The Wife's Agony

By LadyCode

886K 16K 1.9K

I'm Hillary Rayne Olivar. Maganda. Sexy. Mayaman. Matalino pero nagpakatanga sa iisang lalaki na paulit-ulit... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
LadyCode's Note
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 18.5
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Author's Note
Epilogue
Special Chapter
Author's Note
Special Chapter 2
Special Chapter 3
Special Chapter 4
Last Special Chapter
Author's Note

Chapter 24

14K 307 19
By LadyCode


Nagising akong nasa isang hindi pamilyar na lugar. Napabalikwas ako nang bangon nang maalala ang mga anak ko. Naalala ko ang nangyari kanina at mabilis akong bumangon sa kama.

Si Darnell! Sigurado akong siya ang nagdadrive kanina! Siya iyon!

Nagtungo ako sa pinto at nakahinga ng maluwag nang malaya ko itong mabuksan. Akala ko ay kinandado niya ito sa labas. Tumakbo ako sa hallway at agad na hinanap ng mata ko ang mga bata o si Darnell. Tinungo ko ang hagdan at nagmadali akong bumaba. Papaliko na sana ako sa kusina nang lumabas doon si Darnell.

Nakapambahay ito at mukhang nagulat nang makita ako. Nanginig ang katawan ko sa galit at umigkas ang kamay ko sa pisngi niya. Nandidilim ang paningin ko dahil sa panginginig sa galit.

"Nasaan ang mga anak ko?! Pag may nangyari sa kanila, hindi ko alam kung ano ang kaya kong gawin sa'yo! Ikaw ba ang nag-utos na ipadukot ang anak ko?!" galit na sigaw ko sa kanya

His face showed guilt and sadness but I didn't care at all. I won't show mercy on him if something happens to my children. Hinding-hindi ko siya mapapatawad pag nalaman kong may kinalaman nga siya sa nangyari kay Kairo.

"Ganoon na ba kasama ang tingin mo sa'kin? Do you hate me that much?" seryosong tanong nito pero bakas sa mukha nito ang kalungkutan at sakit

"I don't hate you. Loathe is even an understatement for what I feel. I abhor you!" mariing ani ko sa kanya

Hindi ako natinag sa malungkot niyang tingin sa akin at kahit ang pag-awang ng labi niya sa gulat dahil sa sinabi ko.

"Are you still blaming me for what happened to our child? You know you're at fault, too!" inis na depensa nito

I laughed with full sarcasm and looked at him sharply.

"Yes, I'm at fault. Kasalanan kong naghangad pa akong magbabago ka para sa anak natin. Kasalanan ko dahil gusto ko siyang bigyan ng buong pamilya kahit na gustung-gusto ko ng umalis sa buhay mo. Sa dalawang taon na nakasama kita, hindi lang isang beses kong hiniling na sana panaginip lang ang lahat! Na sana hindi na lang kita nakilala!

I would never be a hypocrite and say that I didn't regret anything because I am regretting everything! Please don't make me regret that I met you again after moving on." umiiyak na sigaw ko sa kanya

Naninikip ang dibdib ko dahil sa bigat ng nararamdaman ko. Bakit hindi na lang niya ako pakawalan? What's the use of doing these things? I will never go back to him. Never. I love Grayson and I can't even imagine turning my back on him for Darnell.

"I'm sorry but I can't let you go, Hillary. I will never justify what I did in the past because I know that my reasons are unacceptable. The kids are in my room, they're sleeping." mahinang aniya na ikinakalma ng damdamin ko

Para akong nauupos na kandila na naupo. Grayson must be worried about us. Wala akong magagamit para matawagan siya, we're technically trapped in this house. Ang nakapagpagaan lang ng loob ko ay maayos akong nakakapaglakad. Hindi ako nakatali tulad ng mga taong nakikidnap.

"Ano bang balak mo samin ng mga anak ko? My son is injured, Darnell! Ibalik mo na kami sa Manila!" sigaw kong muli sa kanya

Hindi ako ganoon katanga para hindi malaman na wala kami sa Manila. Tanaw ko mula rito ang dagat at sigurado akong dinala niya kami sa isang private island.

