The Bride [Suarez Series #1]

By dEmprexx

252K 5.9K 390

Suarez #1 [Completed] The world turns upside down when Matteo Aiden got arrange marriage with a Ramos. Would... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue
Special Chapter
Suarez Series
Special Chapter (?)

Chapter 8

6.6K 186 9
By dEmprexx

Chapter 8

Family

Nandito kami ngayon ni Cathy sa canteen. As ususal, we're in our favorite spot at kumakain. Hindi naman masyadong masigla si Cathy dahil may problema sa bahay nila. Yung pamangkin niya kasi may leukemia daw. I saw myself to that little girl. 

"I can help you with the financial problem you know." I said. Umiling naman kaagad si Cathy. 

"Hindi. Hindi na. Nakakahiya naman. Tiyaka nakikita ko na may tine-take ka na gamot. Para saan ba iyon?" Nagulat naman ako sa tanong niya ang akala ko hindi niya napansin ang pag-inom ng gamot ko. 

"Ano, wala lang iyon." I said. Umiling naman siya. 

"Alam ko meron iyon, ano ba iyon? Don't you trust me?" She ask then she pout. Natawa naman ako sa pag-pout niya. 

"May sakit kasi ako sa puso." I honestly said, lumaki naman ang mata niya sa gulat at natawa ako sa reaksiyon niya. 

"Oh my god." At may pahawak pa siya sa bibig niya ngayon na nakabukas ngayon. I chuckle. 

"Ano ba. Parang ngayon mo lang nalaman ang sakit na iyan ah?" I joke but she don't see the humor with it. Naging seryoso naman ako "Don't pity me." I said. Umiling naman siya kaagad.

"Gagi, kung sa ibang tao ang may sakit na ganyan, maawa ako. Pero sa kaibigan ko? Maga-alala ako." Concern na sagot niya. Tumawa naman ako. 

"Don't worry wala pa naman taning ang buhay ko." Kagad naman niyang hinampas ang kamay ko na nasa mesa. 

"Huwag ka ngang magsalita ng ganyan! At huwag kang tumawa, hindi naman nakakatawa ang ganyang sakit." She honestly said. "Tingnan mo nga ang mamahal kaya ng mga gamot sa puso tapos tutulong kapa sakin? Baka nga sakto lang din sa pamilya niyo ang sweldo mo." I pause, oo nga pala hindi naman nila kilala ang pamilya ko. 

"No, may trabaho pa naman si Daddy, iyon ang sakto samin." I honestly said. "Sakin lang ang sweldo ko at wala naman akong masyadong ginagastos. I insist." Mabilis naman siyang umiling. 

"No. No. No. Kaya ko no, ako pa? Para saan pa at naging Cathy Sotto ako?" Lakas din ng fighting spirit ng babaeng 'to. 

"Please, let me help your niece." Nagmamakaawang sabi ko. "I just... I just see myself to her." I honestly said. Tumingin naman siya sakin ng seryoso. 

"Are you serious? I mean, kaya ko naman. Kakayanin ko naman." She said. 

"Oo kakayanin mo, may pinapag-aral kapa may maintenance din ang mama mo sa gamot niya tapos pamangkin mo pa?" I ask. "I will help." Nakangiting wika ko. 

"Alam mo, bat ikaw pa ang nagkaroon ng sakit ng ganyan no? Napakabait mo." Seryosong sabi niya. "Hep hep! Hindi ako naniniwala na kaagad kinukuha ni Lord ang mga mababait. No. No. No." Iling-iling pa nito. Natawa naman ako. 

"God always has a plan, we all have a purpose in life. Gasgas na ang linyang ito but everything happen for a reason." Sagot ko sakanya. Tumango naman siya. 

"I agree!" Wika niya. 

"Kailan ba nating pwedeng bisitahin ang pamangkin mo?" Excited na sagot ko. 

"Daanin natin siya. Before magcelebrate ng birthday ko." Oo nga pala, birthday na niya next week. 

"Oo nga pala. Saan nga pala tayo magcecelebrate ng birthday mo?" I ask. Para makapagpaalam na din ako kay Aiden, well I respected him din naman kahit sa papel lang kami kasal. 

"Sa bar, diyan lang sa BGC." Napataas naman ang kilay ko. "Matagal ko nang pinag-ipunan eh. Kaso yung kalahati nalang muna gagastusin ko." Pagpapaliwanag niya. Tumango nalang ako. 

This will be my first time going to bar if it will happen. 

"Pero pwede naman ba sayo yung alak?" She ask with concern, eto ang ayaw ko eh. Parang tinatrato nila akong hindi normal. 

"Oo naman. Basta yung light lang tiyaka hindi naman ako pala-inom." I honestly said. 

