Purple-Eyed Princess (Publish...

By Ms_Teria

25.1M 627K 132K

A girl that has a lot of names.The lady with different faces and a gangster known for ages.She's calm,fearles... More

Teaser
Chapter 1 "Meet Her"
Chapter 2 "The Nerds"
Chapter 3 "His Side"
Chapter 4 "Friends"
Chapter 5 "They Met"
Chapter 6 "Tour Guide"
Chapter 7 "Troubles"
Chapter 8 "My First Lead"
Chapter 9 "Stalker"
Chapter 10 "No Ordinary Nerd"
Chapter 11 "Kathie"
Chapter 12 "Sudden Change"
Chapter 13 "WTF?!"
Chapter 14 "45 Seconds"
Chapter 15 "New Target"
Chapter 16 "Club"
Chapter 17 "Stalking Her"
Chapter 18 "Misunderstanding"
Chapter 19 "Luna's Captain"
Chapter 20 "Sweetest Smile"
Chapter 21 "illegal Battle"
Chapter 22 "The Battle"
Chapter 23 "The New Member"
Chapter 24 "Sorry?"
Chapter 25 "Nightmares"
Chapter 26 "Favor #1"
Chapter 27 "Traitors"
Chapter 28 "Favor #2"
Chapter 30 "Last Favor"
Chapter 31 "Unexpected"
Chapter 32 "Same Roof"
Chapter 33 "Stupid Yumi"
Chapter 34 "Escape 101"
Chapter 35 "Living Devil"
Chapter 36 "Club Members"
Chapter 37 "Changes"
Chapter 38 "Halo"
Chapter 39 " Dark Purple (part 1)"
Chapter 40 "Dark Purple (part 2)"
Chapter 41 "Purple vs. Purple"
Chapter 42 "Unmasked"
Chapter 43 "Twin Brother"
Chapter 44 "Reason #1"
Chapter 45 "Teardrops"
Chapter 46 "Kill Me"
Chapter 47 "Last Battle"
Epilogue
Announcement!
The Dark-Eyed Prince

Chapter 29 "Six Rings"

411K 11.1K 1.1K
By Ms_Teria

a/n:Yung mga gustong magpadedicate,magsend lang kayo ng message sa message board ko ha.:)

Liryu's POV

"LIVE!"

Sigaw ko kay Purple.Hindi sya nagsalita pero sa pagkakakilala ko kanya,alam kong nakangisi sya ngayon.

[As you wish.....my king.]-Purple

Nakita kong tumingin yung tatlo sakin at sabay-sabay na ngumisi.

"Wag nyo na nga lang pansinin yung tinawag nya sakin!"

Inis na sigaw ko sa kanila.

Nakakagigil talaga tong si Purple!Wrong timing minsan kung mang-asar!

Saisumi's POV

Dahil inutos na ng king,kailangan kong mabuhay kahit anong mangyari pero ano nga bang magandang gawin para mawala ang mga bwisit na to?

Wala akong pakielam kung mapatay ko sila dahil kung hindi,ako ang mapapatay pag nagkataon.

"Wala ka pa ring kupas,Purple."

Sabi nung isang lalaki habang pinaglalaruan yung lighter na hawak nya.Hindi ko maalala kung sino sya pero sigurado akong nakalaban ko na sya dati.

Nacorner na nila ako.Wala na akong ibang matatakbuhan bukod sa butas na papunta sa ground floor.Alam kong nasa alanganin din sila Dark kaya hindi ako pwedeng tumalon dun hangga't madami pa akong kalaban dahil pwede ring manganib ang buhay nila.

Isip,Saisumi.....kailangan mo ng tapusin ang kalokohang to.

Huhugot sana ako ng dalawang palaso sa quiver ko pero iisa na lang pala yung natitira.

Shoot!Anong magagawa ng iisang palaso na to?!

"Susuko ka na ba,Purple?O papahirapan mo pa kami?"

"Alam mo bang tambakan namin ng mga gasolinang ibinebenta namin ang building na to?Kaya pwedeng-pwede ka naming sunugin kung gugustuhin namin."

Gasolina???Hindi ko naaamoy yun dahil nakamaskara ako.

Pasimple kong inikot ang mga mata ko at naaninag ko ang mga galon ng gasolina sa likod nung lalaking may hawak ng lighter.

Napangisi na lang ako.Mukhang ang nag-iisang palasong hawak ko na lang ang tanging pag-asa ko para mabuhay.

Itinuon ko ang tingin ko sa lighter na pinaglalaruan ng lalaki.Nakikita ko yun dahil kulay silver sya at kumikinang.

Pinag-aaralan ko kung ilang segundo bago nya buksan ang lighter,kung kelan nya ihahagis to sa ere at kung kelan nya masasambot.

Kailangan ko ng isang perfect timing bago ko magawa ng matagumpay ang plano ko.

"Mananahimik ka na lang ba,Purple o senyales na yan ng pagsuko mo?"

3 seconds bago nya buksan ang lighter.Inihahagis nya yun pagkatapos ng dalawang segundo at umaabot ang taas ng lighter ng 1 inch.Sa bigat ng lighter,bumabagsak ito sa loob lang ng halos isang segundo.

Hinahagis nya ang lighter habang bukas pa ang apoy nito at sinasambot to kasabay ng pagsara ng takip nito.

"Mukhang naduwag na ang kinatatakutang purple-eyed gangster.*smirk*"

"Gusto nyo bang makakita ng kamangha-manghang bagay bukod sa mga mata ko?"-Ako

"Hah!Ano na naman yan,Purple?!"

"Pagbilang ko ng dalawa,liliwanag dito."-Ako

Tumawa ang iba sa kanila kasama na ang lalaking may hawak na lighter habang binubuksan ang apoy nito.

"Isa."-Ako

Hinanda ko na ang palaso ko para sa pagtira pero nakababa pa rin to at nakatutok sa sahig.

"Baliw ka na."

"Pinaglalaruan mo na naman kami,Purple."

"At.....dalawa!"-Ako

Saktong hinagis ng lalaki ang lighter at kasabay naman nun ay ang mabilis na pag-asinta ko at pagpapakawala sa palaso.Tinamaan ang lighter sa mismong gitna nito at nasama ito sa pagtama sa mga galon ng gasolina.

Bago pa man sumabog ang gasolina at lamunin ng apoy ang buong second floor,tumalon na ako sa butas na papuntang ground floor.Natapakan ko pa nga yung lalaking tinusok ko ng palaso sa leeg.

Rinig ko ang mga sigaw nila at paghingi ng tulong.So?Anong pakielam ko?Eh kanina lang,halos patayin na nila ako.Tss.

"Purple!"

Napaangat ako na tingin.

"Oh,Dark!"

Napatingin ako sa likod nya at nakita ko ang isang lalaki na may hawak na baril at nakatutok yun kay Dark.

Nanlisik ang mga mata ko tsaka ko mabilis na hinugot ang palasong nakabaon sa leeg ng lalaking tinatapakan ko at mabilis kong itinira yun sa lalaking may hawak ng baril.

Dumaan sa gilid ng mukha ni Dark ang palaso at tumama yun sa noo ng lalaki.

"Purple?!Muntikan mo na akong tamaan ah!"-Dark

"Tsk.Inisip mo talaga na matatamaan kita?Wala ka bang tiwala sakin?Hindi kita sasaktan,Dark.*wink*"-Ako

Nakita ko ang unti-unting pagpula ng mukha nya.Natawa na lang ako.

"Ngayon.....tapusin na natin to."-Ako

-------------------------------------------------------------------------------

"Waaaahhhh.....kapagod!"-White

Umupo si White sa ibabaw ng lalaking nakadapa at wala ng malay.Ewan ko nga kung buhay pa yun.

"Naging pabaya tayo.Now,we learned."-Black

"12:11 am na.Ano ng balak nyong gawin?"-Light

"Edi matulog!Haaaayyyyyy.....Kamaaaa!!!"-White

Tinabihan ko si Dark na nakasandal ngayon sa pader habang nakaupo.Pawis na pawis sya at mukhang sobra syang napagod.

"May I ask my question now,my king?"-Ako

"Hindi ba pwede bukas na lang?Pagod na ako."-Dark

"Pano mo naman nasisiguro na pupunta nga ako sa main HQ bukas?"

"Pupunta ka dahil kailangan mo ang sagot ko sa tanong mo."

"Tsk.Para-paraan.Aminin mo na lang na gusto mo lang ulit akong makita."

Tumingin sya sakin habang walang emosyon ang mukha.

"Pano kung sabihin kong ganun na nga?Gusto lang ulit kitang makita.May magagawa ka?"

"Dark,kailangan ko na ang sagot ngayon.Hindi na ako makapaghihintay ng bukas.Isa pa.Magpapahinga muna ako.Ilang araw nyo akong hindi makikita."

"Sinasabi mo bang ilang araw kang mawawala?"

"Oo."

"Hindi pwede!Pano na lang kung kailangan ka namin?!Pag kailangan kita para gumawa ng mga favor ko?!"

"Ilang araw lang yun,Dark."

"Hindi nga pwede!"

"Bakit ba?"

"Favor #3,Purple.Hindi.Pwede."

"Hindi ko masusunod yan,Dark."

"Pero---"

"Dark,ang kailangan ko ngayon ay ang sagot mo.Hindi ko kailangan ng isa pang pabor."

"Gusto mo ng sagot?!Sige!Magtanong ka!Tss!"

"Anong pangalan ng grupo nila?"

"Six Rings.Tsk."

"Six rings?Pero ang sabi mo,lima lang sila sa grupo.Bakit Six Rings?"

"Walang extra info ngayon,Purple.Hindi ako masaya.Isang tanong lang ang pwede."

"Aish.Bitter."

Tumayo na ako at nagsimula ng maglakad palabas ng building.

"Walang extra info,Purple!"-Dark

"Alam ko."-Ako

Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad.

"Ayos lang sayo?!Hindi mo ako kukulitin?!"

"Hindi."

"Argh!Bahala ka nga!"

Napabuntong-hininga na lang ako ng malalim.Minsan,ang hirap kausap ni Dark.Psh.

"Anong meron?Lovers quarrel?"

Tanong sakin ni White nung madaanan ko sila.Nagkibit-balikat na lang ako.

"Ibigay mo sa kanya yung number na binigay ko sayo.Sabihin mong ayoko ng tawag.Text lang pwede."

Bulong ko kay Black at tinanguan nya naman ako habang nakangiti ng malapad.Nagsimula na ulit akong lumakad habang umiling-iling.

*yawn*Inaantok na ako.=___________=

Nicka's POV

"Lutang si Ryu ngayon."-Ken

"Yaan mo na.Nag-e-emote eh."-Louie

"Ilang araw ng ganyan si Kuya.Palaging tulala."-Lyra

"Kamusta na kaya si Sai.....Ilang araw na rin syang di pumapasok..."-Ako

"Nakakapagtaka.....Di ba,Ken?"-Louie

"Uh-huh."-Ken

"Tinanong ko si Mom kanina.Sabi nya,nagpadala daw ng excuse letter si Ate Saisumi kahapon.May sakit daw sya."-Lyra

"Eh?!May sakit si Sai?!"

Gulat na tanong ko.Napatayo pa ako sa pagkakaupo ko.

May sakit sya?!Bakit hindi nya man lang ako tinawagan?!Binigay ko naman yung number ko sa kanya ha!T.T

"Natural lang yun,Ate Nicka.Tao pa rin naman si Ate Saisumi."-Alexa

"Ihh.....sayang.Gusto ko syang bisitahin kaso lang.....wala tayong address nya.Waaaaahhhh!!!!"-Ako

"Kung ako sayo,Ate,hindi ako sisigaw.Alalahin mong may nag-e-emote 'daw' dyan sa tabi."-Alexa

Napatakip naman kagad ako sa bibig ko.

Katakot.....Wala pa naman si Sai para mataguan ko.

Tatlong araw ng wala si Sai.Buti nga nandito sila Lyra para tulungan ako sa tuwing lumalapit si Mylene.

Okay lang kaya sya.....?

Saisumi's POV

*vibrate.vibrate.*

Napatingin ako sa screen ng cellphone ko.May nagmessage.

'Babalik ka na ba?'

Yan ang laman ng message.Hay.....si Dark na naman.Ilang araw na nya akong kinukulit at tinatanong kung kelan ang balik ko.

Ibinaba ko na lang ang phone ko sa lamesa at itinuon ko na lang ulit ang tingin ko sa computer.

"Wala talaga akong makita,Baby V."

Sabi sakin ni Mom habang kausap ko sya sa malaking screen.

Nandito ako sa 'Data Room' kung tawagin ko.Meron ditong sampung computer na nakaarko at isang swivel chair sa gitna.Meron ding isang malaking screen sa harap ng mga computer.

Sa ngayon,yung apat na computer sa gitna ang gamit ko at naka-connect naman si Mom sa malaking screen kaya nakikita at nakakausap ko sya.

"Imposibleng wala,Mom.*yawn*"

Sagot ko sa kanya ng hindi tinatanggal ang tingin sa computer.Tatlong araw na akong walang tulog.Hindi ko nga alam kung paano pa ako nakakapagtype ngayon.

"Eh Baby V.....tatlong araw na

tayong walang pahinga pero wala pa rin tayong nakikitang kahit katiting na info tungkol dyan sa Six Rings na yan."

"Sumusuko ka na ba,Mom?Eto na yun.Malapit na natin silang mahanap.Ngayon pa ba?"

"Hindi naman sa sumusuko ako,V.Ang akin lang.....MAGPAHINGA NAMAN TAYO!!!Waaaaaahhhh!!!!Pagod na ako!!!!T.T"

"Tsk."

*Tok.Tok.Tok.*

Inikot ko ang swivel chair at humarap ako sa pinto habang nakalagay sa magkabilang patungan ng kamay ang kamay ko.

"Butler George?"

"Yes,Lady.I brought some foods."

"Come in."

Pumasok sya habang dala-dala ang isang tray gamit lang ang isang kamay.Pagkalapag nya ng mga pagkain sa lamesa,nag-bow sya,nagbigay galang kay Mom at lumabas na.

Kumuha ako ng isang sandwich at kinagat to tsaka ko ipinagpatuloy ang pagtatype.

"Grabe,V.Wala ka ba talagang kapaguran?!"

"Mom,kung---"

Napatigil ako sa sasabihin ko dahil may file na bigla na lang nagpop-out sa lahat ng screen ng computer na gamit ko.

"What's the matter,Baby V?"

"May nagpadala sakin ng file."

"Sino?"

Kinlick ko yung file pero pagkabukas ko,kailangan ng password.

"Aish."

Nagulat ako nung may message na natanggap ng sabay-sabay ang apat na computer kung saan ako nakaharap.

"Answer my name.....

It will lead you to the game....."

Yun ang nakasulat sa message.

What the---!Isa na naman to sa mga laro 'nya'?!

"Ano yun,Baby V?"

"May natatanggap ka ba,Mom?"

"Betsuni...."(Nothing....)

"Isa na namang clue.Sa tingin ko,nagpapahuli talaga sila sakin."

"Mag-ingat ka,V.Baka trap lang yan."

'Answer my name.....

It will lead you to the game.....'????

Nagpadala sya ng file na may password.Ibig sabihin.....ang pangalan nya ang password.

Kung ganon.....kailangan ko ang pangalan ng leader ng Six Rings.....

Napatingin ako sa oras sa computer ko.11:25 na ng gabi.

Agad kong kinuha ang cellphone ko at nagtype.

'See you at main HQ,Dark.'

Continue Reading

You'll Also Like

4.3M 120K 110
Nemesis Louie Montero is a class S assassin who was given a mission to marry the mafia boss of a certain organization that would help them rise from...
1.5K 74 10
"If the world will fall to its end, how would you survive?" Cerise had never thought of seeing herself in a situation where she needs to fight for he...
5.7M 18.4K 5
Heartless, ruthless, and merciless-four legendary gangster princesses bound by their thirst for revenge. They are the four Fujiwara sisters. Despite...
297K 9.8K 36
Yup! Another adventure of Allexa and his boys!