Nerd in Section ANGAS

Od QueenHeartShaker

774K 30.2K 8.5K

[Highest Rank Achieved in Teen Fiction: #6 (4/29/18)] [Highest Rank Achieved in Friendship: #1] Isang grade c... Více

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27: Happy Valentine's Day Chappy
CHAPTER 28
CHAPTER 29: PART 1
CHAPTER 29: PART 2
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56

CHAPTER 34

11.6K 523 235
Od QueenHeartShaker

Hindi ko maiwasang mapaisip sa kung ano ang gustong sabihin ni Aki sa akin lalo na't kung bakit kailangang sa rooftop pa kami ng school mag-usap. Rineplyan ko si Aki at pumayag naman ako pero mahuli ko si Ashton na pasimpleng sumisilip sa cellphone ko.

"Tsismoso?" I raised my eyebrow.

"Tss. Sino yang ka-text mo?" irap niya.

"None of your business," ngiti kong mas nakapagpalukot ng kanyang mukha.

Tumikhim si Chairman Frost habang inaayos ang kanyang necktie kaya naagaw niya ang atensyon naming dalawa.

"Ang totoo niyan hija, may nakalaan na talagang ibang babae sa apo kong si Ashton," napabuntong-hininga si Chairman Frost, "Matagal ko ng plano na ipagkasundo itong apo ko sa anak ng matalik kong kaibigan."

Nagkatinginan kami ni Ashton at para bang kinabahan kami sa sinabi ng kanyang lolo.

"Pero dahil mukhang nagmamahalan naman kayong dalawa, wala akong dahilan para tutulan ang relasyon na meron kayo," dagdag niya, "At isa pa, napakaespesyal mo hija dahil ikaw ang unang babaeng pinakilala sa akin ng apo ko bilang girlfriend niya."

Sabay kaming nakahinga nang maluwag ni Ashton. Akala ko naman, itutuloy pa rin ni Chairman Frost ang arranged marriage ng apo niya.

"Hija, please take good care of my only grandson. Kahit madalas magsungit yang si Ashton, mahalin mo pa rin siya ha."

"Opo," ngiti ko.

"Ikaw naman apo," bahagyang pinalo ni Chairman Frost si Ashton ng kanyang baston.

"Ouch! Grandpa naman!" ismid ni Ashton habang napapahimas sa kanyang ulo.

"Hindi ko alam kung ano ang kulang sa pagpapalaki ko sa'yo. Hindi ko ba naturo sa'yo ang tamang panliligaw? Isa pa, wag na wag kang magpapaiyak ng babae," sabi ni chairman, "Ija, sabihin mo lang sa akin kung magloko itong apo ko dahil ako mismo ang magpapaluhod sa kanya sa asin."

"Opo," I chuckled.

Pagkatapos naming mag-dinner, pinasyal ako ni Chairman Frost sa buong mansion nila habang nagkwekwento siya ng kanyang buhay. Nabanggit nga niyang siya na raw talaga ang nag-alaga kay Ashton simula pagkabata at talagang mahilig ng sumimangot si Ashton noon pa man.

"He really wants to embarrass me," bulong ni Ashton nang makwento ng kanyang lolo kung paano siya magtatakbo noong magpapatuli siya.

"Pfft. Takot ka palang magpatuli ha," pagpipigil ko sa pagtawa.




*pok*




"Aray!" natigilan ako at napahimas sa aking noo nang pitikin iyon ni Ashton.

"Pfft!"

Sinamaan ko siya ng tingin at hindi ako nagdalawang isip na gumanti ng pitik sa noo.




*pok*




"Ouch!" daing niya pero agad din siyang gumanti.




*pok*




"Aray! Ano ba? Tumigil ka nga," irap ko.




*pok*


"No, you stop first."




*pok*




"Ikaw muna!"




*pok*




*pok*




*pok*




*pok*




"Hija? Apo? What are you doing?"

Agad kaming natigilan ni Ashton sa pagpipitikan ng noo nang mapalingon sa amin si Chairman Frost.

"A-ahh," I bit my lips.

Bigla akong hinapit ni Ashton papalapit sa kanya at walang pag-aalinlangang pinulupot ang kanyang kamay sa beywang ko na para bang sanay na siyang gawin iyon.

"Naglalambingan lang po kami grandpa," ngiti ni Ashton.

Napaawang ang bibig ko. Ganito na ata kami maglambingan, nagpipitikan ng noo.

"I love you babe," bulong ni Ashton sa tenga ko na nakapagpainit ng magkabila kong pisngi.

Para bang may kung anong kuryente ang nakapagpabilis sa ritmo ng puso ko lalo na nang naramdaman ko ang pagtama ng hininga ni Ashton sa balat ko.

"A-ano?" I stuttered.

Sinalubong ko ang kanyang mga mata nang may pagtataka. Bakit parang nagiging seryoso na siya short-term relationship namin na ito?

"You're so cute," he chuckled and pinched my nose.

Muling tumikhim si Chairman Frost.

"I think I'll leave you two lovebirds for a while. Linalanggam na ako sa inyo eh, diabetic pa naman ako," biro ni Chairman Frost tyaka siya umalis.

Naiwan kaming dalawa ni Ashton subalit ikinapagtaka ko kung bakit nakapulupot pa rin ang kamay niya sa beywang ko.



*pok*




"What the?! What was that for?" Ashton pouted subalit pinaningkitan ko lang siya ng mga mata.

"Ano yun yung kanina ha?" nameywang ako.

"What?" he innocently asked.

"Alam mo naguguluhan na ako sa kinikilos mo Abo. Nagtataka na ako ha. May gusto ka ba sa akin?" I raised my eyebrow.

"Sa tingin mo?" he smirked.

"Ano?" nagtagpo ang dalawa kong kilay.

"Never mind," he chuckled, "Come with me."

Hinawakan ni Ashton ang kamay ko at hinila niya ako paalis sa pwesto namin. Tinahak namin ang napakalawak na hall ng mansion nila hanggang sa makqrating kami sa balcony.

"Here," tinanggal ni Ashton ang kanyang coat at pinatong iyon sa balikat ko.

Nawala agad ang lamig na naramdaman ko. I sniffed his coat at naamoy ko na naman ang pabango niya. Ewan ko ba, parang nagiging paborito ko na itong pabango niya.

"The sky is perfect," aniya.

Napatingala rin ako at hindi ko maiwasang mamangha sa mga bituing pumapalamuti sa kalangitan. The moon is full that makes the night more perfect.

Binalot kami ng katahimikan. We just silently watch and appreciate the stars. Kasalukuyan akong naghahanap ng constellation nang mapansin ko ang pagbuntong-hininga ni Ashton.

"Ummm, Mix," he called.

"Hmmm?"

Naagaw niya ang atensyon ko at napatingala ako sa kanya. Hinintay ko siyang magsalita pero nakatitig lang siya sa akin. Maya-maya ay naramdaman ko na lang ang paghawak niya sa kamay ko habang gumuguhit ang isang maamong ngiti sa kanyang labi.

"Happy 3rd hoursary," he smiled.

I was caught off guard. Napaawang ang bibig ko.

Tatlong oras na pala ang nakalipas mula noong pumayag akong maging girlfriend ni Ashton. Parang ang bilis naman ng oras, malapit ng mag-midnight.

Kapag pumatak na ang oras sa alas dose, kasabay ng pagtatapos ng gabi ay ang pagtatapos din ng kung anong meron sa amin ni Ashton ngayon. At kapag break na kami, balik na sa dati ang lahat. Hmmm, bakit parang ang lungkot sa pakiramdam?

