17th Bite (edited version)

8K 231 20
                                    

POSTED: JUNE 25 2012

EDITED: APRIL 10 2014

=============================================================================

Chapter 17

ROMANOV’S POV

“HOY ROM!!! BEER KO YAAAAAAAAAAAAAAAAAN!” Paangil na sabi ni Kael habang inaabot ang lata

“Akin na lang” sabi ko saka binuksan ang lata at tinungga. Narinig ko na lang ang buntong hininga ni Kael.

“Damot talaga nito ni Kael!” Pag-gatong ng bunso ng grupo na si Carlos. Ginulo ko ang buhok niya ng abutan niya ako ng chichirya. 

Nagkakatuwaan kaming magbabarkada ngayon sa dorm. Oo, barkada ko sila. Kababata. Alam kong iba ako pero hindi nila yun hinahayaan na iparamdam sa akin. Kahit minsan, alam kong sumosobra na ako. Kaya kapag may pagkakataon, pinipilit kong maging mabuti sa kanila, yung umaktong parang dati lang kung saan nagsasaya kami, kahit alam ko na may lihim silang agenda sa pagsama sa akin. Pinababantayan ako, alam ko iyon. 

I was about to drink my beer when suddenly my heart skip a beat then a scene flashes within my sight. Nalaglag ko ang hawak na beer saka dali daling lumabas. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng paa ko pero alam kong parang may kailangan akong puntahan.

Nakarating ako sa isolated na highway. Wala talagang masyadong dumadaan dito kapag mga ganitong oras na dahil mas gusto ng mga biyahero dumaan sa SLEX. Ang daan na ito kasi ay ang extension ng Sta Rosa at Tagaytay.

 Nasilaw ako sa head lights ng isang truck kasabay ng malakas nitong busina, kasabay nuon ay ang pagkakita ko kay Ira na naglalakad sa mismong daan kung saan malapit na itong masagasaan nagitla ako lalo na when she fell on her knees at yumuko. 

Nanigas ako. Inabot ng kamay ko ang dibdib ko at marahan itong pinisil. Ngayon lang ako ulit kinabahan at natakot. Kumirot ito ng makita ko ang mapulang mata niya sa pagluha. Just like how it reacted when i saw Celine cried, ang unang beses na makita ko siya

Nagmadali akong lumapit sa kanya at habang papalapit ako ay siyang pagtindi ng liwanag ng headlights ng truck ang nasasalubong ko.

I gasped when suddenly i bumped with something at tumilapon ako sa gilid. Nakita ko rin na nasalag ang gilid na parte ng truck pero hindi na ito tumilig, gumewang ito ng kaunti pero bumalik naman sa dati nitong takbo. 

Dahan dahan akong naglakad palapit sa kanya. At habang humakahakbang ako, napapansin ko ang parang salamin na nakapaligid sa kanya dahil sa sinag ng buwan pero agad iyon nawala at nakalapit ako sa kanya ng walang harang. 

Nanlambot ako seeing how pained she is, namumula ang mukha niya at nammaga na ako mata. I stopped her from hitting herself. 

Lumalambot na ako. Bkit ganun? Bumabalik ako sa dating ako?

 I teleported para mkapasok sa kotse ko. I saw how full her emotion is and how expressive her eyes, malalaman mo kaagad ang nasa isip niya upon looking at her eyes.

I saw shock within her expression. Patuloy pa rin ang pagtulo ng mga luha niya na parang my sarili itong pagiisip.

“Wh-who are you?!” But I just smiled at her. 

Ngayon lang niya ako nakita. Ngayon lang kami nagkita na hindi tulog o nasa ilalim ng hipnotismo ko.

“Ako si Romanov, nice to finally meet you Ira” sabi ko saka inilahad ang palad pero tinitigan lang niya ako.

Natatakot siya sa akin. Nararamdam ko siya. Pinahid ko ang luha sa pisngi niya, umiwas siya pero naabot ko pa din ang mukha niya.

“Kilal na kita noon pa. Ano ka ba? Hindi mo ba ako natatandaan?” 

