A Daughter Seeking For Love a...

By LadyLourge

117K 2.1K 70

Kali Del Vega, a daughter who is looking for love and attention. She's not a typical attention seeker 'cause... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
EPILOGUE
DON'T SKIP THIS PART

Chapter 3

3.7K 68 1
By LadyLourge

Kali's POV

"Gising! Gising ate Kali!"-napamulat ako nang marinig ko ang boses ni Yancy.

Napakagandang ngiti ang ibinungad nito sakin. " Good morning ate!"-bati ni Yancy.

"Good morning din ang aga mo atang nagising?"-nagtataka kong tanong. Dahil minsan ay ako pa ang gumigising sakaniya.

" Ano kaba ate? Tanghali na oh!"-sambit niya at itinuro ang orasang katabi ko

Agad naman akong napabalikwas ng bangon, shit 7:30 am na pala, andami ko pang gagawin. Aligaga akong inayos ang buhok at isinuot Ang tsinelas

"Hindi pa ako nagluluto!"-lalabas na sana ako upang bumaba nang pigilan ako ni Yancy.

" Ate tapos napong magluto si Ate Bea!"-sambit niya na ikinagulat ko. Dahil unang una ay ngayon ko lang nalaman na magrunong pala siyang magluto at pangalawa anong nakain niya at bakit siya ang nagluluto.

"Sabi ni Daddy gisingin daw kita!"-sambit niya at sa puntong yun ay inihanda ko na ansarili ko dahil for sure ay may pangaral na naman akong madadatnan pagbaba ko.

" Sige Yancy susunod nalang ako sa baba mauna kana!"-sambit ko sakanya, agaran naman itong sumunod at lumabas ng kwarto.

Wala akong pinalampas na sandali at mabilis na kumilos at inayos ang sarili ko. Maya maya ay bumaba narin ako para naman mabawasan yung magiging sermon ko.

"Ano ng oras Kali?"-bungad na tanong ni Dad, tulad nga ng inaasahan ay yun ang bumungad sakin.

" 8 po Dad."-nakayuko kong sagot.

"Buti naman nagising kana para kang senyorita sa bahay na ito!"-sambit ni Mommy

Napabuntong hininga nalang ako, ayaw kong sagutin sila.

" At sa tingin mo ba Kali yan ang oras ng matinong estudyante para pumasok, well nakalimutan ko pala kailan kaba tumino?"-sarkastikong sambit ni Daddy.

Mas lalo akong nanliit sa sinabi ni Daddy.

"Daddy hayaan niyo na po si Kali."-kunyari ay bait baitang sabi ni Bea.

Napakagat labi nalang ako at piniligilan ang mga nagbabadyang luha na maaaring tumulo ano mang oras.

"Sige alis napo ako!"-nagmamadali kong sambit dahil hindi ko na talaga kaya pang magtagal dito.

Hindi ko na kaya pang magtagal sa ganitong sitwasyon baka hindi ko mapigilang umiyak sa harap nila. Kaya minabuti ko nalang na talikuran silang lahat.

Bago ako umalis narinig ko pa ang sinabi ni Mommy. " Wala talagang modo!"

Hindi ko na napigilan pa ang mga luhang kanina pa nagbabadyang tumulo. Sa pagkakataong ito ay tuluyan na silang kumawala at sunod sunod na tumulo. Pinigilan kong humagulgol sapagkat baka hindi ko na ito mapigilan at mamaga pa ang mata ko. Kinalma ko muna ang sarili ko at pinunansan ang mata ko bago tuluyang pumasok sa kotse.

"Sige lang anak iiyak mo lang yan makikinig ako!"

Nagulat ako ng marinig ko ang tinig nayun, hindi ko napigilang maiyak nang makita siya.

"Mang Eddie!"-mangiyak ngiyak kong sambit at agad na niyakap ito.

" Shhhh tahan na anak makikinig ako!"-sambit ni Mang Eddie, isa sa mga pinagkakatiwalaan kong tao. Marahan niyang ginulo gulo ang buhok ko. "Dahil na naman ba ito sa mga magulang mo?" -tanong nito na tinugunan ko ng tango.

Siya yung naging takbuhan ko kapag may problema ako. Kwinento ko sa kanya ang nangyari at dinamayan naman nya ako bilang isang anak. Sa bahay na ito si Yancy lang at Mang Eddie ang nakakaintindi. Sinabi niya rin sa akin na umalis siya dahil nagkasakit ang asawa nya. Pagkatapos noon ay agad niya naman akong hinatid sa University.

Tinignan ko muna saglit sa salamin ang mukha ko at ibinalik ang awra at muling sinuot ang maskarang kinatatakutan nila. Agad na akong nagpaalam kay Mang Eddie at bumaba na sa sasakyan.

Pag-apak na pag-apak ko palang sa University ay sari-saring mga bulungan na agad ang naririnig ko kaya tinaasan ko sila ng kilay. Pasimple namang tumigil at umalis ang mga tsismosa sa daan. Lalakad na sana ako ngunit may biglang humarang sa dadaanan ko kaya kusang napataas ang kilay ko. Well nagkamali pala ako, hindi pala umalis lahat, sapagkat nandito pa yung reyna ng mga demonyita.

"Hi Kali!"-sambit ni Samantha, ang demonyitang parang anghel kung umakto, anak ata to ni satanas. Sarap ingudngod sa lupa para lumabas yung totoong kulay.

Lalagpasan ko na sana siya dahil alam ko na may gagawin na naman syang hindi maganda at wala ako sa mood para patulan siya. Ngunit isang hakbang palang ang ginagawa ko nang iharang niya ang paa niya sa dinaraanan ko. Mabuti nalang at nabalanse ko ang sarili.

"What do you want?"-inis kong sambit.

Ngunit ngumisi lang siya at sa pagkakataong ito ay tinulak ako. Napaupo naman ako sa daan ngunit hindi ko na hinintay pang makakita sakin bago ako tumayo.

That's it!

Kahit ayaw kong manakit ay hindi ko napigilang gawin. Siya ang pumili nito at dapat nyang tanggapin ang kapalit nito. Bago pa ito makatawang muli ay pinalipad ko na ang palad ko sa sobrang gaspang niyang mukha. Gulat na gulat naman ito at napako sa kinatatayuan. Naalog ata yung maliit niyang utak sa ginawa ko.

"How dare y--"

Hindi pa man niya natapos ang sasabihin nang muling lumipad ang palad ko sa mukha niya. Sa ikalawang pagkakataon ay natutula ito. Baka pagdinagdagan ko pa ang sampal sakaniya ay lumabas na ang utak nito. Yun nga lang kung may utak ba siya.

Akmang sasabunutan nya ako ng unahan ko sya, agad kong hinila ang buhok nya at pinagsasampal sya kaya wala syang nagawa kundi umiyak nalang at kitang kita ko naman kung paano sya umarte sa harap ng mga tao. Hindi ko nalang iyun pinansin at nilagpasan sya ngunit bago iyun ay narinig ko pa ang kanyang sinabi.

"Pagbabayaran mo ito, bitch!"- kahit na nakatalikod ay ramdam ko ang talas ng titig niya.

"Hihintayin ko yan!"-sigaw ko pabalik at tinaasan siya ng middle finger habang naglalakad paalis.

Malapit na ako sa room nang may biglang tumawag sakin. Kahit pa hindi ko pangalan ang gamit niya pantawag sakin ay alam kong ako ang tinatawag nito. Ngunit nagpatuloy parin ako sa paglalakad at nagbingi bingihan.

"Hey miss iyakin!"-sigaw ng isa sa mga taong kinaiinisan ko. Gusto ko siyang samaan ng tingin dahil pinapahiya niya ako sa ginagawa niya ngayon. Napansin ko rin na dumadami ang mga taong nakatingin sa akin at naaalibadbaran ako rito.

Inis ko siyang hinarap upang matigil na siya sa kakasigaw. "What?"-asik ko kay Jon Carlos.

Napangiwi naman siya sa inasta ko. "Ang sungit naman nito." -komento nya.