Tumango naman siya. Pagkatapos namin kumain ay dumeretso na kami sa cubicle namin. Nag-stretch naman ako ng kamay habang nakaupo sa swivel chair ko. 

Tumunog ang cellphone ko, kinuha ko naman ito at nang makita kong may text si mommy ay binuksan ko naman agad ito. I miss them. Well kada linggo naman ay dumadalaw ako sakanila with Aiden of course. 

Mommy: Angel Lae, We will have a family dinner tonight with Suarez family. Tell Aiden about this after you read this text. I love you. 

Napatayo naman ako sa swivel chair ko dahilan ng pagkabigla ni Cathy. Ngumiti naman ako ng awkward sakanya. 

"Puntahan ko lang si Ai- Sir Matteo." I said, kumunot naman ang noo niya. "May pinapasabi lang importante si Sir Kenneth." wika ko, tumango naman siya.

Papasok na sana ako sa opisina ni Aiden ng bigla akong hinarangan ni Ryza sa pintuan. Napakunot naman ang noo ko dahil sa ginawa niya. 

"For what?" Mataray na tanong nito. Hindi naman ako sanay umiirap pero nairap ko siya. 

"I will just talk to Sir Matteo." I calmly said. 

"Sorry. If you don't have an appointment you can't." What the? Seryoso ba itong babaeng ito? 

"May pinapasabi lang na importante si Sir Kenneth." I said. Tama nga si Cathy, nakakapag-init ng dugo itong secretary ni Aiden. 

"Ano iyon? Ako nalang ang magsasabi." She said at tiningnan pa ang mga kuko nito nagkikiskisan. 

"Confidential." Maikling sagot ko.

"Ohh? Ke-bago bago mo pagkakatiwalaan ka ni Sir Kenneth sa mga ganyang bagay?" She ask habang pinatataasan ako ng kilay. 

"You know what, call your boss and tell him na nandito ako at gusto ko siyang makausap. I know he knows what I am up to." Hindi naman ganon kaikli ang pansensiya ko pero kakaubos lang talaga ng pasensiya. 

"Wow huh. Tingnan natin ang tapang mo. I'm sure Sir Matt ipapasabi niya nalang sakin ang sasabihin mo." Sabay irap pa nito. 

Naglakad naman siya papunta sa intercom niya at kagaad itong pinindot. 

"Sir, Angel want to talk to you. Papasukin ko ba or I will just deliver to yo-" Aiden cut Ryza word. 

"Papasukin mo." Rinig ko ang baritonong boses ni Aiden. Lihim naman akong napangiti. 

Umirap naman ng ilang beses si Ryza at pinapasok na ako sa opisina ni Aiden. Pagpasok ko naman nakita ko siyang nagbabasa ng mga papel habang nasa harap niya ang laptop niya. He seems busy. 

"Hmm?" Panimula naman niya. "Is there any problem?" Tanong naman niya. Umiling naman kaagad ako. 

"Ah. Pinapasabi lang ni mommy na magkakaroon daw ng dinner mamaya sa bahay kasama sina tita." I said. Tumango naman siya at nakatingin pa din siya sa mga papel na nakalatag o nakakalat sa mesa niya. 

"Hmm?" 

"Ah. Sasabihin ko nalang kay mommy na i-postponed na muna." Doon lang siya nag-angat ng tingin sakin. 

"Why?" He ask. Seriously? Tinatanong niya pa iyon?

"You seem busy. I know mommy will understand." Sagot ko naman. Napataas naman ang kilay niya. 

"It's okay. Matatapos ko din naman ito ngayon. We will go, I'm sure your mom prepare for this dinner." wika niya. Tumango lang naman ako, aalis na sana. 

"Wala ka ng sasabihin?" He ask. Umiling naman ako. Tumango lang naman siya. "Sabay tayong pupunta doon." Wika niya kaya naman tumango ako. 

Umatras na ako at lumabas sa opisina niya. Sumalubong naman kaagad sakin ang nakahalukipkip na si Ryza nakataas ba ang kilay dahilan ng pagkagulat ko. 

"Bat ang tagal mo?" She ask. 

"Bakit? Girlfriend ka?" I ask. 

Umusok naman ang tenga niya sa tanong ko. Nilagpasan ko naman siya at umupo na sa swivel chair ko. 

"Oy. Napano 'yon? Ang asim ng mukha ha?" Bulong sakin ni Cathy at natawa pa ang baliw. 

"Wala. Tinanong kasi ako kung bat ang tagal ko daw." I said. 

"Hmm? Tapos tapos? Anong sagot mo na nagpaasim pa lalo ng maasim niyang mukha?" Bahagya naman akong natawa sa sinabi ni Cathy. 

"Tinanong ko lang din kung girlfriend ba siya." Humagalpak naman siya sa tawa at may kasama pang hampas. 

"Really girl?" Hindi makapaniwalang tanong nito at tumawa pa. 

Napatingin naman ako sa gawi ni Ryza at nakatingin samin nang nanlilisik ang mata. Tumango lang ako sa tanong ni Cathy. 

"Burn." Wika pa niya at tumawa. Napailing nalang ako sa kaibigan ko. 

Pinagpatuloy lang namin ang trabaho namin hanggang sa matapos na ang oras ng pagtatrabaho ko. Nakita ko nadin na lumabas si Aiden sa opisina niya. Kinausap naman niya ang secretary niya. 

"Ingat girl." Paalam ni Cathy sakin, as usual hindi pa siya tapos at kailangan niyang mag-over time. 

"Ikaw din, Ingat ka mamaya." Wika ko. Tumango naman siya. 

Yinakap ko naman siya at bineso. Nasanay na kasi kaming ganon ang ginagawa kapag nagpapaalam na. Dere-deretso naman ako sa elevator at naramdaman ko naman si Aiden sa likod ko na humahabol. 

Magkasabay kami sa elevator at sinara na niya ito. 

"How's your day?" He ask. Ngumiti lang naman ako at nag thumbs up. 

"Ayos lang. Well pwera nung papasok ako sa opisina mo." 

Ayaw ko naman magsumbong kaso ayaw ko lang yung attitude ni Ryza, even sa ibang employee akala mo kasi girlfriend. Napansin ko na iyon sa ilang linggo ko palang dito sa kumpanya. 

"Why?" He ask at bumaling sakin. Umiwas naman ako ng tingin. 

"Ano. Hindi naman masyadong seryoso." I said a matter of factly. 

"Always tell me even though it is not that serious." Seryosong wika niya. 

"Ayaw kasi akong papasukin ni Ryza, siguro kasama iyon sa utos m-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng magsalita siya. 

"Except you." Nagulat naman ako sa sinabi niya. "You are my wife." May diin bawat salitang binibigkas niya. 

"Pero hindi naman ni alam." Inosenteng wika ko. 

"Should I tell them?" He ask. Agaran naman akong umiling. 

"No. Huwag. Hindi ko pa nga nasasabi kay Cathy." I said, nakaka guilty kasi siya yung bestfriend ko. Gusto ko siya ang unang makaalam, even it will broke her heart. 

"Okay, I will wait for your cue." He shrug his shoulder. 

Tumunog naman ang elevator hudyat na nasa basement na kami. Dating gawi, sumakay na kami sa sasakyan niya at pinaandar niya naman ito. 

"Always tell me what's happening in your life when I'm not at your side." Seryosong wika nito habang nagmamaneho. 

Tumango naman ako bilang pag sang-ayon sa sinabi niya. 

"You should reply to my text. Wala kang isang salita sa sinabi mo." He sound jealous but inalis ko sa utak ko iyon. Bakit naman diba?

"Sabi ko diba kapag may time? Wala naman time." I said. "I want focus on my job." I said. 

"Be my secretary instead." Seryosong wika niya. Tumaas naman ang kilay ko sa sinabi niya. 

"No. I'm okay. My job is okay. Don't overact." I said. Umiling lang naman siya. 

Nag-usap naman kami tungkol sa business nila at sa business namin kung ano ang status ng mga kumpanya at napahanga naman ako sakanya dahil nagawa niyang i-sucess ang dalawang kumpanyang hawak niya. Hindi biro iyon huh. 

Namalayan ko nalang na nakarating na pala kami sa bahay. Inalis ko naman ang seatbelt ko, ganoon din siya. Kaagad naman siyang bumaba para pagbuksan ako. 

Pagbaba ko palang nakita ko na si mommy na sumalubong samin. Lumawak naman ang ngiti ko ng makita ko si mommy. Niyakap naman niya ako at hinalikan sa pisngi. Nagmano naman si Aiden kay mommy. 

"Good evening po." Bati ni Aiden, tumango naman si mommy at sumagot din ng "Good evening."

"Halina kayo baka lamigin pa ang pagkain sa likod." Pumunta naman kami sa backyard namin. 

Doon ko nakita si Daddy at ang pamilya ni Aiden. Nandoon din ang isang pamilyar na babae. 

"Good evening, Dad." Bati ko kay daddy at niyakap ito. 

Ganon din ang ginawa ni Aiden sa pamilya niya. Nagmano na din siya kay Daddy. Nagmano naman ako sa pamilya niya. 

Umupo na kami, magkatabi kami ni Aiden samantalang katapat ko naman ang pamilyar na babae at inaalala ko pa kung saan ko siya nakita. May pagka long table ang mesang gamit namin nasa magkabilang dulo ang dalawang padre pamilya. Nasa magkabilang side naman si Mommy at tita. 

"Matty! Pakilala mo naman ako kay Angel." Wika ng babae. Masungit naman na umirap si Aiden. 

"Si Macy kapatid ko." Simpleng pagpapakilala naman niya ito. 

Malawak naman ang ngiti ng ate niya sakin. Siya pala ang sinasabi niyang ate sakin. Nilahad naman niya ang kamay niya para makipag-kamay, ganon na nga ang ginawa ko. 

"Buti napagtiyagaan mo itong kapatid ko?" Nang-aasar na tanong ng ate niya. 

"Ate." Simple pero may diin na wika ni Aiden kaya natawa naman ang ate niya. 

"Pasensiya na pala ha? Wala ako sa kasal niyo, hindi ko naman inakala na magkakaroon ng problema sa business trip na pinuntahan ko." Pagpapaliwanag naman niya. Ngumiti ako tiyaka tumango. 

"Ayos lang po." I said. 

"Mygosh! Po? six years lang ang gap natin!" Maarteng wika naman niya. 

"Still old." Wika ni Aiden. Tiningnan naman siya ng masama ng ate niya. 

"Call me Ate Macy or Macy if you want! At huwag ka ng papa-po. Nababawasan ang beauty ko." Sabay hampas pa ng buhok niya. 

"Meron kaba non? Wala ngang nagkakamali sayo ni isa diba?" Pang-aasar ulit sakanya ni Aiden. 

"Excuse me lang ha? Bina-busted ko kasi ang mga 'manlolokong' lalaki at baka ako ang sumalo ng lahat ng panlolokong ginawa ng isa diyan." Pagpaparinig naman ni Ate Macy. Tiningnan naman ni Aiden ng matalim na tingin ang ate niya. 

"Kaya pala hanggang ngayon NBSB." Asar pa nito. Nagulat naman ako sa sinabi ni Aiden, sa ganda netong kaharap ko wala pang nagiging boyfriend?

"Duh. May iba akong priority no!" Wika pa nito. Umiling lang naman si Aiden. 

Namiss ko tuloy si Ate Angela Ann. Kung nandito lang sana siya ay siguro kanina pa kami nagtatawanan dito. Nag-aasaran man at nagkakapikunan pero hindi naman nagtatagal ang pagtatampuhan namin. 

"Tumigil na nga kayo." Saway naman ni Tita. 

"Oo nga pala Matteo, wala ka bang balak na mag honeymoon naman kayo?" Muntik naman akong naubo sa tanong ng daddy niya. 

"Oo nga! Nangangailangan na kami ng apo." Dugtong naman ni Daddy. Nalungkot naman ako bigla. 

"Ang hina mo pala tol eh! Balita ko hanggang cheeks ka lang?" Balik na asar naman sakanya ni Ate Macy. 

"I will plan. Maybe next week?" Patanong naman na wika ni Aiden, tiningnan ko naman siya at tiningnan niya ako ng seryoso. 

"I will sponsor your honeymoon! Pambawi sa hindi ko pagpunta sa kasal niyo. Sa Maldives. That's a beautiful place lalo na sa mga nagha-honeymoon. Okay?" Masiglang wika ni Ate Macy. 

"Is that okay with you?" Tanong niya sakin. Ngumiti naman ako at tumango. 

"It's okay. Of course, Aiden." Sagot ko sakanya. 

"Wait. What?! Aiden?!" Gulat na tanong ni ate Macy. Nakita ko din ang pagtataka sa mata ni tita at tito. 

Tiningnan lang ni Aiden si Ate Macy nang isang matalim na tingin at kung nakakamatay lang iyon malamang wala na si Ate Macy sa harapan ko. 

"Anyway, kumusta naman ang work mo iha?" Pang-alis naman sa usapan ni Tita. 

"Oo nga. Hindi kaba napapagod?" Dagdag pa ni Mommy. 

"Ayos lang po. Hindi naman po ako napapagod. May isang kaibigan naman akong nahanap." I said while smiling. Tumango naman si Mommy at ngumiti. 

Nag-usap-usap naman kami, minsan sa personal life pero madalas tungkol sa business. Masaya naman kaming nag-uusap at nagkukuwentuhan. Nagkakasundo ang dalawang pamilya. 

But this would be more happy if Ate will be here.

Continue Reading

You'll Also Like

25.6M 471K 39
[WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED.] She's the bride who arrived at the right time but in the wrong place. #TheBachelorsB...
224K 4.6K 50
Do not read! Childish era! Unedited! Together then apart. In the end, together and will never be apart.
254K 5.1K 57
Qetsiyah Amara Sillo is a MedTech student, while going home at her apartment, she saw a man full of blood. She helped him and bring him over at her p...
Tainted By PollyNomial

General Fiction

67.7K 1.8K 53
Zandra Dawn Morris' life is every girls dream. Yet they don't know anything about the reality that's been surrounding her. Mayroong pagkakamali sa bu...