Listen To My Heart

By wistfulpromise

2.9M 40.9K 7.6K

(The Second Installment of G-Clef Song Trilogy) Ang hirap mamili lalo na kung puso mo na mismo ang nakataya... More

Paunang Salita
LTMH: Prologue
Chapter 1 ♥ She's Officially Back
Chapter 2 ♥ Meet The Band
Chapter 3 ♥ Partners In Crime
Chapter 4 ♥ I Love You
Chapter 5 ♥ So Much Fun. So Much Love.
Chapter 6 ♥ Rico's Cousin
Chapter 7 ♥ Ellipses And Their Feather Tattoo's
Chapter 8 ♥ That Awkward Moment...
Chapter 9 ♥ Secrets (Part one)
Chapter 9 ♥ Secrets (Part two)
Chapter 10 ♥ Gun Fight
Chapter 11 ♥ Princeton Academy
Chapter 12 ♥ Oh Friends!
Sa Mata ng Balatkayong Bata
Chapter 13 ♥ Foreshadow
Chapter 14 ♥ Operation 101
Chapter 15 ♥ School Clubs (Part one)
Chapter 15 ♥ School Clubs (Part two)
Chapter 16 ♥ Changes
Chapter 17 ♥ Shinobi Yakuza
Chapter 18 ♥ You are my Sunshine
Chapter 19 ♥ Maeda Mora High
Chapter 20 ♥ Trouble
Chapter 21 ♥ Problem Unsolved
Chapter 22 ♥ Good Morning Sunshine!
Chapter 23 ♥ A game of no turning back
Chapter 24 ♥ Complicated
Chapter 25 ♥ Normal Day at Princeton
Chapter 26 ♥ Lovers Quarrel?
Chapter 27 ♥ Black Savage's Famous Leader
Chapter 28 ♥ The Opposite Makeover
Chapter 29 ♥ First Day at Maeda Mora
Chapter 30 ♥ Threat
Chapter 31 ♥ Love is in the air
Chapter 32 ♥ Acapella Song
Chapter 33 ♥ Consequences
Chapter 34 ♥ Pietr's Confession
Chapter 35 ♥ It's Complicated (Part one)
Chapter 35 ♥ It's Complicated (Part two)
Chapter 36 ♥ Who's the Traitor?
Chapter 37 ♥ Compromise
Chapter 38 ♥ Three-Eleven Deal
Chapter 39 ♥ Payback For Real
Chapter 40 ♥ Serene's Answer
Chapter 41 ♥ Unleashing Secret
Chapter 42 ♥ More Clues...
Chapter 43 ♥ The Queen (Part one)
Chapter 43 ♥ The Queen (Part two)
Chapter 43 ♥ The Queen (Part three)
Chapter 44 ♥ Confused Heart
Chapter 45 ♥ Music and Feathers
Chapter 47 ♥ On the Hunt
Chapter 48 ♥ Where is your Loyalty?
Chapter 49 ♥ The Queen and the Devil
Chapter 50 ♥ Haunting Memories
Chapter 51 ♥ Finally Meeting Her
Chapter 52 ♥ In Denial
Chapter 53 ♥ I Understand
Chapter 54 ♥ Misunderstanding
Chapter 55 ♥ Start All Over
Chapter 56 ♥ Second Chance?
Chapter 57 ♥ Three o'clock
Chapter 58 ♥ The Traitor
Chapter 59 ♥ Confusion
Chapter 60 ♥ Big Revelation (Part one)
Chapter 60 ♥ Big Revelation (Part two)
Chapter 61 ♥ Damnatio Memoriae
Chapter 62 ♥ Forgiven
Chapter 63 ♥ Hidden Secrets
Chapter 64 ♥ The Controversy
Chapter 65 ♥ Connecting Puzzles (Part one)
Chapter 65 ♥ Connecting Puzzles (Part two)
Chapter 66 ♥ Forbidden (Part one)
Chapter 66 ♥ Forbidden (Part two)
Chapter 67 ♥ Unexpected Comrade
Chapter 68 ♥ The Allies (Maeda Mora)
Chapter 68 ♥ The Allies (Maeda Mora II)
Chapter 68 ♥ The Allies (Maeda Mora III)
Chapter 69 ♥ The Blue Archer
Chapter 70 ♥ The Final Battle (Part one)
Dear You
Chapter 70 ♥ The Final Battle (Part two)
Chapter 70 ♥ The Final Battle (Part three)
Epilogue I
Epilogue II
Epilogue III
Epilogue IV
Epilogue V
LTMH: The extended ending
Extended Ending: Part One
Extended Ending: Part Two
Extended Ending: Part Three
Extended Ending: Final
A Letter To The Reader ♥

Chapter 46 ♥ Doubts

27.3K 403 75
By wistfulpromise

A/N:

Hello Listeners! I'm back! This update will be the longest I've ever written. Pambawi ko na rin sa inyo! Don't forget to comment and vote :) Tell me what you think! 

Namiss ko kayo! ^3^)/

 

♥♥♥

Chapter 46

Mataas na ang sikat ng araw noong bumangon ako sa higaan ko. Papunta ako sa may banyo noong mapahinto ako sa harap ng salamin sa kwarto ko. Full body mirror ito kaya kitang kita ko ang buong katawan ko rito. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maimulat ng mabuti ang mga mata ko. Ang sarap sarap kasing matulog lalo na kagabi at kahit pa kanina. Nag-inat ako ng katawan sabay hikab. Sa pagkakataas ng suot kong damit ay may napansin akong itim na tinta sa may bewang ko. Isang ngiti ang gumuhit sa mga labi ko sa pagkakakita nito. 

Bahagya kong itinaas ang suot para makita ang kabuuan nito. Feather tattoos... para silang malayang lumilipad mula sa tagiliran ko pababa sa may hita ko. Parehas kami ni mama ng tattoo, iyon nga lang sa ibang lokasyon. Sa likod ang kanya at ang akin naman ay sa may bandang bewang. Lahat man ng Ellipses ay may feather tattoo, laging naiiba pagdating sa leader. Kami lang ni mama ang may tattoo na ganito, isang simbolo bilang pinuno ng Ellipses. 

Isang linggo na ang nakakalipas magmula noong ipakilala ako ni mama sa Ellipses Gang bilang bago nilang pinuno. At halos isang linggo na rin ang nakakalipas magmula noong idala ko ang tattoo na ito sa katawan ko pati na rin ang mga gangmates ko sa Intricate Gang. Magmula kay Julian at Reece, hanggang sa magkapatid na Kelly at Nyree; nasa paa ang bago nilang tattoo.

Ilang araw na laging iyon ang topic namin lalo na sila Nyree at Kelly. Sobra silang proud sa bagong tattoo na meron sila. Ilang araw nga yata silang hindi nakatulog dahil sa sobrang saya. Ngayon hindi lang music notes ang dala namin, pati feather tattoo na rin.

Kasabay ng pagpatong ng korona sa akin ni mama ay ang pagkakaroon namin ng bagong myembro. Si Niel na kikilalaning 'Breve', alinsunod sa pangalan ng Intricate members na musical notes. Ang tattoo na Breve musical note ay nasa may bandang dibdib kasama ng feather tattoo na tulad ng sa iba pang myembro. Sya kasi ang guardian ko kaya doon ang kanya. Parehas sila ng papa nya sabi sa akin ni mama. 

Pagkatapos magpalit at mag-ayos, sakto naman na napatawag si Jace. Napangiti ako sa pagkakakita ng pangalan nya sa cellphone ko. Kahit kailan talaga hindi nya nakalimutan na batiin ako ng isang napakagandang umaga.

Sa isang buong linggo hindi kami naghiwalay. Pagkalabas ko sa hospital balik agad ako sa Princeton Academy. Panay ang tambay namin ni Jace sa rooftop. Madalas ang tugtugan namin doon na talagang namiss namin. Naalala ko pa nga ang usapan na naganap sa pagitan namin noong isang araw habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw. 

"Jace bakit ka pumayag?" tanong ko. Katatapos nya lang tumugtog ng gitara para sa akin. Isinandal ko ang ulo ko sa balikat nya. 

Hindi ko man nakikita, ramdam ko ang pagkunot ng noo nya na parang naguguluhan sa tanong ko.

"Yung tungkol doon sa tv commercial ni direk."

"Oh." 

Binitawan nya ang gitara na hawak at saka inilapag sa may tabi nya. Bumuntong hininga sya ng napakalalim. 

"Di ba ikaw naman ang nagsabi sa akin na pumayag ako? You said I should try something new. Matagal ko iyong pinag-isipan at sa tingin ko tama ka." 

Matipid akong ngumiti. I did not try to hide the slight hurt I'm feeling. "Pero sana sinabi mo muna sa akin bago ka talaga pumayag."

"Akala ko okay lang sayo?"

"Actually, binibiro lang kita noong sinabi kong patulan mo ang request ni direk. Hindi ko naman akalaing seseryosohin mo yun. I know doing tv commercial is not your thing, let alone working with other people you seldom knew. Alam ko marami kang ginagawa sa opisina, may obligasyon ka pa rito sa school na dapat mong pagtuunan ng pansin. Isa-isa lang Jace, wag mong pagsasabayin lahat. Dahil kung hindi, matutulad ka sa akin, sabog na sabog na ang oras dahil sa mga patong patong na responsibilidad." umiling ako. Speaking of problem and responsibility, napakahaba na nga yata ng nasa listahan ko. Pero ni isa, wala pa akong natatapos. Nadagdagan pa nga yata eh dahil sa Maeda Mora. "Nagulat lang talaga ako noong pumayag ka." 

Hinawakan nya ang mga kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. 

"I want to be honest with you. Actually it is not only my idea, it is also Aiden's." 

Umayos ako ng upo at kunot noo syang tinugon. "Si Aiden? Ano namang kinalaman ni Aiden dito?" Malungkot syang ngumiti pero ramdam ko ang paghigpit ng kamay nya sa kamay ko. Ayaw pa rin nyang sabihin sa akin ang problema nya. 

"Jace... please, tell me. Alam ko may problema ka, tungkol ba 'to sa opisina nyo? Sabi ko naman sayo diba? Tutulong ako. Tutulungan kita. Just ask." 

He stubbornly shake his head side by side. "I don't want you to get involve in this... mess. Kaya ko 'to, kakayanin ko 'to. I'm doing this for the comapany. I'm doing this for us.

"At anong kinalaman ng tv commercial sa kumpanya nyo?" this time, binigyan ko na talaga sya ng tingin. May binabalak sya-- silang dalawa ni Aiden, and I wonder kung ano. Alam ko na kung tungkol saan ang problema nya dahil kay Pietr. Sinusubukan ko lang sya kung sasabihin ba nya sa akin ito.

Bumitaw ako sa kamay nya. Hindi ko maiwasang masaktan sa dami ng itinatago nya sa akin. "Jace... hindi na lang ikaw kundi tayo na and we're supposed to be in a team no matter what. Mapaproblema man o hindi, magkasama dapat tayo. Partner tayo eh, di ba? Wala ka bang tiwala sa akin? Am I not a keeper?"

Kung kanina blanko lang ang tingin nya, ngayon nakuha na ng huli kong sinabi ang atensyon nya. 

"Meron. I believe in you.."

"But that is what you make me feel." Hindi ko alam kung saan nanggagaling lahat ng tapang kong 'to pero masaya ako para sa sarili ko dahil nasasabi ko ang lahat sa kanya ng walang takot. I want this relationship to work. I really love him. Pero sa isang relasyon, hindi ito magwowork-out kung iisang tao lang ang nag-eeffort. Dapat dalawa kayo, dapat magtulungan kayo. 

I really want to understand him. I really want to. 

"Serene--" 

"No Jace, listen to me first please. I know that whatever is happening in your company, you don't want me to get involve and I understand that. Alam ko kaya mong harapin ang kahit ano ng mag-isa, malakas ka, matalino, kaya nga bilib ako sayo eh. You thought of me as fragile pero hindi ko naman hahayaan na masira ka ng mag-isa. You're fragile too, for me. And I want you to realize that." Hinawakan ko ang mukha nya, hinawakan nya naman ang mga kamay ko. He then closes his eyes very gently and kissed my palms. 

Huminga sya ng napakalalim. Noong iminulat nya ang mga mata nya, nakita ko ang takot at lungkot dito. Isang bagay na bihira kong makita sa kanya. Ilang minuto pa ang pinalipas nya. Ipinikit ko rin ang mga mata ko dahil sa pagkadismaya. Tatanggalin ko na sana ang kamay ko pero humigpit ang pagkakahawak nya rito. 

"I think I'm losing my father's company." 

Natahimik ako sandali. Ramdam ko ang sakit sa bawat salitang sinambit nya. Alam ko 'to. At lahat ng iyon ay dahil sa kagagawan ni Pietr. Hindi ko tuloy maiwasang mapatanong sa sarili, tama ba na tinanggihan ko ang alok nyang three-eleven deal?

"You're not, okay? I will help you. Just ask." 

Alam ko mahirap para sa kanya ang humingi ng tulong sa iba dahil lumaki sya na ginagawa ang lahat ng mag-isa at hindi umaasa sa iba. Pero iba na ngayon, kasama na nya ako. Ilang beses kong sinubukan na kausapin si Mr. Tolentino pero hanggat hindi humihingi si Jace sa akin ng tulong ukol dito, hindi ako makakagalaw ng maayos. Kailangan ko ng mas maraming impomasyon. At sya lang ang nakakaalm nun.

"Kinausap ako ni Pietr..." Naramdaman ko na bigla syang naging tense. His emotions suddenly hardened, I can see it in his eyes. 

"Stay away from him." 

"Pero kung may paraan naman para maayos nyo ang gusot ng kumpanya nyo ng walang nasasaktan at nadadamay, bakit hindi nyo gawin? Mag-usap kayo. Ayusin nyo ito. Iyon ang pinakamadaling paraan." 

"Kilala ko ang mga klase ng tao na katulad nya. Wala ng makakapagpabago ng desisyon nila, kahit ano o kahit sino pa man. It's like talking to a rock who will never answer you back. Talking to him is pointless and a waste of time." he spat like there's a venom on his tongue.

"I can talk to him and make him see things..." alok ko sa kanya.

"'Yan ang wag na wag mong gagawin. Can't you see why I don't want you to get involve? Because he wants you to get involve. At paano nya gagawin yun? Iipitin nya ako para ikaw ang lalapit sa kanya. He is basically hitting two birds with one stone here."

Napakagat na lang ako sa labi ko dahil unang una sa lahat, tama sya. 

Kaya magmula noong araw na yun, mas nakahinga na ako ng maluwag dahil alam kong wala na kaming itinatagong sikreto sa isa't-isa. Ang sarap pala sa pakiramdam. 

Tuloy pa rin ang laban nila Jace at Pietr sa pinag-aagawan nilang shares. Oo nakuha na ni Pietr ang boto ni Mr. Tolentino pero hanggat hindi pa ito opisyal na inaannounce, may pag-asa pa rin na mapabago ang desisyon nya. Ngayon medjo naghihinala ako sa pananahimik ni Pietr ukol dito. Hindi ko alam kung pinaglalaruan ba nya kami kaya pinapahaba pa nya ang oras. Gayunpaman, hindi kami susuko ni Jace at maghaharap ng paraan para hindi sya magtagumpay sa kahit ano mang plinaplano nya. Alam ko na ang lahat ng nangyayari sa kumpanya nila Jace. Ipinaliwanag na nya sa akin ang lahat.

"May pupuntahan ka ba ngayon?" tanong sa akin ni Jace. Kasalukuyan pa rin kaming nag-uusap ngayon sa telepono. Pagkatapos i-on ang speaker ay inilapag ko ito sa may mesa. Kailangan ko pa kasing ayusin ang higaan ko dahil baka pagalitan ako ni ate Des. At sya nga pala, dito na si mama nagsstay sa bahay. Noong magkita sila ni ate Des halos maluha pa nga sya sa sobrang saya eh. Namiss din talaga nila ang isa't-isa. Hindi mo na sila mapaghiwalay. Panay na rin ang kwentuhan nila sa baba. 

Sandali kong tiningnan ang schedule ko na idinikit ko sa pader. "Wala naman. Bakit? Saan ba ang lakad natin ngayon?" excited kong tanong. Tinatakasan namin si Aiden palagi dahil lagi syang nakabantay kay Jace. Natatawa na lang ako sa tuwing naaalala ang inis na mukha ni Aiden sa akin. Ako kasi ang may pasimuno. Well... sino pa nga ba? 

"Can I have you for the whole day?" 

"Oo naman. You have me for the whole day Mr. Alvarez." 

"Good. I'll be there in ten minutes." Ibinaba nya agad kahit hindi pa ako nakakapagsalita. Natatawa na lang ako sa excitement na narinig ko sa boses nya. 

Pagkababa ko naabutan ko sila mama at ate Des na nagkwekwentuhan sa may kusina. Umaalingawngaw ang tawanan nila sa buong kusina kaya iniwan ko muna sila. Sa sala naman ay si Nyree at Kelly na kumaway sa akin noong makita ako. Kumakain sila ng tinapay na may palaman na nutella kaya nakikain na rin ako. Umupo ako sa may sofa sabay agaw ng iniinom na gatas ni Kelly. Itinaas ko ang paa sa may mesa. Pagkatapos isubo ang tinapay, ininom at inubos ko ang gatas sa baso nya.

"Ate! Inumin ko yan eh bakit mo inubos?!" reklamo ni Kelly na sinuklian ko ng ngiti.

"Kuha ka na lang ng bago, marami pa naman sa ref eh."

Sumandal sya sa may sofa na may mahabang nguso sa mukha.

Sandali ko pang ninamnam ang pagkain ko. Nakakamiss ding makita ang asar nyang mukha. Nakakamiss syang pikunin! Pero sya nga pala, ginagawa ko rin sa kanya ito dahil may kasalanan pa rin sila sa akin. Sinabi kasi sa akin ni Jace na napatrobol itong dalawa kasama sila Nathan at Rico sa school. Sabi nya gumawa raw sila ng eskandalo sa ginagawa nilang painting sa school at napaaway pa. Napailing na lang ako sa dalawa dahil sa pagkadismaya. Napagsabihan ko na sila. Sana lang hindi na nila uulitin.

"Bakit parang kulang yata tayo? Nasaan si Reece?" Nakapagtataka na wala ito. Madalas kasi sa tuwing sabado kumpleto kaming lahat dito sa loob ng bahay.

"Maagang sinundo ni kuya Shane kanina. May date raw sila." Hindi pa rin nagbago ang itsura ni Kelly kahit kasasagot nya lang ng tanong ko.

"How about Julian?" Hindi ko rin kasi sya makita sa buong paligid.

"Niyaya ni kuya Niel na magtarget shooting daw sila."

"What? Really?! Hindi man lang ako inimbitahan?"

At masakit yun. Grabe ang dalawang yun. Nagsosolo pambihira.

"Ate," pinahaba ni Nyree ang pagsabi nito na akala mo isa akong bata na hirap makaintindi. Hindi sya nakatingin sa akin. Nasa harap ng cellphone na hawak ang mga mata nya. "guys hang-out yun. Pagbigyan mo na. Ang alam ko isasama rin nila si kuya Nathan."

