So Into You (BxB)

By Ytianity

1.2M 23.6K 3.4K

BABALA: Boy to boy content. Kung HOMOPHOBE kayo, edi layo na! Baka kasi may mangyari pang away eh. XDD Meet A... More

Chapter 1 : Introduction - Irritation
Chapter 2 : Game - Text
Chapter 3 : Meet-up - Awkwardness
Chapter 4 : Sciences - Retaliation
Chapter 5 : Call - Anger
Chapter 6 : Persistence - Annoyance
Chapter 7 : Bothered - Vexed
Chapter 8 : Rain - Offer
Chapter 9 : Blush - Punch
Chapter 10 : Sorry - Peace
Chapter 11 : Beat-up - Hug
Chapter 12 : Advice - Doubt
Chapter 13 : Visitation - Seduction
Chapter 14 : Sleep - Thanks
Chapter 15 : Endearment - Trunks
Chapter 16 : CPR - Almost
Chapter 17 : Assembly - Treat
Chapter 18 : Usher - Deal
Chapter 19 : Snap - Guilt
Chapter 20 : Apologize - Fulfill
Special Chapter : Vacation
Chapter 21 : Tickle - Whisper
Chapter 22 : Worked-up - Bump
Chapter 23 : Lie - Realization
Chapter 24 : Miss - Embrace
Chapter 25 : Box - Nicks
Chapter 26 : Drunk - Confession
Chapter 27 : Hangover - Forget
Chapter 28 : Space-out - Avoid
Chapter 29 : Reconciliation - Friends
Chapter 30 : Tryouts - Pretend
Chapter 31 : Celebrate - Wish
Chapter 32 : Invite - Excite
Chapter 33 : Father - Christmas
Chapter 34 : Bonding - Holding
Chapter 35 : Party - Together
Special Chapter : Territory
Chapter 36 : Conversation - Toothbrush
Chapter 37 : Bipolarity - Trust
Chapter 38 : Break-up - Joke
Chapter 39 : Lucky - Congeniality
Chapter 40 : Misheard - Abnormality
Chapter 41 : Talk - Flashback
Chapter 42 : Engagement - Faith
Chapter 43 : Diminish - Another
Chapter 44 : Lying - Gotcha
Chapter 45 : Lust - Lips
Chapter 46 : Revelation - Unsure
Chapter 47 : Weird - Please
Chapter 49 : Princess - News
Chapter 50 : Uncivilized - Problem
Chapter 51 : Retrieval - Disappointment
Chapter 52 : Top - Steal
Chapter 54 : Forced - Mad
Chapter 55 : Truth - Escape
Chapter 56 : Oblige - Over
Chapter 57 : Hurt - Decision
Chapter 58 : Don't - Enough
Chapter 59 : Pageant - Clear
Chapter 60 : Ending - Beginning ( Part 1 )
Chapter 60 : Ending - Beginning ( Part 2 )
Special Chapter : AFTER

Chapter 53 : Okay - Back

12.5K 274 22
By Ytianity

Sorry. Rushed. Hindi ko na chineck kung maayos ba yung grammar and everything ko dito. :))))

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

KARL VINCENT'S POV

"B-bakit? M-may dumi ba s-s-sa mukha ko?" tanong ko kay Allen dahil kanina niya pa ako tinitignan.

"Ha? Wala! May iniisip lang. Pasukan na eh, at wala pa tayong nababalitaan sa Daddy mo. Sa tingin mo ba, tatahimik na talaga siya?" tanong naman niya sa akin kaya napayuko ako.

Napatitig ako sa sapatos ko. Ito ang kauna-unahang gamit na nabili ko since tumira ako dito. Nagulat pa nga ako kung gaano yun kamura eh. Pero Allen reminded me na hindi daw yun kasing tibay ng mga nabibili ko dati.

"Hindi ko alam, Babe. Pero sa tingin ko naman ay hindi niya palalampasin 'to lalo na't kumpanya niya ang nakasalalay dito. Hindi ko kilala ang pagkatao ni Daddy pero sapat naman na sigurong proof yung pag-iwan niya sa amin just to stabilize the company's financial standing, right?"

"Anong gagawin natin pag ngayon siya gumawa ng move?"

"Tulad nga nung pangako natin, haharapin natin ang problema ng magkasama."

"I love you, Karl."

"I love you, too, Allen. Pero TOP pa rin ako. Hindi ako payag na magpa-bottom sa'yo."

"Jusko! Move on! Isang gabi lang nangyari yun. At wala na akong balak umulit! Naging top ka naman uli nung birthday ko ah? Saka hindi ko kayang nakikita na nasasaktan ang boyfriend ko eh."

*FLASHBACK*

"Happy Birthday, Allen! Binata ka na! Kailan ka ba magdadala ng babae dito? Imposible namang walang nagkakagusto sa'yo, lahi natin ang gwapo. Ikalat mo naman ang kagandahang lalaki natin." nakangiting sabi ng isang lalaki na biglang pumasok sa bahay namin, este, nina Allen pala.

Sino ba siya? Tito siguro ni Allen.

"Kuya! Masama ka talagang impluwensiya sa anak ko. Pusong babae si Allen, at mahal namin siya. Alam mo naman yun diba?" pagtatanggol naman ni Tita habang naka-akbay kay Allen.

"Pero, Tito, kung nakita mo lang mga babae nyan ni Kuya, tiyak matutuwa ka! Maganda bestfriend niya tapos kailan lang, nagpatira siya dito ng babae! Ang ganda din! Tapos nakatira pa sa Amerika! Gusto ko nga yun para kay Kuya eh." sabat naman ni Kate kaya pare-parehas kaming napatingin sa kanya sa may hagdan.

Mukhang iisa lang ang itsura naming tatlo nina Tita dahil sa biglang pagtikom ng bibig ng sister-in-law ko. Pero nung mapatingin uli ako sa Tito nila ay ang laki-laki ng ngiti nito.

Para tuloy akong na-offend at nainis sa Tito nila. Ni hindi man lang ako napansin, eh halos katabi ko na lang si Allen. Tch.

"Tito, alam kong ayaw mong may bakla sa pamilya. Kaya nga nagpapasalamat ako na tinanggap niyo ako kahit na may ganun kang panuntunan eh. Saka yung pagtulong niyo po sa pag-aaral ko. Sa mga pambili ng gamit saka libro. Maraming salamat po. Pero ito pong lalaking katabi ko, siya po ang boyfriend ko. Mahal ko po siya. Kahit na gaano po kaganda o ka-sexy ang babaeng makaharap ko, siya lang po ang laman ng puso at isip ko. Alam ko pong siya ang unang boyfriend ko at marami kaming haharapin na problema. Pero nangako po kami sa isa't-isa na haharapin namin lahat yun ng magkasama. Sana po respetuhin niyo ang presensiya ng lalaking mahal ko." seryosong sabi ni Allen sa Tito niya na dumiretso naman ang ekspresyon ng mukha nung makita ko.

Nanatili lang akong nakatahimik habang sinusundan ng tingin ang Tito niya na paupo sa sofa. Naramdaman ko ang biglang paghawak ni Allen sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Wala siyang sinabi sa akin pero nginitian niya ako. And that swollen up my heart!

Para bang punong-puno ng pagmamahal yung ngiti niya.

"Okay, okay! Siya ang boyfriend mo. Tatandaan ko yan. Ayokong nagagalit ang paborito kong pamangkin eh." sabi ng Tito ni Allen habang naka-slouch sa sofa.

Hinila ako ni Allen at pinaupo sa tabi ng Tito niya.

"Oh, Tito, kausapin mo muna syota ko ha? Ihahanda ko lang yung niluto ni Mama para makakain na tayo." sabi ni Allen tapos ay biglang nag-teleport papunta sa kusina.

Pero dahil sa nai-intimidate ako sa kanya ay hindi ko magawang magsalita. Napatingin na lang ako sa mga hita ko, hoping na magsasalita ang Tito ni Allen.

"Sayang si Allen. Hindi na kakalat ang lahi naming mga gwapo. Pero hindi naman ako kontra sa'yo. Mahal ka ng pamangkin ko kaya wala na akong magagawa dun. Ang gusto ko lang, makasigurado na hindi siya masaktan. Matagal nang wala ang Papa niya at alam kong yun ang naglagay ng sugat sa puso niya. Kumbaga sa gamit, para siyang kopita. Hindi pwedeng ihampas ng malakas sa iba dahil mababasag siya. Kaya sana ikaw, bilang boyfriend niya, alagaan mo siya. Mahal na mahal namin si Allen. Kaya kung sino mang mananakit sa kanya, handa kaming rumesbak." dinig kong sabi ng Tito ni Allen kaya napalingon ako sa kanya.

My mind was battling on whether to talk or to just say silent. Wala akong maisip na sasabihin pero gusto kong magsalita.

"Ha! Iniisip mo siguro, 'Ano ba 'tong matandang 'to! Kung anu-ano iniisip. Hindi naman sinasabi ng mga normal na tao yung sinasabi niya eh. Abnormal.'. Tama ako diba?" sabi pa niya.

Ewan ko ba sa sarili ko't bigla akong tumayo at humarap sa kanya.

"Mahal ko po si Allen. At handa po akong gawin ang lahat para pasiyahin at protektahan siya. Sinisigurado ko pong hindi ko siya sasaktan." dire-diretso kong sabi sa kanya ng hindi nag-iisip.

Narinig ko na lang ang biglang pagbungisngis niya kaya parang lalo akong nahiya.

"Swerte rin naman pala sa'yo ng pamangkin ko. Kahit na hindi ka nag-iisip, alam mo ang dapat mong gawin. Mabuti yan." nakangiting sabi ni Tito, Tito na itatawag ko sa kanya, at tumayo din siya.

Magkaharap kami ngayon at kinakabahan ako.

"Salamat. Tuparin mo yang pangako mo ha?" mahina niyang sabi sa akin tapos ay tinapik niya ng dalawang beses ang kanang  balikat ko saka umalis.

Papunta siya ng kusina at doon ay inakbayan si Allen. Parang may ibinulong siya kay Allen dahil nakita kong nagtaka ang mukha nito. May iniabot siya kay Allen pero hindi ko na yun nakita. Hindi naman microscope ang mata ko para makita pa kung ano yun diba?

Napansin ko na lang ang biglang pamumula ng pisngi ni Allen kasabay ang pagtago niya nung ibinigay sa kanya sa bulsa.

Matapos ang eksena nilang mag-tiyuhin ay napag-desisyunan kong tumulong na din sa paghahanda. Ilang oras lang matapos ang paghahanda namin ay unti-unting dumadating ang mga kamag-anak ni Allen.

At grabe! Ang dami pala niyang pinsan! Mi ultimo yung mga nasa probinsiya pati yung mga pinsan niya sa iba't ibang parte ng katawan, nandito! Birthday party pa ba 'to? Parang fiesta na eh.

Napuno ng ingay ang buong bahay pero nangibabaw ang kasiyahan. Never akong naka-experience ng ganitong klaseng birthday party. Except nung unang beses akong i-surprise ni Allen kasama ang mga Par ko at si Manang. It was my first time na mapuno ng saya ang puso ko. Never ko talagang naisip na magiging ganun ako with just a simple act.

Hay.

Head over heels lang talaga ako sa kanya. Paulit-ulit pero totoo.

"...friend ni Allen. Diba ang gwapo? Sayang nga at naunahan ako eh. Pero, at least, kay Allen siya napunta. Swerte niya lang sa pinsan natin!" sabi ni Patricia, isa sa mga pinsan ni Allen na kapitbahay din namin, habang nakakapit sa braso ko.

Bigla na lang nagkaroon ng ingay na para bang kilig na kilig. Yung iba pa palang mga pinsan ni Allen. Halos napuno nila yung sala.

Nahihiya akong bumati sa kanila kaya yumukod lang ako.

Nagbungisngisan sila at inaya akong saluhan sila sa ginagawa nila. Ang pagmu-movie marathon! Tapos ang genre pa, Chick Flick! Eh si Allen lang ang gusto kong kasama pag nanunuod ng ganun eh. Para ginagaya namin yung mga bida. Hahaha.

Magalang ko silang tinanggihan at pinakawalan naman nila ako. Napadaan uli ako sa kusina para kumuha ng tubig na maiinom nang bigla akong tawagin ng Tito ni Allen na nakausap ko kanina. Lumapit ako sa kanila at napansin kong puro matatanda ang nandito. Malamang mga Tito't Tita ni Allen ang mga 'to.

"Siya ang boyfriend ni Allen. Mukha namang ayos ang pamangkin natin sa kanya eh. Nakausap ko siya kanina at nangako siyang hindi niya sasaktan si Allen."

"Ikaw lang naman ang nagdududa sa desisyon ni Allen eh. Alam naman nating lahat na matalino si Allen. Lahat ng ginagawa niya, pinag-iisipan niya." sabat naman ng isang matandang babae. Mukhang mas matanda siya kesa kay Tito.

"Oo nga Ate, pero at least sigurado tayo sa kanya. Sa kanila." sagot naman ni Tito tapos ay tinignan ako nung babae.

"Mahalin mo ang pamangkin namin ha? Importante siya sa amin. Ayaw naming masaktan siya." at napatango na lang ako bilang sagot.

Hindi man ako nagsalita, mukhang naramdaman nila na sincere ako sa ginawa ko.

Nung maging busy sila sa pag-uusap ay umalis na ako dun at binalak nang lumabas muna para magpahangin. Pero paghinga ko ay nakalanghap ako ng usok ng sigarilyo kaya napatingin ako sa paligid. May nag-iinuman sa harap ng bahay nina Allen. Puro lalaki. Mukhang wala pa naman sa 30 ang pinakamatanda at ang pinakabata naman ay nasa 16 siguro.

"Pare! Balita ko ikaw daw ang syota ng pinsan namin ah?" sabi ng pinakamatandang lalaki. Pinsan din pala sila ni Allen? Ang dami talaga nila ngayon! Ngayon ko lang nakita na nandito ang buong angkan ni Allen!

"Opo." nahihiya kong sagot.

"Wag mong bubuntisin ng maaga ang pinsan namin ha? Marami pang pangarap yun." sabi ng lalaki at tinignan niya ang mga kasama niya.

Nagtawanan ang mga ito at para akong kinakantiyawan.

"Inom tayo. Para sa pagkakakilala namin sa syota ng pinakamamahal naming pinsan." pag-aya ng isa pero tinanggihan ko. Wala ako sa mood uminom eh. Saka kanina ko pa hindi nakikita si Allen eh.

"Hala! Hindi pwede yan! Napagkasunduan naming lahat na isasama namin sa pag-inom ang magiging boyfriend ni Kuya Allen. Kapag hindi mo kami sinamahan sa pag-inom, iisipin naming hindi ka seryoso sa pinsan namin." sabi naman ng pinakabata sa kanila.

Inisa-isa ko ang mga mukha nila at nabakas ko ang kaseryosohan nila. Talagang tuloy sila sa 'kasunduan' nila ha?

"Sige. Pero hindi po ako pwedeng uminom ng marami ha? Tutulong po ako sa paglilinis mamaya eh." sabi ko na lang sa kanila tapos ay umupo ako kasama nila.

Matapos ang ilang tagay ay napansin kong ayos din naman pala ang mga 'to.

Si Kuya Joven, ang pinakamatanda sa kanilang magpipinsan, napaka-ingay. Ingay in a sense na matatawa ka. Puro kasi jokes at nakakatawang experience ang binibitawan niya. Si Joseph naman, ang pinakabata, ay napakalakas uminom. Kaming mga mas matatanda sa kanya, mukhang duling na sa kalasingan, pero siya, mukhang tubig lang ang alak.

