Rosa Magica

By EMbabebyyy

11.2K 1.9K 381

Ano'ng gagawin mo kung sakaling bibigyan ka ng isang mahiwagang bulaklak? Isang mahiwagang bulaklak na kayang... More

ROSA MAGICA
Unang Kabanata
Ikalawang Kabanata
Ikatlong Kabanata
Ikaapat na Kabanata
Ikalimang Kabanata
Ikaanim na Kabanata
Ikapitong Kabanata
Ikawalong Kabanata
Ikasiyam na Kabanata
Ikasampung Kabanata
Ikalabing-isang Kabanata
Ikalabindalawang Kabanata
Ikalabing-tatlong Kabanata
Ikalabing-apat na Kabanata
Ikalabinlimang Kabanata
Ikalabing-anim na Kabanata
Ikalabimpitong Kabanata
Huling Kabanata
ROSARIA
AUTHOR'S NOTE

Ikalabingwalong Kabanata

355 74 28
By EMbabebyyy

Ikalabingwalong Kabanata

Nagising ako nang nakahiga sa isang matigas na bagay. Idinilat ko ang mga mata ko at nakita ang isang hindi pamilyar na kisame. Napabangon tuloy ako bigla. Inilibot ko ang aking paningin at nakitang wala ako sa sariling kuwarto at hindi rin ito ang kuwarto ng mga magulang ko. Kung gano'n ay nasaan ako?

Napatingin ako sa kuwartong kinaroroonan ko. Punong-puno ng mga libro ang kuwarto at wala akong ibang makita kundi libro at ang kamang hinigaan ko kanina. Tumayo ako at lumapit sa isang bookshelf. Kumuha ako ng isang libro at nagulat ako nang makitang sobrang luma na ng cover nito. Parang noong sinaunang panahon pa na-produce ang librong ito.

"Spells for Good Magic," pagbasa ko sa title ng libro na hawak ko. Anong klaseng libro 'to?

Tiningnan ko rin ang ibang libro at puro may kasamang spells o magic ang bawat title ng mga nakukuha ko. Ano bang klaseng kuwarto 'to? O baka naman library 'to ng mga libro na may kinalaman sa magic? Teka, nasa Hogwarts ba ako?

Binatukan ko ang sarili. Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko. Pero teka, nasaan nga ba ako?

Lumabas ako ng kuwarto at naghanap ng tao hanggang sa mapadpad ako sa kusina.

"Tao po? May tao po ba rito?" pagtawag ko, nagbabakasakaling may sumagot.

"Gising ka na pala."

Nagulat ako nang magsalita ang isang babae na may ginagawang kung ano sa tapat ng isang makalumang kalan.

"S-sino po kayo? At n-nasaan po ako?"

Humarap sa akin ang babae at nagulat ako nang makita si Rosaria, ang babaeng nagbigay sa akin ng mahiwagang bulaklak!

"Base sa reaksiyon mo ay naaalala mo na kung sino ako, tama ba?" Tumango ako at ngumiti naman siya. "Nandito ka sa bahay ko."

"B-bahay n'yo po ito? Bakit n'yo po ako dinala rito?"

"Natatandaan mo ba kung ano ang huling nangyari bago ka makatulog?"

At parang isang bombang sumabog sa utak ko ang mga pangyayari bago 'ko magising sa kuwartong kinaroroonan ko kanina. Ang pag-aaway namin ni Jairo, ang pambababae ng tatay ko, ang pag-aaway ng mga magulang ko, ang pagyaman namin, ang pakikipagplastikan ko kina Kimmy, at ang paghiling ko na sana'y bumalik sa dati ang buhay ng mga magulang ko at ni Jairo kapalit ng buhay ko.

"I-ibig po bang sabihin . . . patay na ako?" kinakabahang tanong ko.

Ngumiti si Rosaria at umiling. "Hindi totoo ang puti at itim na talulot."

"P-po?" gulat na tanong ko.

"Pagsubok lamang ang dalawang iyon. Kapag pinili mo ang itim na talulot, walang mamamatay pero mananatili ka sa estado na kasalukuyan mong kinalalagyan."

"Pero puting talulot ang pinili ko . . ."

"Kapag ang puting talulot ang pinili mo, hindi totoong mamamatay ka. Ang mamamatay ay ang mga hiniling mo kay Rosa. Isa lamang pagsubok ang pagpili sa itim at puting talulot. Pagsubok kung mananatili kang makasarili o handa kang isakripisyo ang lahat ng meron ka. At dahil pinili mo ang puti, ibig sabihin ay pinili mong isakripisyo ang lahat ng hiniling mo," mahabang paliwanag ng magandang babaeng kaharap ko.

"Ibig sabihin, babalik na sa dati ang buhay namin?" Nagkaroon ng sigla ang boses ko.

Tumango naman si Rosaria. "Natutunan mo na ang dapat mong matutunan, Sydney. At sana'y dumating ang araw na hindi mo na uli kakailanganin pa ang isang kakaiba o mahiwagang bagay para lang maalala mo ang mga ito. Marami ka pang pagsubok na pagdadaanan, Sydney. Bata ka pa. Maliit na porsiyento pa lang 'yang pinagdadaanan mo kumpara sa pinagdadaanan ng mga magulang mo."

Bigla kong naalala sina Nanay at Tatay. Ginagawa nila ang lahat para lang makapag-college ako. Kahit na hindi na nila nabibili ang gusto nila ay ayos lang dahil mas inuuna nila ang pag-aaral ko. Pero ano'ng ginagawa ko? Ako pa ang may ganang magalit dahil hindi ko nakukuha ang gusto ko, dahil hindi ko nasusunod ang mga luho ko.

Muli kong narinig na nagsalita ang babaeng kausap ko. "Naiintindihan ko naman na marami kang kinaiinggitan, lalo na't mayayaman ang mga kaklase mo. Pero isipin mo na lang na kapag nakatapos ka ng pag-aaral, kapag nakapagtapos ka ng may medalya, maaari kang makakuha ng scholarship sa kolehiyo. At kapag nakapagtapos ka, mabibili mo na ang lahat ng gusto mo. Kailangan mo lang munang magtiis, Sydney. Kailangan mo munang matutunan kung paano ang mahirapan bago mo makamit ang gantimpala."

Napangiti ako. "Maraming salamat po. Mas naintindihan ko na ngayon ang mga pangyayari sa buhay ko. Kung mamadaliin ko ang pagkuha sa mga bagay na gusto ko ay maaari itong magdulot ng hindi maganda. Dahil unang-una, hindi ko ito nakamit dahil sa pagtitiyaga at pagsisikap, nakamit ko lamang ito dahil sa isang kapangyarihan."

Tumango ang babae at hindi pa rin nawawala ang ngiti sa kanyang mga labi. "At sana'y huwag na huwag mong kalilimutan iyan hanggang sa tumanda ka."

Tumango rin ako. "Pero, may itatanong lang po ako. Rosaria lang po ba talaga ang itatawag ko sa inyo? O puwede ko kayong tawaging Ate Rosaria?"

Natawa ang babae. "Tawagin mo na lang akong Aling Rosaria."

"Po? Masyado naman pong matanda 'yon, e ang bata-bata n'yo pa," natatawang sagot ko.

"Matanda na talaga ako, Sydney."

"P-po? E, bakit . . ." napatingin ako sa kanyang ulo pababa sa kanyang paa, "ganyan ang itsura n'yo?"

"Sa tingin ko'y kailangan ko nang ipakita sa 'yo ang totoong itsura ko."

Nagulat ako nang may biglang lumabas na bulaklak sa ibabaw ng mesa na nasa gilid ko. Teka, ito 'yong . . . "Rosa?" gulat na tanong ko. Buo na uli ito!

"Gritie, sa tingin ko'y dapat na tayong magpakilala kay Sydney."

"Sige po, mahal na reyna!" Napalayo ako sa mesa nang makarinig ng isang maliit na boses na parang nagmula sa bulaklak.

Napaubo naman ako nang may lumabas na napakaraming usok at napapikit pa ako nang makitang nagliliwanag nang sobra ang bulaklak at si Aling Rosaria. Ilang sandali pa'y humupa na ang usok at liwanag. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang itsura ng babaeng kausap ko kanina.

"I-ikaw po si R-Rosaria?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Ngumiti naman ang babae. "Ako nga, at ito ang tunay na anyo ko."

Isang babae na kung iisipin ay nasa forty plus na ang edad ang nasa harapan ko ngayon. Gano'n pa rin naman ang itsura niya, maganda pa rin siya. Tumanda lang ang mukha niya at naging matapobre na ang itsura niya. At 'yong mapupulang mga mata niya? Wala na iyon ngayon.

"At ako naman si Gritie!" Isang maliit na tinig ang narinig ko. Hahanapin ko pa lang sana ang pinagmulan n'on nang may sumulpot na insekto sa harapan ko. Mali, hindi siya insekto.

"Isa kang . . . Teka, pusa? Ay, hindi, rabbit? Hindi, pusa nga yata." Tiningnan ko ang kung ano mang nilalang na nasa harapan ko. Hindi ko mawari kung ano bang klase ng hayop siya.

Nakita ko ang pagsimangot ng munting nilalang. "May pusa at rabbit bang lumilipad?!"

Hindi ko napigilan ang pagtawa ko. Ang cute niya! Kasing laki lang siya ng isang kuting.

"Ako si Gritie at isa akong custos! Ang ulo, tainga, ilong, at bibig ko ay kagaya ng sa pusa, may pakpak naman ako na kagaya ng sa paruparo, at may katawan at buntot ako na kagaya ng sa rabbit."

"Gritie? Akala ko ba e Rosa ang pangalan mo?" naguguluhang tanong ko.

"Binibigyan ko ng ibang pangalan si Gritie kapag nasa isang misyon siya," sagot naman ni Aling Rosaria.

"P-pero, bakit ang weird ng itsura niya?" medyo alanganin kong tanong, baka kasi sumimangot na naman si Gritie.

"Talaga bang bumalik ka na sa dati, Sydney? Bakit mapanlait ka pa rin?" tanong ni Gritie at sumimangot na naman.

Napakamot ako sa ulo ko. "Sorry. Bago sa akin ang lahat ng nakikita ko ngayon kaya pasensiya ka na."

Inismiran ako ng munting nilalang. Ang taray naman nito!

"Ako ang lumikha kay Gritie." Napalingon ako kay Aling Rosaria. "Noong bata kami, sa edad na pito ay pinalilikha kami ng mga munting nilalang na magsisilbing tagapagbantay namin. Sa aming mundo, ang tawag namin sa kanila ay 'custos.'"

Napatango na lang ako. "Ang cute mo naman, Gritie!" sabi ko saka ko siya pinlanong hawakan pero agad siyang lumipad palayo sa akin. Nagtaka naman ako.

"Alam kong hindi ka pa sanay na humawak ng isang kagaya ko kaya bigla akong lumayo. Alam ko na bigla mo 'kong dadakmain kagaya ng ginawa sa akin ng kaibigan mo," parang nagtatampong sabi ni Gritie.

Nagtaka ako lalo. "Kaibigan? Sinong kaibigan?"

"Si Jairo," sagot ni Aling Rosaria.

Nagulat naman ako sa isinagot niya, halos lumuwa ang mga mata ko sa gulat. "Nakita na rin kayo ni Jairo?!"

Tumango ang babae. "Noong umagang humiling ka sa pulang talulot, biglang napadpad ang kaibigan mo rito. Kapag may nakakita sa 'yo na humihiling kay Rosa, mapapadpad siya rito. Ibig sabihin, kailangan kong burahin ang alaala ng tao na 'yon at saka ko siya ibabalik sa mundo n'yo."

"Mundo namin? Bakit? Nasa ibang mundo po ba tayo ngayon?"

"Nandito ka sa Reciprocity World kung saan lahat ng bagay sa mundo ng tao ay kabaliktaran sa mundong ito. Gaya na lamang ng mahika, normal na sa mundo namin 'yon pero sa inyo ay hindi. Dahil unang-una, wala naman talagang mahika sa mundo n'yo," sagot ni Gritie.

Napatango-tango ako. "Pero teka, ibig sabihin po ba ay may alam na si Jairo tungkol sa mga nangyari sa akin?"

"Oo, Sydney. Ikinuwento ko sa kanya ang lahat ayon na rin sa kagustuhan niya," sagot naman ni Aling Rosaria.

"Pero, 'di ba sabi mo po, buburahin mo ang mga alaala niya? Kaya ba wala siyang alam tungkol sa pulang talulot nang banggitin ko sa kanya 'yon?"

Umiling ang kausap ko. "Hindi niya pinabura ang alaala niya dahil gusto niya na maintindihan ka. Ayaw niya na wala siyang alam sa mga nangyayari sa 'yo."

"P-pero . . . bakit parang wala siyang alam tungkol sa pulang talulot?"

"Dahil gumawa siya ng paraan para magising ka. Noong nandito siya ay tinanong niya ako kung paano ka niya matutulungan. Sinabi ko na kailangan ka niyang gisingin. Kung ikukumpara sa pisikal, kailangan ka niyang sampalin para magising ka sa katotohanan. At nasa sa kanya ang desisyon kung paano niya 'yon gagawin. At sa tingin ko nama'y nagawa niya nang maayos ang plano niya."

"Plano?"

"Ginalit ka niya para mahirapan ka. Pinahirapan ka niya para umamin ka. Pinaamin ka niya para umiyak ka. At nang umiyak ka, doon mo pinagsisihan ang lahat ng ginawa mo. Iyon din ang naging daan para gamitin mo ang puting talulot."

"Paano kung ang itim ang ginamit ko?"

"Ibig sabihin ay hindi nagtagumpay ang plano ni Jairo. At wala na siyang magagawa kung ginamit mo ang itim na talulot. Hinding-hindi ka na niya magigising sa katotohanan hanggang sa mismong ikaw na ang pumatay sa sarili mo."

Bigla akong kinilabutan sa sinabing iyon ni Aling Rosaria. Ibig sabihin, kung pinili ko ang itim na talulot, maaari akong mabaliw o ma-frustrate hanggang sa ako na mismo ang kumitil sa buhay ko? Para akong nanlamig sa naisip ko, at the same time ay nakahinga nang maluwag. Mabuti na lang pala at puti ang ginamit ko.

"K-kung . . . ang itim ang ginamit ko, mananatili pa rin ba sa alaala ni Jairo ang mga nalalaman niya tungkol sa bulaklak?"

Tumango ang babaeng kausap ko. "Mananatili iyon sa isipan niya at matatali siya sa paggising niya sa 'yo. Habambuhay ka niyang gigisingin sa katotohanan. Gagawa at gagawa siya ng paraan, pero lahat ng iyon ay mababalewala dahil hindi na matatapos ang kapangyarihang ibinigay ni Rosa sa buhay mo."

"Hanggang sa pagtanda niya'y gano'n lang ang gagawin ni Jairo? Matatali siya sa akin?" nabahiran ng takot ang boses ko.

"Oo. Hanggang sa mapagod ang katawan niya na magiging dahilan ng kamatayan niya."

Muli akong tumingin kay Aling Rosaria. "May tanong pa po ako. Tinawag kang reyna kanina ni Gritie. Ano'ng ibig sabihin n'on? At bakit sa dinami-rami ng tao, bakit ako napili mong tulungan?"

"Ako ang reyna ng isa sa mga kaharian dito sa Reciprocity World. Ngunit hindi naging maganda ang pakikitungo ko sa mga tauhan ng kaharian kaya isinumpa ako ng aking ama na isa sa mga pinakamakapangyarihan sa aming mundo."

"Sumpa? E, base sa mga nababasa kong kuwento noon, kapag isinumpa, pumapangit o 'di kaya'y nag-iiba ang anyo. Pero bakit po kayo ay mas bumata pa?"

Natawa ang babae. "Dahil ibang sumpa ang ginawa ng aking ama. Hindi niya binago ang itsura ko kagaya ng iniisip mo. Ako lamang ang gumawa ng paraan para bumata ang aking anyo. At ang sumpang ginawa ng aking ama ay ang pagpapadala niya sa akin sa Chain of Sins."

"Chain of Sins?"

Muling tumango ang ginang. "Ang Chain of Sins ang kahuli-hulihang parte ng mundo namin. Itong kinalalagyan ng bahay ko ay ang parte kung saan makikita ang linya na naghahati sa dalawang magkaibang mundo. At dito sa parte na 'to pinatitira ang mga nagkakasala sa aming mundo."

Napatango-tango ako kahit na medyo nahihirapan akong isipin ang mga sinasabi niya. Hindi ako nagsalita kaya itinuloy na ni Aling Rosaria ang pagkukuwento.

"Sinabi ng aking ama na kailangan kong tumulong sa iba't ibang tao sa mundo n'yo. Kailangang may sampung tao na magbago dahil sa tulong ko."

"Kagaya na lamang ng ginawa mo sa akin? Binago mo ang pananaw ko tungkol sa buhay?"

Tumango siya habang nakangiti. "Ikaw ang kauna-unahan kong misyon at masaya ako na nagtagumpay ako."

"Masaya rin po ako na natulungan ko kayong mapagtagumpayan ang kauna-unahan n'yong misyon."

Ngumiti kami sa isa't isa.

"Bigla ko lang pong naalala. Si Gritie, bakit siya nagpanggap na bulaklak?" tukoy ko sa custos na lumilipad-lipad sa pagitan namin ni Aling Rosaria.

"Dahil siya ang kanang-kamay ko at siya lang ang maaaring makatulong sa akin sa pagtupad ng aking misyon. Pinapalitan ko ang anyo ni Gritie base sa tulong na kinakailangan ng taong tutulungan ko."

"Kaya po pala marami kang libro ng mga spell." Tumango ang ginang bilang sagot. "Nagtataka lang po ako. Bakit ako nakakatulog sa tuwing humihiling ako kay Rosa?"

Sumulpot sa harapan ko ang lumilipad na kanang-kamay ni Aling Rosaria. Ang cute talaga ng dwairy na 'to!

"Simple lang! Pinatutulog kita upang magawa ko ang hinihiling mo. Habang natutulog ka, ibinubudbod ko sa gilid mo ang mga abo na nagmula sa talulot na ginamit mo. Sa madaling salita, nakapalibot sa 'yo ang mga abo. Pagkatapos ay doon ako magbibikas ng spell para matupad ang kahilingan mo."

"Ibig sabihin, hindi totoong hinahangin ang mga abo?"

Tumango ang dwairy. "Sa mga mata mo, sumasama sila sa hangin. Pero sa mga mata ko, nandoon lang sila sa puwesto kung saan mo sila hinipan."

Tumango-tango ako. Ngayo'y naiintindihan ko na kung bakit nakakatulog ako pagkatapos humiling sa mahiwagang bulaklak.

Maya-maya pa'y lumapit sa akin si Aling Rosaria at hinawakan ang aking kamay na siyang ikinagulat ko. "Sydney, kaunting oras na lang ang natitira mo rito sa bahay ko, kaya naman sasabihin ko na ang mga dahilan kung bakit hindi natupad ang hiling mo sa pulang talulot."

Oo nga pala, isa 'yon sa mga dapat kong itanong kay Aling Rosaria.

"Bakit nga po ba?"

"Una, dahil nakita ka ng taong gusto mong paggamitan ng kapangyarihan. Nakita ka ni Jairo na siyang pakay mo rin sa kahilingan mo. At pangalawa, dahil may isang napakahalagang bagay ang humaharang sa kapangyarihan ng bulaklak na ginawa ko."

"A-ano po 'yon?"

"Ang pagmamahal ni Jairo sa 'yo."

"P-p-po?" gulat na tanong ko kay Aling Rosaria. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Bakit ganito? Ang lakas ng tibok ng puso ko.

"Mahal ka ni Jairo, hindi bilang isang kaibigan, kundi bilang si Sydney. At ang pagmamahal na 'yon ang isa sa mga bagay na kailanman ay hindi matatalo ng mahika."

Continue Reading

You'll Also Like

32.5M 1M 97
She can see the future, her name is Jill Morie. They are Peculiars, they exist. And this is their tale. ***** Jill Morie, the girl who can see the...
236K 13.7K 90
Textmate Series #1 | Congratulations! Your number have won! *** An epistolary. "Pa-loadan mo ang number na ito upang ma-claim ang prize." Two souls m...
23.4M 779K 60
Erityian Tribes Series, Book #3 || Cover the world with frost and action.
66.7K 3.5K 26
Deities in Town #1 || Eliane Domingo wishes to live normally, finish her thesis, and graduate on time. But with her suddenly becoming the sun god's v...