Imperium: Legend of Anton (Se...

By Legend111216

64.7K 3.7K 57

Si Anton ay 25 years old, madami siyang mga bagay at desisyon na pinagsisihan. dahil sa kaniyang mga kamalian... More

Chapter I: Accident
Chapter II: White Room
Chapter III: Behind the Door
Chapter IV: First Battle
Chapter V: Victory!
Chapter VI: Rest Day
Chapter VII: Second Trial
Chapter VIII: The Last Man Standing
Chapter IX: Search
Chapter X: Kuroro Village
Chapter XI: Arthur
Chapter XII:
Chapter XIII: Horde part 1
Chapter XV: Undying Will
Chapter XVI: Undying Will part 2
Chapter XVII: Ellen
Chapter XVIII:
Authors Note
Chapter XIX:
Chapter XX: Bank Robbery
Chapter XXI: Chairman Lee
Chapter XXII: PGE
Chapter XXIII: Farewell Fight
Chapter XXIV: 3rd Trial
Chapter XXV: Seven deadly sins, Pride
Chapter XXVI:
Chapter XXVII: Expidition
Chapter XXVIII: Death Spider Den
Chapter XXIX: To Goblin Nest!
Chapter XXX: Church of Five Gods
Chapter XXXI: Liu Ye
Chapter XXXII: Hyper Torch
Chapter XXXIII: Necromancer
Chapter XXXIV: The Unexpected Encounter
Chapter XXXV: Confrontation
Chapter XXXVI: Power Up!
Chapter XXXVII: Colossal Demon
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
Chapter XLI
Chapter XLII:
Chapter XLIII
Chapter XLIV
Author's Note

Chapter XIV: Horde part 2

1.2K 71 0
By Legend111216

"Ihanda ang mga palaso na may apoy!" Sigaw ni arthur habang nakataas ang kaniyang mga kamay at pinagmamasdan ang mga goblin na unti unting papalapitsa pader.

Nang makalapit ang mga goblin sa lugar na minarkahan nina anton at arthur. "Para sa ating village! Para sa ating pamilya! Pakawalan ang palaso!" Kasabay ng sigaw ni arthur ay ibinaba nito ang kaniyang braso at itinuro sa direksyong mga goblin.

Ang mga goblin na nagmamarcha papalapit sa pader ay tila bumangga sa pader at isa isang nagsibagsakan. Ang ang mga palaso na may apoy na di tumama sa mga goblin duretso sa lupa kung saan inilatag nila anton ang mga tuyong halaman at damo. Mabilis na naglihab ang paligid at kumalat ang apoy.

"Kiiiiyaaaak!" Sigaw ng mga goblin habang tinutupok ng apoy. Nang matapos ang pagulan ng mga palaso ay agad na nagtakbuhan ang mga goblin dahil alam ng mga goblin na tatagal pa ng ilang minuto bago pa ule makapagpakawala ng mga palaso pero ilang sandali lamang ay nakarinig ang mga goblin ng matining na tunog na tila sumisipol. Nagkamali ng inaasahan ang mga goblin. Di nila inaakala na ganun kabilis kumilos ang mga tao.

[Few hours earlier]

"Simple lang ang plano.. una susukatin natin ang kayang maabot ng mga palaso at kasunod nito'y maglalatag tayo ng mga tuyong halaman at damo.. sa paraang ito'y magagawa nating mapabagal ang kanilang pagsugod at magdudulot ito ng malaking pinsala sa mga goblin at magbibigay din ito ng liwanag satin.. kasunod ay babasain natin ang lupa dahil alam ng mga goblin na pagkatapos ng pagpapakawala ng palaso ay tatagal pa ng ilang minuto bago pa ule makapagpakawala ng mga palaso, sa paraang ito mabibigyan tayo ng sapat na oras para paulanan muli sila ng ilang ulit ng palaso bago makalapit sa pader" wika ni anton at tahimik lang lahat ng nasa loob ng kuwarto na tila nagaantay pa sa karugtong ng kaniyang plano.

"Dito na papasok ang importanteng parte ng mga dwarf.." wika ni anthon at sabay turo sa mga parte ng mapa. "Hahayaan natin sila na mabuksan ang tarangkahan upang bigyan tayo ng sapat na oras na maghanda-" bigla may humirit upang tumutol sa plano ni anton.

"Pero paano ang mga sibilyan? Para mo na ding sinabi na hayaan natin silang pumasok upang patayin ang pamilya namin." Wika ng isang laake at sumangayon naman ang lahat.

"Sibilyan? Aatake ang malaking grupo ng goblin.. sa mata ng goblin pare parehas lang tayo na pagkain nila bata man o matanda babae man o lalake. Kaya naman kailangan natin ng mas madami pang tao.. sa tingin mo kaya ba ng 700 katao na labanan ang 3000 na goblin? Kung di tayo magtatagumpay ganun din ang kakalabasan kaya naman mas mabuti ng gawin natin ang desisyon kung saan may mas malaki tayong tiyansa na manalo." Wika ni anton na naging dahilan upang mulinh tumahimik ang mga tao sa loob ng kuwarto.

