The Joy of The Playboy (COMPL...

By queenerich

1.4M 14.5K 765

#55 in Romance Category as of August 9, 2018 *Note: FOR ADULTS ONLY. Readers below 18 years of age, this stor... More

Author's Note
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Special Chapter
Epilogue
Author's Note
ANNOUNCEMENT!!!

Chapter 7

28.3K 299 0
By queenerich

Chapter 7

"So ano na ang plano ngayon, bes?" ungkat ni Patty matapos nitong makipag-usap sa phone. "Ang sabi ni Grace hindi pa raw niya nakakausap si Mrs. Sayes at hanggang ngayon hindi raw niya alam kung papasok ang bago niyang amo. My god! Alas dos na ng hapon wala pa sa opisina ang apo ni Madam."

"Baka may appointment sa labas."

"Appointment sa labas. Ang sabihin mo tamad talaga ang apo na iyon ni Madam. Hindi na ako magtataka kung malugi ang kompanyang iyon. Ikaw naman kasi, bakit hindi ka na lang um-order sa iba? Tingnan mo ngayon para tayong naghihintay sa wala. Masyadong paimportante ang apo ni Madam. Marami pa namang supplier diyan, girl."

"Hindi ko gusto ang kalidad ng gawa nila hindi kagaya ng gawa nila Mrs. Sayes na pulido. Wala akong masabi bukod sa may kalidad, mababa rin ang bigay nila sa atin. Iyon nga lang parang ang hirap nila hagilapin nitong mga nakaraang linggo."

Tumango lang si Patrick. "Tumpak, bes." Iwinasiwas pa nito ang kamay sa ere. "Parang pag-ibig mo, ang hirap hagilapin."

Sinimangutan ko ito at muli kong ibanaling ang paningin sa listahan ng mga bagong supplier ngunit
wala akong mapili ni isa sa kanila. Hindi ko talaga gusto ang gawa nila.

"Bes, do you remember Rico?" mayamaya tanong ni Patrick. "'Yung nanligaw sa 'yo no'ng college pa tayo tapos binasted mo kaagad dahil head over heels ka Fern."

"Patrick, please," reklamo ko at hinilot ang magkabila kong sentido. Nananakit ang ulo ko at hindi ko alam kung matutuloy ang pagbubukas ng kabilang branch ng boutique sa nakatakda nitong schedule. Kailangan ko talagang makausap si Mrs. Sayes, sila na lang ang hinihintay ko. "Wala akong oras pag-usapan ang Rico na iyon. Marami akong kailangang gawin. Next month na ang openning ng bagong branch natin pero hindi ko pa nakakausap si Mrs. Sayes. Anong idi-display natin? Mga mannequin?" galit na wika ko sa kaniya. Majority ng mga idini-display namin sa boutique ay sa kompanya ni Mrs. Sayes ko ino-order.

"Kaya nga, bes, e. Makatutulong si Rico sa problema mo, lalong-lalo na sa problemang pampuso."

"Lumabas ka na nga, Patrick," pagtataboy ko dito. "Wala akong makukuhang matinong sagot sa 'yo. Puro ka biro."

"Pakinggan mo muna kasi ako, Ligs,"'pagsusumamo nito at itinaas ang kanang kamay para patigilin ako sa pagsasalita. "Nagkita kami kahapon ni Rico and guess what?" Iniarko nito ang kilay saka nagsalitang muli, "Sa isang clothing line siya nagtatrabaho and I'm sure matutulungan ka niya."

Tumingin muna ako sa mga mata nito at pilit inaapuhap kung may katotohanan ang pinagsasabi nito.

"Anong pangalan ng kompanya?"

Imbes na sumagot, may inilapag ito sa mesa. "Ito ang calling card niya."

Binasa ko ang nakasulat doon. 'BLAZE COMPANY'. Naroon din ang buong pangalan ni Rico at may nakalagay na CEO sa ilalim niyon. Mukhang asensado na ang mokong. Napangiti ako.

"See? Siya ang sagot sa mga problema mo. Kung bakit kasi
binasted mo 'yun noon. Kung siya ang nakatuluyan mo..."

"Patrick, pwede ba. Huwag mo ng ungkatin ang nakaraan. Matagal na panahon na ang nakalipas."

Tumahimik na ito at akmang lalabas ng opisina nang biglang tumunog ang cellphone nito.

"Hello," dinig kong wika nito sa kabilang linya.

