So Into You (BxB)

By Ytianity

1.2M 23.6K 3.4K

BABALA: Boy to boy content. Kung HOMOPHOBE kayo, edi layo na! Baka kasi may mangyari pang away eh. XDD Meet A... More

Chapter 1 : Introduction - Irritation
Chapter 2 : Game - Text
Chapter 3 : Meet-up - Awkwardness
Chapter 4 : Sciences - Retaliation
Chapter 5 : Call - Anger
Chapter 6 : Persistence - Annoyance
Chapter 7 : Bothered - Vexed
Chapter 8 : Rain - Offer
Chapter 9 : Blush - Punch
Chapter 10 : Sorry - Peace
Chapter 11 : Beat-up - Hug
Chapter 12 : Advice - Doubt
Chapter 13 : Visitation - Seduction
Chapter 14 : Sleep - Thanks
Chapter 15 : Endearment - Trunks
Chapter 16 : CPR - Almost
Chapter 17 : Assembly - Treat
Chapter 18 : Usher - Deal
Chapter 19 : Snap - Guilt
Chapter 20 : Apologize - Fulfill
Special Chapter : Vacation
Chapter 21 : Tickle - Whisper
Chapter 22 : Worked-up - Bump
Chapter 23 : Lie - Realization
Chapter 24 : Miss - Embrace
Chapter 25 : Box - Nicks
Chapter 26 : Drunk - Confession
Chapter 27 : Hangover - Forget
Chapter 28 : Space-out - Avoid
Chapter 29 : Reconciliation - Friends
Chapter 30 : Tryouts - Pretend
Chapter 31 : Celebrate - Wish
Chapter 32 : Invite - Excite
Chapter 33 : Father - Christmas
Chapter 34 : Bonding - Holding
Chapter 35 : Party - Together
Special Chapter : Territory
Chapter 36 : Conversation - Toothbrush
Chapter 37 : Bipolarity - Trust
Chapter 38 : Break-up - Joke
Chapter 39 : Lucky - Congeniality
Chapter 40 : Misheard - Abnormality
Chapter 41 : Talk - Flashback
Chapter 42 : Engagement - Faith
Chapter 43 : Diminish - Another
Chapter 44 : Lying - Gotcha
Chapter 45 : Lust - Lips
Chapter 46 : Revelation - Unsure
Chapter 47 : Weird - Please
Chapter 49 : Princess - News
Chapter 50 : Uncivilized - Problem
Chapter 51 : Retrieval - Disappointment
Chapter 52 : Top - Steal
Chapter 53 : Okay - Back
Chapter 54 : Forced - Mad
Chapter 56 : Oblige - Over
Chapter 57 : Hurt - Decision
Chapter 58 : Don't - Enough
Chapter 59 : Pageant - Clear
Chapter 60 : Ending - Beginning ( Part 1 )
Chapter 60 : Ending - Beginning ( Part 2 )
Special Chapter : AFTER

Chapter 55 : Truth - Escape

10.2K 269 46
By Ytianity

Malungkot ang mga eksena dito. Hindi ko alam kung magugustuhan niyo pero yan ang idinikta ng aking puso't isipan. Walang papalag! Hahaha.

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

ALLEN'S POV

Nabalitaan ko na sinugod ni Diane si Jake sa bahay nila at pinagsisisigawan ito doon. Nagwala si Diane dun dahilan para malaman ni Tita na sinaktan ako ni Jake at pinagtangkaang gawan ng masama.

Umiyak daw si Tita at binalak na palayasin si Jake pero nung magpaliwanag naman si Jake at sinabing hindi na niya ako guguluhin ay tumahan si Tita at niyakap ng mahigpit ang kanyang anak. Humagulgol daw silang dalawa na para bang namatayan. Alam din daw kasi ni Tita na may gusto sa akin ang anak niya at payag ito kung sakaling maging kami nga.

Bago umalis si Diane dun ay sinabihan niya si Jake na wag na munang lumapit sa akin. Pumayag naman daw ito at nangakong iiwas na.

Tapos ito namang si Karl, sinuntok daw si Jake nung magkita sila sa school. Siguro, yun yung time na sinabi niya sa aking pupunta siya sa library para mag-research. Kung hindi lang talaga ako busy sa meeting nung mga panahon na yun, napigilan ko siya.