Huminga ako ng napakalalim. Kung sabagay. "Fine." Muli akong sumandal at pabirong binatuhan si Kelly ng unan. Hindi ko kasi talaga maiwasang matuwa sa mukha nya na busangot pa rin hanggang ngayon. Mukha syang kinulam!

"Ate bakit ba ako na lang lagi mong inaapi? Bakit hindi si Nyree?!" Itinuro nya ang kapatid kaya napatingin ako rito. Busy sya sa pagtitig sa cellphone nya at kung makangiti pa parang timang. Sigurado ako na sa ikinikilos nyang iyan, wala syang alam sa kung ano ang nasa paligid nya kahit nagsalita pa sya kanina.

Tumayo ako para kumuha ng panibagong baso ng gatas. Hindi ako naguguilty dahil matagal ko naman ng gawain ang pagtripan sila lalo na si Kelly. Si Kelly yung mas masarap apihin dahil sa lahat ng bagay sya ang unang nagrereact. Si Nyree kasi sa sobrang kasanayan sa mga kabaliwan ko kung minsan, wala ka ng mahihitang reaksyon sa kanya. Parang kahit ano pang gawin ko wala na lang. Kasehodang kunin ko ang pagkain nya, inumin ang inumin nya o kahit pa hagisan ko sya ng unan ngayon madali nya lang itong iilagan. Tapos ipagpapatuloy nya ang ginagawa nya na parang walang nangyari.

Ang mga taong ganun? Nakakatamad pagtripan. Kaya nga sa mga bully, the more na ineentertain mo ang ginagawa nila sayo, the more na hindi sila titigil. Parang ako kay Kelly.

Bumelat ako sa kanya at ganun din ang ginawa nya sa akin. Sabay kaming natawa dahil sa kahibangan namin.

"Ate alam mo si Nyree may manliligaw na." Napahinto ako sa paglalakad ko. Kunot noo kong ibinalik ang tingin sa kanila.

Si Kelly kung makangiti kay Nyree wagas. Isiniwalat lang naman nya ang isang malaking sikreto na tiyak kong itinatago nilang dalawa mula sa akin.

"Ah? A-ako? W-wala ah! Ate wala! Hoy anong pinagsasabi mo ah. W-wala kaya! Baka ikaw! Porket ikaw lang ang nakita ngayon idadamay mo pa ako!" Naalarmang sagot ni Nyree na ngayon lang nagsalita ulit. Sinipa nya si Kelly na tawa ng tawa habang nakaupo sa sofa.

Ibinaba ko ang baso sa may kalapit na mesa sabay tupi ng dalawang braso ko. Masinsinan ko silang tiningnan. Tila nahalata naman yata nila iyon dahil bahagya silang natahimik. Ang mga mata ay nakatuon sa akin na para bang nagsasabing 'lagot na'.

"Nyree totoo?" tanong ko sa kanya.

"Hala ka sis! Sabi ko kasi sayo eh!"

"Che! Kelly wag ka na nga lang maingay! Hindi ka nakakatulong eh!"

"Yung tanong ko," muli nitong nakuha ang atensyon nila. Para pa silang napatalon sa gulat. "meron ba? Sino?"

Wala akong binigay na rule kung kailan o kung sino ba ang pwede nilang makarelasyon. Ang akin lang, ayoko silang nagtatago ng sikreto sa akin tungkol dito dahil kaligtasan pa rin nila ang hangad ko. Alam kong kaya nilang ipagtanggol ang sarili nila pero para sa akin sila pa rin ang mga babies ko. Dahil paano kung maling tao pala ang inibig nila? Paano kung kalaban pala at nagtatago lang sa katauhan ng isang spy? Mas mabuti na ang nag-iingat.

"Eh k-kasi ate--"

"Ate may nagbibigay sa kanya ng pulang bulaklak sa school araw araw!" sabik na sabi ni Kelly na halos unahan ang kapatid sa pagbibigay ng impormasyon na ito sa akin. Agad na tinakpan ni Nyree ang bunganga nya gayunpaman, hindi nito napigilan ang kakulitan ng kapatid. "Tapos ate!--"

"Tapos ate hindi ko sya kilala!" pag-amin sa akin ni Nyree. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nya maitago ang alarma at takot sa mga mata habang nakatingin sa akin. "Promise ate! Hindi ko sya kilala! N-nag-iiwan sya palagi ng red rose sa locker pero yun lang yun! I have no idea who he is or what he looks like. All I know is that he is stupid enough to choose me as a love interest. Like, seriously? Ano bang nakita nya sa akin? He might be crazy enough to like me! Kaya ate wag kang magalit sa akin. I don't want to hide this pero... pakiramdam ko naman kasi hindi naman ito importante. Malay ko ba kung gusto nga ba talaga nya ako o sadyang pinagtritripan lang."

Tawa na ng tawa si Kelly ngayon na parang sinaniban ng masamang hangin. Sandali pa syang huminto para ituro ang kapatid.

"Look at her face ate, she's turning red!"

"Kelly!! Sige mang-asar ka pa!"

Bago pa magkainitan inawat ko na sila. Magsasalita na sana ako ng biglang magdoorbell. Pakiramdam ko lahat ng hinala at pagtataka tungkol sa bagay na ito ay biglang naglaho. Napunta na kasi sa ibang dimensyon ang utak ko.

Si Jace na yun!

"Hindi pa tayo tapos dito ah. Mag-uusap pa tayo." sabi ko sa kanilang dalawa. Itinapat ko pa ang dalawang daliri sa mata sabay turo sa kanila-- pabalik balik, paulit ulit. Alam nilang kahit ganito na ang kinikilos ko, seryoso ako tungkol doon.

Muli akong tumalikod para buksan ang pinto pero tinawag ako ulit ni Kelly. Ang laki laki pa rin ng ngiti nya hanggang ngayon.

"Ate! May sasabihin ako sayo mamaya. Isang malaking sikreto!"

Yung malaking ngiti nya kahinahinala pero pinagbigyan ko na. Tumango ako bilang sagot.

Muling tumunog ang doorbell at nakita ko si ate Desi na papunta na sa pinto.

"Ate Des ako na po!" Nakipag-unahan ako sa kanya sa may pinto. Nawala na ang kaseryosohan sa mukha ko at napalitan na ng ngiti dahil sa pagkasabik na makita si Jace.

"Ah okay sige. Akala ko kasi hindi mo pa bubuksan eh. Balik muna ako sa kusina kung ganun Serene ah."

"Opo!"

Mabilisan kong inayos ang sarili sa sobrang pagkasabik. Mabuti na lang at may malaking salamin sa harap ng pintuan. Salamat sa akin na ipinaglaban ko talaga ang bagay na ito. Kailangan talaga para sa oras ng pagpapacute, laging handa!

Binuksan ko ang pinto. "Jace!--" pero iba ang nakita ko. Isang mamang kartero na may hawak na envelope para sa akin. Parang gulong na nagdeflate ang ngiti ko dahil sa pagkadismaya. Gayunpaman, agad ko ring ibinalik ang ngiti na iyon dahil ayoko namang isipin ni mamang kartero na sinisimangutan ko sya. Sadyang iba lang talaga ang inayasahan ko pero hindi sya ang dahilan.

"Ms. Serene sulat po," Paano ba naman kasing hindi ka ngingiti? Eh ang ganda rin kaya ng ngiti ni amang kartero! Kulang kulang man ang ngipin ngunit kay tamis pa rin ng ngiti! "Pakipirmahan na rin po sana rito." Pinirmahan ko naman ang itinuturo nya sa papel para mapatunayan na nareceive ko nga ang sulat. "Saka dito na rin po," bagong malinis na papel na ang inilabas nya. Sandali akong napaisip dahil parang wala namang kinalaman sa pagtanggap ko sa sulat ang pinapapirma nya sa akin. Tila naintindihan naman nya yata ito dahil madali syang nagsalita. "Para po sa anak kong babae. Paborito po nya kayo pati na rin ang Intricte Band! Kapag nga po nalaman nyang nakita ko kayo ng personal matutuwa yun!"

Natuwa naman ako roon. "Ano po bang pangalan ng anak nyo?"

"Melissa po! Naku siguradong matutuwa po sya rito!"

Pagkatapos kong pirmahan ito ay hindi pa nagpaawat si kuya at pinapirmahan pati na ang damit nya, bag, sumbrero at kahit pati ang braso! Sandali akong tumingin sa may gate ng bahay di kalayuan. Nakatingin ang ilan sa mga myembro ng Ellipses sa amin na tumatayong gwardya namin. Tumango sila sa akin at tumango rin ako sa kanila. Kung ganun ligtas si mamang kartero. Kung sabagay, hindi naman sya makakapasok rito kung hindi. At sa mukha naman nya mukhang sya yung taong hindi makakagawa ng masama. Sadya lang ginagawa ang marangal nyang trabaho.

"Maraming maraming salamat po miss Serene! Thank you po talaga! Thank you!" At pagkatapos nito ay inescort na sya ng mga gangmates ko sa may gate.

Magmula ng mangyari ang pagtratraydor sa akin ng Maeda Mora, medjo nagkaroon na ako ng problema sa kung sino nga ba ang dapat pagkatiwalaan o hindi. Minsan na rin akong pinagsabihan ni Jace patungkol dito. Masyado raw kasi akong mabait kung minsan at masyadong nagtitiwala sa mga taong hindi ko naman lubos na kakilala. Kung sabagay tama naman sya. Pero ang hirap naman kasi eh. Sa tuwing may nakikilala akong tao, malakas talaga ang radar ko kung mapagkakatiwalaan ba sya o hindi. Madali akong nakakavibes ng masamang aura kaya yung mga pinagkakatiwalaan ko piling pili lang talaga.  Sa pagkakaibigan, lagi kong sinusunod ang pakiramdam ko at ni minsan ay hindi pa ako nagkamali. Kay Souta pa lang ang una, at ang buong Maeda Mora.

Sandali kong pinagmasdan ang envelope. Kanino naman kaya ito galing? Binuksan ko at nagulat matapos makita na ang sulat na ito ay galing pala kay kuya Paul mula sa Canada!

Dahil sa pagkasabik na mabasa ang sulat nya, mabili akong tumakbo sa likod ng bahay para doon ko sa garden mabasa. Sa sulat ay ang mga kwento nya sa sarili nya at pati na rin sa iba sa Intricate gang members na naiwan doon noong mga panahon na wala kami. Tapos update rin sa mga bagay na may kinalaman sa gangster business at marami pang iba. Si kuya Paul yung makaluma kumbaga. Sya yung taong mas gugustuhing makatanggap ng snail mail kaysa ang instant message sa internet. Talagang handmade ang sulat nya. Hindi na nakakapagtaka kung bakit sa sobrang ganda, di-calligraphy ang dating.

 "My Beloved Serene. I miss you so much. How's my baby? Tell me Julian is taking care of you because if not, I'm going to kill that bastard."

Gulat akong tumingin sa gilid matapos marinig na may nakikibasa sa binabasa ko. Pero mas lalo pa akong nagulat noong makita si Jace, halos magkadikit ang pisngi namin, wala sa akin ang tingin kundi doon sa sulat na nasa kamay ko. 

"Jace.." inilayo ko yung papel pero nakipag-agawan sya sa akin. Halos namumula na ang mukha ko. Kahit noong nasa Canada pa ako, silang dalawa na ni kuya Zen ay tinuturing na akong baby. Sa totoo lang sa buong gang, si Julian at kuya Paul ang pinakakomedyante. Alam ko naman na kaya nya ako tinawag na My Beloved Serene dahil gusto nya akong asarin. Nahihiya ako baka mabasa nya yung iba pang nakakahiyang pangalan na ibininyag nila sa akin ni kuya Zen noon. 

Naagaw ni Jace sa akin ang sulat. Inaabot ko pero itinaas nya pa lalo. Binasa nya ulit ang iba.

" It looks like we switched places because before, everyone is in here and you're alone in there. But now, I'm alone in here and everyone is there. Seriously? Why the heck did you leave me here?! I wanna cry."

"Jace!" 

Ngumisi sya sa akin. "Secret lover?" Kahit na ba may biro sa boses nya, mararamdaman mo na may kaseryosohan dito. 

"Ha-ha. Nakakatawa." mapakla kong tawa sabay hablot pabalik ng sulat. Maingat ko itong itinupi pabalik sa loob ng envelope nito. "Si kuya Paul 'to, bestfriend ni kuya Zen sa Canada. Kapatid lang ang turing ko sa kanya, wala ng iba." 

Pumasok ako sa loob para ilagay ang baso na pinag-inuman ko sa kusina. Mabuti na lang wala na sila mama. Sinundan ako ni Jace. 

"Eh bakit My BelovedBaby pa nga eh. Ang sweet naman nyang kuya." Kinuha nya ang baso na inilapag ko at dumiretso sa may ref. Nanguha sya ng juice at iyon na rin ang ginamit nyang baso. Tulad ni Niel, madalas din dito si Jace. Tulad ko sa condo unit nya, feel at home na rin sya rito sa bahay. Masaya naman ako na kumportable sya rito. 

"Wala lang yun."

"Ayokong may tumatawag sayong iba na baby o kung ano pa mang kabaduyan. Hindi maganda sa tenga."

Ngitian ko sya. Kumukunot na naman kasi ang noo nya.

"Baduy? Eh paano yung panda?" Eh paano kamo sila Rico at Nathan?

"Unique yun. Espesyal." hinugasan na nya ang baso na pinag-inuman namin. "Ako lang dapat ang pwedeng tumawag sayo nun. Wala ng iba."

"At kung hindi?"

Humarap na sya sa akin. Seryoso ang mukha nya. "All hell will break loose."

I wonder kung bakit buhay pa hanggang ngayon si Rico at Nathan. Kung sabagay, everything has an exception. Iba pa rin kapag kaibigan.

Nagstay kaming dalawa sa loob ng library ng music room ng bahay namin. Matapos ang walang katapusang kwentuhan, inilabas na rin nya sa wakas ang laptop nya. Gagawa kasi kaming dalawa ng presentation para sa company nya. Noong una ayaw nya talaga na humingi ng tulong. Kinulit ko lang sya ng kinulit. Nag-away pa nga kami dahil dito pero buti na lang naayos din namin agad at pumayag na rin sya. Parehas din naman kaming nakabenefit dahil the more na sinasarili nya, the more na kokonti ang oras namin sa isa't-isa. Pero ngayong ishinare na nya, ito na rin ang naging bonding namin. Palagi na rin kaming magkasama ngayon kaya masaya.

Nagpapatulong sya sa akin na magmemorize since iyon naman ang expertise ko. Tapos magprapractice sya sa harap ko ng pagsspeech. Ako ang taga rate ng 1-10. Thumbs-up o thumbs-down. Sa akin dumadaan ang lahat kung pasado nga ba o hindi. Kapag hindi, edit edit na lang tapos revise. Sa halos isang linggo ito ang madalas na ginagawa namin. Minsan sa condo nya pero minsan dito sa bahay. Kapag sa school naman, sa rooftop ang tambayan namin.

"Evaluating the business economic status from the first couple of months, the changes had drastically proven that the standing status of the company--"

"Wow masyadong deep." putol ko sa sinasabi nya. "Hindi ba pwedeng simple english with a twist? Para kasing ang haba rin eh. Iklian na lang kaya natin tapos straight to the point na para walang paligoy ligoy? Parang yung ganito, 'For the first few months, the economic status has flunked down.Flunked down? Sinabi ko ba talaga iyon? Natatawa ako sa sarili kong kalokohan. Huminto ako saglit... nag-iisip. "Like a crashing plane falling from the sky. Like a heavy leaves falling in the pavement with a loud thud. Oh economy! Why are you planking?" sabay wagwag ko ng kamay sa hangin na parang tumutula. Partida pa iyon, full of emotion.

Ibinaba nya ang minememorize na papel bago tumingin sa akin.

"Planking? Really?" Napailing sya sabay takip ng mukha. Pinigilan nyang wag tumawa pero hindi sya nagtagumpay. "Serene business ito kaya dapat formal language. Pinahaba mo lang din naman eh."

"Mas maganda kaya. Full of emotions," pabiro akong bumelat. "hindi boring."

"Ayan ka na naman eh, ginagawa mo na namang poetry. Wala tayo sa english class."

"Atleast yung point nandoon. Straight to the point pa rin." Talagang ipinaglalaban ko pa rin ang gusto ko. Natawa na lang sya sa dahilan ko. Sandali ko syang tiningnan bago ako nakitawa. "Joke lang. Pinapatawa lang kita. Kung nakikita mo lang siguro yung mukha mo kanina kamukha mo si El Torro. Wag stress. Chillax lang. Everything will fall into place."

Tumayo ako sa kinauupuan ko at hinawakan sya sa mga magkabilaang balikat. His shoulders was so rigid. Tense na tense sya habang nagsasalita kanina. Siguro dahil na rin sa pressure na nakabinbin sa balikat nya dahil sa kumpanya nila. Kung ganyan sya paano nya matatalo si Pietr?

Sandali ko syang hinalikan sa ilong. "Good luck kiss." kindat ko sa kanya. Bumalik ako sa upuan ko. Nakatayo pa rin sya sa harap ko tulad kanina.

"Sa ilong lang? Hind pwede sa lips?" pasimple nya itong itinuro.

"Why not? Basta ba galingan mo. Malay mo higit pa roon ang ibigay ko?" Kinindatan ko sya ulit at parang nagliwanag ang mukha nya. Sa buong session practice na yun, hindi na sya tense. Mas may energy na sya kaysa kanina at mas buhay na buhay. At lahat ng iyon ay dahil daw sa kiss.

Minsan ko ng tinanong sa kanya kung nagsimula na ba ang tungkol sa advertissement na pinirmahan nya kay direk Ronnie. Sabi nya nadelay raw ng ilan pang araw ang simula dahil may biglaan daw na inasikaso si direk Ronnie. 

"Serene tingnan mo 'to," matapos ilang minutong pagbrebreak ay kasalukuyan na kaming tumitingin ng car photo designs since ito naman ang negosyo ng kumpanya nila-- ang magbenta ng kotse. Isa pa, kailangan nya rin ito sa presentation nya. "any comment for this car?"

Tumabi ako sa kanya sa may sofa. Pinagmasdan ko ang kotse na sinasabi nya. Kulay blue ito at may maangas na porma. Ang talim ng pagkakagawa ng bawat sulok ng salamin. Parang pang racing.

Sa totoo lang hindi ako fan ng kotse. Gayunpaman, hindi naman sarado ang isip ko sa pag-aaral ng mga bagong kaalaman. Kaya salamat kay Jace unti unti na rin akong natututo.

"Hindi maganda. Hindi ko sya gusto. Parang kapag yan ang ilalabas mo masyadong garbo. Tingnan mo o, sa materyales pa lang mukhang mamahalin na. Dapat ang gawin nyo, yung kotse na maganda ang kalidad na tulad nyan pero abot kaya ng masa. Alam mo yun? Kapag ganunang ginawa nyo mas marami ang bibili."

Nagpakita pa sya ng maraming picture examples at nagdebate kami. Galing ang mga litrato sa artists nila na nagpapasa ng design proposals. Kung gaano karami ang napagkasunduan namin, ganun din ang hindi. Pero sa huli natatawa na lang kami sa sarili. Para kasi kaming timang.

Nag-excuse muna ako para sa washroom. Alam mo na, minsan talaga si mother nature sadyang panira ng moment sa mga oras na tulad nito.

"Serene may nakita ako! Nasaan ka na?"

Nakalimutan nya lang ba na nagpaalam ako? Sabagay noong sinabi ko yun seryoso sya sa pagsscrolldown sa computer nya. Nakalimutan na yata agad ng mokong na kapapaalam ko lang.

"Nasa banyo!" sigaw ko pabalik. Mabuti na lang may sariling banyo ang music room namin sa bahay.

"Dali na, dali! May ipapakita ako sayo!"

"Wait a minute! Kapeng mainit!" Halos takbuhin ko pabalik kung nasaan man sya pagkatapos kong maghugas ng kamay. Minsan din kasi masyado syang atat. "Ano ba kasi yun?"

Tapos may ipinakita sya sa akin na picture ng perfect car pinag-uusapan namin. Yung simple lang, dekalidad, pero abot kaya para sa mga simpleng tao. Napa-'oooh' na lang ako sa kinatatayuan ko. Puno ng mangha sa aking mukha. Buti na lang nahanap na nya!

"Nakajackpot ka polar. Bilib na talaga ako sayo. Ang galing mo!" sabi ko sabay yakap sa kanya Parehas kaming naghigh five sa saya.

"Nasaan na yung prize ko?" tanong nya. Bago pa man ako makasagot bigla nya na lang akong hinalikan sa may labi.

"Sandali! Mayadong excited? Hindi pa ako ready!" Biro ko pero hindi nya ako pinakinggan.

Inilayo ko ang mukha dahil tawa ako ng tawa. Hindi naman ako makalayo sa kanya dahil hawak hawak nya ang bewang ko. Sa bawat pag-iwas ko ng mga labi ko pilit naman nya itong hinahabol. Pinanggigigilan nya ako na parang stuff toy. Hindi pa sya nakuntento dahil kiniliti pa nya ako ng kiniliti.

"Sandali! T-tama na! Hindi na ako makahinga!" Wala nang ibang lumabas sa bibig kundi tawa. Isang milagro kung tutuusin na nakapagsalita pa ako. Noong nakawala ako tumakbo ako palayo sa kanya. "Taym perst!" sabi ko sabay gawa ng tym perst sign sa kamay ko. Pinunasan ko ang noo ko na pinagpapawisan na pero hindi ko pa rin maalis ang tawa ko.

May sumilay na mapaglarong ngisi sa mukha nya. "Ah. Gusto mong makipaghabulan?" Halos nanlaki ang mga mata ko noong makita na dahan dahan syang lumalapit sa akin na para bang isang leon na handang atakihin ang biktima nya. Lumayo ako panay pa rin ang pagsabi ng 'taym perst' pero parang wala naman syang naririnig. Kaya ang nag-iisang paraan na naiisip ko?

Run for your life.

Parang akong timang na nagtitili tili habang tumatakbo sa loob ng music room. Gayunpaman kahit anong takbo ang gawin ko, nahahabol pa rin nya ako. Tawa kami ng tawa lalo na noong nahabol nya ako ulit. Binuhat nya ko sa may bewang mula sa likod sabay ikot. Bukod pa roon pinaulan nya ako ng pinaulanan ng halik, hindi lang sa may labi, pati na rin sa pisngi, sa leeg at sa kung ano pang maabot ng mga labi nya. Sabi nya sa akin parusa ko raw yun dahil sa pagiging matigas ang ulo noong mga nakarang linggo. Noong mga panahon na wala ako sa school at nasa Maeda Mora. Noong mga panahon na wala ako sa piling nya at hindi kami magkasama.

Lumabas kami ng kwarto na magkahawak kamay, hanggang ngayon ay panay pa rin ang kwentuhan namin. Pagdating namin sa sala nagulat kami noong maabutan namin sila Reece at Shane. Halos kadarating lang din yata nila dahil may dala dala silang mga pagkain galing sa Jollibee.

"Wow anong meron? Ang aura nyo kakaiba." Tiningnan kami ni Shane mula ulo hanggang paa. Ang laki laki ng ngiti nya na parang hindi makapaniwala sa nakikita.

"Ano ka ba syempre masaya sila. Magkasama ang dalawang maglovebirds eh!" birong hampas ni Reece sa kanya. Tumango si Shane kay Jace. Meron sa mga ngiti nya na parang nang-aasar.

"Ah sya nga pala, nakita nyo ba sila Kelly? Nagpabili kasi sila nito," ipinakita ni Reece sa amin ang plastik na pagkain na dala.

"Lumabas sila kanina kasama sila tita Jenna at ate Desi." sagot ni Jace. Napakunot noo ako sa kanya.

"Really? Kailan pa?" Parang wala naman kasi akong narinig na lumabas kanina.

"Pagdating ko." tugon nya sa tanong ko. Napaisip ako saglit. Oh kung sabagay, noong dumating sya nasa may garden ako. Kaya siguro kahit todo ang gantilan namin kanina walang nakakarinig. Wala pa lang tao, kami lang.

Tumingin ako kay Jace dahil sa reyalisasyon. Nakangiti na sya akin na parang nahuli na sa kalokohan na nagawa. Kaya pala ganun na lang ang kinikilos nya kanina. Sinamantala nya ang oras habang kaming dalawa lang.

"I love you panda." Iyon na lang ang nasabi nya sabay mabilis na halik sa mga labi ko. Binatukan ko na lang ang mokong dahil sa kalokohan nya.

"Naku, naku! Mamaya nyo na yan ipagpatuloy. Kainin na lang natin 'to kung ganun!" tuwang tuwa na sambit ni Reece, hinila nya ang kamay ko.

Dumiretso kami sa may kusina sabay prepare ng mga pagkain sa mesa. Si Shane at Jace hindi na nakapaghintay, una nilang nilantakan ang manok bago pa man kami makapwesto ni Reece.

Nagkwentuhan kaming apat habang kumakain. Pero sa totoo lang parang kami lang ni Reece ang nag-uusap dahil ang dalawa naming kasama ay may sariling mundo. Hinayaan na lang namin sila. Natatawa na lang kami ni Reece habang pinagmamasdan silang kumain.

"May nakita akong promo para sa pagpapamanicure at papedicure. May nail art ding kasama at maganda yung deal! Sama ka Serene, isama rin natin sila Kelly at Nyree. Siguradong magiging masaya yun!"

"Nah." iling ko sabay inom ng rootbeer na paborito ko. "Alam mo namang hindi ako mahilig dyan. At saka, di ba may pasok sila Kelly sa araw na yun? Wag na yun."

Isinubo ko ang isang fries sa bunganga ko. Noong naubusan ako ng ketchup, nakisawsaw na lang ako sa pinggan ni Jace na abala rin sa pakikipagkwentuhan kay Shane.

"Sige na, sige na! Minsan lang naman eh. At saka kung hindi pwede sila Nyree, eh di mag-isa na lang ako. Gusto kong may kasama. Ang pangit na rin kasi ng mga kuko ko." sabay hipan at linis nya ng kuko. Sa tuwing ginagawa nya yun, iisa lang ang pumapasok sa utak ko. Si Clarisse.

Speaking of. "Reece noong nandun ba ako sa ospital pumapasok na ba si Clarisse sa Princeton?" Bukod sa sinabi sa akin ni Jace na okay lang daw sya matapos ang kaguluhan doon, wala na akong balita sa babaeng yun.

"Malay ko roon. Wala naman akong pakialam sa babaeng yun eh." Hindi na ako magtataka. Katulad nila Nyree at Kelly, ayaw pa rin nila si Clarisse hanggang ngayon dahil sa mga ginawa nya sa akin noon.

Pero kamusta na kaya ang malditang yun? Kailangan ko rin syang makausap tungkol kay Souta.

Magmula noong mangyari ang aksidente, pinagrest muna ako nila Jace, Julian at Niel tungkol sa problemang iyon. Sabi nila sila na raw ang bahala sa mga traydor na yun, wala na raw akong dapat ipag-alala. Ilang beses namin itong pinagtalunan pero sa pinagsamang pwersa nilang tatlo, natalo ako.

Ngunit hanggang ngayon hindi pa rin talaga ako makapaniwala na wala na si Blow. Sayang silang dalawa ni Gun. Sayang ang kakayahan ng BlowGun twins para lang mapunta sa maling mga kamay.

"Ah! Kung gusto mo, isama na lang natin sya! Sasama ako kapag sasama sya!" Hindi ko alam kung bakit ko sinasabi 'to gayunpaman, bigla akong nanabik sa ideya na marinig na naman ng reklamo ni Clarisse tungkol sa kung gaano ka-cheap ang mga bagay bagay. Hindi ako naiinis sa mga reaksyon nya at patutsyada. Ang totoo nyan, natatawa pa nga ako.

"What? Are you sure? Alam mo nagtataka na ako sayo ah. Bakit ba bukambibig mo na lang ang pangalan ng babaeng yun? Nakulam ka ba nya noong nandoon kayo sa Maeda Mora?"

Natawa na lang ako sa komento nya. Sabihin na lang nating, nakita ko ang tunay na sya habang nasa misyon kami. And its not that bad, really.

"O kaya," sinenyasan nya ako para lumapit sa kanya. May ibubulong yata. "Isama na lang natin sila Jace at Shane! Pilitin mo si Jace ah para masaya!"

Natawa ako sa iniiip nya sabay balik sa inuupun ko. "Sira! Siguradong ayaw nila yun noh. Lalo na sya!" Tawa na sya ng tawa ngayon.

"Kaya nga pipilitin diba?"

"Nope."

"Sige na, please?"

"Nope, nope." Alam ko naman kasing hindi nya magugustuhan yun. Sa tingin ko ganun din si Shane. Girls are girls. Guys are guys. Magka-ibang species iyon.

"O kaya... Ipahiram mo na lang sya sa akin! Ako na ang bahala sa kanilang dalawa!"

Binigyan ko sya ng tingin. Ano bang mga naiisip nya? Weird.

"Nope. Hindi ako nagpapahiram. Kung akin, akin lang. " walang paliguy-ligoy kong sagot habang nakatitig sa mga mata nya. Madamot ako kapag alam kong akin. At pagdating na sa mga ganitong bagay, hindi na ako nagbibiro.

Isinubo ko ang huling fries na nadampot ko sa pinggan ko.

Inilayo nya ang tingin sa akin sabay tawa. "Joke! Ito naman parang hindi mabiro!" sambit nya noong ibalik ulit ang tingin sa akin.

Bakit parang iba ang feeling ko sa tawang yun?

"Anong hindi mo ipapahiram?" Biglang sabat ni Jace kaya nalipat ang tingin ko sa kanya. Takang taka ang mukha nya tungkol sa kung ano nga ba ang tinutukoy ko.

"Napakaseryoso mo kanina habang sinasabi yun." sita ni Shane habang sumusubo ng fries. "Possessive."

"Nakikinig kayo?" gulat na wika ni Reece. "Ang sama! Girl talk yun!"

"Hindi naman, nasagap lang namin noong natapos na yung topic na pinag-uusapan namin." pagrarason ni Shane, nakitawa na lang si Jace. Sandali kong pinagmasdan ang pagtitig ni Shane kay Reece. Nakikita ko si Jace sa kanya kapag nakatingin sa akin.

"Wala yun." sabi ko sa dalawa.

Pasimple akong humusog sa tabi ni Jace. Hinawakan ko ang kamay nya sa ilalim ng mesa. Ngumiti sya sa akin.

"Sabi nyo eh." kibit balikat ni Shane. Inoffer-an ako ni Jace ng fries noong makita na ubos na ang akin. Pasimple ko naman itong tinanggihan dahil busog na ako sa fries. Gusto ko iba naman. Ipinagpatuloy ulit nila ang usapan nila at ganun din sa amin ni Reece.

"Kain pa tayo?" alok ni Reece sa palabok. Sabik ko naman itong tinanggap dahil alam nyang ito ang paborito ko.

Gayunpaman, hindi ko maiwasang di maialis ang tingin sa kanya. Parang may something na hindi ko mapin-point kay Reece. Parang may kakaiba.

♥♥♥

A/N: Have a wonderful day Listeners! 

OLE! 

-wistfulpromise

Continue Reading

You'll Also Like

2.7M 71.5K 47
Eerrah Ferrer loves causing trouble to the extent, sending students to Hospital does not bother anymore in order to get another expulsion from her cu...
2.7M 102K 75
Sypnosis Andilyne Dave was just a typical senior highschool student. Lumaking mag isa at namuhay ng tahimik. Not until his father surprised him one d...
1.1M 35.3K 61
Maxreign Ezriel always watch her brother's friend, Bullet Knights, from afar. Supporting him silently and loving him will all her heart even if he do...
56.4M 1.2M 127
Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization...