A Daughter Seeking For Love a...

Από LadyLourge

117K 2.1K 70

Kali Del Vega, a daughter who is looking for love and attention. She's not a typical attention seeker 'cause... Περισσότερα

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
DON'T SKIP THIS PART

EPILOGUE

5.6K 83 16
Από LadyLourge

8 years later

Kali's POV

"Hi hon!"-malambing na bati ko sa asawa ko sa telepono.

May asawa na ako. After 8 years nakapagtapos na ako ng pag-aaral, nag-asawa at ngayon ay umuwi na ng pilipinas.

After how many years I ended up missing the Philippines.

" Hon nasa Pilipinas ka naba?"-tanong nito mula sa kabilang linya.

Napangiti ako. Damn I miss him. "Yes Hon and I'm currently waiting here . Nasa loob pako ng airport"-sambit ko medyo naninibago ako sa weather dahil sa loob ng walong taon ay di ko tinangkang umuwi o bumisita man lang . Last year pa siya umuwi ng pilipinas dahil sa business nila. Hindi ka agad ako nakasunod dahil may trabaho ako sa New York.

" Sorry Hon going nako! Medyo traffic kasi eh!"-sambit into.

"Its okay Hon kararating ko lang! Sige kukunin ko na muna yung maleta ko!"

"Sige Hon ibababa ko na. I miss you and I love you Hon."-malambing nitong sambit.

Kinikilig ko naman siyang sinagot. “I miss you and I love you too”- kung maglambingan kami ay para kaming mga teenager. Napatawa nalang ako sa sariling naisip. Matapos naming magpaalam sa isa't-isa ay agad niya naring binaba ang tawag.

Hindi paman ako tuluyang nakalalaba nang may biglang sumigaw at alam ko na kung sino iyon.“Beshy!”-wala na atang ikalalakas pa ang sigaw ni Charity habang tumatakbo palapit sa akin. Sinalubong ko naman siya ng yakap.

" Beshy!"-sigaw ko rin at talaga.

Sobrang namiss ko yung best friend ko.

Hindi pa nga kami tapos sa eksena namin nang bigla na namang may sumingit.

" Oh my God Jon Carlos long time no see!"-gulat na sambit ni Charity.

"Hi!"-nakangiti kongbati dito.

" Hello"-sambit nito at agad akong niyakap. "Namiss kita Hon"-sambit nito at niyakap ko narin siya. Damn I miss him so much.

" Eihhhhhh ano ba wag kayong mang-ingit huh! Porket wala akong love life gaganituhin niyo na ako. Hmmpp no way highway!"-sambit nito. Natawa naman kami sakaniya.

“Tara na”-kinuha niya ang bitbit kong mga maleta. “Charity sama kana sa bahay.”-anyaya ni Jon.

" Thanks but no thanks may pupuntahan pa kasi ako!"- naiiling nalang namin siyang tinanaw papalayo sapagkat hindi parin nagbabago ang pananalita niya.

"Hon Tara na pasok na tayo sa loob?"-isa-isa niyang inilabas ang mga gamit ko. Nasa harap na kami ng bahay nila.

Papasok na sana ako nang  tumunog yung cellphone ko.

" Sandali lang Hon may natawag, mauna kana susunod nalang ako."-sambit ko. Sinunod naman niya ang sinabi ko.

"Hello?"

"Ate?"-sagot mula sa kabilang linya.

" Yancy?"-pagkukumpirma ko. Hindi ko inaasahan na tatawag siya. Five years na ang nakalipas simula noong maputol ang komunikasyon naming dalawa kaya namimiss ko na siya.

"Ate"-humihikbi niyang sambit. " Ate salamat naman at nakauwi kana"-sambit nito.

"Oo mukhang dito narin ako magsstay for good. San ka ngayon?"-tanong ko. Hayss I miss my little sister.

" Andito ako sa North Cemetery ate. Pwede kabang pumunta dito?"-bigla akong nagtaka bakit nasa sementeryo siya? Sinong dinadalaw niya?

"Huh? Ahh sige magpapaalam lang ako"-sambit ko at binaba na ang tawag.

Nagpaalam lang ako sa asawa ko bago ako pumunta ng sementeryo.

Agad ko namang nakita si Yancy pagkadating ko. Hindi ko napigilang yakapin siya. How I miss my little sister.

Nakaupo naman siya sa tapat ng isang puntod. Habang ako ay  nasa likuran lang niya.

" Ate halika upo ka"-sambit nito umupo naman ako sa tabi niya.

"Ate matagal ka na niyang hinihintay na umuwi, sobrang siyang nagsisisi sa mga nagawa niya pero hindi na siya nagtagal. Namatay na siya"-sambit nito at biglang humagulgol.

Niyakap ko naman ito. Binalingan ko ng tingin ang pangalang nakasulat sa lapida at halos gumuho ang mundo ko.

No this is not happening right?

Mom why did you leave us?

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Sinisisi ko ang sarili ko sa pagkawala niya.

Babawi pa ako sa ilang taon kong pag-alis diba?

" Kailan pa? Kailan pa ito nangyari Yancy?"-tanong ko dito. Katulad nito ay hindi narin matigil ang pag-iyak ko.

"Five years ago simula noong maputol ang komunikasyon natin sa isat-isa. Unti unting nalulugi ang business ni Dad hanggang sa isang araw namalayan nalang namin na tuluyan na kaming lumubog at di na makaahon. Nawala sa amin ang lahat at kasama na doon si Mommy. Namatay siya sa labis na lungkot ate"-sambit niya.  naman ako.

May inabot siya sa akin isang papel.

" Ano to?"-nagtataka ko siyang tinignan bago ko kinuha ang papel.
"Yan ang huling bagay na ginawa ni Mommy. Basahin mo iyan para sayo yan Ate"-nakangiti nitong sabi waring may inaalala.

Nilagay ko muna ito sa bag ko dahil mamaya ko na ito babasahin.

Binalingan ko naman ang isang lapida sa tabi ng puntod ni Mommy.

Carl Del Vega?

" Yancy sino yan? "-tanong ko habang tinuturo ang lapida.

" Anak ni Ate Bea"-malungkot niyang hinawakan ang puntod nito.

Ibig sabihin ito yung anak niya?

"Where is she?"-bigla akong nakadama ng pag-aalala sakaniya.

" Halika ate pupuntahan natin siya"-agad naman akong tumayo at sumunod sakaniya.

Lumabas kami ng cemetery at sumakay ng taxi. Binaba kami nito sa isang hospital. Binasa ko ang pangalan ng hospital.

Centrix Mental hospital?

Huminto ako sa paglalakad at hinarap si Yancy. "Anong ginagawa natin dito Yancy?"-nagtataka kong tanong sakaniya. Hindi naman siya sumagot sa halip ay nagpatuloy sa pagpasok sa hospital. Kaya wala akong nagawa kung hindi ang sundan ito.

Sumakay kami sa elevator at pinindot niya ang 5th floor.

Pagkadating namin sa ikalimang palapag mga boses ng mga baliw ang sumalubong sa amin. Madaming mga nurse ang nag-aasikaso sakanila.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad habang nagkwekwento si Yancy sa mga nangyari dati.

" Five years ago nagsimula ang paghihirap naming lahat. Si Mommy inatake sa puso habang si Ate Bea nabaliw dahil sa pagkawala ng anak niya at sa pag-iwan sakaniya ni Clyde. Mahal na mahal ni Ate ang anak niya at si kuya Clyde. Napilitang panagutan ni kuya Clyde si Ate Bea dahil girlfriend niya ito. Ngunit noong malapit ng mag 3 years old ang anak nila bigla itong nagkasakit na ikanamatay nito. Sa panahon na iyon parang bumagsak nadin ang pamilya natin. Si kuya Clyde iniwan niya si Ate Bea at mula noon nawala na sa tamang pag-iisip si Ate. Alam mo ba kung anong palagi niyang sinasabi?”-huminto kami sa isang puting pintuang may bilang na 54.

Nanghihingi siya ng tawad sa lahat lahat ng nagawa niya sayo Ate Kali. Iniisip niya na karma niya ito lahat.  Hinanap namin si Clyde dahil maaaring siya lang ang makakapag pabalik sa normal kay Ate Bea ngunit isang araw nabalitaan nalang namin na nagpakamatay na si Kuya Clyde”-hindi ako makapaniwala sa mga narinig. Hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko.

Pinihit namin ang siraduhan at napag-alaman kong dito nakaconfine si Ate Bea.

Ate Bea.

Biglang nanumbalik ang init ng pagmamahal ko rito.

Pinunasan ko muna ang luha ko bago siya nilapitan. Nakatingin lang siya sa kawalan.

"Ate Bea"-sambit ko. Napalingon naman siya sa gawi ko. Biglang kumalma ang mga mata niya at nagkabuhay.

" Kali!"-sambit nito at biglang lumuhod sa harapan ko habang nakayakap ito sa mga binti ko.

"Ate tumayo ka diyan"-nagulat ako sa ginawa niya at mukhang wala siyang balak tumayo.
" Sorry Kali sa mga nagawa ko.Sorry sa lahat lahat. Sorry sa mga kasalanan kong ginawa. Patawad patawarin mo ako! Kasalan ko ang lahat!"-sambit nito.

Lumuhod nadin ako sa harapan niya at niyakap siya. "Shhh tahan na ate don't worry napatawad na kita Matagal na kitang pinatawad"-sambit ko.

Ngunit parang hindi niya ako narinig. " Kasalanan ko, kasalanan ko ang lahat. Kasalanan ko kung bakit namatay ang anak ko!"-bigla siyang napabitaw sa pagkakayakap ko. "Ang anak ko! Ako ang may kasalanan!"-baliw nitong sambit at nagsimulang tumawa.

" Hindi pa patay ang anak ko! Buhay siya maniwala kayo! Buhay siya pakiusap!"-sambit nito habang humahagulgol. Lalapitan ko sana siya ngunit bigla siya tumayo at pinaghahagis ang mga gamit sa kawalan.

"Buhay pa ang anak ko!"-sambit nito. Dali daling binindot ni Yancy ang green na button at agad na nagsipasukan ang mga nurse sa silid na ito. May itinurok sila kay Bea na naging sanhi ng panghihina niya.

Pinauwi na kami kaya wala kaming nagawa kundi ang umuwi na.

" May pupuntahan pa tayo ate"-hindi na ako nagtanong pa at sumunod nalang sakaniya.

Huminto ang taxi sa harap ng isang maliit na bahay. Ngayon ko lang ito nakita.

"Kanino itong bahay?"-tanong ko at muling pinasadahan ng tingin ang buong bahay.

" Sa amin"-sambit nito. "Yung dati nating bahay ay kinuha na ng banko dahil nga nalugi ang negosyo nila daddy dati"-hindi ako makapaniwala sa narinig, hindi ko naman inakalang sa ganitong bahay sila nakatira. Hindi sa masyado itong maliit at sira sira ngunit knowing them, I can't imagine anong pagtitiis ang pinagdaanan nila habang ako ay maranya ang buhay sa New York.

Pumasok kami sa loob ng bahay at bumungad sa amin ang isang payat na matanda na nakasakay sa wheelchair.

"Daddy!"-sambit ni Yancy at nagmano dito.

Hindi naman ako makapaniwalang pinasadahan ng tingin si Daddy. Siya ba talaga to? Naiyak ako nang tuluyang malapitan ito. Anlaki ng ibinagsak ng katawan niya. Walong taon lang ang lumipas ngunit mahigit 20 taon ang itinanda ng mukha't pangangatawan nito.

" Kali? Anak?"-sambit nito nang tuluyan niya kong makita.

"Daddy!"-umiiyak kong tugon at agad itong yinakap.

" Patawad anak. Patawad sa mga nagawa ko. Patawad sa lahat ng mga salita na sinabi ko. Mahal na mahal kita anak ko sana mapatawad mo ang daddy. Pinagsisisihan ko na lahat ng nagawa ko sayo"-umiiyak nitong saad. "Ang ganda ganda at ang taas na ng naabot mo sa buhay anak. Proud na proud ang daddy sayo"- sa unang pagkakataon ay naramdaman ko ang init ng pagmamahal nito.

Umuwi ako  kala Jon na may ngiti sa labi sa wakas makakahinga na ako ng maluwag dahil ngayon tuluyan ng maayos ang lahat.

Bukas na bukas din ay ililipat ko sila ng tirahan. Gusto ko ngang doon na muna tumuloy ngunit hahanapin ako ni Jon panigurado at hindi din ako papayagan ni Daddy matulog doon dahil ikakatwiran na naman niyang hindi doon komportable.

Kaagad akong pumasok sa kwarto namin ni Jon at nagbihis. Pababa na sana ako ng hagdan nang maalala ko ang papel na ibinigay ni Yancy.  Kaya naman dali dali ko itong kinuha. Pinagmasdan ko muna ang labas, halata ngang matagal na itong ginawa ngunit kitang kita na hindi pa napapakialaman. Huminga muna ako ng malalim bago ito binuksan. Napaluha ako ng umpisahan ko itong basahin.

Dear Kali,

Anak ramdam ko malapit na akong mawala at hindi ako mapapanatag tuwing maaalala kong may galit kapa sa akin. Sorry anak, sorry sa mga nagawa ko mahal na mahal ka ni Mommy tandaan mo iyan. Patawarin mo ako sa mga nagawa ko sayo at sa mga pagkukulang ko sayo. Kung sana pwede ko pang ibalik ang panahon. Ginawa ko na at sisiguraduhin kong sa panahon na iyon aalagaan na kita ng mabuti. Sorry dahil pinaalis kita anak, hindi mo alam kung gaano nagsisisi si Mommy sa mga nagawa niya patawad. Sana patawarin mo ako. Hanggang dito nalang anak. Mag-iingay ka Kali, lagi mong tatandaan na nandito lang si Mommy. Mahal na mahal ka ni Mommy.

                             Love,
                                           Mommy

May mga bagay talaga na hindi na kaya pang ibalik sa dati. Ngunit ang mahalaga ay may natutunan tayo dito at ako nagpapasalamat akong pinaalis nila ako dahil kung hindi nila iyon ginawa hindi ako magsisikap. Subalit nakakalungkot ding isipin na wala ako noong panahong naghihirap sila.

Kahit gaano pa kasakit ang mga pinagdaanan natin matuto parin tayong magpatawad.

Saka lang tayo magiging masaya kapag wala ng galit na nabubuhay sa mga puso natin.

At ngayon magsisimula akong muli.

FORGET, FORGIVE, LET GO AND BEGIN AGAIN.

END
-------

A/N 

Wag kayong magtanong kung bakit ganiyan ang ending ! Wala eh yan yung gusto kong ending eh! Kbye! BTW don't forget to read the next chapter.









Συνέχεια Ανάγνωσης

Θα σας αρέσει επίσης

4.1K 443 50
"Sabi nila, posible raw na may anim na tao sa mundo na kamukhang-kamukha mo. Dati, hindi ako naniniwala. Pero simula no'ng mapagkamalan akong Lauren...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
Fearless Tomorrow Από _gemini_

Εφηβική Φαντασία

2.3K 212 53
Will always be your fearless tomorrow
1.4M 56.2K 74
UNEDITED Only Girl Series #2 Isang Babae ang papasok sa isang magulo, basag ulo, maingay ngunit mga guwapong nilalang. Sa kaniyangg pamamalagi sa Se...