Nabalita pa yun sa College of Engineering and Technology dahil sa eksena nila. Magsuntukan daw ba kayo sa harap ng CET office eh. Mga unggoy talaga kahit kailan.

"Babe, may pupuntahan lang kami nina Jason mamaya. Mauna ka nang umuwi pagkatapos ng klase, okay?"

"Anong meron? Basketball? Oh baka naman manchi-chicks kayo? Loko ka, pag nahuli kitang nan-chicks, chop-chop yang junior mo sa akin." pagbabanta ko sa kanya. Napatakip pa siya sa bukol niya at umatras ng bahagya.

"Ang sakit nun! Hindi ako magloloko, okay? Hindi ko lang alam kung anong meron kaya hindi ko masabi sa'yo kung ano ba talaga yun." pagpapaliwanag niya bago niya ako bigyan ng halik sa pisngi. Mabilis lang yung halik kasi baka may makahuli sa amin eh.

"Kasama ba si Jomar? Kasi kung si Jason lang ang makakasama mo, hindi na kita papayagan dyan." sabi ko sa kanya.

Para siyang natigilan at napaisip. Ipinasok niya pa ang isa niyang kamay sa bulsa niya.

"Oo, kasama namin siya. Hehehe. Syempre, hindi pwedeng mawala yun." nakangiti naman niyang sagot.

Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba yun pero iba kasi yung kutob ko eh. Ite-text ko na lang siguro si Jomar mamaya kung totoo ngang kasama siya.

"Okay. I love you." mahina kong sabi sa kanya.

"Love you, too." sagot naman niya.

At matapos nga ang last subject namin ay agad na tumayo ang dalawa. Si Jomar kasi hindi pumasok ng last subject eh. Ewan ko ba dun kung anong nangyari. Baka tungkol sa kanila ni RR.

Hindi rin naman ako makapag-text sa kanya kasi baka mahuli ako ni Karl. Pero itong si Karl naman, parang hindi mapakali. Maya't-maya lumilingon kay Jason tapos yung mga kamay niya, hindi mapakali. Parang pinapasma siya. Yung paa niya rin parang nililindol sa sobrang pag-ugoy niya. Tinry ko siyang pigilan pero babalik din agad pagkabitaw ko sa kanya. Para siyang may ADHD na hindi mo malaman.

More importantly, kinakabahan ako na hindi ko malaman. Ahh ewan!

Wag kang magduda kay Karl, Allen.

Wag kang magduda kay Karl.

Wag na wag.

Wag.

KARL VINCENT'S POV

"Shit, Par! Grabe yung ibinulgar niya sa akin nung magkita kami sa labas eh. Bukod sa dito siya mag-aaral ng college, NAGKAANAK DAW KAYO!" pasigaw na sabi ni Jason.

Hindi na namin siya pinigilan dahil wala namang ibang tao sa kung nasaan man kami ngayon. Walang makakarinig sa amin dito.

Kaya dito ko na rin binalak na makipagkita kay Keira.

Nakakagago yung balita ni Jason eh. Hindi totoong magkakaanak kami. Oo, wala akong proteksyon na gamit nung mga panahong yun. Pero sigurado akong walang mabubuo sa ginawa namin. Hindi ako nagpaputok sa loob niya.

Pero bakit ganun? Parang gusto kong maniwala na may nabuo nga? Tangna naman oh!

Masaya na ako kay Allen eh. Masaya na ako na kapwa lalaki ang mahal ko pero bakit ngayon pa pumasok 'tong problema na 'to!?

"Karl." sabi ng isang boses. Pambabaeng boses. At kilalang-kilala ko yung boses na yun.

"Keira."

Nagkatitigan kami sa mata pero hindi ko magawang maglabas ng kahit na anong emosyon. Saya, lungkot, galit, pagmamahal? Lahat wala. Parang blangko lahat.

Pero siya? Nakangiting lumuluha.

"Karl, totoo yung narinig mo kay Jason. He's 3 years old now." sabi niya habang humihikbi. Alam kong nalulungkot siya pero wala akong maramdaman na awa.

"Paano nangyari yun? Alam kong alam mo kung ano ang nangyari. Imposibleng magkaanak tayo. Imposibleng may mabuo sa ginawa natin." sabi ko sa kanya.

"Karl, ayokong ipaliwanag sa harap ng mga kaibigan mo dahil nakakahiya pero may nabuo talagang buhay sa ginawa natin. Maniwala ka." sabi pa niya. Patuloy sa pagtulo yung mga luha niya.

"Keira, hindi ako maniniwala hangga't hindi ko nakikita. Ipakita mo siya sa akin, baka sakaling maniwala ako sa'yo." seryoso kong sabi sa kanya.

Nagpunas siya ng luha at umalis saglit. Sinundan namin siya ng tingin hanggang sa tumapat siya sa isang kotse. Binuksan niya ang pinto nito at inilabas niya mula roon ang isang bata. Binuhat niya yung bata hanggang sa makalapit siya sa amin.

"Ito siya Karl. Ang anak mo. Ang anak NATIN." sabi niya.

Napatingin ako sa mukha ng bata. Nakuha niya ang kaputian ni Keira. Pati ang ilong.

Pero bakit ganun? Wala akong maramdaman kahit na iniharap na niya sa akin yung bata? Diba dapat may lukso ng dugo? Pero ngayon, wala eh. Para lang akong nakakita ng bata sa kapitbahayan.

"Kurt, say hi to Papa." utos ni Keira sa bata.

"Hi, Papa?" tanong naman ni Kurt. Ng... anak ko.

Tangna, totoo ba 'to? May anak talaga ako!? Bakit naman nangyayari sa akin 'to? Karma ba 'to? Pero saan naman? Sa kabaliwan ko kay Keira noon? Tangna naman eh.

"Papa." dinig kong sabi uli ni Kurt.

Hindi ko na napigilan ang pag-iyak ng marinig ko ang boses ng bata. Yung pagkasabik niya sa tatay, parang tumatagos na sa puso ko. Parang sa akin nga siya nanggaling.

Pero... paano na si Allen? Tiyak kapag nalaman niya 'to, maghihiwalay kami. Eh mahal na mahal ko yun eh. Ayokong magkahiwalay kami. Pero paano naman din 'tong bata? Ayoko namang makalakihan niyang wala siyang kinikilalang tatay. Ayokong matulad siya sa akin na galit sa ama.

Tangna naman eh. Paano ko lulusutan 'to?

"Anong balak mo ngayon Par?" tanong ni Jomar sa akin.

"HINDI KO ALAM! ANONG GUSTO NIYONG GAWIN KO? MAGTATATALON SA TUWA NA MAY ANAK AKO!? NA MAY NABUO SA KAGAGUHAN NAMING DALAWA NOON!? TANGNA! ANO BANG KASALANAN KO AT NANGYAYARI SA AKIN 'TO!?"

Biglang umiyak si Kurt at napansin kong niyakap ito ni Keira ng mahigpit. Nilapitan sila ni Jason at parang may sinabi siya dito. Napansin ko ang pagtango ni Keira habang nakasulyap sa akin tapos saka siya tumalikod at bumalik sa sasakyan nila.

Pagkaandar nung kotse nila Keira ay nilapitan ako ng dalawa kong kaibigan.

"Par. Mukhang anak mo talaga eh. Ano nang balak mo? Aakuin mo ba? Makikipagbalikan ka kay Keira?" sunod-sunod na tanong naman ni Jason.

Napaupo na lang ako sa sementadong sahig dahil sa disappointment. Disappointed ako sa sarili ko dahil nagpabaya ako at nakabuo kami ng hindi inaasahan ni Keira. Disappointed ako sa relasyon ko kay Allen dahil itatago ko 'to at pananatilihing sikreto sa kanya. Disappointed ako sa lahat!

Kinuyom ko ang kamao ko at inihampas sa sahig dahil sa sobrang galit.

"BAKIT!? BAKIT NANGYAYARI SA AKIN 'TO? HINDI KO ALAM ANG GAGAWIN KO!" mangiyak-ngiyak kong pagrereklamo sa kanilang dalawa.

Hindi nila ako pinipigilan sa pag-iyak at pananakit sa sarili ko pero alam kong nag-aalala silang dalawa sa akin. Sadyang hindi ko lang matanggap ang nangyari.

