Nerd in Section ANGAS

By QueenHeartShaker

774K 30.2K 8.5K

[Highest Rank Achieved in Teen Fiction: #6 (4/29/18)] [Highest Rank Achieved in Friendship: #1] Isang grade c... More

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27: Happy Valentine's Day Chappy
CHAPTER 29: PART 1
CHAPTER 29: PART 2
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56

CHAPTER 28

12.8K 552 137
By QueenHeartShaker

Wala sa sarili kong iniinom ang Chuckie ko habang pinagmamasdan ang mga estudyanteng nagkakalat sa paligid.




May gusto ka sa akin Ash?




Aish! I shook my head hardly. Naalala ko na naman ang kabaliwan ko kahapon! Di ko mapigilang mapasabunot sa sarili ko. Ang baliw ko naman kasi. Bakit ko naman yun tinanong kay Ashton?




*Flashback*


Nasa tapat na kami ng bahay lulan ng kotse ni Ashton. Gaya nga ng sinabi niya, hinatid niya ako, and take note hindi na ito panaginip. Bababa na sana ako nang magsalita siya.

"Umm. About what you asked earlier---

"Wahhh!" tili ko na nakapagpalukso kay Ashton dahil sa gulat. Bakit niya kasi pinaalala?!

"Mix---

"Ah! H-hehe! Y-yun ba?" I stuttered, "Kalimutan mo na lang yun Ash! Galing ako sa tulog tapos may napanaginipan pa ako kaya kung ano-ano na lang ang lumabas sa bunganga ko. Hehehe."

Akala ko naman kasi totoo yung nagkasabay kaming maglakad ni Ashton para ihatid niya ako. Akala ko totoo yung Pokemon with freebies na binili niya sa akin. Akala ko totoo yung umamin siyang gusto niya ako. Pero panaginip lang pala ang lahat! Nakakahiya ka Mixhee! Ang ewan mo talaga kahit kelan!

"You asked---

"W-wag mo na lang yun sagutin! Hehe. Wala pa ako sa katinuan nun eh. Kalimutan mo na lang," natataranta kong pagpuputol sa sasabihin ni Ashton.

Ashton just stared at me. Nagkatitigan kami habang binalot ng katahimikan ang atmosphere namin. Awkward. Napatungo siya tyaka napabuntong-hininga.

"Ganun ba?" he smiled nang tumingin na siya ulit sa akin.

Ilang ulit akong tumango-tango para lang makumbinsi siya.

"Sige na! Bye Abo! Ingat! Salamat ulit!"

Tumakbo na ako sa loob ng bahay nang walang lingon-lingon dahil ayoko ng mapahiya pa ulit. Dumiretso ako sa kwarto at nagkulong. Sa susunod kasi Mixhee, wag padalos-dalos. Ibahin mo ang panaginip sa reyalidad.


*End of Flashback*




"Baliw. Malamang 'no' ang sagot niya. Duh! Paano ka naman magugustuhan nun?" I groaned.

"Ang lalim ng iniisip ng best friend ko ah."

Natigilan ako sa pagkakasapo sa mukha ko nang may biglang tumabi sa akin.

"A-Aki?"

Inakbayan ako ni Aki gaya ng nakagawian niya kapag nagkakasama kami. Ito na naman ang puso ko. Parang ewang tumitibok-tibok kapag nagkakadikit kami.

"Yieee! Sino yang iniisip mo Mix? Ayiee. Ikaw ha," sinundot-sundot niya ako sa tiyan dahilan para marahan kong tapikin ang kamay niya.

"Tss. Paano mo naman nasabing sino? Yung report natin sa Science ang iniisip ko," pagsisinungaling ko. Hindi naman niya agad ako sinagot. He narrowed his eyes as if he's giving me that 'weh-di-nga look'.

"Lokohin mo na ang lahat, wag lang ako Mix. Not me," ngisi niya, "You're my best friend. I know you."

Sinabi niya yun habang linalapit ang mukha niya sa akin. My eyes widened. My cheeks burned. Aki! Wag ka ngang ganyan! Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko kaya nilihis ko agad ang ulo ko at umusog ng konti.

"Report nga sa Science ang iniisip ko," irap ko.

"Baliw! Malamang 'no' ang sagot niya! Duh! Paano ka naman magugustuhan nun?!"

Namilog ang mga mata ko nang gayahin ni Aki ang mga sinabi ko kanina. He imitated me pero sobrang exaggerated naman ang pagkakagaya niya. Hindi kaya ganun ang boses ko! Tyaka ang OA talaga ha.

"Narinig mo yun?!"

"Pffft. Hahahaha! Malamang! Nasa likod mo lang ako eh," tawa niya na nagpapula sa pisngi ko dahil sa kahihiyan, "Kanina pa kita tinitignan mula sa malayo. Wala ka sa sarili mo tapos bigla-bigla ka na lang mapapasabunot o di kaya mapapasapo sa mukha mo. Nag-alala ako kasi akala ko nababaliw ka na kaya linapitan kita. Hahahaha!"

"Aishhh!" I covered my blushing face, "Eavesdropper!"

"Hahaha! Hindi ako nag-eavesdrop Mix."

"Aish! Aki naman eh!"

"Hahaha! Ayieee! Namumula na si Mixhee! Sino ba kasi yun? Ayieee," kiniliti niya ako ng kiniliti.

"Hahaha! Aki! Nakikiliti ako! Stop it!"

"Nope, unless sabihin mo sa akin kung sino yun," ngisi niya.

"H-hahaha! Tama na--- hahaha! Please--- hahaha! Aki---

"Looks like you two are having fun."

Huh?

Agad kaming natigilan ni Aki dahil sa nagsalita sa likod namin. Pinahid ko muna ang namuong luha ko sa mata dahil sa katatawa. Sabay kaming dalawang napalingon at doon namin nakita si Ashton. He is just staring blankly at Aki with his hands on his pockets.

"Uii Ashton! Andyan ka pala," Aki chuckled habang humabol ng sundot sa tiyan ko para ako makiliti.

"Pfft. Aki ano ba," hampas ko sa kanya, "Hello Abo! Kanina ka pa---

"Nakontak ko na ang gang," Ashton coldly said, "Let's go."

Hindi na niya hinintay si Aki na sumagot. Basta na lang niya kami tinalikuran at naglakad siya palayo. Ngiting-ngiti pa ako noong makita ko siya pero di man lang niya ako tinapunan ng kahit isang tingin. Parang nalungkot tuloy ako nang matitigan ko kanina ang mga mata niya. Those hazel eyes were so cold.

"Uii! Aboooo!!!" sigaw ko pero di man lang niya ako liningon. Huhu! Anong problema nun? Kahapon lang sa library nag-aasaran pa kami eh.




*pout*




I heard Aki sighed.

"Aalis muna ako Mix ha?"

"Sige," I smiled. Ginulo niya ang buhok ko tyaka siya umalis. We waved at each other.

Noong makaalis na siya hindi ko mapigilang mapangiti ng sobra. Ilang araw na rin kasi ang lumipas na hindi kami nakapagkulitan ni Aki. Namiss ko siya.

Mukhang may meeting ang gang nila Aki. Kaya siguro hindi ko na nakita ulit sila Clint, Luhan, at Collosus after ng class dahil sa gangster stuffs na dapat nilang asikasuhin.

Mag-isa na naman ako. Ang tahimik ulit. Ganito pala kapag wala yung lima. Walang maingay, makulit, at magulo. Waahh! Namimiss ko tuloy ang boys. Hmp. Tapos si Ashton parang wala pa sa mood kanina. Di man lang ako nginitian o pinansin. Ang moody talaga ng lalakeng yun. Galit ba yung Abong yun sa akin? Ano naman kaya ang nagawa ko? Hindi ko naman siya masyadong naasar ngayong araw.

Dahil nabo-bored ako, tumayo na ako sa bench. Aalis na sana ako sa cafeteria nang makita ko si Bella.

"Bella!" tawag ko.

Napalingon  sa akin si Bella kaya kinawayan ko siya pero tinalikuran niya lang ako. Lalapitan ko sana siya kaso dali-dali siyang umalis at naglakad palayo.

"BELLA!" linakasan ko pa ang sigaw ko pero hindi niya talaga ako liningon.

Sinubukan ko siyang habulin kaso ang layo na niya tyaka ang bilis pa niyang maglakad hanggang sa nawala na siya sa paningin ko. Bakit hindi niya ako pinansin? Galit ba siya?

Mag-isa na nga lang talaga ako. Sanay akong maging loner pero simula nang makilala ko ang mga boys at si Bella, na-realize kong ang lungkot palang mag-isa.




*beep*




Kinuha ko ang cellphone ko para i-check.




3 new messages




Una kong binasa ang kadarating lang na text. Napangiti ako ng todo nang makita ang number ni Aki.




[From: Aki
Hatid na kita mamaya Bella ^___^ . . .]




Dahan-dahang napawi ang ngiti ko sa labi. I bit my lips the moment I felt the sting on my chest. Huminga ako ng malalim para naman mabawasan ang bigat na naramdaman ko.

Dati, ako lagi ang nakakatanggap ng ganyang text galing kay Aki. Ngayon, hindi na. Ang masakit na-wrong send lang siya sa'kin. I just shrugged at dinelete na lang ang text niya




2 missed call




2 new messages




[From: Abo
Hey?]




[From: Abo
Want to go somewhere?]




Lahat ng missed calls at texts ay nanggaling naman kay Ashton. Kanina pa ang mga text niya sa akin. Yung missed calls naman niya ay noong nasa bench pa ako. Waahhh! Hindi ko man lang nasagot dahil lutang talaga ang isip ko kanina, tapos dumating pa si Aki para ako kulitin.

Kaya ba ako pinansin ni Ashton kanina kasi hindi ko rin napansin ang mga tawag at text niya? Wahhh! Magso-sorry na nga lang ako kapag magkita kami.

Lumabas na ako ng school. Bibili na lang ako ng ice cream para mabawasan ang lungkot ko. Nakatayo na ako sa kanto habang naghihintay ng tamang tyempo para makatawid. Tatawid na sana ako nang biglang may pumagitna sa aking dalawang lalake at sinabayan akong maglakad. Tumingala ako sa kanila dahil ang weird ng kinikilos nila. Mga manderekwat 'tong mga ito noh? Tsk. Tsk. Tsk. Iba na talaga ang panahon ngayon.

"Kuya, estudyante lang po ako. Wala akong pera ngayon, pambili lang ng ice cream, kaya wag niyo na pong ituloy ang binabalak niyo," magalang kong sabi.

"Ikaw ba si Mixhee Salvador?" tanong ng lalakeng nasa kaliwa ko.

"Paano niyo po nalaman? Stalker kita noh---

"Wag kang kikilos."




*gulp*




Parang humiwalay ang kaluluwa ko nang makaramdam ako ng malamig na bagay na tumusok sa likod ko. Hindi ako tanga, alam kong kutsilyo ang nakatutok sa akin ngayon kaya kumabog na talaga ang dibdib ko sa kaba.

"K-kuya, a-ano po ang k-kailangan niyo sa a-akin?" I stuttered. Pinigilan ko ang nagbabadyang luha ko dala ng takot.

"Umarte ka lang ng normal. Hindi ka namin sasaktan kapag sumama ka sa amin ng matiwasay," sabi naman ng nasa kanan ko. I nodded nervously.

Nakita ko si Ate Leian at Kuya Iggy na masayang kumakain ng street foods sa kabilang kanto. Gusto ko sana silang tawagin para humingi ng tulong pero wala akong magagawa. Ayoko pang mamatay, ang bata ko pa. Ni hindi ko pa natupad kay mama ang pangako kong makapagtapos ng pag-aaral.

Dinala nila ako sa isang eskinita kung saan walang taong dumadaan. Tumigil kami sa harap ng isang van. Gusto ko na talagang umiyak dahil takot na takot ako sa mga susunod na posibleng mangyari sa akin.

"Sakay," utos ng lalake.

"Ayoko po!"

Sinubukan kong magpumiglas at tinapakan ko ang mga paa nila. Nagulat sila sa ginawa ko kaya nabitawan nila ako. Kumaripas ako ng takbo pero hindi pa ako nakakalayo ay may humila sa buhok ko.

"A-aray!"

"Tatakas ka pa ha!"

Binuhat ako ng isang lalake at tinakpan agad ang ilong at bibig ko ng panyo. I smelled something na unti-unting nakapagpahina sa akin hanggang sa dahan-dahan ng bumigat ang talukap ng mga mata ko. Everything went black at tanging paghalakhak ng mga lalake na lang ang narinig ko.

"Nasa amin na siya boss."




~~~




Nagising ako kasabay ng pagsakit ng ulo ko. Napadaing pa ako sa kirot. Ilang beses akong nagpakurap-kurap bago tuluyang bumuti ang paningin ko. I roamed my eyes. Mga naglalakihang kahon at kung ano-ano pang mga bakal ang nakikita ko sa paligid. Iilan lang ang ilaw sa luwag ng lugar na ito, isa sa mga ilaw ang nasa ibabaw ko.

"Anong ginagawa ko rito?" I asked myself.

Sa isang iglap, naalala ko ang lahat ng mga nangyari. Bumalik na naman ang kabang bumalot sa buong sistema ko kanina. Dinukot ako ng mga lalake. Kailangan kong makaalis dito. Sinubukan kong tumayo pero laking gulat kong nakakadena pala ang kanang paa ko sa isang poste.




*sob*




Hindi ko na napigilang lumuha. May mga lalakeng armado ang nagkakalat sa area. Ang nakakapagtaka, bakit naka-masquarade mask sila? Hindi ko alam kung bakit nila ako dinala rito. Sa pagkakaalam ko wala naman akong nagawan ng atraso sa kahit sino. I feel scared and helpless.

"Mama *sob*, Ate Leian *sob*," I whispered between my sobs.



Lord, help me please.




I was in the middle of praying mentally nang may matadyakan ako. Binuksan ko ang mata ko at laking tuwa ko nang makita ko ang bag ko sa di kalayuan. Tiningnan ko ang mga lalake at mabuti namang malayo at hindi sila nakatingin sa akin. Pasimple kong inabot ang bag ko at kinuha agad ang cellphone ko. I dialled ate and mama's phone pero hindi ko sila ma-contact. Sinubukan kong i-diall ang number ni Aki.




*ringgggg*




"Yes!" Mahina kong sambit, "Please Aki. Please answer the phone."




*ringgggg*




"Parating na si boss."

"Aish!" I groaned. Tinago ko agad ang cellphone at tinadyakan palayo ang bag ko. Tumungo ako at nagtulog-tulugan.

"Ano kaya ang plano ni boss sa babaeng yan?"

"Ewan nga eh. Basta sigurado akong may bonus tayo nito."




*gulp*




Kung ano man ang binabalak ng sinasabi nilang boss sa akin, kailangan ko na ngang makatakas dito. Ayoko pang mamatay, may third periodical exam pa kami. Pagkalagpas ng mga lalake sa akin, agad kong diniall ulit ang number ni Aki.




*ringgggg*




Kainis! Bakit ayaw niyang sagutin?!




*ringgggg*




"Aki naman *sob* please *sob* sagutin mo," iyak ko. Nanginginig na rin ang mga kamay ko sa tagal ng pagsagot ni Aki sa tawag ko. Ito na lang ang pag-asa kong makahingi ng tulong. Aki needs to answer my call!




*ringgg---




"Aki!" I exclaimed nang masagot na rin sa wakas ang tawag ko. Napanatag din ng konti ang kalooban ko kahit papaano, "Aki?"

Hindi pwedeng malaman ng mga dumukot sa akin na nakakatawag ako ngayon. Hinintay kong magsalita si Aki, pero ang tahimik ng kabilang linya.

"H-hello Aki!" I whispered.

There's still no response on the other line. Napatingin tuloy ako sa cellphone nang wala pa ring nagsasalita. Sinagot naman niya ah? Pinapakinggan lang ba ako ni Aki? Tanging paghinga lang ang naririnig ko.

"A-Aki *sob* magsalita ka naman *sob* p-please!" hindi ko na napigilang mapaiyak ulit dahil sa kaba. Baka ako abutan ng mga lalake, "Tulungan mo ako *sob*. Dinala ako ng mga lalake dito sa isang abandonadong lugar. Lahat sila nakamaskara. Natatakot ako *sob* Aki."

Tuluyan na akong napahagulgol. Paano kung patayin nila ako? I don't want to die yet. Ang dami ko pang gustong gawin.




[What?!]




Natigilan ako nang marinig ko ang pamilyar na boses sa kabilang linya. Hindi siya si Aki, I know this voice.

"Ashton?" nagtataka kong tanong. Number naman ni Aki ang diniall ko. Bakit siya ang may hawak ng phone ni Aki?




[Damn!]





"P-please *sob*. I need you," I cried.

Nakarinig ako ng pagkalampag ng mga gamit sa kabilang linya.




[I'll be there---




"Hoy babae!"

Nasubsob ako sa sahig nang makatanggap ako ng isang malakas na sampal mula sa lalakeng nakaabot sa ginagawa ko. Pinanlilisikan niya ako ng mata na mas ikinatakot ko. Sunod-sunod na ang hagulgol ko. Ito na ba ang katapusan ko?

"Tatawag-tawag ka pa ha?!" agad niyang hinablot ang cellphone ko at tinapon niya iyon.

Tumungo na lamang ako at napadaing sa sampal niya sa akin.

"K-kuya *sob* pakawalan niyo na po ako," yan na lang ang tangi kong nasabi.

Napapikit na ako at nagdasal sa Diyos na iligtas niya ako sa kapahamakan.

"K-kuya *sob* pakawalan niyo na po ako," panggagaya niya sa akin.

Naghalakhakan ang mga lalakeng nakapalibot sa aming dalawa.

"Ano kailangan niyo sa akin?!" bulyaw ko sa kabila ng pag-iyak ko.

"Sinisigawan mo kami?! Gusto mong mamatay?!"

Nanlaki ang mga mata ko nang tutukan niya ako ng kutsilyo. Napailing ako at mas lumakas pa ang iyak ko. Pinagtawanan lang ulit nila ako. Tuwang-tuwa silang umiiyak ako sa takot. Sana panaginip lang ito.

"Tumabi kayo!"

"Boss!"

Yumuko ang mga lalake sa bagong dating.

Nakaramdam ako ng papalapit na hakbang patungo sa akin. Agad na nagsigilid ang mga lalakeng nakapaligid sa akin kanina. Napako ang mata ko sa dalawang pares ng paang tumigil sa harap ko. Nang mag-angat ako ng tingin, nagkasalubong ang mga mata namin.

"You do look like your father," the man chuckled.

Nakamaskara rin siya, pero kulay ginto ang sa kanya. Napakunot ang noo ko. Paano nasali ang papa ko rito? Five years old pa lang ako noong mamatay si papa dahil sa stroke. May atraso ba siya sa lalakeng ito?

"I bet he'll be so glad to see her daughter," wika niya sabay tapon ng upos niyang sigarilyo, "Yun ay kung makita ka pa niyang buhay."

Lumakas na naman ang kabog ng dibdib ko habang tinitignan ang sigarliyong tinatapak-tapakan at pinanggigilan niya.

"Anong ibig mong sabihin? M-matagal ng *sob* patay si papa."

"Bwahahaha! Talaga nga ba?" halakhak niyang nakapagpatayo ng mga balahibo ko, "Dalhin niyo siya---

"Don't dare to touch her!"

Lahat kami ay nagulantang sa biglang sumigaw. Nastatwa na lang ako nang bumagsak ang lalakeng sumampal sa akin kanina sa harapan ko. He's unconscious.

Biglang nagkausok ang paligid dahilan para mapaubo ako. Nagkakagulo na ang buong paligid. Wala akong makita, tanging mga putukan at sigawan lang ang naririnig ko.  Napatakip na lang ako sa tenga ko at umiyak ng umiyak.

"Shit!" the man with a golden mask hissed.

Mariin niya akong tinignan. Akmang lalapitan niya ako nang mabaling ang kanyang atensyon sa ibang direksiyon.

"Shit! Ano ang ginagawa ng mga iyan dito?!"

Sinundan ko ang tingin niya at mula sa usok ay lumantad ang grupo ng mga nakaputing lalakeng armado. Naalala ko ang gang nila Aki, pero mukhang mas matatanda nga lang ng ilang taon ang mga lalakeng ito kesa sa kanila.

"Halughugin ang buong paligid!" sigaw ng lalakeng nangunguna sa kanila. May peklat siyang ekis sa mukha. Sa tindig pa lang niya ay sumisigaw na ito ng awtoridad. Naghiwa-hiwalay sila. Liningon ko ang lalakeng may gintong maskara pero wala na siya. Nawala na lang siya na parang bula.

Binalik ko ang paningin ko sa mga lalakeng nakaputi. Hinanap ko ang limang mga lalakeng may makukulay na buhok. Hindi ako nabigo, nahagilap ko silang nasa likod at nakasunod sa lalakeng may peklat sa mukha.

"Mixhee!" sigaw ni Aki.

Pilit kong ngumiti sa kanila sa kabila ng panghihina ng katawan ko. Nagtakbuhan sila papalapit sa akin. Agad kinalikot ni Luhan ang kadena sa paa ko hanggang sa makawala na rin ako.

"B-boys *sob*."

Hindi ko na napigilang bumuhos ang luha ko sa tuwa nang makita ko silang lahat.

Sinubukan kong tumayo para yakapin sila kaso nanghina ang mga tuhod ko. Babagsak na sana ako nang maramdaman kong may kamay na humapit sa bewang ko at sinalo ako.

"Ashton."

Nagtagpo ang mga mata namin sa pagkakataong iyon. Ang malamig niyang mga mata kanina, ngayon ay napalitan na ng pag-aalala. Napangiti na naman ako. I'm happy to see him.

"Ako na ang bahala kay Mixhee," sabi niya sa apat. Nagtanguan naman sila.

Dahan-dahan niya akong binuhat while I weakly smiled.

"Abo," tawag ko. Mahina na lang ang boses ko dahil sa pagod ng buong katawan ko, "Bati na ba tayo?"

Natigilan si Ashton sa paglalakad at tiningnan ako. He flashed a smile that made me feel at ease.

"Yeah," sagot niya tyaka siya nagpatuloy sa paglalakad.

I'm too exhausted. Siniksik ko ang sarili ko sa kanya at pinikit ang mga mata ko. Bago ako tuluyang mawalan ng malay, I want to tell him something.

"Thank you for being my knight in shining armor," I whispered before I pass out.




ASHTON'S POV


"Thank you for being my knight in shining armor."

I stared at the most precious girl sleeping peacefully on my arms. I placed her gently on the passengers seat. I can't help but to be mesmerized as I wipe the tears on her cheeks.




*dugdug*




*dugdug*




*dugdug*




My heart beats fast whenever she's around. My stomach tickles whenever my skin touches hers. The feeling is weird but I'm loving it.

I put the strands of her hair at the back of her ears.



"I'm willing to be a knight in shining armor just to save my princess."


***

| QueenHeartShaker 💓 |

Continue Reading

You'll Also Like

28.2M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
17.4K 536 43
Ekaanta Amora Flores, Ang babaeng tahimik at parang hindi nage-exist sa school. Walang mga kaibigan. A girl who loves being alone, she doesn't care i...
23.1K 1.2K 18
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...
1.2M 28.1K 57
Jethro Ephraim Silvano is one of the dangerous person you will encounter. He's also a smart and talented person. Everyone likes him because he's almo...