31st BITE

3.8K 104 1
                                    

POSTED: June 17, 2014

 I'm sorry that Fallen Vampire is taking years to finish. I've been having so many hard times. I didn't able to graduate and my dad died recently. My whole life began to change in instant, no one expected that he'll have cancer. Now its just me and my brother left because my mom had to work abroad. As the eldest, i felt the pile of bricks on my back. I'll be a father and a mother to my younger brother as well as a student, simultaneously. I am not ready, but i need to live. So dear friends who happen to read this, i am advising you to cherish the moment you have for your love ones, i never had the chance to say how much i love him, he died when me and brother are just on the way. Take care of yourselves and your family. Don't take a simple cold JUST a flu. Don't rely on self medication. 

Godbless you guys, and thank you for the prayers. 

Chapter 31

It wasn't the first time Olivia felt strange about herself. She knew she will never be normal simula ng ipagbuntis siya ng kanyang ina. Minulat siya ng kanyang lola na siyang nagaruga sa kanya ng tungkol sa pang habang buhay na tungkulin ng kanyang pamilya na ipinagppasa-pasahan sa bawat henerasyon. Hindi lingid sa kanya na siya ang huling pinagsalinan ng kanyang Nana Gunying ng kakayahan nito bilang tagapagbasa.

Humalumbaba siya sa mesa at mataimtim na tinititigan ang pintuan ng bahay ni Madonna. 

"Masyado ka pang bata para sa bagay na ito" narinig niya ang matinis at mahinahon na boses ng batang may gintong kulot na buhok sa kanyang likuran.

Ibinaba nito ang dalang tray na naglalaman ng porselanang takure at tasa. Sa liit nito ay kinailangan pa nito na sumampa sa upuan para maipagsalin siya nito ng tsaa. Bumuntong hininga siya at ibinalik ang tingin sa pintuan.

Madonna sighed. "mahirap talagang magkilos matanda sa ganitong katawan. hindi na ako nasanay" bulong nito habang naghahanda

"Sa totoo lang, nawiwirduhan pa rin ako twing maririnig kitang magsalita. Ang liit mo kasi at mukang bata ka talaga na binihisan ng costume para maging si Goldilocks, tapos kapag bumuka na ang bibig mo, daig mo pa ang lola ko sa sobrang lalim." pagpapahayag niya dito habang inaalalayan itong bumaba sa pagkakasampa sa upuan

Bahagya itong ngumiti. "talaga? kung sabagay, nagagamit ko naman ang pagiging batang katawan ko kadalasan sa mga importanteng misyon at isa pa, mas matanda naman talaga ako sa lola mo" 

"Misyon?" kunot noong tanong niya rito. Sa pagbaling ng kayang tingin sa batang katawan, nahagip ng kanyang tingin ang itim na bagay sa leeg nito. Tinitigan niyang mabuti at napansin niya na isa itong tattoo. Natatakpan ito ng may kataasang kwelyo ng bistida ni Madonna kaya hindi niya nakita ng buo ang tattoo, ang napansin lamang niya ang isang guhit ng palaso. 

Marahil ay napansin ni Madonna ang pagtitig niya sa leeg nito. Itinaas nito ang neckline ng suot na bestida, humigop sa tasa saka siya binalingan ng tingin.

"Alam kong alam mo ang tatak na ito, Olivia. Panigurado akong naikwento sayo ito ng lola mo" nakangiting sambit nito

Oo, alam niya. Hindi lingid sa kanya ang kwentong iyon. Pero nagulat siya na malaman kung sino ang pinagkalooban ng tatak na ito. 

"Nemesis" tanging nasagot niya na lalong nagpalapad ng ngiti ng batang matanda "Ikaw pala ang salinlahing sinasabi sa kwento" dugtong niya

Nemesis, the said Goddess of Retibution. Ito ang Diyos na may kakayahang patawan ng parusa ang sinoman sa makahustisyang paraan kung saan magiging patas ang lahat. Nagbibigay siya ng swerte at kamalasan. Sabi sa kwento na ipinagpasa pasa lamang sa henerasyon, ito ang ina ni Lucille. Nang magkaroon kaguluhan sa pagitan nila ni Anulfo at Gregory, hindi natiis ni Nemesis na hindi bumaba sa lupa para tulungan ang anak, sinasabi na nakipagugnayan ito sa isa sa mga salinlahi ni Anulfo ng patago upang maging mata, kamay at pakpak nito dahil nabigo ito ng mismong si Anulfo ang kaharapin. Isa ring makapangyarihan nilalang si Anulfo n nagawang paikutin ang sitwasyon para walang magawa si Nemesis. Binigyan ng tatak ang salinlahi nito na isang itim na palaso bilang palantandaan na sumumpa ito ng katapatan kay Nemesis. Kaya daw ito palaso ay dahil ito ang armas na gamit nito sa bawat digmaan at ang salinlahi ay ginawa niyang armas para sa kanyang anak na si Lucille.

Taimtim na nagpalitan sila ng titig ni Madonna, nagpapakiramdaman kung makakabuti ba na nalaman ng bawat isa ang mga bagay na iyon. 

Humangin ng malakas na nakapag patalsik ng mga tasa ni Madonna, itinaboy ng malakas na hangin ang basag na piraso ng mga ito sa gilig glid ng kusina. 

Naaninag ni Olivia ang bulto ng anino na palaki laki habang palapit ng palapit sa pintuan na bumukas sa sobrang lakas ng hangin. 

Habang papalapit ay nakilala niya ang bultong ito, si Lucas na pasan si Ira at sa likod ay ang apat na lalaki habang alalay ang nakabalot sa asul na tela na si Romanov. 

Fallen Vampire...on my bathtub?! (BOOK 1 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon