Behind the Spotlight (COMPLET...

By GoddesssXLove

95.8K 3.3K 491

Living under the spotlight is never easy. Your world become other people's world. With all the busy schedules... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2: Flashback Chapter
CHAPTER 3: Flashback Chapter
CHAPTER 4: Flashback Chapter
CHAPTER 5: Flashback Chapter
CHAPTER 6: Flashback Chapter
CHAPTER 7: Flashback Chapter
CHAPTER 8: Last Flashback Chapter
CHAPTER 9: Back to Reality
CHAPTER 10: Normal Day
CHAPTER 11: XO
CHAPTER 13: The Neighbor
CHAPTER 14: Joy and Sweetness
CHAPTER 15: Speculations All Over
CHAPTER 16: Weird Feelings
CHAPTER 17: Awkward
CHAPTER 18: His Kindness - Challenge
CHAPTER 19: An Act of Kindness
CHAPTER 20: Getting to Know Him
CHAPTER 21: Kilig - What An Awkward Situation
CHAPTER 22: The FJ or Former Jowa
CHAPTER 23: Meet the Cerezos
CHAPTER 24: Is This Love?
CHAPTER 25: His Act
CHAPTER 26: The Heart Want What It Wants
CHAPTER 27: I Care
CHAPTER 28: Sweetest Song
CHAPTER 29: Dilemma
CHAPTER 30: Ferries Wheel
CHAPTER 31: Seloso
CHAPTER 32: Scream For Me
CHAPTER 33: Love Me Harder (Part 1)
CHAPTER 33: Love Me Harder (Part 2)
CHAPTER 34: Bring Me To Life
CHAPTER 35: To The Rescue
CHAPTER 36: Here I Am - Fight
CHAPTER 37: He Found Love
CHAPTER 38: Broken Hearted Girl
CHAPTER 39: Haunted
CHAPTER 40: Truth
CHAPTER 41: Burdens
CHAPTER 42: Paano Ba Ang Magmahal
CHAPTER 43: Played Love
CHAPTER 44: All is Well
CHAPTER 45: Crazy In Love
CHAPTER 46: Decisions
CHAPTER 47: Missing You
CHAPTER 48: Biggest Heart break
CHAPTER 49: Emotions
CHAPTER 50: Someone's Always Saying Goodbye - Finale
EPILOGUE
ABANGAN - NEW STORY

CHAPTER 12: Something New

1.6K 61 6
By GoddesssXLove

CHAPTER 12

Jasmuel’s P.O.V.

“Cut!”

Sa wakas! Natapos din ang buong araw na commercial shoot namin. Panibagong endorsement nanaman, panibagong blessing. Maraming salamat talaga, Lord!

Kasama ko ngayon si Belle sa shoot para naman may kachikahan naman ako bukod kay Ate Roda. Dumaretso na kami sa dressing room para magbihis.

“Besty, alam mo ba kung kelan malalaman ‘yung resulta ng entrance exam? Halos dalawang linggo na rin ah.” Tanong ko kay Besty habang nag-aayos ako ng mga laman ng bag ko.

“Hindi ko alam Besty e, pero sige, titignan ko mamaya sa website ng university.” Sabi nito at handa na kaming umalis.

Nagpaalam na ko sa direktor at sa Presidente ng kumpanya ng produktong i-e-endorse ko.

Sumakay na kami sa van at umalis na.

“Besty, nga pala, sa inyo muna ako magstay ha? Bukas na lang ako ng umaga uuwi.” Sabi ni Belle.

“Okay pero bakit?”

“Wala lang. Masama ba?”

“Di naman..”

Pansin ko kanina pa siya text ng text at parang natutuwa na ewan.

“Alam mo, kanina ko pa napapansin na kinikilig ka. Sino naman ‘yang katext mo?” Sisilipin ko na sana ang cellphone niya pero kagad niyang nailayo at nai-lock.

“Ano ba! Chismosa ka!” Sabi nito at binulsa na agad ang cellphone. Alam niya kasi aagawin ko pa sa kanya ‘yun e.

“Ikaw ha, umamin ka nga. May nanliligaw na ba sayo?” Tanong ko dito at pinanlakihan ko ng mata.

