POSTED: June 20, 2014
Few more chapters to go. Minadali ko na coz its been taking years. Sorry. Gusto ko na din matapos ito.
suggestions, comments and criticisms are welcome in my inbox.
Chapter 32
Madonna assured them that Ira is in safe place. Dinala sila nito sa isang liblib na lugar para magtago dahil nakita ni Olivia ang masamang pangyayari sa kinabukasan.
Magaalsa ang mga rebelde dahil nabalitaan nila na may nabubuhay pang salinlahi ni Nemesis. Nakita ni Olivia ang malabong pangyayari ngunit malinaw na hindi maganda ang hatid nito sa kanila.
At sa buong biyahe ay wala pa ring malay si Ira. Tahimik lamang silang lahat maging si Carlos, hindi sila makapaniwala sa naipakitang kakayahan nito. Makapangyarihan pala ito. Nagbubuo ng mga hinala si Lucas sa isip niya kung sin talaga si Ira.
Si Romanov naman ay tulala lamang dahil nanghihina pa rin. Hinigop ng itim na usok halos lahat ng lakas niya.
Pinaghanda ni Olivia si Ira ng mahihigaan habang si Madonna ay binibigyan ng dugo ng baboy si Romanov upang bumalik ang lakas nito.
"Paano ka naging ganoon Romanov?" biglaang tanong ni Ugi sa tahimik na lalaki sa gilid ng bintana
pero hindi ito sumagot. Tanging alam lamang nila ay nagtungo ito sa kinaroroonan ni Anulfo. At isa rin iyon sa dahilan kung bakit nagtatago sila. Marahil ay mapanganib din si Anulfo.
"Si Ovin." Sagot ni Madonna.
"Ah! Ang tanaga ko! Bakit hindi ko naisip agad na si pinuno lang ay may ganoon klaseng kapangyarihan?" bulalas ni Marco
"Ovin at ang umbra (shadow)" bulong ni Kael
Tumikhim si Madonna saka humalumbaba sa armrest ng sofa. "Pero may hindi ko maintindihan" Nagtinginan sa kanya ang apat na lalaki.
"Matagal nang tumiwalag ang mga salinlahi kay Anulfo. Kaya naging pinuno si Ovin para manatiling maproktektahan ang dalawang mundo natin..."
Napukaw ang atensyon ni Romanov kaya't bumaling ito sa kanila.
"Nagpunta si Rom kay Anulfo, pero bumalik siyang nasa ilalim ng kapangyarihan ni Ovin?" konklusyon ni Madonna
"may naaalala ka ba ng magpunta ka kay Anulfo?" tanong ni Carlos kay Romanov
Nag=isip ito ng mabuti, pinakatatandaan ang nangyari pero twing babalikan niya ang pangyayari kung paano niya nalaman ang kinaroroonan ni Anulfo ay naging madilim na ang sususnod at wala siyang katiting na naaalala.
"wala..." bulong nito.
"hinaharang niya ang isip mo Romanov. Makapangyarihan si Anulfo, magagawa niya lahat ng naaayon sa gusto niya, makakabuti man o makakasama." Paliwanag ng batang matanda sa magulong sitwasyon
Tahimik na lumabas ng silid si Lucas habang bitbit ang tray ng basin at basang bimpo.
"Mahimbing pa rin ang tulog niya. Pinunasan ko siya para maging kumportable siya ngayong gabi." lahad niya
Bagsak ang balikat at nangangalumata itong pumihit sa kanan para magtungo sa banyo. Litong lito ang binata, maraming ideya at teorya ang namumuo sa isip niya. Sino ba talaga si Ira? Anong kaugnayan ng mga buhay nila sa nakaraan?
Naaalala niya pa kung paano manayo ang balahibo niya ng sambitin nito ang pangalang 'Gregory' sa harap niya. Pero hindi rin maaalis sa alaala niya kung paano nito tignan ang nakahandusay na si Romanov ng gabing iyon. Nakita niya, naramdaman niya ang emosyon na iyon sa mga mata ni Ira.
Muling bumalik ang pangyayari sa isip niya, parang sirang plaka lang itong naguulit ulit sa memorya niya.
:"Gregory...":
"Gregory..."
"Gregory..."
NAGTIPON TIPON muli sila ng sumapit ang umagahan. Wala ni isa sa kanila ang natulog sa paghahanda sa anumang nilalang na susugod. Kailangan nilang mgin alisto sa bawat oras, hindi nila alam kung kailan mangyayari ang kamalasan at saan ito magaganap.
"Lucas, paano kayo nagkatagpo ni Romanov?" mausisang tanong ni Kael sa matalik na kaibigan. Nakapatong ang dalawang siko nito sa kanyang binti, magkadaop ang palad at nakapatong ang baba sa mga ito.
Masuri muna niyang ang ekspresyon sa mukha ng bawat isa na naghihintay sa kanyang sagot. Ano nga ba? Ano nga bang maisasagot niya kung ito rin mismo ay tinatanong niya din sa sarili.
"Ang totoo...hindi ko maalala. Alam ko lamang ay ang pagkakasugapaan namin ng itim na usok." sagot niya
Nagbigay sa kanya ng tingin na hindi makapaniwala at pagdududa. Sino nga naman ang maniniwala sa kanya? Paano mo sasabihin na wala kang maalala kung paano kayo nagkita pero naaalala mo na nagkakasagupaan na kayo? Malabo. Sobrang labo.
hindi masususkat ang emosyon na nasa mukha ni Romanov ng sandaling iyon. Wala naman siyang maaring i-reaksyon dahil wala rin siyang maaalala, pero may rason siya at si Lucas ay wala. Tinatantya niya ang binata kung nagsasabi ba ito ng totoo pero wala siyang matimbang sa dalawa.
Matapos ang tahimik na paguusap ay nagkanya kanya na sila ng pagpapahinga. Dinoble ni Madonna ang invisibility barrier ng bahay niya at ang depensa nito kung sakalaking may maglakas loob na pumasok. Nun lang napansin ng mga binata ang nakaukit sa likuran ng bawat pintuan at binata. Ang simbolo ni Nemesis, palaso.
Mahimbang pa din ang tulog ni Ira kahit na sinadya ni Lucas ang pagalog sa higaan nang humiga ito. Bigo pa rin ang bawat panggugulo niya rito. Kung maari lang ay nayugyog na niya ito. Makailang beses na nitong napingkot ang tungki ng ilong, tenga at pisngi ng dalaga. Napugpog na rin ang labi nito sa mga halik niya pero sa huli siya rin ang napagod. Inilusot nito ang braso sa batok ng dalaga saka inilapit ito sa kanya at niyakap.
"Marami akong gustong itanong. Marami akong naiisip. Pero gusto kong ilabas yon kapag nagising ka na, kaya pwede ba? Tapusin mo na yang panaginip mo sa akin. Mas masarap ako kapag gising" natatawa niyang bulong sa dalaga at hinalikan ang sintido nito.
Dumbfounded, he heard her soft chuckles. Bumubungisngis ito sa dibdib niya nang silipin ito. Napaupo siya at tinitigan pa kung talaga bang hindi siya namamalikmata.
"GISING KA?!"