"I don't have a plan, Hillary. I'm sorry but I can't bring you back to Manila." malamig na sabi nito bago ako tuluyang talikuran

Wala akong nagawa kundi ang bumalik sa taas at siguruhing maayos ang lagay ng mga bata. Binuksan ko lahat ng kwarto at nakita ko ang mga anak ko na nasa katabing kwarto lang kung saan ako nagising kanina. Papungas-pungas na nakaupo si Kairo at humihikab pa. Halatang bagong gising lang ito at wala pa sa sarili.

"Mommy? Daddy?" tawag niya habang tumitingin sa paligid

Agad ko siyang nilapitan dahil baka mabahal siya pag napansing wala kami sa bahay at hindi niya ako nakita agad.

"I'm here. Wala bang masakit sa'yo?" malambing na tanong ko sa kanya

Umiling siya at saglit na sinulyapan si Avery na natutulog pa rin.

"Mommy, nasaan po tayo? Si daddy po?" tanong niya sa akin

Natigilan ako sa tanong niya dahil hindi ko alam ang isasagot sa kanya. Hindi ko naman pwedeng sabihin na dinakip kami ni Darnell. Hindi ko rin alam kung anong gagawin ko para lang pakawalan niya kami.

"Mommy!" biglang naalimpungatan si Avery at malakas na umiyak habang yumayakap sa leeg ko

Nahabag ako sa namumulang pisngi niya dala ng pag-iyak niya at bahagya din akong nabahala dahil baka atakehin siya ng asthma. Wala sa akin ang bag ko at wala ding bag si Avery o ang inhaler man lang niya! Kasalanan 'to ni Darnell!

"Bakit, anak? May masakit ba sa'yo? Bakit ka umiiyak? Tahan na." mahinahong pagpapatahan ko sa kanya habang patuloy din si Kairo sa paghaplos ng likuran niya

"M-Mommy, uwi na po tayo. Daddy!" Mas lalong lumakas ang iyak nito nang hindi mahagilap ng mata niya si Grayson

Mukhang nagtatantrums siya dahil nagising siya sa hindi pamilyar na lugar at wala pa si Grayson. Hindi ganoon kadaling maging komportable sa paligid sa Avery.

"A-Anak, tahan na baka hikain ka." naiiyak na pagpapatahan ko sa kanya

Naiiyak na rin ako dahil sa nangyayari sa amin. Siguradong hinahanap na kami ng asawa ko at baka mamatay-matay na 'yon sa pag-aalala.

"Avery, tumigil ka na. Baka hindi ka nanaman makahinga." malumanay naman na sabi ni Kairo

Hindi pa rin tumigil sa pag-iyak si Avery kahit na anong gawin ko at nag-uumpisa na rin siyang mahirapang huminga. Napunta sa pinto ang atensyon ko nang bumukas iyon. Niluwa noon si Darnell na may nag-aalalang mukha nang makita kami.

"What happened? Is she alright?" nag-aalalang tanong niya nang makita si Avery

I want to answer him sarcastically. Gusto ko rin siyang awayin pero isinantabi ko muna iyon at inuna ang kapanakanan ni Avery. Mamaya ko na lamang siya aawayin.

"May dala ba siyang bag kanina? Kailangan ko yung inhaler niya. Kung wala, may inhaler ka ba dyan? She really needs it right now." mabilis na wika ko dahil sa pagkabahala

Tumindi ang pag-aalala ko nang matigil bigla si Avery sa pag-iyak at naghabol ng hininga. Nawala bigla si Darnell at ilang segundo lang ay narinig ko na ang malakas na yabag niya. Kahit hindi ko siya nakikita ay alam kong tumatakbo siya.

May dala na siyang nebulizer at pati gamot ay kompleto siya. Hiniga ko si Avery sa kama at mabilis ang naging kilos ko sa pag-aayos ng nebulizer niya. Nilagay ko sa bibig niya ang mask.

"Hinga ng malalim, anak. Then, slowly exhale." mahinahon na sabi ko sa kanya at tahimik naman siyang sumusunod

"Sabi naman kasi sa'yo, wag kang iiyak e!" naiinis na sabi ni Kairo

Nagtubig muli ang mata ni Avery kaya maagap na hinaplos ko ang ulo niya at kinalma siya. Mabuti na lamang at sumusunod na siya ngayon.