Para itong timang na lumapit sa akin at pinisil ang kanang braso ko. Tila gusto nitong sumigaw pero pilit na tinatakpan ang bibig kasabay ng pagbilog ng mga mata nito. Inirapan ko lang ito at napangiwi sa sakit bunga ng pagpisil nito sa braso ko. Babatukan ko na sana ngunit bigla itong lumayo.

"Rico, is that you?" May landi sa tono ng pananalita nito na tila isang teenager na tinawagan ng crush. "Ummm... narito siya." Tumingin ito sa akin at tila nanunukso ang mga mata habang nakaturo ang kaliwang hintuturo sa cellphone.

"Of course, kung ililibre mo kami." Tumawa muna ito saka nagpatuloy, "okay, tutal it's meryenda time, go kami... Okay, bye."

Matapos nitong makipag-usap sa cellphone ay tumili ito nang ubod lakas na akala mo ay kinurot sa singit. Sarap talaga bigwasan ng
baklang ito.

"Ligs, si Rico nagyayaya magmeryenda. Gora na tayo nang masilayan mo naman ang kaguwapuhan ng lolo mo. I'm sure this time hindi ka na magdadalawang-isip na sagutin siya if ever na manligaw siya ulit. My god! Ang laki ng improvement ng body niya. Laki ng maskels...sarap pisil-pisilin."

"Yuck! Kadiri ka, Patrick! Kung ano-ano ang lumalabas sa bibig mo. Hindi ako sasama sa iyo, marami akong kailangang gawin dito sa boutique."

"Ligs, akala ko ba naghahanap ka ng panibagong supplier? Malaking kompanya ang pinapasukan ni Rico.
This is your chance, bes. Huwag mo ng hintayin pa ang tawag ng sekretarya ni Madam. Mamumuti ang mga mata natin kahihintay. Sige na, sumama ka na sa akin, please?"

Nag-isip muna ako ng ilang minuto bago umoo sa kaniya. Tama naman kasi siya kung tutuusin. Naghahanap ako ng bagong supplier para sa negosyo at wala naman sigurong masama kung makikipagkita kami sa kaniya.

"Pero, Patrick purely business lang ito, ha. I don't wanna go beyond that."

Inismiran ako nito at ipinilantik ang kamay sa ere. "We will see, Ligs. Tingnan ko lang kung hindi ka maglaway sa hitsura ngayon ni Rico. Kung siya laway na laway sa iyo noon, baka kabaliktaran ang mangyari ngayon."

Binato ko ito ng ballpen. "Bakla ka, puro kalandian ang nasa kukote mo."

Pero in fairness kahit ganyan si Patrick, magkasundong-magkasundo kami. Sanay na ako sa mga green jokes niya. Determinado lang talaga siya na magkaroon ako ng lovelife ganoon din ang mga kaibigan namin. Minsan nga kapag magkakasama kaming lima, palagi kaming pinagtitinginan ng mga taong nakakarinig sa amin dahil puro kalandian ang topic at nangunguna lagi si Patrick pagdating sa ganoong usapan.

"Ligs," wika nito mayamaya. "Ten years ng zero ang lovelife mo kaya pinu-push ka namin palagi. Maaatim mo ba na makita kaming masaya sa piling ng boyfriend namin samantalang ikaw, eh, nagdurusa sa ginawa sa iyo ng lintik na iyon? Move-on din, bes, hindi lang si Fern ang lalaki sa mundo. Isa pa, huwag puro trabaho. 'Ika nga nila, 'All works and no play, makes Maria a dull girl'. Laro-laro rin kapag may time. Ang daming lalaking pwede diyan. Para ka lang umo-order niyan sa fast food; turo dito, turo doon and then take home," mahaba nitong paliwanag saka humalakhak.

"Sira ka talaga, Patty." Napangiti na lang ako. Iba talaga mag- isip si Patrick. Kahit na may kaberdehan ang sinasabi nito, mapapatawa ka na lang imbes na magalit.

Muling tumunog ang cellphone nito at tiningnan ang screen.

"Nag-text si Rico, papunta na raw siya sa resto," saad nito. Tumango lang ako.

Matapos damputin ang ilang mahahalagang papeles sa mesa, ay nilagay ko iyon sa bag ko at umalis na kami ni Patrick para makipagkita kay Rico.

