37th BITE

3.8K 97 5
                                    

POSTED: January 30, 2015

 Sorry i havent been updating, literal na busy ako for pre-board exam. Also, congratulations to all newly registered pharmacist! I am very proud that most of my batchmates passed, may isa pang umakyat ng TOP 6 sa board exam. I am super happy that all your efforts are already been paid off. God is truly blessing those who are worthy to society. Kahit medyo naiinggit ako dahil sana kasama ako sa inyo na nagaabang ng result, masaya pa din ako and very very proud. The whole pharmacy department is elated with the outcome. Goodluck dear batchmates! 

Chapter 37

Hanapin, ayusin at tapusin.

Ang tatlong salitang iyon ang nagiwan ng palaisipan kay Madonna. May matigas na hinala na siya pero hindi niya magawang kumpirmahin. Dahil kung sakali man na tama siya, magbibigay lang ito muli ng panibagong katanungan.

Tumingala siya na tila inaabot ng tingin ang isang nilalang sa langit. Kay tagal ng panahon, nabura na sa henerasyong ito ang nakaraan. Natabunan ng iba pang kwento at naging mitolohiya na lamang ang ilan.

Nasubaybayan niya ang kasaysayan at ang pagiiba ng panahon, ganoon  katagal na din nang maghiwalay ang mga landas ng salinlahi. NApangiti na lamang ito ng mapait sa alaala ng kanyang mortal na buhay. Isang musmos na pitong taon. 

Si Gregory ang dahilan ng kanyang kamatayan, at si Anulfo ang nagbigay sa kanya ng pangalawang buhay. Pero nang lumipas ang panahon, ang nilalang na siyang akala niya ay kanyang tagapagtanggol ay nagbabalatkayo lamang pala. Ang kinamumuhian niyang nilalang ay ang siya pala niyang dapat hanapin at sagipin.

Iyon lamang ang limitasyon ng kanyang kaalaman. Sa tagal na nang panahon ay may mga bagay na hindi pa rin niya nahahanapan ng kasagutan. 

Anong plano ni Nemesis? Makapangyarihan ba ng husto si Anulfo para maghintay sila ng ilang siglo? Nasaan na si Gregory? Nasaan si Lucille at ang anak nito?

Nabuhay siya sa propesiyang, hinahanap ni Gregory ang ipinagbubuntis ni Lucille para makuha ang kapangyarihan ng supling na ito. Pero nang tumagal ay nagiging malinaw sa kanya ang propesiyang iyon. 

Hindi papatayin ni Gregory ang batang nasa sinapupunan ni Lucille, lihim siyang nagimbestiga habang nasa poder siya ni Anulfo. 

Hindi nanganganib si Lucille at ang anak nito kay Gregory, kundi kay Anulfo. Nang mapagtanto niya ang katunayan na iyon ay tumiwalag siya kay Anulfo, nagpakalayu layo ang tahimik na naghintay sa mga utos ni Nemesis. 

Sa paghihintay niya ay nalaman niyang tumiwalag na rin si Ovin at bumuo ng grupo ng mga daywalkers na magtutuloy ng nasimulan nilang responsibilidad sa mga rebeldeng bampira. Nang maglaon ay naging isa na rin siya sa grupong ito. Sa kasamaang palad, naiwang bulag at bingi si Pola sa kampo ni Anulfo. Nang maghiwalay ang mga landas nila ay siya ring nawala ang presensiya ni Pola. Kung paanop at bakit hindi na ito muling nagpakita ay walang nakakalam. Para siyang bula na naglaho na lamang.

"Si Ovin at ang umbra" bulong niya sa sarili habang inaalisa ang pangyayari kay Romanov at Lucas.

Kung may katotohanan na si Ovin nga ang may sala, malalagay sa panganib ang karamihan kabilang ang mga tao. Pero isang mabuting pinuno si Ovin, hindi niya iyon magagawa lalo na sa kanyang anak na si Kael. 

Namamasa ang mga palad niya sa kaba kapag naiisip niya na baka ito na ang pinaghahandaan niya. Malapit nang dumating ang panahon na maisasagawa niya na ang mga utos ni Nemesis para sa anak na si Lucille. 

KUNOT NOONG natanaw si Ugi sa bintana nang lapitan ito ni Kael. Nakatungtong ang kaliwang tuhod nito sa armrest ng sofa kung saan ang tulalang si Carlos ay nakahiga. 

He tapped Marco's shoulder bago nito abutan ng maiinom si Ugi. 

"Pupwede naman na ikaw na ang pumunta ng kusina para sa tubig mo, bakit nagpabulong ka pa kay Carlos? Alam mo naman na nakakairita ang boses ni Carlos lalo na kapag pinipilit na magng husky?" pabiro niya sa mga ito para gumaan ang presensiya.

Sumimangot agad si Carlos saka papilantik na umupo. "Eh kasi naman napakatamad ni Ugi! Hindi daw siya makakaalis sa bintanang iyan eh!" 

"Sabihin mo tamad ka lang, Carlos." panggagatong ni Marco

Nahinto lang ang pag-aasaran when Romanov walked fidgety across them. back and forth habang bitbit ang tray ng juice at sandwhich. Maliit lang ang bahay ni Madonna para sa walong tao, ang salas ang gitna kadugsong ang kusina at malaking hapag kainan, sa itaas ay open, tanging pathway lang para daanan papuntang kwarto. 

"May problema ka ba Rom?" puna ni Kael

Natigil sa paglakad si Romanov saka bumaling sa kanya. 

"Si Ira...aabutan ko sana ng meryenda..baka...baka hindi na siya makatulog ulit at baka...magutom"

Umarko ang gilid ng labi ni Marco sa narinig, ganito rin si Romanov noon kay Celina. 

 "Edi iakyat mo na lang sa kwarto niya, kung ayaw mo akin na lang!" Sabi ni Carlos at akmang kukunin nga ang pagkain. 

Natigil kaming lahat. Naalis ang tingin ni Ugi sa binata, nalaglag ang hawak na orasan ni Marco at natigil sa pagtakbo si Carlos. Lahat kami ay natigil sa narinig naming ungol mula sa itaas ng bahay, mismong galing sa isa sa mga kwarto. Alam na alam ko na kung kaninong halinghing ang mga iyon. Sigurado din akong alam nila kung anong iniisip ko dahil nababasa ko ang isip ng mga kasama ko. 

"Sayo na." 

Pabalang na iniabot ni Romanov ang tray kay Carlos saka ito nagmarcha pabalik sa sariling kwarto. 

Nauulit na naman, noon ay puro hinalang walang katotohanan kay Celina at Lucas pero sa panahon na ito, kitang kita na ng lahat na magkakaroon ng agawan.

"HOLY FU-- YOU ARE THE MAN LUCAS!"

and the ever chirpy Carlos became elated again. 

Fallen Vampire...on my bathtub?! (BOOK 1 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon