Romancing the Nanny

By jennaration

6.3M 77.5K 6.1K

[COMPLETED] When the handsome shipping magnate Kier Falcon hired Helga Diaz to be his twins' temporary Nanny... More

RTN
Author's Note
Chapter 6 - Meet the Falcon's
If Only
Sweet child of mine
River Falcon
Rivals
Crossing the line
Not the right time
Crazy in love
Wife..what?
Date
Romancing 101
Rights
Lunch
Phone Call
Dinner
Hugs and Kisses
Revenge
Who is she?
Sundo
Meet the past
Things to tell
face to face
Going home
Panic
Wrong timing
End-point
Four years later
Amanpulo
First night, First Date
Meet the Falcon's part 3
Another day, another date
Epilogue
Epilogue 2: as told by Kier
Bonus: 4 years ago as told by Kier
Bonus: 4 years later as told by Kier

Chapter 7 - Meet the Falcon's 2

186K 2.8K 111
By jennaration

Kier's POV

Nagpaalam si Helga na magwa-washroom daw siya. Tumango lang ako bilang sagot. Nang naglakad na ito palayo, ay sinundan ko siya ng tingin.

Nagulat ako ng pasigaw na nagsalita si Juancho. 

"DADDY, Lola is here" excited na sabi niya sabay turo sa mga tao na papasok dito sa clubhouse ng resort. 

Kahit si Joaquin ay napalingon din. Nakatalikod kasi siya sa may entrance door. Patakbo nang sinalubong ni Juancho sina Lola at  ang mga pinsan niya. Matagal din kasi sila na hindi nagkita-kita. Halos isang taon na yata.

Bumaling ako kay Joaquin na nakaupo pa rin at ni hindi mo kakikitaan ng sigla na makita ang Lola nila. Si Joaquin ang nagmana sakin. He is a snob at talagang masyadong mahal ang bawat salita niya. And I'm not proud of it. I want him to be more active and lively. Ngunit ayaw ko naman ipilit ang kagustuhan ko.

"Joaquin, come. Let's greet Lola," aya ko dito. 

Tumalima naman ito at nauna nang naglakad. Nang makalapit siya kay Lola ay nagmano siya at humalik sa pisngi niya. Kinamusta lang siya ni Lola. At nang matapos ay naglakad na siya pabalik sa akin.

Tiningala niya ako. 

"Dad, can I go back to my seat? I will wait for Helga," tanong niya. 

Pipigilan ko sana ito nang magsalita si Lola.

"Kier, hayaan mo na." nakangiting sabi ni Lola habang nakatingin siya kay Joaquin na parang natutuwa pa. 

Si Lola talaga laging pinagbibigyan ang mga bata. Ayaw ko sana dahil gusto ko siyang makipagkwentuhan sa mga pinsan niya.

I sighed. 

"Fine, you can go," napipilitang sabi ko at ginulo-gulo ang buhok niya. 

Ngumiti naman siya at naglakad na pabalik sa upuan namin. Lumapit naman ako kay Lola at humalik sa pisngi niya. 

"Nice seeing you Grams. How was your flight?" tanong ko. 

Nasa likuran ni Lola ang private nurse at assistant niya. Yung mga ibang kapamilya namin ay papalapit pa lang sa kinaroroonan namin.

"It was great. Inaliw ako ng mga pamangkin mo," sagot niya. 

Kasama niya sa plane ang mga anak ng mga pinsan ko. 

"So who is Helga? hmmm.."makahulugang tanong niya. 

Ayan na naman yang tingin na yan. Iba na naman ang nasa utak niya.

Napailing na lamang ako. "Lola, don't look at me like that. She is the boy's nanny." sagot ko.

"Interesting,"natatawang sabi ni Lola, na nagpagulo sa isip ko.

"LOLA!!!" pinandilatan ko siya ng tingin pero hindi ito nagpatalo at ginaya lamang ako. Hindi talaga ako mananalo dito. 

"So where is River? Hindi niyo ba siya nakasabay dumating?" tanong ko. River is my younger sister.

Nagpalinga-linga ako sa paligid para hanapin ang dalawa at para malihis ang usapan tungkol kay Helga dahil tiyak akong magtatanong ito ng kung ano-ano.

Napasimangot naman si Lola. 

"Hay Naku, tinakasan ako niyang si River at sa kabilang plane siya sumabay," reklamo nito. "At yang si Hunter, susunod na lang daw siya dito kasama ang girlfriend niya. Hindi na lang siya sumabay sa inyo." 

"Inantay pa ata ang girlfriend niya dahil may klase pa ito," I explained.

Natatawa naman ako. Ayaw kasing kasabay nung dalawa si Lola pag nagbi-byahe. Hindi dahil they don't love Lola kundi dahil puro sermon ang natatanggap nila sa buong biyahe. Mga pasaway kasi ang dalawang iyon lalo na ang bunso namin na si River. 

"Lola, ang wrinkles niyo." biro ko. 

Kinapa naman nito ang mukha. Pati ang nurse at asssitant nito ay natatawa na din. 

"Dont worry Lola, you are still beautiful." dugtong ko. 

Kaya nagliwanag ang mukha niya. Metikulosa kasi ito pero hindi naman maarte.

"Sige Lola, puntahan ko lang sina Romeo. I'll see you later" paalam ko.

Tumango siya. "Go ahead."

Naglakad ako palapit sa mga pinsan ko na kasalukuyang nagku-kwentuhan na. Yung iba naman  ay nagme-meryenda. Some of them were sitting on round tables lalo na yung mga may dalang sanggol. Binati ko naman lahat ang mga ito at nakipag-kwentuhan na din ng kaunti.

Hanggang sa tawagin ako ng limang ugok kong pinsan. Sila talaga ang kasundo ko dahil magkakalapit lang ang mga edad namin. 

"Kier brother," pasigaw na tawag ni Cyrus sakin. Si Cyrus ang pinakamatanda sa aming anim at ikinasal lang ito last year. Kapatid niya sina Corbin at Clyde.

"Kamusta? Akala namin hindi ka na lalabas sa lungga mo," natatawang sabi ni Romeo sakin. Mas bata ito ng isang taon kay Cyrus at kasal na din ito five years ago.

Isa-isa ko sila na niyakap.

"As much as I wanted to stay in my office, I cant. You know Gram's rules." naiiling na sabi ko. Natawa naman sila. Hindi pwedeng hindi kami pumunta kapag reunion. Kung hindi, ipapasundo niya kami sa mga bodyguards niya.

"Where is your girlfriend, Corbin?"tanong ko. Wala kasi akong nakitang kasama niya na dumating. 

Nagkibit-balikat siya. "Nasa Singapore, she was volunteering. Mas pinili pa niyang pumunta duon kaysa sumama sa akin dito." litanya nito. 

"It's for a good cause naman bro," sabi ni Clyde sabay tapik sa balikat niya. 

"Oh wala yata kayong dala?" baling na tanong ko kina Clyde at Mateo. Usually kasi may kasama silang babae kapag reunion ang pamilya. Ako lang laging walang dala kaya lagi akong sentro ng tuksuhan.

"Dito na lang kami maghahanap ng isda tutal malapit tayo sa dagat," nakangising sagot ni Clyde. Binatukan naman siya ni Mateo.

"Gago ka talaga," komento ko. Kahit kailan talaga, napakababaero ng sira-ulo.

"Hindi ko alam na dyesabel pala ang tipo mo, hindi ka naman mapapaligaya niyon sa kama," natatawang sabi ni Romeo. Pati kaming apat ay natawa na din.

"Sige pagtawanan niyo pa ako. Go die laughing," nakasimangot na sabi niya sa amin. Pikon talaga siya. Mas lalo kami na natawa.

Nagpatuloy kami sa pagkwekwentuhan nang biglang may tumikhim sa likuran ko. Nakita ko si Helga na mukhang nahihiya, na natatakot na hindi ko alam. Nang lumingin ako sa mga pinsan ko ay nakatitig sila sa kanya. Kaya siguro ganon ang mukha ni Helga.

"Ahm,a-ano kasi... itatanong ko lang kung pwedeng mauna na kami sa Casitas dahil inaantok na itong si Joaquin?" tanong ni Helga. Pagkatapos niyang magsalita ay yumuko siya.

"Sasamahan ko na kayo at----"

Nag-angat muli siya ng tingin para tumanggi. 

"Huwag na... I mean, you need to catch up with your relatives. I can handle them, don't worry." sabi niya nang nakangiti.

Gusto ko talaga siyang samahan dahil parang nabibigatan na siya kay Joaquin. Kaya palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Pero ayoko naman siyang bigyan ng special treatment baka iba pa ang isipin niya. She is the Nanny, I should let her do her job.

"You sure?" tanong ko na lang.

Tumango siya. 

"I will call you naman kapag may problema," paliwanag niya. 

Nakahinga naman ako ng maluwag. I know she is just assuring me that she can handle it. 

Bumungtung-hininga na lang ako. 

"Alright. I'll just call the staff so they can usher you to our casitas," sabi ko at naglakad na papunta sa front desk.

Nang makarating ako sa front desk ay binati ako ng isa sa mga baabeng staff duon.

"Hi. I need two staff to usher my wife to our casitas," Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin at sinabing asawa ko ang kasama ko. Pero hindi ko na pwedeng bawiin pa yun. Makakalimutan din naman nila siguro ang sinabi ko.

Ngumiti ng napakalaki ang babae. 

"Yes. Just for a minute, Sir." sabi nito at nag-dial ito sa telepono. 

Pagkatapos lang ng ilang minuto ay may dumating na dalawang babae. Kinausap naman sila nung babaeng kausap ko kanina. Nang matapos silang mag-usap ay bumaling sa akin ang babae at sinabi na sila daw ang makakasama ko.

"Okay thank you," sabi ko doon sa babae at giniya ko na yung dalawang staff papunta kay Helga.

Napatigil ako sa paglalakad nang makita ko na masaya siyang nakikipagkwentuhan kina Clyde. Hindi ko pa pala siya naipakilala sa mga pinsan ko. pero mukhang hindi na kailangan.

She seems at ease with them already. I don't like what I am seeing right now.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad ng makita ko si Clyde na parang kinukulit niya si Helga. 

"So what did I missed?"tanong ko sabay tapik sa balikat ni Clyde para tumigil na siya sa pangungulit kay Helga.

Napatawa ang ibang pinsan ko.

"Masaya pa lang kakwentuhan itong si Helga... kita mo itong si Clyde sa sobrang tuwa niya inaaya---"

"Shut up Corbin!" putol ni Clyde sa gustong sabihin ni Corbin. Kumunot ang aking noo. Masyadong defensive si Clyde.

Nagkibit balikat na lang ako. Ayokong pag-isipan ng masama ang pinsan ko nang dahil lang sa babae. Liningon ko si Helga na nasa tabi ko. Nakatitig ito sa mga pinsan ko at nakakunot noo siya. 

"Helga, tawagin mo na si Juancho para makapunta na kayo sa Casitas," utos ko para mabaling ang atensyon niya sakin. "Sila na ang sasama sa inyo papunta roon." dugtong ko sabay turo sa mga staff na nakasunod sa akin kanina. 

Nang makaalis si Helga ay humarap ako sa mga pinsan ko na kasalukuyang palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Clyde.

"What?" tanong ni Clyde sa kanila. Iyon din dapat ang itatanong ko.

Nagkibit-balikat lang sila. "Nothing..."natatawang sabi ni Mateo. Hindi ko naman ito maintindihan kung bakit ito tumatawa. "Tara, I need a drink," dugtong pa niya pero hindi siya sa akin nakatingin kungdi kina Cyrus.

"Ako rin," parehong sang-ayon nina Corbin at Cyrus. Habang tahimik naman si Romeo na palinga-linga parang hinahanap ang mag-ina niya.

Kapagkuwa'y sabay-sabay na silang tatlo na umalis sa harapan namin. Anong problema ng mga iyon? Hindi man lang kami inaya. Nakatanga lang kami ni Clyde sa daan na tinahak nila. Nang biglang pumagitna samin si Romeo at inakbayan kaming dalawa. Sabay pa kaming napatingin ni Clyde sa kanya.

"My brothers, just play fair. Okay? " sabi niya sabay tapik sa balikat namin. Anong ibig niyang sabihin? What play?

At pagkatapos ay umalis na din siya. Nakailang hakbang pa lang ito nang marinig kong bumulong siya ng - "ma-swerteng dyesabel" - habang umiiling-iling pa at dumiretso siya kina Corbin na nakaupo na ngayon sa isang mesa.

Clyde and I were left there dumbfounded.

Play fair? Dyesabel?

What the hell was that?


xxxxxrevisedxxxxx

Continue Reading

You'll Also Like

4.4M 73.5K 44
Si Mariel ay isang simpleng babae lamang na walang ibang hangad kundi ang makakabuti sa kanyang pamilya. Sya ang nagtataguyod at nagpapaaral sa kany...
109K 51 1
Because of the debt, Courtney was forced to marry a stranger. Isang kasal na kailan man ay hindi niya pinangarap. Matapos siyang ikasal kay Travis ay...
124K 5.9K 74
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...
3.2M 67.5K 42
READ AT YOUR OWN RISK ⚠️ The story is RAW and UNEDITED ** Nyda loved Luke for years.Bata palang ito ay Si Luke na ang gusto nito. Si Luke ay kaibiga...