula ng dukutin nila ako at utusan na magnakaw at gumawa ng mga masamang Gawain.Lagi nila akong binubugbog kapag wala akong nauuwing pera.Ayoko na ...Gusto ko nang umuwi sa amin.
"Oh medyo masakit ito ha.Tiisin molang babalutan ko lang ng tela ang sugat mo" sabi ni Kim habang ginagamot ang mga sugat ko.Isa rin siya sa mga nadukot at ginagamit sa masamang Gawain ng mga sindikato.Magkasama na kami sa loob ng tatlong tao at siya narin ang bestfriend ko.
"Bakit hindi nalang tayo sumama kay Roger? Sabihin nalang natin sa kanya ang totoo" sabi ko kay Kim.
Tinutukoy ko ang kaibigan namin sa labas.Sa pagkakaibigan naming tatlo ay sa loob ng tatlong taon ay Wala siyang alam na nasa pangagalaga kami ng mga sindikato.
"Ano kaba?! Baka mamaya mapahamak pati si Roger pag ginawa natin iyon.Hindi ko makakaya iyon" sabi niya na ikinataka ko.Iba ang pag aalala niya sa mga mata ng sinabi niya iyon.
"Wag kang mag alala nakahanap nako ng paraan para makatakas tayo ng tuluyan dito" sabi niya at ngumiti.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.
"May nakausap akong mga pulis kahapon.Naglakas loob akong magsumbong at ituro sa kanila kung nasan tayo.Bumalik lang ako dito ngayon para sabihin sayo at kasabay kang tumakas dito" sabi niya.
"Nasisiraan kanaba?Pag nalaman yon ng mga nagbabantay satin dito siguradong papatayin ka nila !" madiin kong sabi at niyakap siya.
"Sigurado kabang walang nakakita sayo?" natatakot na tanong ko sa kanya.
"Sinigurado kong walang nakakita sakin.Ang mahalaga may tutulong sa atin." Sabi niya at may ngiti sa labi.
Ngumiti ako sa kanya pero may takot sa dibdib ko.Laging may mga nakamasid na mata samin pag nasa labas kami.Sana lang ay hindi siya nakita.
"Pag nakalabas tayo dito mahahanap mo na ang magulang mo.makikita na muli natin sila"
Sabi niya.Sa tuwing nababanggit ang magulang ay nagtataka ako dahil hanggang ngayon ay wala siyang naikwekwento sakin tungkol sa pamilya niya.Basta ang sabi niya nadukot siya.
"Ahm may gusto sana akong sabihin sayo matagal na.Tungkol sakin at kay Roger" sabi niya pa at may malawak na ngiti.
"Ikwekwento ko sayo pag naka-"
"HOY!!!SINO ANG NAGSUMBONG SAINYO!SINO!!!" naputol ang sasabihin niya ng puso ang isang matabang lalaki .
Napatayo kami ni Kim sa pagkakaupo at napahawak sa kamay ng isat isa.
"ABA!WALANG GUSTONG SUMAGOT!!!SINO!!!!!IKAW?!!IKAW BA?!!!" sigaw nito habang namumula ang mga mata at nakaturo ang kamay kay Kim.
Bumibilis ang pagtibok habang papalapit ito samin.
"Takbo!" sabi ni Kim .Tumakbo kami pero nahablot siya nung mataba.
"Kim!" sigaw ko.
"Tumakbo kana!" sigaw niya.
"IKAW!!IKAW NGA SIGURO ANG NAGSUMBONG!!!" sigaw ng mataba at sinuntok si Kim sa mukha.
Nanginginig ang mga kamay ko.Dali akong lumapit sa kanila at hinampas hampas ang mataba.
"BITAWAN MO SIYA!!" sigaw ko.
"WAG KANG MAKIELAM!" sabi nito at saka tinulak ako at patuloy na sinuntok suntok si Kim.
Napaiyak ako.Hindi ko siya kayang iwan nalang.
"A-ako...AKO ANG NAGSUMBONG!" sigaw ko.Napatigil naman ang mataba.Binitawan nito si Kim at ibinaling ang atensyon sakin.
Napatingin sakin si Kim.
Tumingin ako sa kanya at sinenyasan na humingi nalang siya ng tulong at tumakbo na.
.
"ahhhp!" inda ko ng sampalin ako nito gamit ang nakasaradong kamao.
"IKAW TALAGA ANG PINAKAPASAWAY DITO!!" sabi nito at sinipa sipa ako.
Napatingin ako sa may pinto ng may pumasok doon at may hawak na kutsilyo.Si kim! Anong ginagawa niya?!Sabi ko humingi siya ng tulong at tumakbo na.
"HAAAAA!!!" sigaw nito habang pasugod sa mataba.Nasaksak niya ito sa tiyan .Napaatras ako.
Inagaw nung mataba ang kutsilyo.
"HAYOP KANG BABAE KA!!" sigaw ng mataba saka siya hinawakan sa ulo at sinaksak ng ilang beses sa tiyan.
Napabagsak si Kim sa may semento habang napapaligiran ng napakdaming dugo na nagmula sa kanya.Nanginginig ako na napatingin sa mata ni kim na nakabukas pero wala ng kislap.
"K-kim" tawag ko
"BWISET!!" sabi ng mataba at tumakbo sa labas habang hablot ang buhok ng makarinig ng mga putok.
"FREEZE!!" sabi ng isang pulis habang nakatutok ang baril sa mataba.
Binitawan naman nito ako saka itinaas ang mga kamay.Nakarinig pako ng mga putukan.
***
Tulala akong lumabas ng malaking gate habang kasama ang mga pulis.Nalipol na nila ang mga masasamang sindikato.Pero hindi ko na nabalikan si Kim dahil sa sumabog ang buong factory.Kasama siyang sumabog.
Napatingin ako sa babaeng humahagulgol habang yakap yakap ang dalawang bangkay na pulis na nakahiga sa semento.
Hindi lang sila ang namatay madami ding pulis at madami din ang nasugatan.Pero madami kaming nasagip
"MOOOOMMM!!!!" sigaw ng babae na nakayuko at humahagulgol.
****
Bigla akong napabalikwas sa higaan ko .Isa nanamang pagbabalik alaala na panaginip.Sumagi nanaman sa isipan ko ang itsura ni Kim habang nakahiga at duguan at may mga saksak.
Napapunas ako sa mata ko dahil may mga luha doon.
"I'm sorry " sabi ko at muli na naming napahagulgol ng maalala ang nakaraan.
Hindi naman na siya babalik kung hindi dahil sakin.Dapat hindi siya namatay.
Sorry...
Napatingin ako sa tumatawag sa phone ko.Si roger.Matapos ang nangyari nayon ay hindi na kami nagkita ni roger pero hindi ko alam na matapos ang ilang taon ay magkikita kami sa Shadow Corporation.Hindi kami naguusap sa nakaraan.Hindi ko alam kung alam niya naba na namatay si Kim.Basta ang sinasabi niya lang kapag nakikita niya ko ay naaalala niya si Kim.Hindi ko alam kung anong nagging relasyon nila ni Kim dati pero siguro dahil narin sa may hawig kami kaya naging kami ngayon ni Roger.