"Kai, wag mo ng pasamain ang loob ng kapatid mo. Baka umiyak nanaman." saway ko naman kay Kairo na tahimik na tumango

Napalingon ako sa bandang likuran ko nang maramdamn kong lumundo ang kama. Naupo doon si Darnell na may dalang isang box ng first aid kit.

"Hey, kiddo. I'm Tito Darnell. Kaibigan ako ng daddy at mommy niyo. What's your name?" magiliw na pagpapakilala nito

Tinitigan siya ni Kairo na parang sinusuri pagkaraan ay binalingan niya ako at wala akong nagawa kundi ang tumango. I don't want to give them an idea that we're abducted.

"Kairo Angelo Andrews po, eight years old. Kung kaibigan ka po ng daddy ko bakit hindi kita nakikita? Kilala ko po sila Tito Calvin na friend ni daddy eh. Bakit po hindi kita kilala?" parang imbestigador na sabi ni Kairo

Hindi madaling makuha ang tiwala ni Kairo kaya hindi na ako magtataka kung hanggang mamaya ay hindi niya titigilan si Darnell ng tanong. Nagtataka at nagugulat akong nakatingin kay Darnell nang tumawa ito. He looks so carefree while talking to my son.

"Ngayon lang kasi kami nagkabati." tumatawang sabi nito

"Bakit po? Binubully niyo po ba ang daddy ko?" sumungit ang mukha ni Kairo

Nabawasan ang bigat sa dibdib ko at ang takot nang tumawa si Darnell. I've never seen him laugh like that. Hindi man maganda ang relasyon namin ngayon, I know deep inside me I wish for him to find his own happiness and let me be happy with Grayson.

"Manang-mana ka talaga sa tatay mo." naiiling na sabi niya

TAHIMIK akong nakaupo sa terasa at dinarama ang masarap na ihip ng hangin. Tapos na kaming kumain ng hapunan at tulog na ang mga bata pero hindi pa kami ulit nakakapag-usap ni Darnell. O mas tamang sabihin na hindi pa kami ulit nag-aaway. Ayokong maghinala ang mga bata na may mali sa mga nangyayari at dinakip kami ni Darnell.

Pakunswelo na siguro sa akin na mabait sa mga bata si Darnell at maasikaso siya kay Avery. Kung ganoon siguro siya noon baka buhay pa ang anak namin. But maybe, the baby really wasn't for me or for us. Maybe I wasn't really ready to be a mother and if our unborn child is alive, maybe I will be a bad mother.

"Hindi ka ba nilalamig?"

I looked up at Darnell and he offered a cup of coffee. My hands unconciously accepted it. It tasted like his own coffee, he still probably put a teaspoon of sugar and a creamer. It tasted too sweet to me but I still drink it. He sat on the seat not far away from me while sipping his own coffee.

"Why did you bring us here, Darnell? I have nothing to do with you nor my children." I decided to open that topic again.

"Did you know that I just received our annulment papers?" he sadly asked while looking at the sky

I astonishly looked at him, "What annulment papers?" I exclaimed at him.

Sumulyap siya sa akin saglit bago muling uminom sa kape niya.

"I didn't plan to register our marriage. Pero nalaman ni mama, she registered it and I pretended not to know that we're legally married. But then, you left me. The next thing I knew the day you left, I received the appeal for the nullity of our marriage. Ginawa lahat ni Grayson ang lahat para mapabilis ang annulment natin.

The grounds were psychological incapacity and consent for marriage obtained by force, intimidation, or undue influence. It wasn't really easy to have an annulment and Grayson knows better that he can't use the fact that I abuse you as a ground to nullify our marriage. But he used it as a psychological incapacity.

The shortest time to nullify a marriage is two years but he successfully nulled our marriage for a year. Noong dumating siya sa Pilipinas, alam kong malapit ng matapos ang kaso ng annulment natin. Hindi nga ako nagkamali because few days before you had your wedding with Grayson, I received the letter than proves that our marriage has been nullified."

Mahigpit ang naging hawak ko sa mug na nakalapag sa mesang nasa harapan ko. Is he telling the truth? Ano bang dapat kong maramdaman? It's already over but I felt betrayed by Grayson. Kung ganoon, noon pa sila may koneksyon sa isa't-isa.

"Hindi totoong may ibang kasong hawak dito ang asawa mo. He went here to finalize and hear the final verdict for our annulment. But he was caught up in a big case because of his colleague." may pait sa boses na sabi nito

"Why are you telling me all this?" mariing tanong ko sa kanya

"Tell me something I don't know, Hillary. Minahal mo nga ba ako sa loob ng dalawang taon? O tinuon mo lang sakin ang pagmamahal mo kay Grayson dahil iniwan ka niya?" blangko ang mukha nitong nakatingin sa akin pero nasa boses niya ang pait and sakit

Nainis ako sa klase ng tanong niya kaya tinapunan ko siya ng masamang tingin. How dare him ask me those questions!

"Hindi ako mananatili sa puder mo ng dalawang taon kung hindi kita minahal, Darnell. Of all people, you should know that! Ilang taon kong tiniis ang pagmamalupit mo at nanatili ako dahil mahal kita noon pero napakahirap mong mahalin!" singhal ko sa kanya

Bumigat ulit ang loob ko, siguro kahit dumaan ang ilang taon o kahit ilang ulit kang manumbat kung hindi mo pa tuluyang napapatawad ang isang tao at hindi ka pa makalimot, hindi gagaan ang loob mo.

"Dahil nakatanim noon sa isip ko na sinira mo ang magandang relasyon namin ni Claire! I was attracted to you before but it all vanished when you seduced me that night! And it was too late when I realized that I really love you." naningkit ang mga mata niya sakin at halos isinghal na rin niya ang mga sinabi niya

"Don't put the blame on me! I didn't seduce you and I am not capable of doing that! Hindi ako desperadang babae, Darnell! We were both drunk that night!" I almost slapped his face for blaming me

Nahampas ko ang mesa sa galit ko at natapon pa ang laman na kape ng baso ko.

"So drunk that you were screaming that bastard's name, Hillary!" he exclaimed in anger

I almost lost it in astonishment and maybe... embarassment? Did I really called Grayson's name that night?

"I was drunk! And he's not a bastard! He's my husband, you jerk!" I retorted angrily

"Please, Hillary. Let's... Let's just stop fighting. I'm tired of this already." pagod na sabi niya at minasahe ang sentido niya

"Please, I am begging you. Let me go. I want to be freed from our painful past, Darnell. Bring me and my children back to Grayson." I pleaded almost crying, I am also tired of this bullshit.

Gusto ko ng makawala sa lahat ng tungkol sa kanya. I don't want to be shackled by our painful memories anymore. I'm tired of blaming him and myself. I just want to have a peacefullife with my family. I really need to talk to my husband right now. He has a lot of explaining to do.

He stood up and glance at me. His eyes were tired and sad.

"I'm sorry but I can't bring you back."

Mabilis na hinabol ko siya nang pumasok siya sa loob ng bahay. Hinila ko ang braso niya at pinilit siyang humarap sa akin.

"Why, Darnell?! Why?! I'm sick of all these things already!" hindi ko napigilan ang umiyak at sumigaw sa kanya

Nabasa ko ang awa at sakit sa mata niya bago siya mag-iwas ng tingin sa akin. Hinayaan ko siya nang tumalikod siyang muli sa akin pero bago siya umakyat sa hagdan ay nagsalita siya.

"Grayson asked me to bring you here and I won't bring you or your children back unless he says so."

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 54.7K 56
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
155K 3.1K 37
Pretend Series #3 What if there is a child approach you and called you a "mommy" And his father offered you to pretend to be a mother of his child wi...
1.6K 64 33
[COMPLETED] He is afraid of death, while she embraces it. Mancheska Leandra Caballero's life is full of ups and downs--mostly downs. But wh...
324K 8.2K 25
Malaking kasalanan para sa iba ang maging isang 'KABIT' ngunit hindi niya mapigilan ang kaniyang nararamdaman para sa taong ito. Kaya kahit malaki it...