20th Bite

7.7K 227 24
                                    

Chapter 20

Sorry for the very loooong wait. Dami ko lang inasikaso :3 grabeng hell week yon katunaw utak eh haha!

Enjoy te update! sana nakabawi ako! 

Ayan na ang ilan sa mga revelations ng story na ito!

Lucas’s POV

Naikuyom ko ang palad ko habang pinapanuod ang bawat hikbi ni Ira. Isang oras na siyang umiiyak simula ng mawan siya ng malay kanina.

Hindi ko alam ang dapat na isipin. Naghahalo-halo ang emosyon ko.

**FLASHBACK

“Ikaw ang mata. Ikaw ang nakatakdang makakita ng propesiya”

Sabi ni Madonna saka niya hinila ang kamay ng babae, napaluhod naman ang babae.

“..pero hindi ka kakampi ng lahi namin” dugtong niya pa.

Ngumiti ang babae saka hinila ang sarili, at tumayo. Maagap naman na kumilos si Rom at inihanda ko na rin ang sarili ko. Si Ira ay nanatal;ing nakaupo at naguguluhan.

“Oo, dahil kakampi ako ni Ira, at kung saan ligtas si Ira, dun din ako” sagot ng babae

“Kalokohan! Sino ka ba?! At ano bang meron kay Ira?!” sigaw ko sa kanya

“Nasa harap niyo na ang sagot. Nasa tabi niyo lang, bakit hindi mo sabihin sa kanila Madonna kung sino si Ira?” Naghahamon na sabi niya

Nangunot ang noo ni Madonna. Pero imbis na sumagot at tumalikod ito at dumerecho sa malaking cabinet. Kumuha siya ng ampule at syringe. Nakita kong napahakbang si Ira palikod. Naramdaman ko rin ang takot niya.

“Matulog ka na…wala kang dapat marinig” sabi niya saka……

Itinurok sa leeg ni Mariel ang laman ng ampule.

“ACK!” impit ni Mariel na noo’y nagising na pala

“sumunod kayo sa akin” sabi ni Madonna saka naglakad sa library

Nauna na maglakad si Rom habang hawak sa braso ang babae. Paranoid masyado si Rom sa mga ganitong bagay.

Maglalaka na sana ako ng maramdaman ko na hinawakan ni Ira ang kamay ko. Ang lamig ng palad niya.

“Problema?” tanong ko sa kanya

Ngumiti siya ng pilit “ah—Lu-lucas, b-bakit biglang parang-parang…para kasing may nakita ako pero malabo, habang naguusap usap kayo. Parang…lumipad ang kaluluwa ng ilang saglit”

Anong sinasabi niya? Bakit nagkakaganito siya?

“anong nakita mo?”

“Lucas? Ira?” tawag sa amin ni Madonna. Hinila ko na lang si Ira at hindi na hinintay ang sagot niya.

Tumigil siya ng nasa harap na kami pinto kaya nahinto ko ang pagpihit ng door knob.

Bakas sa mukha niya ang pagaalinlangan at kaba.

Ano bang kayang kong gawin? Wala rin akong alam sa nangayayari kaya wala akong magawa eh.

“na…tatakot ako” bulong niya

Ano bang pwede kong gawin sa ganito? Wala akong alam para pagaanin ang loob niya. Bahala na.

Niyakap ko na lang siya, isang mahigpit na yakap na sana nagpawala ng kaba at takot niya.

“Wag kang mag-alala nandito naman ako eh” bulong ko sakanya

“Tara na?” sabi ko pa habang nakangiti, tumango naman siya.

“Ano bang nangyayari? I was just a party girl who accidentally met them” sabay turo ni Ira sa amin ni Rom. “I have never been bitten. I promise! Hindi ako bampira o kung anumang nilalang sa mundo! Kaya bakit ako ang nasa ganitong sitwasyon!”

Nanginginig na si Ira. Pilit niyang pinipigilan na umiyak, namumula na ang ilalim ng mata niya pati na rin ang pisngi niya.

“Dahil isa kang hybrid Ira.” Sagot ni Madonna.

Hybrid?!