“Wala noh!”

“Wala… Utuuuut! Pag ‘yan nalaman ko kung sino sisiraan kita!” Pabiro kong pagbabanta sa kanya.

“Inggitera! Wag mo na nga akong pakielaman. Magpakabusy ka na lang sa Keith mo!”

Binatukan ko siya sa sinabi niya.

“Keith ka dyan. Walang Keith, Keith!” Tumahimik na ko at tinignan ang phone ko kung may message, wala naman.

Nakarating na kami at nakababa na kaming tatlo ng sasakyan.

“Jasmuel, pwede bang mauna na ko? Nilalagnat kasi ang nanay at wala siyang kasama.” Paalam ni Ate Roda.

“Ah, o sige, sige. Pagaling siya kamo. Ako na mag-aakyat ng mga gamit ko total kakaunti lang naman ‘yan.” Kinuha ko na ‘yung isang bag. Maliban sa shoulder bag ko, may isa pang bag lagayan ng mga kung anu-ano.

Nagpaalam na siya sa amin at umalis na rin si Mang Ben. Papasok na ko sa lobby ng condo nang bigla naman akong tinawag ni Belle.

“Besty!”

“Oh?”

“Ah.. Ano.. Mauna na pala ako. May pinabibili kasi si mama wala siyang ibang mautusan.” Sabi nito na hindi man lang makatingin ng diretso sa akin.

Pumamewang ako sa harapan niya at tinignan siya ng napakalalim.

“Totoo ba ‘yang sinasabi mo?”

Tumango-tango ito bilang sagot at beso na sa akin.

“Sige na besty, ba-bye!” Nagmamadaling alis nito at pumara kagad ng taxi at sumakay na.

Napailing na lang ako at tuluyan ng pumasok sa loob.

Paglabas ko ng elevator, nilakad ko na ang daan papunta sa unit ko. Habang naglalakad ay napansin kong may mga malalaking kahon sa labas ng katabing unit ko. Kung ‘yung unit ko nasa corner, nasa kaliwa nito ang may mga gamit sa labas.

May kapitbahay na ako!

Dahan-dahan akong naglakad baka kasi makita ko ang bagong lipat na kapitbahay. Nang makatapat ko na ang pinto ng unit ay nakabukas lang ito. Kunwari napalingon ako pero ikinagulat ako ang nakita ko.

Isang lalaki na nakatalikod na saktong dahan-dahan hinuhubad ang t-shirt at kitang-kita ng aking dalawang mata ang pag-flex ng muscles niya.

Mouth-watering.. Eng serep serep…

Mabilis akong natauhan at dali-dali kong tinungo ang unit ko at pumasok. Pinawisan ata ako! Jusko inay!

Dapat i-friend ko ang bagong kapitbahay!

*** 

9:00 na ng umaga ng magising ako. Wala naman kasi akong schedule ngayong araw so ibig sabihin, studio ako today! Makakapag-focus na muli ako sa album ko.

Bumangon na ko sa kama at natungo sa kusina para magtimpla ng kape at magtoast ng bread. Naupo ako sa tapat ng TV at binuksan ito habang kumakain ng aking almusal.

Naalala ko diba sa mga pelikula pag may bago kang kapitbahay dapat dinadalhan mo ng food to welcome them to the neighborhood? Magawa nga ‘yan!

Pero anong lulutuin ko?

Alam ko na! Idadaan ko siya sa pasta!

Tama!

Hinanda ko na ang mga kakailanganin. Mabuti na lang at meron lahat dito ng kakailanganin ko.

Matapos ang isang oras ay natapos na rin ako sa aking pagluluto. Tinikman ko muna at masasabi kong, masarap!

Naligo naman ako at nagbihis na para naman presentable akong magpapakilala sa kanya.

Nakasimpleng pants lang ako at muscle tee na may cute na design at slippers. Lumabas na ko ng unit at tumapat na pinto ng unit niya.

Sheeeet! Bakit ba ako kinakabahan?????

Ito na, pipindutin ko na ang doorbell.

*ding dong*

Nag-antay muna ako kung may magbubukas.

3 minutes…

Wala pa rin.. Isa pa.

*ding dong*

3 minutes…

Wala pa rin.. Isa na lang talaga, susuko na ko.

*ding dong*

Wala! Laos! Wala atang tao!

Nababadtrip akong bumalik sa aking unit at padabog kong sinara ang pinto.

Nakakainis! Kainin ko na nga lang ‘tong niluto ko!

After lunch na ng maisipan kong pumunta ng studio. Sinundo ako ni Mang Ben at hinatid ako doon. Dapat talaga matuto na ko magmaneho para di na ko maka-abala kay Mang Ben kahit sa malapit lang siya nakatira.

Pagdating ko ng studio ay pinakinggan kong muli ‘yung mga arrangement na nagawa namin.

“Parang may kulang pa eh.” Nasabi ko sa sarili ko.

“Oo nga, parang may kulang pa nga.” Sabi naman ni Tito Ogs na kasama kong making ng kanta.

Lumapit ako sa may editing booth at naghanap ng magagandang beat sa kantang ito. Dapat kasi ‘yung RnB lang ang dating. Rock pero swabe, ‘yung ganun.

“Siya nga pala Jas, kelan mo makukuhas ‘yung resulta ng exam mo?” Tanong ni Tito Ogs na siya naman umiinom ng kape niya.

Inialis ko ‘yung headphones at naupo sa tabi niya.

Kinuha ko ang donut na katabi niya at kumagat.

“Next week na po, tito.” Sagot ko dito.

“Siguraduhin mong papasa ka, ha. Dapat makapag-aral ka na ngayon, lagot tayo sa nanay mo at patitigilin ka sa pag-aartista. Alam mo naman ‘yung deal natin, di ba?”

Oo nga pala, kailangan makapag-aral na ko sa paparating na semester. Usapan kasi namin ni Nanay na isang taon lang ako titigl at dahil daw matigas ang ulo ko, pagsabayin ko daw ang pag-aaral at pag-aartista.

“Mukhang papasa naman. Kailangan ko din kasi kundi highest, higher sa passing grade nila.” Muli akong kumagat ng donut.

“♪ Cause I’ve got nothing on but the radio. And I’ve got nothing on for tonight… ♪” Pinatugtog namin ang isang sample ng kanta na kanina lang ay busy ako kaka-edit. Hindi ako mapakali pag ibang tao ang gumagawa ng tugtog para dito. Okay lang naman na may tumulong at may magbigay ng ideya pero mas maganda kung ako para masabi kong album ko talaga ito.

Nagpalakpakan ang mga taong kasama ko dito dahil kalahati na ng album ang nagagawa namin.

“O ano, maglabas na tayo ng isang single?” Pabirong tanong ni Sir Eric sa amin. Mukhang nagustuhan ni Sir Eric ang isa sa mga kanta at excited ng maglabas ng isa.

“Masyado pa yatang maaga, sir. Kakatapos lang natin maglabas ng album e.” Sabi ko naman sa kanya.

“Kakatapos? That was months ago. Jas, your fans cannot keep the excitement anymore, neither us! Dapat sooner the better.” Sabi ni Sir Eric at muli naman akong napa-isip. Dapat nga may bago na.

“Gusto ko po muna tapusin lahat para makapili tayo ng mas maganda. We’re already half of the album.” Kumpiyansa kong sabi dito.

“If that’s what you said, then okay. But isipin mo, baka maungusan ka ng ibang artista dyan. Get everything while you’re still on top.” Saktong may tumawag sa kanyang cellphone at umalis muna.

Tama si Sir Eric, dapat kunin ko na habang mainit-init pa ko. Mahirap na maunahan ng iba.

Pagkarating ko sa tapat ng condo ay hindi muna ako pumasok. Pumunta muna ako sa isang convenience store na nasa tabi lang nito. Pumasok ako at saktong kakaunti lang ng tao.

Kumuha lang ako ng chichirya dahil wala na kong stock sa unit ko pati na rin mga soft drinks. Wala rin naman sigurong makakapansin sakin dahil nakasalamin naman ako at walang make-up.

“Jas?”

Napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko at isa itong customer ng convenience store.

Nginitian ko naman at nag-hello din ako saka pumunta sa counter para bayaran ‘yung mga pinamili ko.

“Jas, pwedeng magpapicture?” Parehas na boses muli ang narinig ko. Nilingon ko siya at um-oo.

Tumabi ako sa kanya at siya na rin ang kumuha ng picture.

“Salamat po.”

“Ay, teka lang Jas.”

“Bakit po?”

May kinuha siya sa loob ng kanyang bag at inilabas nito ang CD ko kalapit ng isang sulat.

“Fan na fan kasi ‘yung anak ko. Lagi niya akong kinukulit na hanapin daw ita para mapapirmahan ‘yung CD niya. Natutuwa kasi ang anak ko sayo kasi ang galing galing mo daw kumanta. Pati ako nagagalingan na rin sayo dahil tunay naman na magaling ka. At saka, pareho kayo ng anak ko.” Binigyan niya ako ng makahulugang ngiti na naintindihan ko naman.

Kinuha ko ang CD at nanghiram muna ako ng pentel pen sa counter.

“Ano pong pangalan ng anak niyo?” Magalang na tanong ko.

 “Alex… Alexis. Haha! Mas gusto kasi niyang Alexis ang tawag sa kanya e.” Isinulat ko ang pangalan ni Alexis sa CD at nagsulat ng message para sa kanya.

“Ilang taon na po siya?” Tanong ko habang nagsusulat.

“Ten years old pa lang siya.” Ang bata! Pero ang cute! Ang bata niyang beks.

Matapos kong pirmahan ay ibinalik ko na sa kanya ang CD.

“Sayo ‘yang sulat na iyan. Sabi niya ibigay ko daw siya sayo pag nagkita daw tayo.” Kinuha ko ang sulat at ibinulsa ko.

“Maraming salamat po, ate. Pakisabi sa anak niyo maraming salamat at sana maging inspirasyon ako at ang mga musika ko sa kanya.” Sabi ko dito at nagpaalam na din ang ale.

Natatanga akong napapangiti dahil sa tuwa. Iba pala ang pakiramdam ng ganon, noh? Ang sarap sa pakiramdam!

“Excuse me po? Bayad niyo po.”

Nawala ako sa natatanga kong sarili at bumalik sa ulirat. Namili pala ako nakalimutan ko na. Hahaha!

Nang bumukas ang elevator ay agad akong pumasok at pinindot ang floor kung nasaan ang unit ko.

Pasara na ito ng biglang may pumigil at may nagmamadaling pumasok na lalaki sa loob. Pansin ko’y nakaformal attire ito at suot ang isang bag na gawa sa itim na balat.

Tahimik lang kami sa loob ng elevator na para bang may kanya-kanya kaming mundo.

Nakakapagtaka lang, pero hindi sa pagbubuhat bangko. Hindi niya ba ako kilala????

I mean, hello?! Ang swerte na nga niya at nakasabay niya na ang isang bigating artista sa elevator noh! Hindi man lang ako kinikibo as if hindi niya ako kilala.

Bumukas na ang elevator at nauna siyang lumabas sa akin. Pansin ko na sa iisang floor lang pala kami. Nagmadali akong lumabas at sinundan siya.

Pero pagtingin ko ay papasok na siya ng kanyang unit.

At siya lang pala ang bago kong kapit bahay???!!!

Hindi ko na lang pinansin at pumasok na ko sa unit ko. Naalala ko ‘yung oras na naaktuhan kong naghuhubad ito ng pang itaas. Likod pa lang, ulam na. Paano pa ‘yung harap, di ba?

Nako, kung hindi niya ako kilala, pwes, magpapakilala ako sa kanya!

________________________________________________________________________

Continue Reading

You'll Also Like

52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
204K 11.7K 69
[ONGOING] Bakit nga kaya minsan, mas pinipili natin ang mga komplikadong sitwasyon, kesa sa mas simpleng bagay? Bakit pinapahirapan natin ang sarili...
2.8M 53.6K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
1.5M 60.5K 62
BROMANCE BOYXBOY YAOI Gagawin mo ba ang lahat to the point na magdisguise bilang babae para lang mapalapit sa crush mo? What if hindi nya na-apprecia...