"Bakit mo na naman ba ako kinukulit?" -iritado kong tanong sakaniya. Masyado niyang inuubos ang oras at pasensya ko.

"Kukunin ko na sana ang panyo ko!"- sambit niya at inilahad ang kamay.

Inabala niya pako para lang kunin yung panyo niya, yun lang pala ang kailangan masyado pang inaaksaya ang oras ko. Inirapan ko siya at kinapa ang bulsa ko, ngunit kinabahan ako nang walang makapang panyo rito. Saka ko lang naalalang ibang uniform pala ang suot ko. Nag-aalinlangan kong tinignan si Jon Carlos.

" Asan na? Sige ka pag hindi mo binigay kukulit kulitin kita!"-inip nitong wika habang mahinang tinatap ang sapatos sa daan.

Umirap muna ako bago siya sinagot. "Naiwan ko!"-kunyari ay iritado kong sagot para matakot ito at lubayan ako.

" Edi kukulitin kita!"-ngingisi ngisi niyang sambit.

Napasabunot naman ako sa sariling buhok. Inis ko itong tinalikuran at nagmadaling pumasok sa classroom. Mabuti nalang at hindi kami magkaklase may time ako para magkaroon ng peace of mind. Naupo nako habang hindi pinapansin ang mga bulong bulongan sa gilid ko. Hula ko ay pinag uusapan na naman nila kung paano ko pinahiya si Samantha kanina.

Hindi nagtagal ay dumating ang professor namin kaya umayos na ako ng upo.

"Class you have a new classmate. Actually hindi siya transferee kilala niyo na siya lilipat lang siya sa section ninyo dahil belong siya dito, because he's one of the most outstanding student in our University!"-sambit ng prof namin.

Madami pang naging paliwanag ang professor namin ngunit binalewale ko nalang ito dahil feeling ko hindi ito importante.

Ngunit nakuha nito ang atensyon ko sa susunod na sinabi. "Please introduce yourself Mr. Hofman! "-tawag niya sa may pamilyar na surname.

Hindi ko alam kung saan ko ito narinig ngunit ahhh nevermind.

" Hi I'm Jon Carlos Hofman!"

Shit para akong binuhusan ng malamig na tubig. Inangat ko ang tingin ko at hindi mga ako nagkakamali siya nga yung narinig kong nagsalita. Lintek naman oh pati ba naman dito sinusundan ako ng taong to! Akala ko pa naman matatahimik na ang mundo ko pag nasa classroom ako. Arghhh

Lumingon lingon siya na para bang may hinahanap. At napatigil siya noong makita niya ako. Ngiting ngiti naman siyang kumaway sa akin. Inis ko naman itong inirapan.

"Hi miss iyakin na masungit!"-sambit niya. Napatampal naman ako sa sariling noo. Masyado niyang sinisira ang repustasyon ko.

Hindi ko nalang siya pinansin at bumalik sa pagkakayuko. Ngunit bigla siyang umupo sa tabi ko, lahat naman ng kaklase ko ay napatingin sa amin dahil alam nilang walang nagtatangkang umupo sa tabi ko. Dahil hindi nila magugustuhan pag naging katabi nila ako.

Bago pa siya makapagsalita ay inunahan ko na siya.

" Umalis ka diyan!"-utos ko.

"Bakit naman? Sa pagkakaalam ko pwede akong umupo dito dahil wala pang nakaupo dito at isa pa hindi kita susundin dahil hindi mo pagmamay-ari ang upuan."-sambit nito.

Wala na akong nagawa sapagkat nakaupo na ito at ayaw na magpapigil. Siya lang talaga ang taong di tinatablan ng ugali ko.

Continue Reading

You'll Also Like

14.6M 749K 72
He's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming high school boy who taught Sussie's young...
2.3K 212 53
Will always be your fearless tomorrow
4.1K 443 50
"Sabi nila, posible raw na may anim na tao sa mundo na kamukhang-kamukha mo. Dati, hindi ako naniniwala. Pero simula no'ng mapagkamalan akong Lauren...
135M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...