Hindi ko alam na hahantong sa ganito ang buhay ko.

"Sasabihin mo ba 'to kay Allen? Sa tingin ko, oo. Kailangan niya 'tong malaman." pabulong na payo ni Jomar.

Hindi ako makasagot dahil hindi ako makapag-isip ng matino. Sino ba talaga uunahin ko?

Si Allen o yung anak ko?

"Par, dun muna ako sa inyo, pwede? Hindi ko siya mahaharap ngayon eh." pakiusap ko kay Jomar. Alam niya kung sino yung tinutukoy ko. Tumango siya at tinapik ako sa likod bago tumayo ulit at inilabas ang cellphone niya.

"Ipagpapaalam na kita sa kanya. Ako na bahala." sabi niya sa akin tapos ay nagsimula na siyang mag-type sa phone.

Si Jason naman tahimik lang na nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya. Kung ano ang tumatakbo sa utak niya.

Tumayo ako at nagpunas ng luha. Hindi masosolusyunan ng pag-iyak ko ang mga problema ko. Kailangan kong mag-isip at i-consider ang mga bagay-bagay. Kailangan kong i-set ang priorities ko.

Matapos ang ilang bagay ay nag-aya na akong umuwi. Sinabi ko kay Jason na kina Jomar muna ako makikitulog at pumayag naman siya. Hindi siya nagdududa sa mga kinikilos ko.

Sa biyahe, nasabi ni Jomar na pumayag naman daw si Allen pero nagtanong muna ng sandamukal na tanong. Nung sinabi niyang tatapusin namin yung isang thesis ay agad itong pumayag na hindi ako umuwi.

"So, ano na talaga ang plano mo? Makikipagbalikan ka kay Keira? Sasabihin mo ba 'to kay Allen o itatago mo sa kanya? Aakuin mo ba yung bata?" sunod-sunod na tanong ni Jomar sa akin pagkadating namin sa bahay nila.

Napasabunot ako sa ulo ko dahil sa dami ng dapat kong isipin.

Si Keira. Yung bata. Yung pag-aaral ko. Yung pamilya ko. Yung buhay ko.

SI ALLEN.

"Par, gusto kong itago 'to kay Allen." agad kong sabi nang makaupo ako sa kama ni Jomar.

"Ano!? Itatago mo sa kanya? Gago ka ba!? Mahal ka nung tao. Tinulungan ka niya sa issue mo sa pamilya mo. Pinatuloy ka sa bahay nila tapos pagtataguan mo ng ganito kahalagang impormasyon!? Kung ito ang plano mo, bahala ka. Don't expect help from me. Hindi ko kayang balewalain yung efforts ni Allen para sa'yo. I may be your friend pero hindi ko kukunsintihin ang mga ginagawa mo." pangaral naman niya sa akin. Galit na galit yung itsura niya. Alam ko naman yung pinanggagalingan ng galit niya eh.

"Pero Par. Pag sinabi ko sa kanya 'to, madudurog siya. Ang alam niya, walang nabuo." pagdadahilan ko naman. Yun lang naman ang panlaban ko sa issue na 'to eh. Yung emosyon ni Allen.

"Pero Karl, nandito na eh. Mapapalagan pa ba niya na may nabuhay sa ginawa niyo? Kahit naman itago mo yan, lalabas at lalabas pa rin yan. Malalaman niya pa rin yan."

"Pero by that time naman sa tingin ko nakagawa na ako ng solusyon eh. Gagawan ko ng paraan na maging ama sa anak ko at maging boyfriend kay Allen, ng sabay."

"Hindi yan pwede Par. Magkaiba ng level of affinity ang meron si Allen at yung batang yun towards you. Kahit kailan, hinding-hindi mo mapagpapantay ang atensyon mo sa pagitan nila. May isang lalamang, may isang mapupukulan ng kapurit na atensyon. Kaya kung ako ikaw, mamili ka ng ipa-prioritize mo. Si Allen o si Kurt?"

Argh! Bakit naman ngayon pa sinumpong ng maturity 'tong taong 'to? Kailangan ko ng dadamay hindi ng taong dadagdag sa problema ko.

"Par naman eh. Hindi mo naiintindihan. Kailangan ko silang pagsabayin dahil ayokong parehas sila na mawala. Mahal ko si Allen pero gusto kong maging ama dun sa bata. Wala akong pakakawalan."

"Nagiging selfish ka dahil sa ginagawa mo, alam mo yun? Karapatan ni Allen na malaman ang nangyayari sa buhay mo dahil syota mo siya."

"Ayoko! Hindi ko sasabihin kay Allen!"

"Bahala ka! Basta wag mo akong idamay sa kagaguhan mo! Pinayuhan na kita." sabi niya lang tapos ay tinalikuran na niya ako't lumabas siya ng kwarto.

Tsk. Pati ba naman si Jomar? Lahat na lang nagiging pasakit sa buhay ko ah?

Magulo! Magulo na ang nangyayari sa buhay ko!

ALLEN'S POV

"Hindi siya umuwi kagabi Ma. Tatapusin na daw nila ni Jomar yung isang thesis namin. Mababawasan na yung iisipin kong project kaya um-oo ako." sagot ko kay Mama nung tanungin niya ako kung bakit hindi pa bumababa si Karl.

"Ah ganun ba? May kakainin ba yun dun? Sabi mo, wala yung magulang nung Jomar ngayon dito sa Maynila?" tanong uli ni Mama habang nagluluto at nakatalikod sa akin.

Nag-indian sit ako sa upuan at nagpangalumbaba sa mesa. Wala pa namang nakahain na pagkain eh, siguro okay lang 'to. Ang boring kasi pag wala siya dito eh.

Sa loob ng isang buwan, nakasanayan ko nang gumising na katabi siya. Yung ngiti niya agad ang bubungad sa akin sa umaga. Yung pagdampi ng labi niya sa labi ko bilang panggising. At ngayong wala siya, my God! Para akong ninakawan ng lakas!

"Hoy! Ano na naman yang iniisip mo? Namumula ka dyan pero nakasibangot ka." sabi ni Mama na nakalingon pala sa akin habang iwinawasiwas ang siyanse sa ere na para bang isa siyang fairy godmother.

"Wala, Ma. Nami-miss ko lang si Karl." sagot ko naman sa kanya.

"Sus! Kalandi ng anak ko. Parang isang araw lang naman nawala." pagbibiro naman niya.

"Malaki eh." pabiro ko ring sagot at nakita ko ang pagka-alarma niya.

"Hoy! Ikaw ha? Madalas niyo na bang gawin 'yun'!? Mukhang namimihasa ka sa ganun ah!? Ikaw, pag masyado kang natuwa sa ganun, baka ikasira ng buhay mo yun." bigla naman niyang pangaral sa akin.

"Ito naman, joke lang kasi! Once a week lang naman naming gawin yun!" depensa ko naman sabay tawa ng malakas.

"Juskong bata 'to! Bakit ba napaka-kaswal lang natin kung pag-usapan ang ganyang issue?" bigla niya ulit tanong. Pero humarap na uli siya sa niluluto niya dahil baka masunog na yun.

"Kasi pinalaki mo kaming open sa lahat ng bagay?" pa-sarkastiko kong tanong.

"Kinalaman ko sa ganyan?" sarkastiko din naman niyang sagot.

Mana-mana talaga kami eh 'no?

"Bata pa lang kami, napag-uusapan na natin ang ganyang bagay. Syempre, makakasanayan na namin yan dahil parang 'Hi', 'Hellov na dit sa bahay yan eh." sagot ko naman.

Hindi siya kumibo kaya inilapat ko ang mga braso ko sa mesa at ipinatong ang baba ko sa pagitan ng mga iyon.

"Oh, bilang napag-uusapan naman na natin 'to. Wala bang plano magkaanak yang si Karl?" tanong niya tapos ay humarap uli siya sa akin, "Ibig kong sabihin, hindi man lang ba sumagi sa isip niya ang magkaroon ng sariling anak? Alam ko naman na pwede kayong magkaanak dahil may mga ampon-ampon na nangyayari pero yung sariling dugo at laman, hindi niya naisip?" dugtong niya.

Nakuha ng tanong na yun ang interes ko.

Hindi nga ba sumagi sa isip ni Karl ang magkaroon ng sariling anak? Itanong ko kaya sa kanya mamaya pag nagkita kami sa school?

"Hindi ko ho alam sa kanya eh. Itatanong ko mamaya pag nagkita kami sa school." sabi ko na lang kay Mama pero biglang tinubuan ng bagabag ang dibdib ko.

Paano kung magkaroon nga ng sariling anak si Karl? Ano kayang eksena namin?

"Ikain mo muna yan bago mo isipin. Naku, mukhang bibigyan pa kita ng poproblemahin ah?" nakangiting sabi ni Mama.

"K lang yun. At least malalaman ko yung opinyon niya." sabi ko na lang tapos ay nagsimula na akong sumandok na makakain.

Pagkatapos kong kumain ay bumalik ako sa kwarto ko para kunin yung mga gamit ko pamasok. Matapos yun ay naligo na ako at naghanda para pumasok.

Sa jeep, hindi ko maiwasang isipin na naman yung tanong ni Mama. Kaya nung bumaba ako ay para akong tangang nag-iisip habang naglalakad. Natigil lang ako sa kakaisip nung may makabyunggo sa akin.

Pagagalitan ko sama yung taong yun pero hindi ako nakapagsalita nang tumambad sa akin ang mukha ni Jake.

"J-J-Ja..." sobrang nauutal akong bigkasin ang pangalan niya.

Tumingin lang siya sa akin saglit tapos ay yumuko at nilagpasan ako. Mukhang sinusunod niya yung sinabi niyang lalayuan na nga niya ako.

Dahil dun, nagpasya na din akong magpatuloy sa paglalakad at pumasok na sa school. Sa lobby, nasalubong ko si Diegz. Yes, buhay pa rin siya at namumuno pa rin siya sa block nila. Ganun siya kamahal ng blockmates niya

"Oi, Allen! Long time, no see ah?" masigla niyang bati sa akin.

Maka-'long time, no see' naman 'to. Nag-bakasyon lang, matagal nang hindi nagkita?

"Oo nga eh. Kumusta ka naman?" balik-tanong ko sa kanya para hindi ako magmukhang suplado.

Oo, magkakilala kami pero never kaming nagkaroon ng maayos napag-uusap simula first year. Kahit nga sa mga events, hindi nagtatagal ng limang minuto ang conversation namin eh.

"Okay lang naman. Medyo nangitim dahil nag-swimming, alam mo na." natatawa-tawa niyang sagot.

Napatango na lang ako at pilit na ngumiti sa direksyon niya. Yan ang dahilan kung bakit hindi nagtatagal ang conversation namin. Closed sentence ang ibibigay niyang sagot lagi. Therefore, I conclude na dapat na akong umalis.

Paalis na nga sana ako nang biglang agawin na naman ni Diegz ng pansin ko.

"Patulong naman kami sa financial aspect. May hindi daw kami makuha, hindi naman sinasabi ni Sir kung ano." namomroblema niyang pakiusap sa akin.

Parehas kasi kami ng prof sa isang subject at nagti-thesis din sila dun.

"Sige. Text mo na lang ako pag may kailangan ka, okay? Alam mo naman number ko diba?" tanong ko sa kanya.

"Hindi eh. Nagpalit na din kasi ako ng phone." sagot naman niya tapos napansin ko ang paglabas niya ng cellphone sa bulsa niya.

Iniabot niya sa akin yung phone at agad ko namang inilagay ang number ko dun. Pagkabalik ko ng phone niya ay nag-type siya dun. Siguro nilagay niya ang pangalan ko.

"Mauna na ako ha?" sabi ko sa kanya.

"Ah oh, sige! Text na lang kita pag kailangan na namin ng tulong mo ha?" nakangiti niyang paalala kaya tumango na lang ako.

Nung umiwas na siya ng tingin ay bumalik na ulit ako sa paglalakad para makapunta na sa room. Sana nandun na rin si Karl. Miss ko na talaga yung lalaking yun.

Nung madaan ako sa catwalk ay nakita ko si Jomar sa may kiosk. Mukhang bumibili ng pagkain. Lumapit ako muka sa likod niya at tinapik ang balikat niya. Umikot siya at tinanguan ako saglit. Napansin kong ang dami ng binili niyang pagkain.

"Ano yan? May food trip? Ang dami nyan ah?" pagpansin ko sa 'shopping spree' niya sa mga braso niya.

"Hindi pa ako nag-a-almusal." mabilis niyang sagot tapos ay kinuha niya yung iniaabot na bote ng tubig nubg tindera.

Kung hindi pa siya kumakain, ibig sabihin hindi pa rin kumakain yung boyfriend ko?

"Si Karl ba, kumain na?" tanong ko sa kanya.

Biglang umiba ang hilatsa ng mukha niya nung marinig niya ang pangalan ni Karl. Mula sa diretso at walang ka-emo-emosyong titig ay nabahiran ito ng parang... inis? Bakit? Anong nangyari?

"Hindi pa siya kumakain. Sa aming dalawa na yan. Sa room na kami kakain. Wala kasing pagkain sa bahay eh, nalimutan ko namang magpa-deliver." sagot niya, kita pa rin yung inis sa mata niya.

"May problema ba?" natanong ko sa kanya dahil sa ikinikilos niya.

"Wala naman. Pagod lang. Halos nakalahati na namin yung isang thesis eh." sagot niya tapos ay nakita ko ang hirap niya sa pagba-balance ng mga pagkain sa kamay niya.

Kinuha ko yung iba para hindi siya mahirapan. Lumakad na kami at tumungo sa room. Pagpasok ko ay nakita ko si Karl na nakadantay ang ulo sa desk. Mukhang pagod na pagod.

Umupo ako sa tabi niya at marahang dinutdot ang batok niya.

"Karl." mahina kong sabi sa may tenga niya.

Para naman siyang binuhusan ng malamig na tubig at agad siyang tumindig. Buti na lang nakaiwas ako, kundi natamaan ang baba ko.

"Allen! Nandito ka na pala!" gulat na gulat niyang sabi.

"Halos kararating lang niya. Kumain ka na." sabi ni Jomar sa likod namin.

Saka lang niya napansin ang pagkain sa mesa ko. Umupo siya saglit tapos ay kumuha siya ng isang tinapay. Kinagatan niya yun habang nakatingin siya sa akin. Hindi ko rin pinakawalan ang tingin ko sa kanya dahilan para may mag-react sa likod namin. Si Jason.

Naglalaro siya ng PSP niya pero sumusulyap-sulyap siya sa amin.

Tumigil muna ako sa pagtitig ko kay Karl pero sinisigurado kong kumakain siya.

Nung magsimula ang klase ay nagpaalam ang dalawa na kakain habang nakikinig sa klase. Pumayag naman ang prof namin at hinayaan sila sa pagngata.

Huling klase sana namin ang 5:30 to 8:30 na Law subject kaso biglang nagtext ang prof namin para dun na may meeting daw siya sa city hall kaya napagpasiyahan naming apat na magsama-sama na naman.

"Nagugutom na ako." biglang atungal ni Jason sa amin nung makarating kami sa tapat ng mall.

"Wow ha!? Nung dumaan tayo sa underpass kanina, bili ka agad nung donut. Nung madaanan natin yung nagtitinda ng mani, bili ka din. Nung may nakita kang nagtitinda ng tokneneng, mukhang balak mo ding bumili. Tapos gutom ka pa!?" sarkastiko kong pamumuna sa kanya.

"Jusko naman! Nakakabusog ba ang mani? Lalaki ako at kailangang kong i-sustain yung energy source ko. Kung hindi ako kakain, manghihina ako. Manlalata ako." sagot naman niya sa akin.

"Pihado naman ako na okay lang kay Diane yun eh. Aalagaan ka nun." panunukso ko sa kanya.

Napansin ko agad ang pamumula ng pisngi niya nung lumingon siya sa akin para titigan lang ako ng masama.

Natawa ako sa ipinakita niya pero natigilan ako dahil wala akong narinig ni buga ng hangin sa dalawang lalaki na nasa likod ko lang.

Nilingon ko silang dalawa at nakita kong ibang-iba yung hilatsa ng mukha nila sa karaniwang ipinapakita nila. Parehong madilim ang aura nila at yun ang ipinagaalala ko. Bakit ganyan sila ngayon? Sa totoo lang, kanina ko pa napapansin na hindi sila nagkikibuan.

Ano bang nangyari sa kanila?

"May problema silang dalawa. Wag mo na lang itanong sa akin kasi hindi ko din alam kung ano yun. Basta, hayaan mo na lang sila. Si Jomar naman yan eh. Maaayos din yan." bulong sa akin ni Jason.

Sumulyap uli ako sa dalawa at hindi ko talaga maalis ang mag-alala. Sa buong panahon na nakilala ko sila, ngayon lang sila hindi nagpansinan ng ganito katindi.

Lumakad na lang kami papunta sa isang fastfood restaurant dahil natulig na ako sa kakareklamo ni Jason na gutom siya.

Nung maupo kami ay walang kumibo sa aming tatlo. Si Jason lang ang tumayo para umorder. Alam ko kasing may pagkain sa bahay kaya pinipigilan ko ang sarili ko na gumastos. Yung dalawa naman, parang wala ring planong kumain.

"Ano bang problema niyong dalawa?" tanong ko sa kanila. Sinasamantala ko na yung panahon habang wala si Jason.

Hindi sumagot si Karl pero si Jomar nama'y bumuntong-hininga kaya sa kanya natuon ang pansin ko.

"Wala 'to, Allen. Nagkasamaan lang ng loob. Mapag-uusapan naman kung magbu-bulgar ng sikreto yung isa dyan eh." pasaring niya. Napatingin si Karl sa kanya pero nagbawi din ng tingin tapos ay saka niya ako nilingon.

Tumayo siya at hinawakan ako sa braso. Hinila niya ako patayo hanggang sa makalabas kami nung restaurant.

Tinagtag ko yung kamay ko sa pagkakahawak niya para makawala ako. Napahinto kami tapos ay napansin ko ang pagyuko niya.

Ayokong makaagaw ng atensyon kaya hinila ko siya papunta sa isang tabi at isinandal siya dun. Pagkalapat na pagkalapat ng likod niya sa pader ay bigla siyang dumausdos paupo tapos ay nagtakip siya ng mukha.

"Karl, ano bang problema?" malumanay kong tanong sa kanya.

Ayokong magpadala sa inis at galit dahil baka wala lang ding patunguhan ang pag-uusap namin.

"Wala yun. Pinalalaki niya lang yung issue namin. " sagot niya habang nakatakip ang mukha niya.

Pakiramdam ko ay hindi ko malalaman ang issue na 'to kaya...

"Uwi na tayo?" pag-aya ko sa kanya.

Tumango naman siya kaya inilahad ko ang kamay ko para alalayan siyang makatayo.

KARL VINCENT'S POV

Wala na ba talagang pakisama ang mundo sa akin?

Pati si Jomar, pinoproblema ko na talaga. Hindi na niya ako pinansin kaninang umaga pa lang. Galit talaga siya na itinatago ko kay Allen yung issue ko.

"Wait lang ha? Nagpapatulong si Diegz sa akin eh. Para sa thesis nila." paalam ni Allen sa akin at tumango naman ako para bigyan siya ng permiso.

Agad siyang umupo sa sahig ng kwarto niya at binuklat yung notes niya na naglalaman ng information para mabuo yung thesis. Naririnig ko ang paulit-ulit niyang pagpapaliwanag sa isang parte, hindi siguro maintindihan ni Diegz.

Napalingon siya sa akin kaya napatitig ako sa mukha niya.

Nakaramdam ako ng guilt kaya humiga ako sa kama at nagtalukbong ako ng kumot.

Sa loob ng kumot, iniisip ko ang lahat ng mga nangyayari.

Magagawan ko pa nga ba 'to ng paraan?

Makakatakas pa ba ako sa problemang nilusutan ko?

Continue Reading

You'll Also Like

273K 9.4K 26
What if my deal kayo ng Twin Sister mo? What if kung ang deal na yun ay ang gantihan mo ang ex-boyfriend niya? and What if ang nagantihan mo ay ang...
151K 11.4K 169
Si Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OK...
Rain.Boys By Adamant

Teen Fiction

399K 13.6K 56
[BoyXBoy|Yaoi] ~RAIN.BOYS~ "Ewan ko ba kay John sa dinamidami ng pwedeng isama at gawing bestfriend, ikaw na walang kadatingdating pa ang pinili." sa...
701K 15.3K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...