Sabay kaming napatingin ni Romanov kay Ira.

Alam namin ang tungkol sa hybrid. Nasa kasulatan iyon at kwento noon.

Ang nag-iisang hybrid. Ang kaisa isang nilalang na naging bunga ng tao at bampira. Halimaw kung tawagin ng mga matatanda.

Pero si Ira?! Isang hybrid?! Hindi mo aakalain na isang hybrid si Ira! Katawang tao, napakagandang babae.

“Hybrid?????!!!!” tila parang nagising ang diwa ko.

“Ikaw ang anak ni Lucille at Anulfo?!” Sabi ni Romanov.

“HINDI! HINDI YAN TOTOO! HINDI AKO KATULAD NIYO!” Napatayo na si Ira sa kinauupan niya

Ano bang nangyayari sa mundong ito? Paanong naging si Ira ang natatanging nilalang na habol ng lupon ni Gregory?

Paanong nangyari na buhay siya? Na nabuhay siya? Kung buhay si Ira, malamang nasa paligid lang din si Gregory?

“Ira…” Yung babaeng nagngangalang Olivia

“Hindi! Bakit ikaw?! Estudyante lang kita sa school ko ah! Don’t play pranks on me! Patatalsikin kita sa school!” Ira

“Ikaw ang dahilan ng pagpasok ko doon Ira. Kung alam mo lang kung gaano kahirap maging isang mata. Gusto kong itama ang lahat. Nasabi sa akin ni Anulfo ang lahat, si Anulfo, siya ang ama mo, na ngayon ay nagbabalat kayo bilang lolo mo”

“Hindi totoo yan….HINDI! HINDI! HINDI!!!!”

Nagtatakbo si Ira palabas, agad naman kaming nagmadali ni Rom para habulin siya.

Masyado ng madilim ang paligid. Bakit ka ba lumabas Ira?!!!!

Nagpaikot ikot na ako sa gubat, nakasalubong ko pa ng ilang beses si Romanov, hindi namin mahanap si Ira.

Tumigil ako sa pagtakbo, duwag si Ira. DUWAG! Hindi siya tatakbo dito sa gubat! MADILIM! Nasa bahay si IRA!

Agad akong tumakbo pabalik at hindi ako nagkakamali, naabutan ko siyang umiiyak at pinaghahampas ang isang puno sa likod ng bahay.

“Tama na!” awat ko sa kanya dahil dumudugo na ang palad niya sa kakahampas sa puno.

“HINDI HINDI! AYOOOKOOOOO!!!!! AAAAAHHHHHHHHH!”

Namilipit bigla si Ira habang nakasabunot sa sarili. Niyakap ko siya, ano bang nangyayari sayo Ira?!

“ANG SAKIT! AAAHHHH! TAMA NAAAA! TAMAAA NA!!!!” Sigaw ni Ira.

Sigaw siya ng sigaw hanggang sa malaglag na lang siya bigla sa bisig ko.

Binuhat ko siya. Nasalubong ko si Romanov na nagaabang sa pinto.

“Anong nangyari? Bakit siya sigaw ng sigaw?” tanong niya

“Hindi ko alam, nakita ko na lang siyang ganon” sagot ko saka pumasok sa loob

Pagpasok ko sa loob, agad kong inihiga si Ira sa kama, pinunasan ko ang pawis niya at kimutuan siya.

Paglabas ko, isang pares ng mata ang agad na sumalubong sa akin.

“Isang natatanging pagtingin na nabuo noon ay muling mabubuhay sa katuhan na pinagplanuhan.” Sabi ni Olivia

Bubuka pa lamang ang bibig ko ng humakbang siya palayo sa akin.

“anong ibig niyang sabihin?” tanong ni Romanov na nasa likod ko na pala.

“Hindi ko alam. Baliw yata ang babaeng iyon eh” sagot ko.

*END OF FB*

At simula kanina ay hindi na ako umalis sa madilim na parte ng kwarto. Hindi niya nararamdaman ang presensiya ko. Ano bang dapat kong gawin?

Napakagulo na ng lahat. 

Fallen Vampire...on my bathtub?! (BOOK 1 COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें