Spoken Word Poetry

By lanapangilinan

73.3K 580 95

Poetry More

Spoken Word Poetry
HI
YOUTUBE CHANNEL
Bakit?
Kundiman
Pasensya Na
Sana
Sa Pangalawang Pagkakataon
Higit, Kumulang
Tapos
Pagbalik
Pinagtagpo
Hope
Decided
OPEN FOR REQUESTS
#73 in Poetry
#58 in POETRY
Hindi Ko Alam
Fangirl
Brown Eyes
Mga Bebe
Wikang Mapagbago
#27 In Poetry
Pusher
Mula Sa Akin
ONE LAST TIME
Andito
Isa Ako Dun
Sa Aking Pagtanda
Ako
Sana Wala Na
#34 in Poetry
Nana's Corner
Northern Star

Hindi Naman Ako

808 12 9
By lanapangilinan

Hindi Naman Ako
ni Lana Pangilinan
...

Nagsimula ang ating kwento sa ilang beses na pagpuna mo sa mga gawa ko.
Nagsimula tayo sa... Teka lang, wala nga palang tayo.

Kaya siguro ganoon dahil ako lang naman ang naghulog sa sarili ko.
Hindi ko man lang naisip na baka nay nagmamay-ari na sa puso mo.
Ano ba naman kasi ako eh, Hindi ko man lang naisip na wala namang malisya ang pangungulit mo na mag-usap tayo.
Hindi ko man lang naisip na pala-kaibigan ka kaya ang hilig mo na kulitin ako.

Sa naalala ko, Hindi naman ako yung unang bumabati ng magandang umaga pero ako yung umasa.
Hindi naman din ako mahilig magtanong kung kumain ka na ba pero ako yung umiyak ng malamang may gusto kang iba.

Simple lang naman ako dati.
Kumakain tatlong beses isang araw, minsan sumosobra nagiging Lima. Nanonood ng TV... Kinikilig kapag nagbabasa... At kung ano-ano pang mga bagay na wala namang kakwenta-kwenta.

Tapos... Dumating ka.

Yung tulog ko na dating maaga inabot na ng umaga.
Yung kain ko na dating nasa oras, napapaliban ko na maka-usap lang kita.

Akala ko... Ikaw na. Akala ko... Tayo na.
Akala ko lang pala.

Ngayong araw, kung saan ang simoy ng hangin ay kay lamig sa pakiramdam.
Pero sa totoo lang, mas malamig ka pa sa hangin ng darating na kapaskuhan. Yung araw, pansin mo ba? Hindi na din masyadong nagpapakita.

Parang ikaw, sumisilip na lang kapag gusto na.

Yung kalangitan na madilim kahit tanghaling tapat na, ganyan yung stado ko ngayon. Anong oras na pero tingnan mo eto ako ngayon sumusulat nanaman ng tula dahil Hindi pa nawala sa isip ko ang mga ala-ala natin noon.

Andito pa din ako. Hirap gumawa ng solusyon at hirap kung kakaliwa ba o kakanan ako ngayon.
Naiwan ako dito sa pagitan.
Naiwan ako sa kung saan hindi ko na maihiwalay ang tama sa mali.
Naiwan akong nalilito kung nakakabuti pa ba ito sa akin o hindi.

Hindi naman ako. Hindi naman ako yung gusto mo kaya sana huling tula na ito. Sana huling beses na to.

Tama na, kasi hindi naman ako.

Continue Reading

You'll Also Like

1.9K 351 32
❝ Aking bubuhayin ang ating mga patay na alaala, kahit pa ang kapalit nito'y dagdag na kapighatian. ❞ + highest rank: #68 in poetry -01.12.19 #23 in...
80 22 40
Both stings when it hits the skin. - A collection of prose and poetry by August Archer.
3.3K 971 12
PUBLISHED under Chapters of Love Indie Publishing. - Half of A Hundred Poems She's voicing her thoughts through a pen, and expressing herself through...
24 10 10
Dito ay aking isisiwalat ang lahat ng mga likhang mga tula na gawa ng aking isipan mga makabuluhang imahinasyon