Pilit akong ngumiti kahit na nakakalungkot. Well, at least kahit sa maikling oras man lang ay naramdaman kong maging espesyal sa mata ng isang lalake. Hindi ako nagsisisi na pumayag akong maging girlfriend ni Ashton. In fact, I'm happy na siya ang unang naging boyfriend ko kahit sa isang gabi lang.

Ang swerte ng makakatuluyan ni Ashton. Kung sino man ang babaeng iyon, I know Ashton will make her feel so special and loved.

"Happy 3rd hoursary Ash," I smiled back.




Clint's POV

"Ang boring," hikab ko habang linilipat-lipat ko ang chanel ng TV gamit ng remote.

Nakakabagot dito sa bahay, wala akong magawa. Hindi ko naman magawang pagtripan ang mga kasambahay namin dahil busy sila. Sinubukan ko ring tawagan sila Aki pero parang ayaw nila akong kausapin.

Si Aki ang una kong tinawagan kanina. Sinagot naman niya ang tawag ko pero naiinis siya sa akin at tinawag pa akong kabuteng epal. Nakaistorbo raw ako.

Si Luhan ang sunod kong tinawagan pero nagmissed call lang ako. Malamang tulog na ang Koreanong yun.

Tinawagan ko rin si Collosus. Sinagot niya pero hindi pa ako nakakapagsalita ay inunahan na niya ako. Sabi niya, kung mangungulit lang daw ako ay bukas na lang kasi nag-aaral pa siya. Akala ko nabingi lang ako pero talagang narinig ko ang salitang aral mula sa kanya. Kahit kasi top 2 ang lalakeng yan hindi naman niya habit ang mag-aral sa gabi, siguro nahahawa na siya kay Mixhee.

Binuksan ko ulit ang phone ko. Si Ashton na lang ang hindi ko matawagan. Nakapatay ang cellphone niya at iyon ay nakakapagtaka. Mukhang ayaw magpaistorbo ni bro, ano naman kaya ang pinagkakaabalahan niya ngayon? Hmmmm.

"You found their location? Good! I'll be there in a minute!"

Napasulyap ako kay dad na nagmamadaling bumaba ng hagdanan. Natataranta niyang inaayos ang kanyang coat at necktie. Naningkit ang mga mata ko. These past few weeks, mas naging busy na si dad. I wonder why. Minsan, narinig ko siya at ang isang investigator niya na pinag-uusapan ang tungkol sa isang babae. Hindi ko alam kung may kinalaman ba ito sa business niya o ano. She seems important to dad.

Napabuntong-hininga na naman ako. Ako na lang ba ang tao sa mundong ito ang walang magawa sa mga oras na 'to?

"Clint, I'll be heading somewhere important. Stay here," nagmamadaling sabi ni dad.

"Nothing new," I murmured.

Hindi ko na siya tinapunan ng tingin. Hindi kami close ni dad kaya ayoko ng eye contact as much as possible.

Nang makaalis na siya, kinalikot ko ulit ang phone ko. Napatingin ako sa number ni Ashton.

"Ano kaya ang pinagkakaabalahan ng lalakeng 'to?" curious kong tanong, "Aha! Alam ko na ang gagawin ko!"

Agad akong tumayo sa couch ko at tumakbo papunta sa kwarto ko para kunin ang susi ng kotse ko.

"Pupuntahan ko si Ashton. Tama, tama. Tsk! Ang gwapo mo talaga Clint!" sabi ko sa sarili ko, "Hmmmm. Hindi naman siguro ako makakaistorbo sa kanya?"

Pumasok na ako sa kotse at pinaandar iyon. Bakit ako pupunta kela Ashton? Well, maliban sa mangungulit, hihingi na rin ako ng number ni Mixhee. Kasi naman eh! Hindi ako binigyan ni Aki! Sinigawan niya lang ako kasi kabuteng epal daw ako. Tss. Doon na lang ako kay Ashton, feel at home pa ako roon.