Muling nagpatuloy si anton. "Haharangan natin ang mga daan at magiiwan lang ng isang daan upang daanan ng mga goblin sa paraang ito'y di sila kumalat sa buong village at makontrol natin ang pagsalakay nila. Magtatayo din tayo ng mga patibong sa mga piling lugar upang mapabagal ang pagataki nila, pero ang kailangan nating pader ay matibay at may mekanisma na maaari nating buksan at isara." Wika ni anton.

"Sa madaling salita gagawin nating maze ang buong village? Kung saan maaari nating bagu baguhin ang mga lugar na maaari nilang daanan sa pamamagitan ng mga pader. Dahil hindi sila ganun katalino kaya naman lamang man sila sa bilang pero lamang tayo sa diskarte. Pero ang problema paano natin mapapababa ang kanilang bilang?" Wika ni arthur.

"Hahatiin natin ang 700 na kalalakihan na kayang makipaglaban sa grupo na haharap sa mga goblin sila ang magsisilbing panggulo sa goblin at magpapahabol at dadalhin sa mga lugar na may patibong at may mga pader sa paraang ito mahahati natin ang kanilang grupo. Gagawa din tayo ng mga tulay sa tuktok ng mga bahay at gusali upang malayang makagalaw ang mga sibilyan at umatake sa mga goblin habang humahabol sa grupo at sa grupong yun ay kasali ako." Wika ni anton.

"Pero kakailanganin natin ng madaming materyales" sagot ni gothin.

"Kung kinakailangan sirain ang ibang gusali at bahay ay gagawin natin." Wika ni anton.

[Present]

'Wiiiiissss' tunog ng palaso, nang makalapit ang mga goblin sa pader ay agad itong nagpakawala ng mga palaso.

"Aaaaah! Mata ko!" Sigaw ng isang lalake na tinamaan sa mata.

"Uwaaaah! Arrrgh! T*ng *n* niyo goblin!" Sigaw ng lakaking tinamaan ng palaso sa balikat at agad itong hinila at agad na nagpakawala ng sunod sunod na palaso.

"Magingat kayo! Gumaganti na ng pagatake ang mga goblin! Pagtinamaan kayo ng palaso agad niyong tanggalin at hugasan ang sugat dahil may halong ihi at tae ang dulo ng kanilang palaso kaya naman agad na mabubulok ang sugat niyo! At agad na tumungo sa likuran upang malunasan kagad kayo! Sa may matinding sugat sakin kayo lumapit para masalba pa natin ang buhay mo!" Wika ni anton.

Ilang sandali pa nakita na ni anton ang battering ram na nakalapit sa tarangkahan at di panagtagal ay biglang yumanig ang buong pader.

"Atras! Punta na sa puwesto! Ihanda ang plano!" Sigaw ni anton at agad na nagalisan ang mga tao sa pader at agad na dumiretso sa kani kanilang puwesto.

Inihanda na ni anton ang kaniyang sarili sa harap ng tarangkahan, inihanda na niya na kahit ano mang oras ay maaari na siyang mamatay 'wala naman ako dapat katakutan namatay na ako dati kaya baket pa ako matatakot? At sa pagkaataong di na ako nagiisa!' Sa isip ni anton at tumungo ang kaniyang paningin sa kaniyang likuran ng makita niya na andun si ellen. "Ellen?! Ano ginagawa mo dito?! Masyadong delikado dito para sayo!" Sigaw ni anton.

"P-pero anton.. gusto kitang tulungan.. at kung mamamatay man ako mas mabuting mamatay ng lumalaban kesa naman maging paanakan ng mga goblin!" Sagot ni goblin.

"Pero di kita magagawang protektahan.." wika ni anton at bakas sa kaniyang mukha ang pagaalala.

"Kaya ko ang sarili ko.. marunong kaya ako ng mahika!" Sagot ni ellen.

Magsasalita pa sana si anton pero biglang gumuho ang tarangkaha at ilang sandali ay pumasok na ang mga goblin at nang makita nito ang grupo ni anton ay agad itong nagsisigaw at tumakbo sa direksyon nila anton.

To be continue..

Continue Reading

You'll Also Like

20.8M 763K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
66.7K 2.6K 53
New fantasy story! And I hope you'll spare time to read this! This story is about the girl who escaped from her own reality. But later on, she disco...
23.3K 1.4K 27
"Bagay na bagay sa'kin ang mundong ito." All rights reserved (2017) @ Nathaniel Estremadura Highest ranking on Sci-Fi: #22 (8/25/2017)
1.7K 265 20
Lots of things happen in the adventure of a 16-year old Van Grego. He is now inside of Tombstone Battlefield wherein he stumbles upon different kinds...