Nagisip siya saglit. Nanlaki na lang bigla ang mga mata niya saka siniksik yung sarili niya sa sulok ng driver’s seat.

“i-ikaw y-yung…yung….sa-b-bar-“

“Oo ako nga. And I want you to know na wala akong gagawing masama sayo hindi ako masamang ta---nilalang”

Natawa ako sa dapat na sasabihin ko. I was supposed to say na hindi ako masamang tao pero…tao pa ba ako? O naging tao ba ako?

Maraming sikreto ang buhay namin nila Lucas, Carlos, Marco, Ugi at Kael. Alam kong iba kami dahil kami lang ang tanging mga bampira na malalakas at itinuturing na mataas ang posisyon sumunod sa linya nila Madonna at iba pa.

Umayos siya ng upo. Naramdaman kong panatag na siya. Binuksan ko ang makina ng kotse at itinabi sa gilid ng kalsada. Bigla ko na lang kasi itong iniwan dahil sa nataranta ako. Paano na lang ang plano kung mawawala siya, maghihintay pa ako ng maraming taon para lamang doon?

“Sorry about the juice and your shirt that time” sabi niya

I’m glad she started  conversation pero hindi yun ang gusto kong pagusapan namin.

“Why were you crying?” 

I saw her stiffened. Sa tagal ng pagsunod ko sa kanya sa school, nalaman kong kurap siya ng kurap kapag natetense o kinakabahan. Ammusing, she is.

She smiled as she wiped her tears. “Ewan ko nga kung bakit ako naiyak. Nababaliw na yata ako.”

I chuckled when suddenly I felt something that stings me. Katulad ng naramdaman ko kanina. This time, naisip ko si Lucas. Naamoy ko din siya sa di kalayuan pero bakit hindi na ganun kalakas ang amoy niya? Tinitigan ko si Ira. She came from that way. Ahh. Magkasama sila. 

At marahil, siya din ang dahiln ng pagluha niya. Dapat na akong kumilos. Akin si Ira. Hindi na dapat ako nag-mabagal noong sinusundan din siya ni Lucas. 

Naramdaman ko na naman. May nangyayari kay Lucas. 

“Bumalik tayo doon” sabi ko sa kanya pero kumunot lang ang noo nito at nag iwas ng tingin.

“alam kong ayaw mo na bumalik pero please! Kelangan nating bumalik don!” 

Magkaribal kami sa kapangyarihan at pagaari ni Lucas. Pero lumaki kami ng sabay. Kung maglalaban kami, gusto ko ay yung patas. Nandaya na ako noon dahil akala ko may gusto din siya kay Celina pero nagkamali ako. Nasaktan ko siya sa maling dahilan ko. Hindi ko na uulitin yon. Kung may pagkukumpitensyahin kami, gusto ko ay lalaban kami ng sabay at patas.

Hindi pa din kumikibo si Ira, hindi na ako pwedeng magsayang ng kahit isang minuto! Hinila ko si Ira at pinagpalit ko ng upuan namin saka pinaharurot pabalik ang sasakyan. Nakapuwesto kasi siya sa driver's seat kanina.

Hindi ko na naririnig ang sinisigaw ni Ira dahil sa mga naiisip ko.

Dali dali akong bumaba at hinila si Ira sa paghahanap kay Lucas. Palakas ng palakas ang aura na nararamdaman ko. Pero habang papalapit ako ng papalapit, dumarami ang aurang yon. Ibig sabihin, hindi lang si Lucas ng naroroon. Maraming bampira ang naroroon!

Naaninag ko na sila. 

“L-lu-lucas…” ang tanging nasambit ko ng makita ko ang karibal kong punong puno ng bakas ng dugo ng labi at ang babae.

Dapat masaya ako diba? Na naging katulad ko na rin si Lucas. Na sa wakas, maiintindihan niya na rin ang pinglalaban ko. Pero bakit? Nahabag ako. Nakita ko ng mga matang nagbabadyang maglabas ng luha sa tabi ko? At ang mga mata ni Lucas na puno ng pagsisisi at sakit?

Fallen Vampire...on my bathtub?! (BOOK 1 COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora