Kassandra's Chant (COMPLETED)

By SkyFlake_Morales

88.2K 2.1K 119

NAGING mahirap ang unang pakikisalamuha ni Kassandra sa siyudad ng Hermanos ngunit ni minsan ma'y hindi siya... More

Prologue
Chapter 1 (A new beginning)
Chapter 2 (The Vergara brothers)
Chapter 3 (A simple smile)
Chapter 4 (Lucas)
Chapter 5 (Sta. Louise Bay)
Chapter 6 (True intentions)
Chapter 7 (Vergara mansions)
Chapter 9 (Invitations)
Chapter 10 (The Banquet)
Chapter 11 (The rebel knight)
Chapter 12 (Answered Prayers)
Chapter 13 (Fate reveals itself)
Chapter 14 (The gift)
Chapter 15 (Discreet)
Chapter 16 (Voyage of El Mirasol)
Chapter 17 (Isla del Juego)
Chapter 18 (The white tower)
Chapter 19 (Unravel)
Chapter 20 (The fall)
Chapter 21 (The heiress)
Chapter 22 (El Santillian Manor)
Chapter 23 (The red room)
Chapter 24 (Escape)
Chapter 25 (A friendly date)
Chapter 26 (Chivalrous knight)
Chapter 27 (The last chance)
Chapter 28 (Betrayal of trust)
Chapter 29 (Valiant and brave)
Chapter 30 (Tangled hearts)
Chapter 31 (Masquerade)
Epilogue (Lost in translation- Finale)

Chapter 8 (Isla El Mare)

2.6K 56 2
By SkyFlake_Morales

        MATAPOS makapag-laundry ay nagpahinga muna siya sa may kusina. Kasama niya roon si Yaya Pacita na abala naman sa paghahanda ng tanghalian. Maya-maya'y dumating na rin si Lucas.

        "Oh, buti naman nandito ka na. Halika't kakain na tayo," paanyaya naman ng matanda.

        Parang walang narinig si Lucas, dumiretso lang ito sa kuwarto at pagod na bumagsak sa kama.

        "Lucas, ang sabi ko kakain na!" Sigaw pa ulit ng matanda ngunit walang Lucas na sumasagot. "Sunduin mo na nga Kassandra at baka makatulog ng hindi kumakain."

        Tumayo na siya upang silipin na ito sa kuwarto. Nakita niya na walang kibo itong nakataob sa kama.

         "Hoy! Kakain na raw sabi ni Yaya."

         Ni hindi man lang gumalaw Ito.

         Napalunok siya ng muling sulyapan ang binata. Ang totoo, nagdadalawang-isip siya na baka magalit ito sa oras na gisingin niya. Pinaalam kasi ng matanda na sinusumpung ito paminsan-minsan. Dahan-dahan s'yang lumapit, upang obserbahan pa ito lalo. Napa-upo na siya sa gilid ng kama.

        Akalain mong, umaamo pala ang mukha ni Lucas kapag himbing na itong natutulog.

        Baka naman nakatulog na nga? Piping wika niya sa isip. Lumapit pa siya sa tabi ng kama upang obserbahan pa ang pagmumukha ni Lucas.

          She poked his shoulder.

          "Lucas...”         

          "Lucas, kakain na," bulong niya pa ulit ngunit wala siyang nakukuhang reaksiyon mula sa binata. Lumapit pa siya lalo. Naamoy na niya ang pabangong gamit nito.

          "Luca—."

         "BOOO!" Ginulat siya nito.

          Gulat na natumba si Kassandra. Gigil na gigil siyang humiyaw.

        "AHHH! Nakakainis ka talaga."

        Tumihaya sa kakatawa si Lucas.

      "Hay, ikaw talaga!" Asar na dinampot niya ang unan at pinaghahampas ito sa mukha.

      "ARAAYYY! Tama na, Kassandra!" Tawa ng tawa lang si Lucas.

      "AHHH! Manigas ka d'yan."

       Nagmamadali siyang humakbang patungo sa kusina at inis na umupo ulit sa silya.

      "Oh, ano naman yang ingay n'yo sa kuwarto?" Pagtataka naman ng matanda.

      Salubong na ang kilay niya. "Si Lucas po kasi... AAHHH!" Sabay puyos ng kanyang kamao.

      "Anong ako? Ikaw kaya 'tong magugulatin. Tingnan mo namumutla ka na." Sinundan s'ya nito at umupo sa kanyang tabi. Halata naman na hirap na hirap ito sa pagpipigil ng tawa.

      "Oh tama na yan. Ikaw— Lucas ha, kahit kailan talaga hindi ka na nagbago. Oh s'ya-s'ya, kumain na tayo."

-----

      KASALUKUYANG nasa viranda si Nathaniel ng matanaw niya ang dalagang papalapit. Katulad ng dati kahit casual wear lang ang suot, classy pa rin ang dating nito. Bibihira lang ang pagkakataon na makita niya itong naka-shorts pero di niya maiwasang maakit sa mapuputing legs ni Margaux.

          Kilalang kilala niya ito. Siya kasi ang nag-iisang anak ng mga Buenaflor.

         Well... It's just that— they grew up together. Ilang taon palang mula ng umuwi ito galing abroad. Tinahak nito ang fashion world at matapos ng ilang endorsement ay sumikat siya ng husto.

         Naalala niya pa kung bakit siya nasasangkot sa mga away noong kabataan nila. Medyo may pagka-chubby kasi ito dati at madalas siyang lapitan nito sa school upang gantihan ang mga bullies niya.

         Ngunit matapos nitong umuwi mula sa kanyang pag-aaral sa abroad. Margaux has finally emerged into a beautiful seductive woman. 

       "Hey!" Bati nito sa kanya.

       "Wala ka noong isang araw. Hindi ko tuloy alam ang idadahilan ko sa mama mo." Naisipan nitong isara ang librong binabasa. Sinukbit niya ng daliri ang tasa sa ibabaw ng salaming mesa at humigop ng kaunting kape. Kusang umupo naman si Margaux sa isa sa bakanteng upuan. Halatang gamay na gamay na niya ang kasuluksulukan ng Vergara Mansions.

       "Daisy, magdala ka pa ng isang tasa rito." Utos ni Nathaniel sa isang maid na kasalukuyang nasa Viranda.

       "I'm dead tired," sumandal ito sa chair, hinubad nito ang sunglasses at hinilot ang kanyang nuo.

       "Ilang photo shoot pa ba ang tinatapos mo sa ngayon? Masyadong mo namang pinapagod ang sarili mo."

       "Ah, too many to mention. Please stop reminding that to me. Lalo lang sumasakit ang ulo ko."

       "Oh!" Natawa siya. "You're lousy. Mamaya may makakita sa'yong paparazzi d'yan. Siguradong front page ka na naman." Masayang pagbibiro pa niya sa dalaga. "Did you called your mom, she's really worried?"

        "I already did. Hey! I heard na 30th anniversary ng parents mo, ha." Sagot ni Margaux.

        "Oo, ina-arrange na nila iyong party para sa saturday. Siguraduhin mo na makakapunta ka para hindi boring."

         At napasagot naman ito. "So kaya mo pala ako pinapupunta para hindi ka lang mainip!"

        "Sir, Nathaniel, ito na po," inihain ng serbedora ang coffee at may inilapag sa mesa na dalawang hiwa ng braso de mercedes na nasa porcelain plate.

       "No thank you, itong coffee nalang." Tanggi ni Margaux sa maid.

        Kinuha naman ni Nathaniel ang platito at inilapag sa kanyang tapat. "Gawa ni Mama, yan. Masarap s'ya. Sige Daisy, salamat."

       "Pupunta ba si Lucas?" Tanong ng dalaga.

        "Hindi ko alam. Well, you know him. He's too unpredictable. Katulad pa rin ng dati, mahirap hagilapin."

         "Do you want me to convince him? I'm sure, hindi yun makakatangi sa akin."

        "Please do, but I don’t know if dad will be happy to see him after all the trouble that he did last time."

        "Kapatid mo pa rin s'ya, Nathaniel. Don’t be too harsh on him."

        Naging malamlam ang mga mata niya.

         "I just hope that he see's it, the same way."

-----

         PANIBAGONG araw ulit ang bubunuin ni Kassandra. Naglalakad siya sa hall ng La Vergara towers ng makasalubong niya si Lucas. May bitbit itong ilang mga gamit.

       "Good! You're here." Anito.

       "Ha, bakit anong problema?" Napatigil ito ng makaramdam ng pag-aalala.

       "Kailangan ko ng assistant."

        "Assistant... Bakit? Saka papaano si yaya Pacita sa itaas?"

       "She's not coming today."

        Hinawakan agad ni Lucas ang kamay ni Kassandra, para na siyang kinakaladkad nito palabas ng building.

        "Saan ba tayo pupunta?" Pagtatakang tanong niya.

        "Basta sumama ka nalang wala ng tanung tanong."

        Nakarating sila sa isang mini van na naka-park sa tapat ng building. Binuksan agad ni Lucas ang sasakyan. Agad nitong ibinaba ang malaking itim na bag at tri-pod na kanyang dala. "Dali-dali mala-late na ako," madaling paghangos nito, pagkapasok sa sasakyan ay inaya nitong sumakay agad si Kassandra.

        Napasilip naman ang dalaga sa likuran at may nakita siyang ilang malalaking kahon. "Saan nga tayo pupunta, Lucas?"

        Hindi nito sinagot ang tanong. Sinilip nito ang likuran upang siguruhin na wala itong naiwan.

      "I think that would be it. Okay! We are good to go. Teka, sandali lang mag-seatbelt ka muna."

       "Ha?" Natatarantang nahawa na rin si Kassandra. Kinapa niya ang seatbelt sa gilid ngunit hindi niya ito mahatak.

       "Ah, nga pala may problema yan. Pasensiya na, medyo bulok kasi 'tong van ng kaibigan ko."

       Napalapit ito sa kanya nang unatin nito ang kanyang braso upang tulungan siya.

        Teka... Pabango ba ang naamoy niya? Very masculine ang dating nuon. Gusto niya ang amoy.

       "Oh, yan okay na," sambit ni Lucas, matapos makapag-seatbelt din ay pinaandar na nito ang sasakyan.

-----

        KANINA pa nila binabagtas ang highway at napapansin na ni Lucas ang katahimikan nila. Pasimpleng sinulyapan nito si Kassandra na abala sa pagtatapik ng hita upang pumatay ng oras. Napupuna nito minsan ang pag-aayos ng kanyang palda. Napangiti nalang siya ng biglang magtama ang kanilang paningin.

       "Boring, ba 'ko kasama, Kassandra?" Lumingon itong muli upang tanungin s'ya.

       Parang gusto naman niyang sagutin ito ng totoo pero mas pinili niyang sumagot ng maganda.

      "Hindi naman, bakit mo naman na tanong?"

     "Halata kasing naiinip ka na sa biyahe."

       Nakatingin ito kay Lucas at nakikita naman ng binata ang magagandang mga mata niya.

       "Alam ko na, magpatugtog tayo." Biglang naisip nito.

        Binuksan naman niya ang radio at nilakasan ang volume. Inilipat-lipat niya ang frequency hanggang sa makapili siya ng istasyon na nagpapatugtog ng mga love song.

       ♪♫Mr. Dream boy, Mr. Dream boy. Ano kaya ang nasa isip mo---♪♫

         Tila rumindi iyon sa tenga ni Lucas.

        Oh, you got to be kidding me. Sa isip-isip ni Lucas. Napabuga ito ng hangin at pasimpleng umiling. Nilingon nito si Kassandra na abala naman sa mahinang pagkanta.

          Para yatang may maliit na boses sa kanyang ulo na inuudyukan itong ilipat na ang estasyon.

         Binagtas nila ang Heaven's bridge, isang napakalaking tulay na nagdudugtong sa Hermanos at Isla El Mare. Moderno ang puting istraktura na nagbibigay ng magandang tanawin sa buong St. Louise Bay. Hindi naman matiis ni Kassandra na mamangha sa ganda ng lugar. Kumikinang ang dagat habang tinatamaan ito ng matinding sikat ng araw. Bughaw ang kalangitan na nagdudulot naman ng kakaibang kasiyahan sa kanya.

        Maya-maya'y ibinaba niya ang windshield upang hayaan ang simoy ng hangin na humampas sa kanyang mukha. Nakaamoy na naman siya ng dagat, para itong halimuyak na nagpapaalala ng kanyang kabataan sa Puerto Veron. Bahagyang inilabas niya ang kanyang kamay upang damhin ang pagtama ng hangin sa kanyang palad.

         Biglang tumatak kay Lucas ang pagkislap ng kanyang ngiti. Naaliw ito sa pagmamasid sa kanya, habang tinatangay ng hangin ang makapal nitong kulot na buhok. Napatitig ito sa maputing leeg niya, makinis at ni wala man lang bahid ng peklat. Ang magandang mukha ni Kassandra na parang sikat ng araw sa umaga.

         Ngayon lang napansin ni Lucas ang natatagong ganda niya. Natitigilan na ito.

        Bakit ba natutuwa itong sulyap-sulyapan si Kassandra at bakit hindi nito mapigilang purihin siya?

        Isang nakabibinging busina ang gumulat sa binata. Bumalik ang tingin nito sa daan. Konti nalang at didikit na sila sa katabing sasakyan. Alertong kinabig nito ang manibela upang ibalik ito sa gitna.

      "Ayos ka lang Lucas?"

       Hindi na makatingin sa kanya ang binata. Malalim ang naging paglunok nito bago nakasagot. "Ha, s-siyempre? Oo naman. B-bakit?"

       Umiling-iling nalang si Kassandra at hinawi ang kanyang buhok. Bumaling siya at muling pinanuod ang kumikinang na dagat.

       "Kassandra, kakaiba ka talaga." Mahinang bulong ni Lucas ngunit ang nakakapagtaka, nanginginig ang mga daliri niya sa manibela.

-----

         TUMIGIL sila sa isang orphanage sa Isla El Mare, agad naman silang sinalubong ng isang matandang maestra.

        "Lucas, kamusta? Tamang-tama ang dating mo. Magsisimula na ang programa."

      "Ayos naman po, Ma'am Penelopé. Kamusta po ang mga bata?"

        "Kanina pa sila naghihintay sa'yo."

        "Buti naman po, nakahabol pa kami." Ngumiti si Lucas.

         Piping walang kibo nalang si Kassandra hindi pa rin niya makuha kung bakit nanduon sila. Isa-isang ibinaba ni Lucas ang mga kahon at tinulungan na rin siya ng dalaga upang ipasok ang mga iyon.

        "Lucas ano ba ang gagawin natin dito?" Tila may ideya nang pumapasok sa kanyang isipan, nasilip niya ang ilang laman ng mga kahon, may nakalagay na mga bagong lapis, papel at babasahing libro.

       Tumalikod si Lucas bitbit ang isang kahon at sinagot siya.

        "Mamaya malalaman mo. Sigurado ka na kaya mong buhatin yan?"

        "Mmm… Ayos lang ako."

         Sumilip si Lucas sa isang kuwarto, may mga batang edad lima pataas ang bumati sa kanya. "Kuya Lucas!" Na agad naman pagyakap ng ilang makukulit na bata sa paanan nito.      

         "Oh, baka naman mahulog itong dala ko. Easy lang kayo mga guys!" Kitang-kita ni Kassandra ang kagalakan sa mata ni Lucas. Hindi pa rin siya makapaniwala na tumutulong itong si Lucas sa orphans duon.

        "Oh, mga bata, ipinakikilala ko sa inyo si Ate Kassandra!"

          Agad naman siyang dinumog ng mga batang babae. "Hello po! Ate Kassandra." Sala-salabat na pagbati nila. Isa-isang nagpapakilala ang mga ito at gulong-gulo na siya.

         Kumawala ang mahinang tawa sa kanya, at biglang nagtama muli ang kanilang paningin. Naroon si Lucas, bitbit nito ang isang bata sa kanyang balikat.

       "Ang kukulit nila 'no," sabi nito.

        "Oo nga, parang manang mana s'yo," gumuhit ang ngiti sa pisngi ng dalaga.

         May kaunting programang inihanda ang mga bata sa isang maliit na entablado. Isang nakakatuwang stage play na hango sa "Little red riding hood." May mga batang naka-costume na puno, na gawa sa card board. Ang iba'y gumagawa ng sariling diyalogo sa play. Nasa audience seat si Kassandra, katabi ang ilang mga madre at ilan pang sponsors na naimbita nuong araw na iyon. Nakita niya si Lucas na abalang abala sa pagkuha ng mga litrato, may gamit itong bagong camera. Matiyaga nitong kinukunan ang mga bata sa stage. Nakita niya ang dedikasyon sa mga ikinikilos ng binata na namana niya marihil sa kanyang ina.

          Hindi niya inaasahan ang kakaibang ipinapakita ni Lucas noong araw na iyon, isang parteng ikinukubli sa likod ng kanyang rebeldeng personalidad. Matapos ang programa at kainan ay nagpahinga muna ang dalawa sa swing ng playground.

         "Oh, uminom ka muna," sabay abot ni Lucas ng bottled ice tea sa kanya.

        "Hindi ko alam na may mapagkawang-gawa ka pala," tuksong biro niya sa binata.

         Natatawang sumagot naman si Lucas. "Bakit hindi ba kapani-paniwala?"

         Tipid ngiti na tiningnan niya ito. "Hindi naman, para kasing, hindi ko ma-imagine na ginagawa mo ang mga bagay na ito."

          "So... Wala pala sa hitsura ko kung ganun?"

          Umiling-iling ang dalaga. "Ang totoo niyan, hanga nga ako sa mga ginagawa mo. Yung iba d'yan mayaman nga, may sinabi sa buhay pero— walang mga puso. Bakit parang malapit sa'yo ang orphanage na 'to?"

        "Naging malaking supporter kasi ng foundation na 'to yung mama ko kaya kahit wala na s'ya tumutulong pa rin ako sa kanila."

         Lumagok si Lucas sa plastic bottle.

       "Mahilig ka pala sa mga bata."

       "Well, they like me." He paused for a while. "Maybe I'm not that bad after all." Sinulyapan nito si Kassandra, nakita nito ang maganda niyang ngiti. Agad itong tumayo at pumuwesto sa tapat. Inihanda nito ang camera upang kunan s'ya.

        "Don’t move."

        "Ha?" Tumaas ang tingin niya.

        Click!

        Narinig niyang tumunog ang shutter ng camera.

        "Lucas, ang panget ko kaya," hiyang natawa siya at tinatakpan ang kanyang mukha.

        "No...  Maganda ang rehistro mo sa camera." Pag-amin nito.

        "Huwag ako, yung mga bata na lang."

         Click!

         And then he stops... Napatitig lang ito sa kanya. Hindi na ito nakaimik nang masulyapan na siya. Maybe its her smile or that cute sound everytime she laughs. May kakaibang pakiramdam na nagpapakaba sa kanya. Mabilis itong umiling-iling upang matauhan.

       "Oh, wait... Wait!" Nagulat nalang si Lucas ng may mga maliliit na brasong yumakap sa kanyang binti.

       "Kuya Lucas, laro po tayo!"

       "Guys!" Napatawa siya. "Tama na. Medyo pagod na ko, saka mabigat na kayo para isakay ko pa sa likod." Isa-isa namang nag-unahan ang mga batang pasaway na sunggaban ito.

        Ang ilang mga batang babae naman ay lumapit kay Kassandra. Sumakay ang isa sa bakanteng swing at kinulit siya.

        "Dahan-dahan lang, baka mahulog ako. Kayo talaga ang kukulit ninyo." Napatawa naman si Kassandra.

-----

         GABI na nang makabalik sila. Pumayag naman si Kassandra na magpahatid sa kanyang bahay. Pagkababa ng sasakyan ay inaya niya si Lucas.

       "Pumasok ka muna sa amin?"

       "Hindi na siguro, Kassandra, it's getting late. Sa susunod na lang siguro. Salamat nga pala sa pagsama mo s'kin."

        Tumango naman si Kassandra ngunit ang katotohanan, hindi n'ya pa alam kung anong magiging reaksiyon ni Rosie kapag nakita nito si Lucas lalo pa't alam nitong magkilala sila ni Bernard. Agad na sumakay ulit si Lucas at nagsenyas ng kamay upang magpaalam. Nginitian naman niya ito at kumaway hanggang sa tuluyan na itong makaalis.

         Pagkabukas ng pinto'y sinalubong siya ni Rosie.

        "Oh, ginabi ka yata? Saka sino iyong naghatid s'yo?"

        "Ah, si Lucas may pinuntahan kasi kami sa Isla El mare, kaya ngayon lang kami nakauwi."

       "S-sino?" Tumaas ang isang kilay nito. Pumasok si Kassandra at sumagot ulit sa kanya. "Si Lucas..."

       "Nasaan na ang magaling na lalaking yon at kukutusan ko, teka nga! Baka hindi pa nakakalayo." Itinaas nito ang manggas na tila naghahamon ng away. Matawa-tawang pinigilan naman siya ni Kassandra. 

       "Rosie wala na, umalis na s'ya kanina pa. Ang O.A. mo naman." Iniayos naman ni Rosie ang nagulong bangs. "Hindi, practice lang, just in case, na magkaharap kami."

        "Okay naman kami e, saka nag-usapan na kami tungkol sa kuwintas."

        "Hay, ewan ko ba s'yo, Kassandra. Bahala ka nga."

        "Teka, kumain ka na ba? May dala akong macaroni salad." Sabay angat ni Kassandra sa brown paperbag.

        "Ano yan suhol? Akin na nga." Hinablot nito at nagmartsa papuntang lamesa.

-----

         MAKAILANG ULIT ng nagba-browse si Lucas sa tablet. He was looking at the pictures he took from the orphanage. Hanggang sa matigilan ito sa isa sa mga litrato.

          There's something weird about that image, as if it was looking back at him.

          Napakaganda ng ngiti nito na nagpapasingkit pa lalo sa kanyang mga mata at para bang naglalaro ulit sa isipan ni Lucas ang eksenang yon sa swing.

          Pero bakit ba nito tinitingnan?

         May naramdaman itong kakaiba. Ni hindi nito namamalayan na matagal na pala nitong tinitigan iyon.

        "Click the next photo, Lucas." baliw na turan nito.

          Sumunod naman ang kanyang daliri. Isang photo ng mga bata ang nakita nito. Pinindot niya ulit. Si Kassandra at kasama nito ang mga bata.

        Nakangiti ito.

        Nakatingin sa kanya.

        Napasandal siya agad, pinilit niyang umiwas ng tingin ngunit bakit tila ba may humahatak sa kanyang sulyapan ulit ito.

         "Stop doing this to me," nagsungit siya.

         Teka... Sino ba ang kinakausap niya?

          Umirap si Lucas at napabuga ng hangin. Para na siyang baliw na kinakausap ang sarili.

         "My God! Lucas, ano ba ang nangyayari s'yo?" Ini-swipe niya ang kanyang daliri upang tingnan ang ibang litrato.

         Natigilan na naman siya ng muling makita ang larawan nito. Pinagalaw niya ang kanyang daliri upang palakihan pa ito. Bumungad agad sa buong screen ang magandang mukha ni Kassandra.

         Biglang naglaro ang kanyang imahinasyon. Tila ba nag-aasam siyang mahaplos man lang ang mukha nito.

         Hanggang sa matauhan siya.

        He quickly backout. Tarantang tumayo s'ya agad. Litong nagpalakad-lakad sa sala.

      "Tss! What's wrong with me!?"

       Kunot-nuong nagpamaywang siya.

      "Aahhh! This is just— F*CKING CRAZY!"

-Sky Flake

Continue Reading

You'll Also Like

88.1K 1.6K 69
He took my greatest love. Now he's taking my heart. He's taking all of me and made me his. But I won't. I will make him mine.
29.4K 1.1K 90
Jen Nhica is a girl who doesn't believe that there's beauty in her even behind her simplicity. She's a girl who wish to be as lucky as her mom who fo...
13.4K 415 65
Teaser: Vhanezza Laureanne Marquez hated Kristofer Lawrence Lee the very first time she met him. Maliban kasi sa mayabang, maldito at supladito ito a...
94.7K 1K 22
This is just a fanfic from the story Kiss Back and You're Mine of MissWordsworth Hindi din ito Adult Fiction kaya wag na mag.asam ng kung ano ano dya...