Hindi ko maiwasang hindi maalala ang nakaraan. Nanligaw sa akin noon si Rico subalit kaagad ko ring binasted dahil kay Fern. Kung tutuusin mabait si Rico, maalalahanin ngunit dahil sa magkasing edad kami kaya hindi ko na pinalawig pa ang panliligaw nito sa akin. Mas itinuon ko ang atensiyon kay Fern nang mga panahong iyon. Isa kasi sa mga panuntunan ko sa buhay na kapag mas matanda sa iyo ang boyfriend mo o asawa ay mas lamang ang pagmamahal niya sa iyo. Aalagaan kang mabuti, iintindihin ka sa lahat ng bagay at higit sa lahat buong puso kung magmahal. Subalit nagkamali yata ako dahil kabaliktaran ang nangyari sa buong panahong pagsasama namin ni Fern. Ako 'yung mas nagbibigay, mas umiintindi hanggang sa halos makalimutan ko ang aking sarili sa sobrang pagmamahal sa kaniya.

"Bes," untag sa akin ni Patrick. "Wala ka na namang kibo diyan. Don't worry, okay naman si Rico. Harmless 'yun." Kinuha nito ang cellphone sa bulsa nang tumunog iyon at may kinusap sa kabilang linya. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng taxi.

"Bes, malayo pa ba?" tanong ko nang ibinaba na nito ang phone.

"Malapit na, bes. Kaya lang..." Tumingin ito sa akin na tila humihingi ng pasensiya.

"Why?"

"Si boyfie kasi tumawag, gustong makipagkita. Baka pwede iwan na lang kita sa restaurant na iyon. Pero promise, susunduin kita mamaya."

"Ano?!" sigaw ko na ikinalingon sa amin ng taxi driver. "Makikipagkita ako mag-isa kay Rico? Are you out
of your mind? Patrick, ikaw ang may idea nito, tapos ngayon..." Napa-face palm na lang ako.

"Emergency lang kasi, bes, please? Promise," itinaas muna nito ang kanang kamay saka nagpatuloy sa pagsasalita, "saglit lang ako. Pupuntahan agad kita."

Napabuntong-hininga na lang ako. Ano pa nga bang magagawa ko kundi pagbigyan siya. Sa tuwing eeksena ang boyfriend nito, nakakalimutan ako. Nakakainis!

Malayo-layo pa ang restaurant na sinasabi ni Patrick, pero naaaninag ko na ang lalaking nakasandal sa nakaparadang kotse sa labas niyon. Marahil iyon na si Rico.

Nang huminto ang sinasakyan naming taxi, ay lumapit ito para pagbuksan kami ng pinto. Hindi pa man ako nakakababa, ay abot-abot na ang paghingi ng sorry ni Patrick sa akin maging kay Rico.

"Rico, I'm sorry hindi ako makakasama sa inyo ni Ligs. Tumawag si boyfie, eh. Maybe next time, pero treat mo pa rin, ha," biro nito.

"Of course, Patrick," nakangiting sagot ni Rico.

"It's Patty, Rico. O, siya, ingatan mo itong kaibigan ko, ha, kung hindi jojombagin kita."

"Siyempre naman, Patty. Noon pa man, ingat na ingat na ako kay Ligs." Nakangiti pa rin ito saka inalalayan ako pababa ng taxi.

"Bye. Have fun," paalam ni Patrick na hindi na nakuha pang bumaba dahil nag-ring na naman ang phone nito.

Nang makaalis na ang taxi ay may kinuha si Rico sa front seat ng sariling kotse.

"Flowers for you, Ligs," wika nito kasabay ng pag-abot sa akin ng palumpon ng bulaklak. Kahit nag-aalangan, kinuha ko iyon at tipid na ngumiti saka nagpasalamat.

"It's been years, Ligs," muli nitong saad saka ako niyakap na ikinagulat ko. Bigla rin itong kumalas na tila nahiya sa kaniyang ginawa. "How are you?"

Napatingin ako sa gawi niya. Tama nga si Patrick, malaki na ang ipinagbago niya. Wala na ang
dating patpating Rico na nakilala ko. Lumaki ang katawan nito at tila lalong gumwapo.

"Okay naman. Ikaw?" naisagot ko. Ibinaling ko ang paningin sa saan, nakakahiya kung tititigan ko siya.

Nagkibit-balikat ito. "Ayos lang. Let's get inside." Hinawakan ako nito sa baywang at iginiya papasok ng restaurant.

Habang kumakain kami hindi niya maalis ang tingin sa akin, naiilang tuloy ako sa ikinikilos nito. Maraming tao sa restaurant at dama ko ang ilang pares ng mga matang nakatingin sa mesa namin.