Pagkarating ko sa mansiyon nila, pinagbuksan agad ako ng gate. Kilala na rin naman kasi ako rito. Madalas kaming magbabarkadang tumambay dito mula pa noon.

Papasok na sana ako sa loob nang harangin ako ng butler nila Ashton.

"Bakit?" tanong ko.

"Pasensya na Mr. Sy pero mahigpit na pinagbilin ni young master na huwag na huwag daw po kayong papasukin sa loob ng mansiyon hangga't andito pa ang girlfriend niya."

Dahan-dahang nagtagpo ang dalawang kilay ko. Kelan pa nagka-girlfriend ang lalakeng iyon?

"Girlfriend? Sino?" tanong ko habang hawak ang baba ko, "Mas suplado pa sa babae ang lalakeng iyon so paanong magkaka-girlfriend yun?"

Hindi ako sinagot ng butler. Nagkibit-balikat lamang siya. Na-curious tuloy ako. Lalagpasan ko na lang sana yung butler kaso agad niya akong pinigilan.

"Sandali po Mr. Sy. Ayaw pong magpaistorbo ni young master kaya sana po ay bumalik na lang kayo bukas---

Hindi ko siya pinansin at tuluyan ko siyang linagpasan pero hindi pa ako nakakalayo  ay may dalawang gwardiya ang humawak sa magkabilang kamay ko at pinagtulungan akong buhatin.

"Wahhh! Ibaba niyo akooo!" pagpupumiglas ko.

"Pasensya na po, trabaho lang," sabi ng isa na ikinabusangot ko.

Pinaupo nila ako sa isang swing dito sa porch. I crossed my arms. Tuluyan ng pumait ang timpla ng mukha ko. First time kong hindi papasukin sa mansiyon nila Ashton kaya nakakapagtaka. Makakaistorbo raw ako sa 'girlfriend' niya. Tss. Sino ba yung girlfriend niya na yun? Tyaka hindi naman ako masyadong epal para makasira ng moment nila eh! Hmm, hindi nga ba?



*pout*



Sinamaan ko ng tingin ang dalawang gwardiya na nakabantay pa rin sa akin.

Binuksan ko ang cellphone ko para sana tawagan ulit si Ashton pero naagaw ng atensyon ko ang wallpaper ko. Stolen picture iyon ng isang babaeng mahimbing na natutulog. Biglang nawala ang pagkauyam ko. Hindi ko napigilang mapangiti at kiligin.

"Ang cute talaga ni Mixhee," bulong ko habang tinitingnan ang picture niya.

Tinignan ko ang iba  pa niyang stolen pictures sa gallery ko. Sunod na lumabas ang picture niyang nakapameywang at nakasimangot siya. Ito yung araw na pinapagalitan niya kaming limang boys dahil ayaw namin maglinis ng classroom. Sunod na picture ay yung kagat-kagat ni Mixhee ang dulo ng lapis niya habang nag-iisip siya ng maigi, ito yung naglolong quiz kami kay Ms. Daragon. Wala akong masagot noon kaya mangongopya sana ako kay Mixhee, eh naabutan ko siyang nakaganun and I thought na ang cute niyang tingnan kaya pinicturan ko siya.

"Pamilyar siya Sir Clint ah?" sabi ng isang gwardiyang nakikisilip na rin pala sa picture ni Mixhee kaya tinago ko agad ang cellphone ko.

"Oo nga. Kamukha niya yung cute na girlfriend ni young master."

Pinaningkitan sila ng gwapo kong mga mata.

"Wag niyo ngang ikumpara si Mixhee sa girlfriend ni Ashton. Mas cute 'tong crush ko kesa diyan sa girlfriend ng young master niyo," ismid ko.

Napayuko at natahimik na lang ang dalawa. Tss. Wag nila akong kausapin dahil hindi ako natutuwa sa kanila.

Napatingin na lang ulit ako sa picture ni Mixhee para gumaan ang loob ko kahit papaano. Ewan ba, pagdating kay Mixhee nagiging photographer ako. Hehe.

"Di niyo ba talaga ako papapasukin?" pagmamaktol ko dahil linalamok na ako rito.

Sabay na umiling-iling ang dalawa.

"Sorry Sir Clint, hindi pa pwede. Maghintay na lang po kayo hanggang sa makauwi na ang girlfriend ni young master."

"Tyaka bawal daw ang epal sabi ni young master."

"Tss. Hindi naman ako epal eh!" nguso ko.




Mixhee's POV

"Let's stay like this for a while," sabi ni Ashton.

Hindi pa rin binibitawan ni Ashton ang kamay ko. He is holding my hand like he doesn't want to let it go. Isang oras na lang mag-aalas dose na, parang gusto ko pa ng extension. Ganito pala yung feeling ng may boyfriend, you'll feel something magical.

"Thank you for being my girlfriend tonight."

Lihim akong napangiti nang marinig ko ang salitang 'my girlfriend'.

"Walang anuman, basta ba bibilhan mo ako ng malaking stuffed toy na Pikachu ha," I winked.

"Oo nga. Ang kulit," he chuckled.

Muli kaming binalot ng katahimikan. Ang payapa ng paligid, nakaka-relax. Parang gusto kong ganito lang muna kami for the whole night.

"Baby Halo-halo ko?" tawag ni Ashton.

My heart skipped a beat nang marinig ko ang lambing sa tono ng pananalita niya. Hindi ko mapigilang mapangiti, I liked it anyway.

"Kina-career mo talaga ha," ngisi ko.

Ashton just chuckled and squeezed my hand.

"Isang oras na lang midnight na, sinusulit ko lang kung anong meron sa atin ngayon."

"In fairness, you're not a bad boyfriend," pag-aamin ko.

"Of course," he smirked.

Pumikit lang muna ako habang dinadama ang malamig na simoy ng hangin. Di na lang ako magtataka kung makatulog ako sa balikat ni Ashton.

"Baby Halo-halo ko."

"Hmmm?"

"Tss."

Napamulat ako at nakita kong nakasimangot si Ashton sa akin.

"Bakit nakasimangot ka?"

"Hindi mo ako tinatawag sa endearment natin eh," ismid niya.

"Pfft!" pagpipigil ko sa tawa. I'll really not get used to this side of Ashton, "Po baby Abo ko?"

Ang sarap naman pala sa feeling na magka-boyfriend lalo na kung si Ashton ang lalakeng iyon.

"Do you really like Aki?"

Napaawang ang bibig ko. I didn't expect that he'll bring up this topic. Napatingin ako kay Ashton, he's just looking at me seriously. Hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip niya.

"Gusto ni Bella si Aki and Bella is my friend. Kapag pinagpatuloy ko 'tong nararamdaman ko para kay Aki baka mas maging komplikado lang ang lahat. Gaya ngayon, galit na sa akin si Bella."

"But you like him?"

Natigilan ako sa mga sandaling iyon. Hindi ko maipagkakailang gusto ko si Aki. He is my crush ever since at hindi naman ako iiyak noong makita ko sila ni Bella na nagyayakapan kung wala lang itong nararmdaman ko para sa kanya. Ayokong lokohin ang sarili ko.

"Oo," I sighed, "Pero sana hindi na lang because it's just making things hard for me."

Silence swallowed the whole moment.

"Ang sakit," Ashton uttered all of a sudden.

"Saan?" nag-aalala kong tanong.

"Here."

Ashton grabbed my hand and placed it on his chest where I can feel his heartbeat. Napatulala ako sa kanya. I can see pain in his eyes.

"B-bakit?" I stuttered when he stared back.

"First, because I am your boyfriend but I'm not really the guy that you like," aniya, "Second, it's almost midnight and I'll soon lose my girlfriend."

He left me speechless with those reasons. Unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa mga sandaling ito.

"Makikipagbreak ako sa'yo this midnight not because I want to end everything with you but because I want to start something new. I don't want any deal anymore. I want to take this seriously and officially."

Napaawang ang bibig ko at kumunot ang noo ko. Parang puzzle ang mga pinagsasasabi ni Ashton. I'm not getting why he's saying all of these to me.

"Anong ibig mong sabihin Ashton?" nagtataka kong tanong.

"Liligawan kita."

Namilog ang mga mata ko sa kanyang sinagot. I was caught off guard. Parang namali ata ako ng rinig.

"H-ha?" I stuttered again.

"I'll court you not because I just need you to be my girlfriend but because I want to."




*dugdug*




*dugdug*




*dugdug*




Kumabog na ang dibdib ko. Parang naubusan pa ako ng mga salitang sasabihin ko. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Am I dreaming?

"B-bakit naman?" nag-iwas ako ng tingin.

"Don't you still get it? Ganyan ka ba talaga ka manhid Mix?" tanong niya at muli akong pinatingin sa kanya.

Hindi ko sinagot si Ashton. Tinitigan ko lang siya habang pinapakiramdaman ang malakas na pagtibok ng puso ko.

I'm getting it now Ash, natatakot lang akong aminin sa sarili ko dahil ayokong mag-expect.

"I like you Mixhee.



Clint's POV

Nakatakas ako mula sa butler nila Ashton. Nakapasok na rin ako sa wakas sa loob ng mansiyon. Kailangan ko na lang hanapin si bro.

Nag-ikot-ikot ako hanggang sa makaabot ako sa balcony. Natigilan ako nang marinig ko ang boses ni Ashton, may kausap siya. Natigilan ako at nagtago muna ako sa isang sulok.

Sumilip ako at nakita kong may kausap nga si Ashton na babae. Hindi ko maipagkakailang maganda siya. Ito na ata ang sinsabi nilang girlfriend ni bro. Naningkit ang mga mata ko at tinitigan ng mabuti ang babae. Nakakapagtaka dahil parang napakapamilyar niya.

"Anong ibig mong sabihin Ashton?" tanong ng babae.

Namilog ang mga mata ko nang makilala ko ang malumanay niyang boses. Napakurap-kurap ako at napakusot ng mata. Muli kong tinitigan nang mabuti ang babae. Imposible!

"Mixhee?" bulong ko sa sarili ko.

I literally dropped my jaw. Hindi ako nagkakamali, siya nga si Mixhee! Pero paano? Hindi ko siya nakilala dahil sa ayos niya. First time ko siyang makitang naka-dress at naka-make up. Ang ganda niya!

"Liligawan kita," sabi naman ni Ashton.

Nagpantig ang dalawang tenga ko. Si Ashton? Liligawan si Mixhee? Kelan pa siya nagkagusto kay Mixhee?

"H-ha?" Mixhee stuttered.

"I'll court you not because I just need you to be my girlfriend but because I want to."

Napaawang ang bibig ko. Napasuklay ako ng buhok dahil sa dismaya. Akala ko si Collosus lang ang kaagaw ko kay Mixhee, pati rin pala si Ashton? Wahhh! Ano yun? Mauunahan pa ako ni bro? Hindi pwede!

"B-bakit naman?"

Nahuli kong namula ang mga pisngi ni Mixhee sabay ng pag-iwas ng kanyang tingin. Parang kinurot ang puso ko dahil sa nakikita ko. Napabuntong-hininga ako. Shit, nagseselos ako.

Naalarma ako nang mas lumapit pa si Ashton kay Mixhee. Para akong binagsakan ng langit nang makita ko kung paano hawakan ni bro ang mga kamay ni Mixhee.

"Don't you still get it? Ganyan ka ba talaga ka manhid Mix?"

Anak ng tokwa naman, hindi pa nga ako nakaka-score kay Mixhee samantalang itong si bro eh ang tinik, mukhang mauunahan pa niya ako.

Napatitig si Mixhee sa mga mata ni Ashton. Anak ng pogi ako, para akong nanonood ng telenovela, ang romantic pa ng scene ng dalawa! Ano yun, yung inaakala kong magiging love story namin ni Mixhee ay ako pala ang third wheel?

Hindi ko mapigilang mapanguso dahil sa selos. Kung tutuusin habulin ako ng mga babae. Marami na ang naging girlfriend ko at ni minsan ay hindi ako nanhinayang sa pag-iwan ko sa kanila sa ere, dakilang playboy kasi ako eh at aminado ako roon. Pero bakit ngayon nasasaktan ako sa nakikita ko? Ang sakit malaman na ang babaeng gusto ko ay gusto rin pala ng tropa ko.

"I like you Mixhee," sabi ni Ashton.

Nanlaki ang mga mata ko sa pag-amin ni Ashton. Hindi ito pwede, sorry bro pero hindi ko basta-basta isusuko si Mixhee sa'yo.

Akmang yayakapin ni Ashton si Mixhee nang tyempo akong sumulpot sa balcony at pumagitna sa kanilang dalawa.

"BULAGAAA!" sigaw kong ikinagulat ni Mixhee at ni bro.

"What the hell bro?!" mura ni Ashton habang sapo pa ang kanyang dibdib at malalim ang kanyang paghinga.

Halata namang nagulat siya sa biglang pagsulpot ko. Namimilog ang kanyang singkit na mga mata at hindi maipinta ang kanyang mukha. Napatawa ako sa isipan ko. Para siyang nakakita ng multo--- este gwapong multo.

"Clint?" tawag ni Mixhee.

Napalingon ako sa kanya. Bakas din ang gulat sa mukha niya. Pasensya na prinsesa ko pero di kita basta-basta na lang isusuko.

"Uii! Andito ka rin pala Mixhee?" inosente kong tanong, "Ang ganda-ganda mo ngayon ah. Kasing ganda mo ang buwan."

"Salamat," Mixhee sheepishly smiled.

"Mixhee, nagreview ka na ba?" tanong ko.

"Bakit, may quiz?"

"Kasi pasasagutin na kita," kindat ko.

Hindi iyon inasahan ni Mixhee. Hahaha, para-paraan na lang 'to, pakapalan ng mukha.

"Ehem."

Naagaw ni Ashton ang atensyon ko nang tumikhim siya. Nagulantang naman ako sa sama ng tingin niya sa akin. May problema pa pala ako. Galit na sa gwapong prinsipe ang dragon.

"Oops, mali ata ako ng napuntahang party," kamot ko sa ulo, "Hehe, sige alis na ako guys. Goodnight!"

Mas mabilis pa sa alas kwatro akong kumaripas ng takbo palabas ng balcony. Wahahaha! Mission success!

"Makakadiskarte rin ako kay Mixhee," bulong ko sa sarili ko.

Subalit, hindi pa ako nakakalabas ng mansiyon ay narinig ko ang pagsigaw ni Ashton sa pangalan ko. Tsk, patay kang gwapong bata ka.

"CLINT SYYYYYYYY!"

Bro, we like the same girl. Too bad I'm not gonna give up on her that easily.


***

| QueenHeartShaker 💓 |

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

43.9K 2.3K 91
Leon Dale High is a prestigious school known for its peaceful environment, but Leon Dale High has a little secret that only the campus knows. And tha...
696K 24.1K 85
#1 IN BOYSLOVE - Most Impressive Ranking! Synopsis: Si Darren Sy III o maskilala sa bansag niyang Thirdy, ang tinaguriang warrior ng Ateneo Blue Eagl...
151K 11.4K 169
Si Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OK...
80.9K 2.3K 30
| This story is dedicated to those who have been bullied and have broken confidence. | Juliana Pamintuan is just an ordinary girl who's studying at N...