Villareal #2: Burning Flowers

By cinnderella

6.2M 190K 85.9K

Fiore More

Burning Flowers
Chapter 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Wakas

Simula

358K 6.4K 4K
By cinnderella

I write typical and predictable stories. If your taste is unique, you can't find it here. I'm not a professional writer and still learning, I am not here to please you. I just simply wanna share for FREE. So please, if you're a perfectionist who wants to read a very clean novel with perfect grammar and plot, leave my works.
•••

#BF0

I smiled at my reflection in front of the tall wide mirror, marahan akong umikot habang hawak ang magkabilang dulo ng aking dress gaya ng ginagawa ng mga prinsesang nakasuot ng gown sa Disney movie. Mas lalong lumawak ang ngiti ko nang muling makita ang itsura sa repleksyon.

"Wow! You're really pretty, Fab!" manghang sinabi ng pinsan ko na nakaupo sa aking kama habang pinapanuod rin ang repleksyon ko.

"You don't need to tell it, Rose." I rolled my eyes. "I can clearly see my reflection! Duh!"

Napairap siya at tumawa.

"But then your attitude won't make you pretty." she laughed loudly, insulting.

Hindi ako nainsulto, ngumuso ako at tiningnan siya sa repleksyon. Bumungisngis siya na tila iyon ang gustong gawin, ang insultuhin ako sa sinabi.

"What if I'm kind but ugly? Ikagaganda ko ba? Hindi rin, dahil sa unang tingin, itsura agad natin ang mapapansin at pupurihin." I smirked a bit.

People around are like that, praising the beautiful physique before the attitude. Lahat ay kayang magpanggap na mabait pero ang magpanggap na maganda ay malabo lalo na kung pangit talaga.

I'm not being harsh, just being realistic. Even a devil can be an angel, looks can deceive everyone.

She flinched, ngayon siya ang nainsulto. Umirap ako.

"I told you to use the soap I'm using to at least lessen those pimpies!"

Maraming pimples si Rose, hindi nga bagay sa kanya ang pangalan niya dahil ang rosas ay maganda at mabango. Samantalang siya ay hindi, pero pwede na rin iyong mga tinik ng rosas na parang tumusok sa kanyang mukha. But even though she's not that pretty like me, I love her because she is my cousin and my best friend.

"Sabi ni Mommy ay mawawala ito kapag medyo nagkaedad na." aniya habang hinahawakan ang mukha.

Ngumiwi ako at hinarap siya. Pasaway talaga, hindi dapat hinahawakan iyon! Ang dumi kaya ng kamay, lalo lamang lumalala ang bacteria.

"And you'll wait until your face gets rough and malubak like a rocky road? Yuck! Hindi ka ba naalibadbaran sa mga blackheads mo? Ilang taon nalang magdadalaga na tayo, we should be more conscious of our skin and looks!" naiinis kong sinabi.

I'm always telling her how to take care of her skin but she doesn't listen. Iyan tuloy ay naging malubak ang mukha niya dahil pinugaran na ng mga tigyawat, nakakainis lang na sabi ko ay dapat parehas kaming maganda kapag magkasama kaso ay napag-iwanan siya.

I wasn't sure when pimples decided to make her face their nest, basta nagising nalang ako na marami siyang ganyan. Maganda naman si Rose, iyon lang ay may pimples na marami. Hindi man lang iningatan ang mukha.

Suminghap siya at agad tumakbo sa malaking salamin para tingnan ang kanyang tigyawat na tinubuan ng mukha.

"Oh my gosh! Rocky road? No! My face won't be like that, Fiore! You shouldn't curse me to have these pimps forever!" natataranta niyang sigaw.

Nalaglag ang panga ko habang tamad siyang tinitingnan roon.

"I didn't curse you! I'm just pushing your ugliness to get lower at least! Seriously, Rose? Ligo-ligo din kasi, hilamos at night before bed and sleep early. Hindi iyong nagpupuyat ka sa pesteng gadgets dahil sa mga iniidolo mong K-pop!" talak ko sa kanya.

E, hindi ko rin maintindihan kung bakit hindi niya gawing inspirasyon ang mga iniidolong makinis pa sa baby ang mga balat. Koreans are smooth skinned and very fair. Natural na nila iyon.

She pouted sadly. Napangiwi ako, hindi ko talaga gusto ang mga pimples ni Rose na lumalala na. Kailangan kong agapan ang pagpangit niya.

Nagmadali akong pumasok sa aking walk-in closet, nakasunod naman siya at pinapakinggan ang lahat ng talak ko habang iniisa-isa ang branded cleanser sa drawer ko na nakatambak, kinuha ko rin ang moisturizer at organic face mask na pwede niyang magamit para mapahinto ang pagpugad ng tagyawat sa kanya.

Hindi talaga ako gumagamit ng mga ganito pero marami akong imbak sa closet dahil sa mga Aunties na nasa ibang bansa at kahon-kahon kung magpadala ng beauty products sa akin. Pati naman kay Rose kaya lang iyong kanya ay kinukuha na ng mga pinsan niya sa side ng kanyang Mommy.

"Gosh, Rose. Let's stop your growing ugliness. I'll help you gain back your skin, okay?" maarte kong sinabi.

Makinis naman siya noong mga bata kami, dumadaan daw talaga sa stage ng ganyan sabi ni Auntie pero hindi ko akalain na maagang dadaanan si Rose noon.

She nodded quickly while watching me.

"Thirteen palang naman tayo, Fab. Mawawala rin ito!" giit niya, pampalubag loob sa sarili.

I tsked. "Miski thirteen o twelve pa tayo, we should take care of the face has God given us! He created a masterpiece like us, hindi dapat sinasayang ang blessing na ito. Hindi dapat natin pabayaan!"

Parang paligid lang iyan na dapat ay inaalagaan para manatiling maganda at malinis, hindi dapat sirain dahil ginawa lahat ng ito para sa atin, hindi para sirain. Hindi lang ang mga iyon ang dapat ingatan at alagaan, kundi pati tayong mga tao.

Isa-isa kong pinaliwanag kay Rose ang paggamit ng mga iyon, sa umaga at sa gabi bago matulog.

"You need a daily exercise, too. Mag-jogging ka sa umaga at magpapawis, it will help you out."

"Saan mo ba natutunan iyan, Fab? Ang dami mo namang alam basta sa pagpapaganda!" she said.

Matamis akong ngumiti.

"Kay Auntie Dianella, kanino pa ba? Siya naman ang nagtuturo sa atin kaso hindi ka nakikinig, tingnan mo ngayon ang mukha mo..." sumbat ko sa kanya.

"Pangit na pangit na ba ako?" malungkot niyang tanong.

Umawang ang labi ko sa gulat. Tinitigan ko ang mukha niya, ngayong malapitan ko siyang nakikita ay masasabi kong...

"Hindi naman, pangit lang. Pangit na pangit, iba na iyon, e! Si Kokey!" humalakhak ako sa huli.

Lalo siyang sumimangot at hinampas ako sa braso. I laughed loudly while teasing her. We ended up laughing together.

I love Rose, hindi ako magiging kumpleto kung walang matalik na kaibigan na pinsan ko rin. Ayaw ko kasi sa mga kaibigan ko sa school o kung saan man dahil hindi ko sila kadugo ay alam kong makagagawa sila ng hindi maganda sa akin, or worse, they would betray me in the end.

I'm very friendly but I never trusted anyone around, simply because people won't do any good, they can be the worst. They can be a friend and an enemy. Ayaw kong magtiwala basta sa mga tao ngayon lalo na't talimak ang inggit na kayang sirain ang kabutihan ng kahit sino.

"Uy, happy thirteenth birthday, Fab!"

Bumeso ako kay Anjela at nagpasalamat.

"Thank you, Anj."

"Happy birthday, Fiore!"

Nagdagsaan sa akin ang mga kakilala nang makalabas ako sa back yard kung saan ang handaan para sa araw na ito. Today's my thirteenth birthday and I told my parents that I don't want another grand party this year because it's just for kids, for young girls. I'm not a kid anymore.

"Happy birthday, Fab!"

Inirapan ko si Pamela, bumeso siya sa akin habang nakangisi.

"O, insecure ka na naman ba?" halakhak niya dahil sa pag-irap ko.

I raised my brow.

"Why would a much prettier be insecure with a generic face?" I smirked. "Can you explain, hmm?"

Nagtawanan ang mga kaibigan namin, Pamela's face distorted. Nginisian ko lang siya at kinawayan.

I don't really feel her presence, inaway niya si Rose noong nakaraan at hindi ko makakalimutan iyon. She humiliated Rose in front of their classmates, alam niyang pinsan ko iyon pero hindi na siya natakot. Ngayon siya ang ipahihiya ko, mabuti sa kanya iyon.

I didn't even invite her! Marahil ay imbitado nila Mommy ang kanyang mga magulang kaya siya napasama, and how dare she asked if I'm insecure? May na naman pa? Gusto ko sanang itanong kung kailan ako nainsecure sa kanya?

Hindi yata ako nainform.

Masaya akong nakangiti habang papasok ng aming mansyon para puntahan si Rose na nasa dining area pa at kausap nila Auntie Dianella, I told her to stick with Auntie to hear some advices for her skin. Medyo nawawala naman na ang kanyang pimples simula noong mag-usap kami, isang buwan ang nakararaan.

Ngayon ay may mga mantsa nalang ang mukha niya at bakas ng iniwan ni pimpies. Hindi madaling alisin iyon dahil may marka na pero kaya naman unti-untiin.

Inangat ko ang aking mga kamay para tingnan ang bagong polish kong mga kuko, nagpa nail art ako kanina bago ang aking selebrasyon kasama sila Auntie Dianella at Rose.

Bandang hapon ko pa kasi naisipan ang selebrasyon, mas gusto ko iyong hindi tatamarin ang mga dadalo sa pagpunta dahil mainit kung tanghaling tapat kaya sabi ko ay sa alas singko na lamang, hindi naman ako nahindian nila Mommy.

I won't deny the fact that I'm a spoiled daughter and a sibling, too, ako ang nag-iisang babaeng bunsong anak. I have two older brothers, the eldest is already twenty while the second is eighteen years old.

"Oh! You're here! Welcome, welcome!" nadinig ko ang nagagalak na pagbati ng aking ilang tiyahin.

Napalingon ako sa gawi ng aming double doors pagkapasok ko ng mansyon, naroon sila Mommy at Daddy pati na rin ang ibang mga kaibigan nila para sa mga bagong dating na imbitado nila. I did not really invite much friends, sapat lang iyong ilang mga kaibigan at kaklase ko na dumalo. Mas marami iyong matatanda.

"Eldora, you look good!"

"Thank you, and you're always beautiful, Fleur."

I made a face at my Mom's welcoming. Pinasadahan ko ng tingin ang mga imbitadong iyon na kakilala ko lang rin naman, mga Villareal na kapit bahay rin pero sa malayong parte ng village pa.

Naroon ang ilang mag-asawang Villareal, ang kanilang mga anak na kaedad ng aking mga kapatid. Nakilala ko ang panganay nila Eldora Villareal, si Elos na kausap si Kuya Lay. They are with the other young Villareals, Rius at ang kaedad kong si Primo na naupo lamang sa sofa.

Kumunot ang noo ko at inisa-isa pa ang mga naroon. Nagtatawanan ang matatanda habang nag-uusap tungkol sa mga dating nakagawian na tila heto ang kanilang pagbabalik tanaw.

I smirked when my eyes found the man I'm looking, so he made it to this celebration, huh?

Ngumiti ako at lumakad palapit kila Mommy na agad naman akong napansin, lalo ng mga bagong dating. Ganoon naman talaga, kapag birthday mo, sikat ka.

"Oh, Fiore! You're still very young but look at you now!" Carisse Segovia greeted me first. "You've grown up too early! Ang ganda ganda mo na talaga!"

"Wow! Happy birthday, Fiore!" bati pa ng iba.

Halos lahat ng matatanda ay sa akin na ang atensyon ngayon, miski ang ilang batang Villareal ay nakatingin na rin. Niyakap ako ng mga amiga ni Mommy roon at hinalikan sa pisngi.

"Paano pa magdadalaga ang anak mo, Fleur?" eleganteng halakhak ni Eldora. "She looks like a fine lady more than of her age."

"Maagang naconscious sa itsura," sabi ni Mommy.

Uminit ang pisngi ko. Nagtawanan sila. Nakakainis naman at sinabi pa ni Mommy iyon! Hindi naman ako maagang naconscious! Alaga ko lang talaga ang sarili ko.

"But that's good, though. Malay mo after five years maging Hollywood star na rin gaya ni Dianella."

Mommy nodded proudly.

"I think so, too..." she said while smiling. "Pero ang gusto ni Aaron ay mag-aral muna siya at magtapos ng kolehiyo bago ang mga ganoong bagay."

Nagtanguan naman sila. Nasulyapan ko si Daddy na nakikipag-usap naman sa mga tiyuhin ng Villareal sa kabilang gawi. Katulad rito ay nagtatawanan rin.

"Of course, she will." naaaliw na nakatingin sa akin si Eldora.

Ngumiti ako.

Wala akong balak gumaya sa kung sino man kahit na malaki ang paghanga ko kay Auntie Dianella ay hindi dahilan iyon para gayahin o sundan ko ang yapak niya. I have my own dream, I have my own path. Magtatapos ako sa pag-aaral dahil iyon ang susi para sa lahat ng gugustuhin kong pangarap para sa kinabukasan.

"How I wish I had a daughter," sabi niya pa. "Ang hirap kapag purong barako ang mga anak, wala akong maayusan."

"At least, you have so many body guards!" si Mommy. "And I saw you posted on Instagram a week ago..."

Nagtawanan sila bigla na parang alam ang pinatutungkulan.

"Naalala ko nga!" tawa ng isa kong tiyahin na Mommy ni Rose.

Natawa na rin si Eldora Villareal.

"Ah! That was Elos and Sade, I was crying that time because they're growing up too fast at nalulungkot na wala kaming babae sa pamilya. Ako lang." tumawa siya. "They dressed up and I couldn't help but laugh. I took a picture, my sons efforts really did magic."

Kunot ang noo ko. Elos and Sade? I haven't seen it yet! Maybe, I should check it out now! Later pala, nakakahiya naman kung dito pa. Baka isipin ay stalker ako.

"They are too cute! Nakakatouch naman!" sabi ni Auntie.

"I want to have a daughter like Fiore," sabi ni Eldora habang nakatingin sa akin.

Mom chuckled.

"You can borrow her..."

Nagtawanan sila dahil sa sinabi ni Mommy. Ngumiti lang ako at nahihiyang nagyuko. Pinahihiram niya ba talaga ako? Hmp.

Hinawakan niya ako sa balikat at marahan hinaplos ang aking buhok habang nakikipag-usap, halos umikot muli ang usapan sa aking pagmomodelo o artista sa darating na taon. Nasanay akong maging bida kahit saan man mapunta ay ako ang napapansin ng mga nakatatanda o bata man.

They always tell how beautiful I am, nakikita ko naman pero hindi ko sasabihing sobra dahil masama ang sobra. Iyon nga lang nasobrahan rin ang mga nakakakita sa akin sa pamumuri, minsan naisip ko na kaya maraming gustong makipagkaibigan sa akin ay dahil maganda ako.

Kulang pa naman sa pansin ang mga tao ngayon, napapansin ko ang mga kamag-aral na panay ang lapit sa akin sa mga nagdaraang taon. Sila pa mismo ang nakikipagkilala at kaibigan sa akin kahit na hindi ko naman sila kailangan, but then, I'm really friendly so... who am I to turn them down?

Kaibigan lang naman, hindi matalik na kaibigan dahil si Rose lang ang tinuturing kong ganoon wala nang iba pa at hindi ko nakikita ang sarili na magkakaroon pa ng mas higit sa kanya.

"Primo is getting taller..." sabi ni Auntie Dianella.

Sabay-sabay kaming kumakain sa mahabang hapag sa aming dining area nang gabing iyon, mga Villareal at Segovia ang kasama naming kumakain.

Ngumuso ako at sinulyapan si Primo na wala namang reaksyon ang mukha at kumakain ng tahimik sa aking tapat.

"Yes, pansin ko nga at maaabutan na si El at Elos..." mahinang tawa ni Mommy.

"Primo is also thirteen, right?"

"Yup, and I'm so stressed about how they grow up so fast..." nakasimangot na sinabi ng kanilang Mommy na si Eldora.

Naramdaman ko ang pagsiko sa akin ni Rose, nang lingunin ko siya ay nakabungisngis at namumula ang pisngi. Pasimple niyang nginuso si Primo, kinunutan ko lang siya ng noo.

"Super gwapo." bulong niya habang napapahagikgik.

Pinandilatan ko siya ng mga mata.

Yup, I can perfectly see Primo being handsome tonight!

"Manahimik ka, Amrose..." singhal ko.

Hetong babaeng ito, ang sabi ko dapat hindi siya magpahalata na may gusto sa isang tao dahil posible na mag take advantage ang taong iyon at sasamantalahin ang pagkakagusto mo sa kanya.

"E, hindi naman ako naririnig." she pouted.

I smirked a bit and placed my index finger on my lips to hushed her.

"Mamaya na tayo mag-usap sa ganyang bagay, for now be a lady and keep your behavior classically." bulong ko pabalik.

Dumiretso naman siya ng pagkakaupo at inigihan ang pag-arte na tila tahimik at dalaga ang kilos. I suppressed my smile, lumunok ako at muling nakinig sa pinag-uusapan ng matatanda.

"Naku, hayaan mo ng magbinata ang mga anak mo. Diyan din naman sila pupunta." tawa ni Demetrius Sr.

"Oo nga, our sons should start learning. Huwag mo na ring bini-baby iyang si El at Primo dahil baka maging bading."

Nagtawanan sila sa sinabi ni Thelonius Sr. iyong ama nila Primo. El made a face and Primo frowned coldly. Lalo lamang tuloy natawa ang matatanda. Narinig ko ang mahinang hagikgik ni Amrose sa aking tabi.

I sighed.

"Si Elexius naman ang eighteen, hindi ba?" tanong ni Daddy.

I bit my lower lip and looked at El, nakita kong sumimsim siya sa baso ng juice. Tumango si Eldora at proud na tumingin sa anak na natanong.

"Yes, and he's the achiever. Well, Elos and Primo, too, pero sa academic while El is always joining Quizz bees and competitions..."

"He's a soccer star player, too." sambit pa ng kanyang Daddy.

Ngumuso si Mommy at napatango-tango naman ang mga nakarinig. Parang wala kay El na ganoon siyang pag-usapan, he's just listening while eating. My heart fluttered.

Achiever silang lahat pero si El ang mahilig sa mga kumpetisyon kaya maraming naiuuwing medalya o tropeyo sa kanila.

Napangiti ako habang sumisimsim sa aking juice, nanatili ang tingin ko sa kanya habang pinag-uusapan siya ng mga matatanda. Puro pamumuri ang kanilang simasabi patungkol sa kanya.

He looks too much, the Creator has really favored him. His physique is screaming power and perfection with those sharp features, his eyes were like dark sky in the middle afternoon, it looks storming inside them. His nose is narrow and high, lips were natural red and always wet, thick eyebrows on fleek naturally and not so fair skin that really suits him wholly.

Para siyang bagyong parating bubuhos at ang lahat ay magtatago pero ako ay mag-eenjoy sa pagbuhos nito...

Hindi lang pisikal ang hinulma na tila perpekto at sa kanyang mga abilidad pang malayo ang mararating kinabukasan.

Nakakatuwa talaga silang magkakapatid, hindi lang iyon dahil pati rin ang kanilang mga pinsan na purong matatalino sa eskwela. I've always known Villareals as a well set of family, sa buong buhay ko ay sila ang naririnigan ko ng maraming papuri mula sa ilang kaibigan rin nila Daddy na mataas ang antas ng pamilya.

Our dinner went that way, nauuwi rin sa usapang business at kumpanya pero naging masaya ang buong birthday dinner na iyon. Mas masaya pala ang kokonti at mga gusto mo lang ang nasa harapan kesa ang maraming imbitado na hindi mo naman gusto ang presensya.

"Nakakakilig pala kapag matalino, 'no? Iyong hindi lang puro papogi." hagikgik ni Rose nang makaakyat kami sa silid.

Tumaas ang kilay ko, I looked at her while removing my braids, lumantad ang nakulot kong buhok dahil doon.

"Crush mo si El?" I asked curiously.

Humagikgik siya.

"Huh? Crush ko silang lahat, matatalino at gwapo, e!"

"Tsss, kahit sa crush lang maging loyal ka naman." I laughed.

"Sa boyfriend lang dapat maging loyal, o sa asawa. Crush lang naman ang mayroon ako ngayon kaya lulubusin ko na ang mga Villareal." halakhak niya.

Napanguso lang ako.

It's true, though. Crush lang naman, paghanga lang iyon. Pero bakit isa lang ang crush ko? Bakit hindi ko makuhang humanga sa iba pa?

I so badly wanted to see those eyes with storm every day...

Continue Reading

You'll Also Like

551 67 38
In life, you don't know if you're always on top. Hindi mo alam kung kailan ka mananalo o matatalo-kung kailan ka paglalaruan ng tadhana. Destiny is o...
21.5M 700K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
400K 12.6K 60
Ongpauco Series #4 I knew it from the start. We were never really meant to be together... We just happened. *** Epilogues II, III, & IV are availab...
1.8M 64.7K 41
Sahara Israel's life is in Manila and it's been uprooted for her mother's love life, at least that's what she thinks. She had to leave her friends an...