"Hindi ko akalain na magkikita ulit tayo," wika nito. "I thought sa
America ka na naninirahan kasama si... Fern." Parang hindi nito masambit ang pangalan ni Fern. May galit pa siguro ito sa ama ng anak ko.

"Bumalik ako sa bansa ten years ago, kasama ang anak ko."

"I see. Kumusta na ang baby mo? Malaki na siguro siya."

Ngumiti ako. "Grade seven na siya at sa awa ng Diyos maayos naman. Ikaw, ilan na ang anak mo?"

"I have two sons. Nasa probinsiya sila kasama ang kanilang ina." Pansin ko ang pag-igting ng panga nito nang banggitin ang huling dalawang salita. Tila galit ito sa ina
ng mga anak niya.

"Really?" Pilit kong pinasigla ang aking boses. "You have two sons. Kumusta naman sila? And your wife, how is she?"

Pilit na ngiti ang isinukli nito. "You know, Ligs hiwalay na kami." Bumuntong-hininga ito. "We failed as husband and wife, so we decided to...part ways. It's a mutual decision."

"I'm sorry," tanging nasabi ko.

"Ikaw, kumusta na kayo ni Fern?"

Nagkibit s balikat ako. "Hiwalay na rin kami."

Hindi ito makapaniwala sa sinabi ko. "How come? You two were inseparable before. I never thought na maghihiwalay kayo."

Marami pa itong katanungan pero mas pinili ko na huwag sagutin ang mga iyon. Ngumiti lang ako at ipinagpatuloy ang pagkain.

"I'm sorry," wika ni Rico nang mapansin nitong umiiwas ako sa mga katanungan niya. "Naging mausisa ako, pasensiya na."
Hinawakan nito ang kaliwa kong kamay na nasa ibabaw ng mesa.

Tipid akong ngumiti at binawi ang kamay ko. "It's okay. He's back in town. Hindi pa ba kayo nagkikita?" Tuloy ko kay Fern na ikinailing nito.

Mayamaya ay napunta ang topic ng usapan namin sa trabaho at naikuwento nito ang tungkol sa kompanyang pinapasukan na labis kong ikinatuwa. Kung mapapapayag ko ito at maganda ang kalidad ng mga damit nila baka hindi na ako um-order sa kompanya ni Mrs. Sayes.

Mayamaya ay tumunog ang phone ko kaya nagpaalam ako kay Rico. Nagpunta ako ng ladies room para doon sagutin ang tawag. Malamang ang malanding si Patrick ang tumatawag.

"Hello," bungad ko nang makapasok ako sa ladies room.

"Good afternoon, Miss Elena, this is Grace." Parang excited ito sa sasabihin at medyo kinilig. Ganito si Grace kapag nagkakausap kami, nawawala ang formalities. Hindi naman kasi nagkakalayo ang edad namin at naging kabiruan ko na rin ito sa tagal ng panahong pagkakakilala namin. May mga pagkakataon din na isinasama ko ito sa lakad naming magkakaibigan.

Isang tili ang pinakawalan nito sa kabilang linya na animo'y wala sa opisina saka idinetalye ang schedule ng nakabinbing meeting namin ni Mrs. Sayes.

"But, Miss Elena, si Sir Charles po ang ka-meeting ninyo mamaya. Just a piece of advise, wear
something sexy. Ang guwapo ng apo ni Mrs. Sayes," pabulong nitong saad na ikinatawa ko.

"Ikaw talaga, Miss Grace."

Matapos ang pag-uusap namin ni Grace ay lumabas na ako ng ladies room subalit laking gulat ko nang may humablot sa braso ko at isinandal ako sa pader.

"Who's that bastard? Tell me. Sino ba siya at may pahawak-hawak pa siya sa kamay mo?"

Dama ko ang galit sa mga mata nito habang nakatingin sa akin.







Continue Reading

You'll Also Like

7.4M 122K 46
Formerly entitled PREGNANT BY MISTAKE. Levesque Series #1 Have you ever thought about getting PREGNANT? But what if its just a result of your drunken...
102K 1.6K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
202K 8.1K 36
"Olivier Sean La Ferrante, an eligible bachelor and one of the heirs of the La Ferrante Group of Companies, is looking for a wife." Desperadong makah...
GLIMPSE OF HIM By Ac

General Fiction

326K 5.7K 50
Strictly for open-minded only! No alliens allowed.