"Karl, bakit ka umiinom kasama ang mga kolokoy kong pinsan?" bulong sa akin ng isang pamilyar na mala-anghel na boses.

Dahan-dahan akong lumingon at nakita ko ang anghel ng buhay ko.

"Alleeeen. Shi Kuya Joven kashi hik inaya akong hik inaya akong uminoooom! Hik may kashunduan daw kashi shila." sabi ko tapos ay nginitian ko siya.

"Ang pangit mo! Wag ka ngang ngumiti ng ganyan. Tumayo ka na dyan. Layuan mo 'tong mga kumag na 'to. Hahatakin ka lang ng mga 'to papunta sa mundo ng mga tanggero't tomador." sabi naman ni Allen tapos ay mahina niya akong hinihila patayo.

"Inshan! Wag ka namang ganyaaaan! Shinishigurado lang namin ang pagmamahal sha'yo ng shyota mo." nakangiting sagot ni Kuya Joven at nakita kong iniangat niya ang baso sa harap ni Allen.

Kinuha yun ni Allen at tinungga.

"Last na yan ha? Wag niyo nang idamay ang boyfriend ko." saway ni Allen sa mga pinsan at sabay-sabay namang sumaludo ang mga ito.

Pumasok kami ulit sa loob habang akay-akay niya ako. Binati at kinantiyawan kami ng ilang nadaanan namin pero hindi sila pinansin lahat ni Allen. Nagdire-diretso kami hanggang sa marating namin ang kwarto niya. Inihiga niya ako sa kama tapos ay pumunta siya somewhere. Baka isinara ang pinto?

Mukhang magte-take advantage ang syota ko sa akin ah? Akala niya sa akin? Lasing? Hindi pa ako lasing. Or so I thought.

Nakita kong lumapit siya sa cabinet at mukhang may hinahanap siya dun. Pinilit ko namang tumayo para makalapit sa kanya at mayakap siya mula sa likod. Ipinatong ko ang baba ko sa kanang balikat niya tapos ay bahagya ko iyong idiniin doon.

"Karl, magpahinga ka na. Lasing ka na eh." sabi niya sa akin. Napansin kong inaayos niya yung mga damit niya. Nagulo siguro ng mga pinsan niyang bata nung pumasok dito.

"Join me, please?" paglalambing ko sa kanya.

"Ano ka, baby?"

"Yes, baby mo."

"Che! Sige na, magpapahinga na tayo BABY."

Humiwalay ako at hinawakan ko ang kamay niya. Nauna siyang makalapit sa kama para ayusin yun. Eh magugulo din naman yun pag natulog kami diba?

Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa likod niya. Lumapit ako sa kanya pero hindi ko siya nagawang hawakan. Natisod kasi ako at nadapa sa kanya. Nakadagan tuloy ako sa kanya habang nakatalikod naman siya sa akin.

Pinipilit niyang tumayo pero hindi ko naman magawang igalaw ang katawan ko dahil tinatamad na ako. Saka, there's this scent na nagbibigay ng kakaibang pakiramdam sa akin. Parang binubuhay nun ang dugo ko.

Fuck! Ang lakas na ng tama ng alak sa akin.

"Karl! Yung alaga mo! Sumusundot na naman!" biglang sabi Allen.

Ewan ko ba sa sarili ko't imbis na ilayo ko yun sa kanya. Lalo ko pang idinikit.

"Baby, I just remembered, today's your birthday pero wala akong gift sa'yo. Ayaw mo naman akong pagastusin kasi alam mong limited lang ang pera ko. Kaya naisip ko, bakit hindi na lang kita paligayahin ngayong araw na 'to?" suhestiyon ko dahil may idea na pumasok sa isip ko.

"Karl, masaya naman na akong kasama kita eh. Wala na akong hihilingin pa." sabi niya habang nagpupumiglas siya para makawala sa akin.

Kinuha ko ang mga kamay niya at itinaas ito sa ibabaw ng ulo niya. Hinalikan ko ang gilid ng leeg niya at mahina iyong sinipsip. Nung itinigil ko ang ginagawa ko ay itinapat ko ang bibig ko sa tenga niya.

"Ibang pagpapaligaya, Babe. Saka, I really want to make love to you tonight. Gusto kong ipadama na mahal kita gaya ng pagmamahal sa'yo ng buong angkan mo." bulong ko sa kanya.

Ramdam ko ang pagpigil niya sa mga kuryenteng dumadaloy sa katawan niya kaya lihim akong napangiti.

Binitiwan ko ang mga kamay niya at tumukod ako para magkaroon ng space sa pagitan namin. Umikot siya at hinarap ako. Nagkatititgan kami ng mata sa mata at ngumiti kaming parang tanga.

"You don't have to do this, Karl. Napatunayan mo na nga yang pagmamahal mo diba? As long as kasama kita, masaya ako."

"Manahimik ka na lang, okay? Gusto ko 'tong gawin. Birthday gift ko 'to, okay?"

Tumango lang siya sa akin kaya ipinwesto ko na ang sarili ko sa pagitan ng hita niya. Sinimulan kong halikan ang mga labi niya na matamis sa panlasa ko kahit na nakainom na ako ng alak. Habang rumaragasa na ang damdamin namin sa isa't-isa ay dahan-dahan ko na ring hinuhubad ang mga suot niya.

Nang parehas na kaming hubo, at ramdam na ramdam ang lamig ng hangin, ay tinitigan ko siya sa mata. Magkahalong love at lust ang makikita sa mata niya at sigurado akong ganun din ang makikita sa akin.

"Happy birthday, Baby. I love you." pabulong kong sabi sa kanya sabay pasok.

Kasabay ng impit niyang ungol ay ang malakas na tugtugan sa ibaba. Masaya sila dun, masaya kami dito.

*END OF FLASHBACK*

Napailing ako sa naalala ko at napatingin sa kanya.

"Ha!? Anong sabi mo!? Nasasaktan? Ako? Ni hindi mo nga ako narinig na nagsalita nun eh." sabi ko sa kanya. Natawa siya at narinig ko ang 'tsk tsk' niya.

"Pigil na pigil ka naman sa pag-ungol mo nun! Nasarapan ka, ibig sabihin?"

"Lul! Tigilan mo nga ako! Top ako, TOP! Tapos!"

"Galit? Oo na! Magbihis ka na para makapasok na tayo. Bengga tayo sa dalawa panigurado." sabi niya kaya bigla kong naalala ang dalawa.

Never namin silang kinausap kahit na halos sumabog na ang mga phone namin sa kakatawag at kakatext nila. Minumura na nga ako ni Jason sa text eh. Si Jomar naman mukhang alam na ang nangyayari.

Paano kaya namin haharapin ang dalawang 'to?


ALLEN'S POV

"Mauna ka na. Magsi-CR lang ako." sabi ko sa kanya nung makapasok na kami sa school.

Kinakabahan kasi ako eh.

Ano kayang magiging reaksyon ng mga kaibigan namin? Wala kaming sinabi sa kanila. Wala silang clue sa nangyayari. Hays buhay.

"Ang ganda. Sheeeeet! Pag nakita mo yun, malalaglag panga mo! Ang balita ko pa, mayaman din daw yun! Lumipat lang daw dito sa Manila dahil may hinahanap na tao. Taena! Kung lalaki yung hinahanap niya, ang swerte nung mokong na yun!" at talagang nagchikahan pa sila sa CR ng mga lalaki ha? Tsk tsk, kalalaking tao.

Pagkatapos kong umihi ay lumabas na ako ng CR. Baka malaman ko pa ang issue sa buong school pag nag-stay pa ako eh.

Habang dumadaan ako sa hallway at nasasalubong ang ilang pamilyar na mukha ay napansin ko ang umpukan ng ilang tao sa isang gazebo. Ano kayang meron dun?

Lalapit sana ako dun nang may biglang umakbay sa akin.

"Allen! Na-miss kita!" sabi ng isang lalaki.

Paglingon ko ay nakita ko si MJ! Bearded, pumuti ng konti pero tumanda ang itsura. Pero mukhang mayaman na! Hahaha. Ano kayang trabaho ng mokong na 'to?

"MJ! Kumusta ka na? Long time no see ah? Mayaman ka na? Libre naman dyan!" biro ko sa kanya.

Natawa naman siya at inalog-alog ako hanggang sa mahilo ako.

"Wala pa tayong pera. Pumunta lang ako dito para mag-check ng schedule ng mga events saka bibili din kasi ako ng Univ Shirt. Ang angas ng design ngayon eh. Bumili ba kayo?" sagot naman niya sa akin.

"Hindi kami bumili ni Karl. Walang pera eh." sagot ko naman sa kanya.

Napatingin ako sa kumpol ng mga tao at napansin kong dumadami lalo sila. Ano ba kasi talagang meron dun? Kakaibang nilalang? Cute na tao o hayop? Importanteng event or something?

"Ano bang meron dun? Tignan natin." pag-aya ni MJ.

"Hindi ako pwede eh, papasok na ako. Baka ma-late ako sa klase." pagtanggi ko naman tapos ay napatingin ako sa cellphone ni Karl, na hawak ko. 5 minutes na lang, simula na ng klase namin.

"Sus. Saglit lang eh. Titignan lang naman natin eh." pagpupumilit pa niya.

Kung hindi ko 'to susundin, malamang, kulitin ako nito. At ayokong mangyari yun ngayong unang araw ng huling taon ng pag-aaral ko.

"Oo na! Bilisan mo na, baka ma-late pa ako dahil sa'yo eh." sabi naman niya tapos ay hinila na niya ako papunta sa umpukan ng tao.

Nainis agad ako dahil bukod sa hindi kami makasingit, hindi ko pa makita kung sino yung nasa gitna dahil sa tangkad ng mga kurimaw sa harap namin.

"Allen! Ang ganda niya! Bakit ngayon lang dumating sa university ang babaeng 'to?" manghang-mangha niyang sabi. Siniko ko siya para ipaalala na may boyfriend na siya.

Tutal at hindi ko rin naman makita, aalis na lang ako. Papasok na ako sa klase. Baka magalit pa si Karl pag hindi pa ako nakita eh.

"Hoy, aalis na ako. Bahala ka na dyan." sabi ko na lang kay MJ. Hindi na siya makasagot dahil sa busy siya dun sa tinitignan niya.

Iniwan ko na siya dun at tumungo na papunta sa room namin. Tulad nung isang taon, dun pa rin ang room namin. Konti lang kasi ang mga room sa paaralan namin. Yung isang bahagi kasi nung isang building, under renovation pa rin. 6 years na daw ang nakakalipas simula nung isara yun sa mga tao. Declogged na sana ang mga buildings kung nagawa na yun. Hindi sana kami magdu-dusa sa pugon naming classroom. Sayang.

Napatigil ako sa paglalakad nang may masalubong akong isang tao.

"Allen? Bakit ngayon ka lang? Kanina pa umakyat sina Jomar ah?" bati sa akin ng isang manang. Ay, estudyante pala, naka-uniform eh. Sino ba 'tong babaeng 'to?

"RR! Halika na! Male-late na tayo eh." sigaw ng isang babae sa hindi kalayuan.

Pero napanganga ako sa narinig ko! Si RR 'tong kaharap ko?

Napahawak ako sa braso niya at pinilit ko siyang umikot. Hindi ko na mabakas sa kanya yung RR na kilala ko! Bagong tao ata ang kaharap ko.

"Nasaan si RR!? Ilabas mo siya!" sabi ko sa kanya habang mahina siyang niyuyugyog.

Pinigil niya ang kamay ko kaya napahinto ako. Napayuko siya at napatingin sa bandang kanan haban ang mga kamay niya ay nakatabi sa magkabila niyang gilid.

"Ako 'to, Allen. Ayaw ni Jomar sa mga sinusuot ko eh. Nagseselos daw siya sa mga lalaking tumitingin sa akin at pinoprotektahan niya daw ako sa mga marurumi ang utak." nahihiyang pagpapaliwanag ni RR.

Nangiti naman ako dahil pinapatunayan niya kay Jomar ang sarili niya. Ibig sabihin, mahal niya din ang kaibigan ko.

Napatapik ako sa ulo niya at niyakap ko siya. Wala naman nang malisya eh. Si Jomar na ang mahal niya.

"Masaya ako dahil masaya ka sa kaibigan ko. Mahal ka nun, at alam kong mahal mo na din siya....." nakangit kong sabi tapos ay inihiwalay ko siya sa katawan ko pero hawak ko pa rin siya sa balikat. "...pero mas sexy ka pa rin dati. Ang manang mong tignan ngayon eh." pang-iinis ko sa kanya na nagmarka naman agad sa mukha niya.

Tinulak niya ako at inirapan.

"Leche! Ngayon mo sasabihin yan samantalang dati handa akong maghubad sa harap mo! Ayaw mo lang talaga akong pukulan ng pansin noon!" mataray niyang sabi sa akin.

"Maghubad ka nga?" panunukso ko pa sa kanya.

Gulat siyang nilingon ako tapos ay namula ang buo niyang mukha. Natawa ako sa hitsura. Ngayon ko lang kasi nakitang ganyan kapula ang mukha niya dahil sa hiya.

"Che! Isusumbong kita kay Jomar! Sabihin ko pinagtatangkaan mo akong rape-in." pagbabanta niya sa akin. Kinilabutan agad ako ng marinig yung ira-rason niya.

"Hoy, wag! Pag ako napahamak, patay ka sa akin!" pagbabanta ko naman sa kanya.

"Oh, ngayon papatayin mo naman ako? Rape-slay? Ganun? Allen, ganyan ka ba? Porke hindi mo lang ako naging girlfriend, you'll go to such extent para lang maghiganti sa akin? Natatakot na ako sa'yo. Hindi ikaw ang Allen na minahak ko. Isa kang nakakatakot na nilalang!" o-kay. Nadagdagan pala ang ka-corny-han ng babaeng 'to. Akala ko naman maganda ang dulot ni Jomar sa kanya. Tsk tsk.

"Walang rape, slay lang ang mangyayari! Maiwan ka na nga dyan! Late na ako dahil sa'yo." sabi ko na lang tapos ay umalis na ako.

Habang paakyat ako ay lalong lumalakas ang kaba sa dibdib ko.

Ano na kayang nangyayari sa tatlo? May bugbog-sarado na ba sa kanila? Sana naman hindi si Karl ang kawawa.

"Gago ka ba!? Bakit hindi mo sinabi kung nasaan ka!? Nag-aalala kami! Tawag ng tawag sa akin ang Daddy mo. Gabi-gabi tinatanong kung may balita na ba ako sa'yo. Hindi ko alam kung ano ang tumakbo dyan sa kokote mo at naisipan mong maglayas. Paano na lang si Tita? Kahit yung Mommy mo na lang Karl eh. Bakit mo iiwan si Tita? Karl naman, bakit mo 'to ginawa?" tapos ay biglang may lumagabag sa kahoy na pader ng room namin kaya nagmamadali akong pumasok doon.

Yung mga kaklase namin, nakatingin sa tatlo na nasa likod. Si Karl, nakayuko samantalang si Jason naman ay nakakuyom ang kamao sa pader. Malamang yun ang narinig ko. Buti naman at hindi sila nagkasakitan.

Napansin kong papalapit si Jomar sa akin kaya umayos ako ng tayo umiwas ng tingin sa kanya.

"Mag-uusap tayong lahat mamaya." malamig niyang sabi.

Kinilabutan ako sa pagkakasabi niya kaya para akong nagyelo sa pwesto ko. Bakit parang bigla akong natakot?

"Allen! Maupo ka na! Nandito na yung prof natin!" sabi ng isa kong kaklase kaya kahit na takot na takot ako ay umupo ako kahanay nina Jomar.

Buong araw ay naiilang ako sa presensiyang ibinibigay nina Jomar at Jason. Nakaka-ilang na nakakatakot. Para silang mga leon na gutom na gutom!

Nang matapos ang lahat ng klase ay pinilit kami ni Jason na sumama sa bahay nila. Doon daw kasi kami mag-uusap. Nung una ay ayaw ni Karl pero pinamukha ng dalawa na malaki ang kasalanan namin sa kanila kaya ayun, bumigay din.

Sumakay si Karl sa motor ni Jason , samantalang ako naman ay kay Jomar. Buong biyahe ay hindi nagsasalita si Jomar. Galit na galit siguro siya sa amin.

Paghinto namin sa tapat ng bahay nina Jason ay napansin ko ang motor niya dun, nauna pala sila sa amin.

Pagbaba ko ng motor ay pinigilan ni Jomar ang kamay ko. Napalingon ako sa kanya at umiling lang siya sa akin. Maya-maya ay narinig ko ang pagsigaw ni Jason na parang galit na galit.

Pinipilit kong kumawala kay Jomar pero lalo niya lang hinhigpitan ang hawak niya sa akin.

"Tangna, Jomar! Bitawan mo ako! Nagtatalo na yung dalawa sa loob eh. Mamaya kung ano pa gawin ni Jason sa kanya!" pagmamakaawa ko sa kanya.

"Sa tingin mo ba magagawang saktan ni Jason si Karl?" tanong sa akin ni Jomar.

"With things as they are right now? OO. Hindi malayong mangyari yun. Kita mo naman kung gaano siya kagalit kanina diba? Even you, galit na galit ka din. Hindi mo man ipamukha, ramdam na ramdam ko naman."

Napangiwi ako ng maramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa braso ko.

"Sinong kaibigan ang hindi magagalit sa ginawa niyo? Alam kong sa inyo nakatira si Karl. Chineck na daw ni Tito lahat ng hotel sa Manila pero wala ang pangalan niya dun, so, ikaw na lang ang naisip kong pwede niyang puntahan para sa tulong. Bakit hindi niyo kami sinabihan? Kahit ako na lang eh. Bakit?" tanong niya kaya napatikom ako.

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Guilty ako sa ibinibintang niya eh.

"Allen, alam kong pinoproblema niyo yang relasyon niyo. Pero, nandito naman ako para tumulong ah? Nandyan si Diane, si RR. So, bakit niyo pa inilihim ang pagtatago ni Karl?" kalmado nang tanong sa akin ni Jomar.

Binitawan na din niya ako pero napayuko lang ako.

"Si Karl kasi.... Hindi namin alam ang gagawin... Muntik nang ma-engage sa kasal si Karl... Hindi siya pumayag dun kaya naglayas siya... Basta! Sorry kung naglihim kami sa inyo. Lalo na sa'yo. Sorry Jomar." naluluha-luha kong sabi habang nakayuko.

Naramdaman ko na lang ang paglapat ng kamay niya sa ulo ko at ang paggulo niya sa buhok ko.

"Papakinggan ko rason niyong dalawa. Tara na sa loob." pag-aya niya sa akin at agad naman akong sumunod sa kanya.

Pagpasok ko sa loob ay nakita ko si Jason na nakaupo sa isang sulok, nakasandal sa pader at may hawak na lata ng beer. Si Karl naman, tahimik na nakaupo sa sofa pero nakayuko lang.

Bumalik ang paningin ko kay Jason at sakto namang nakatingin siya sa akin. Isang emosyon lang ang tumatak sa isip ko nung makita ko yung mata niya. Galit.

"Bakit? Bakit hindi kayo nagsabi sa amin? Ano bang dahilan at naglayas si Karl? Kailangan naming marinig ang reason niyo. So, ano?" biglang tanong ni Jomar na nakaupo na sa sofa katabi ni Karl.

Nag-angat ng mukha si Karl at hinarap ako. Basta na lang ako tumango tapos ay tumabi din ako sa kanya.

"Kasi ganito yun..."

At sinimulan na niya ang pagkukwento.

Pilit niyang idinetalye ang mga bagay kahit na sa pinakamaliit na impormasyon.

Sinimulan niya sa pagkikita nila ni Claire. Hanggang sa pagpilit sa kanila ng Daddy niya sa kasal. Ipinasok niya din yung paglipat nila sa America na hindi naman pala matutuloy dahil napagplanuhan nila na dito siya magtatapos. Pati yung pagtanggi nila parehas ni Claire sa engagement at ang pagtira nila sa amin para magtago. Hindi kasi alam ni Tito ang bahay namin. Tapos isiningit ko din yung pag-utos namin kay Jason para kunin yung gamit ni Claire.

"So, in short, nagtago si Karl sa inyo para hindi siya ma-trace ni Tito?" tanong ni Jomar sa akin kaya tumango ako.

"Hindi na namin nasabi sa inyo kasi ayaw na namin kayong abalahin pa." sabat naman ni Karl.

"Bobo ka ba? Issue na din namin yun! Kaibigan namin kayo eh. Saka hindi pa ba malaking abala yung nag-alala kami? Dapat sinagad niyo na, humingi na sana kayo ng tulong! Oo, alam kong madaldal ako pero hindi naman ako nagsasalita pag alam kong seryoso ang issue." sabat naman ni Jason kaya lalo kaming na-guilty ni Karl.

"Sorry na mga Par. Hindi ko na kasi talaga alam ang gagawin kaya si Allen ang nilapitan ko."

"Nagso-sorry ka ba o nang-i-insulto?" tanong naman ni Jason kaya natawa si Jomar.

Tumayo siya sa kinauupuan niya at nilapitan si Jason. Inakbayan niya ito at tinapik ang balikat.

"So, ayos na ba ang lahat? Naipaliwanag na ni Karl at Allen ang nangyari kaya okay na ako. Eh ikaw, Jason?" tanong niya kay Jason.

"Hindi na ako galit. Pero may hinanakit ako. Tangna, bestfriend ko, pinaglihiman ako? Tsk." sagot naman ni Jason.

"Sorry na talaga, Par."

"Oo na! Pero teka! Eh paano na si Tita? Alam ba niya kung nasaan ka?" tanong ni Jason.

"Oo. Nasabihan ko siya agad nung umalis ko sa bahay. Nangako siyang hindi niya sasabihin kay Daddy kung nasaan ako." sagot naman ni Karl.

Napatango na lang si Jason pati si Jomar.

"Par, DotA?" tanong ni Jason at agad namang tumayo si Karl.

Nagtakbuhan sila papanhik na parang mga bata samantalang naiwan naman kami ni Jomar sa baba.

Inakbayan niya ako at hinapit pa lalo.

"Kaibigan niyo kami, tandaan niyo yan. Tutulong kami sa abot ng makakaya namin. Wala tayong iwanan." nakangiti niyang sabi.

"Ang drama, pucha!" sabi ko na lang tapos ay sabay kaming nagtawanan.


KARL VINCENT'S POV

Wala kaming pasok bukas kaya napagdesisyunan naming apat na kina Jason na mag-stay para makapag-usap pa ng matagal at mapagkwentuhan pa ang mga bagay.

Nasabi ni Allen na nakita niya daw si RR kanina na parang manang ang itsura at agad namang nanlaban si Jomar. Hindi daw niya maatim na binabastos ang 'kaibigan' niya kaya pinagawa niya yun. Naging tampulan tuloy siya ng tukso sa pagiging overprotective niya kay RR.

Ito namang si Jason, nag-aadik kay Diane. Halos magkaroon na daw siya ng timecard sa araw-araw na pagpunta kina Diane. Nagalit pa si Allen dahil nagsikreto daw si Diane sa kanya. Pero ginamit naman ni Jason ang pagsisikreto namin laban sa amin. Aray!

Matapos naming magtuksuhan at asaran ay hinila ako ni Jomar palabas ng kwarto ni Jason. Sumandal siya sa pader habang isinasara ko ang pinto.

"May balak na din ba kayong sabihin kay Jason ang relasyon niyo?" bigla niyang tanong. Napahawak ako ng mahigpit sa doorknob kasabay ng seryoso kong pagtitig dito.

"Hindi ko pa rin alam, Par. Nakita mo naman kung gaano siya kagalit na malamang may itinago ako sa kanya diba? Paano pa kaya 'tong malalaman niya na isinikreto ko sa kanya na syota ko ang isa sa mga kaibigan niya na mangyaring lalaki din? Oh eh di baka napatay na ako nun." sabi ko na lang sa kanya habang pinipilit na magpakita ng ngiti.

"Tandaan mo, Par, walang sikretong hindi nabubunyag." sabi niya tapos ay hinawi niya ako at binuksan uli ang pinto.

Nakapasok na siya sa loob pero naiwan ako sa labas. Napansin kong masaya si Allen pati na rin yung dalawa.

Alam ko namang hindi na magtatagal at kailangan na naming ipagkalat na kami nga ni Allen. Pero sa ngayon, gusto ko munang maging pribado kami dahil alam kong once na sabihin ko na ang relasyon namin, hinding-hindi na kami malalagay sa tahimik. Dudumugin na kami ng panunukso saka pang-aapi.

"Par! Halika na! Game na!" paanyaya ni Jason kaya agad akong nagpakita ng ngiti at pumasok sa loob.

Magiging okay lang ang lahat. As long as alam kong mahal ako ni Allen, handa akong humarap sa kahit na anong problema.

Continue Reading

You'll Also Like

262K 5.4K 20
BOYXBOY GAY YAO BROMANCE-- Tahimik ang buhay ko. Simple lang,with my father I feel complete. Namatay si Mama habang pinapanganak ako kaya si Papa ang...
149K 11.4K 169
Si Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OK...
120K 4.4K 48
Gaano nga ba kahirapang magsimula muli? Hanggang saan kadadalhinng isang pusong sawi? Anong mga pagbabago ang maidudulot nito sayo. Ito ang pang-apa...
1.4M 56.3K 74
UNEDITED Only Girl Series #2 Isang Babae ang papasok sa isang magulo, basag ulo, maingay ngunit mga guwapong nilalang. Sa kaniyangg pamamalagi sa Se...