♡ Playing Love Games ♡

By nyghtdreamer

2M 21.1K 4.9K

"We played with love. But now that the time came and we realized that we want to get serious, love plays with... More

Bet Your Heart ♡ Chapter 1
Bet Your Heart ♡ Chapter 2
Bet Your Heart ♡ Chapter 3
Bet Your Heart ♡ Chapter 4
Bet Your Heart ♡ Chapter 5
Bet Your Heart ♡ Chapter 6
Bet Your Heart ♡ Chapter 7
Bet Your Heart ♡ Chapter 8
Bet Your Heart ♡ Chapter 9
Bet Your Heart ♡ Chapter 10
Bet Your Heart ♡ Chapter 11
Bet Your Heart ♡ Chapter 12
Bet Your Heart ♡ Chapter 13
Bet Your Heart ♡ Chapter 14
Bet Your Heart ♡ Chapter 15
Bet Your Heart ♡ Chapter 16
Bet Your Heart ♡ Chapter 17
Bet Your Heart ♡ Chapter 18
Bet Your Heart ♡ Chapter 19
Bet Your Heart ♡ Chapter 20
Bet Your Heart ♡ Chapter 21
Bet Your Heart ♡ Chapter 22
Bet Your Heart ♡ Chapter 23
Bet Your Heart ♡ Chapter 24
Bet Your Heart ♡ Chapter 25
Bet Your Heart ♡ Chapter 26 & 27
Bet Your Heart ♡ Chapter 28
Bet Your Heart ♡ Chapter 29 & 30
Bet Your Heart ♡ Chapter 31
Bet Your Heart ♡ Chapter 32
Bet Your Heart ♡ Chapter 33
Bet Your Heart ♡ Chapter 34 & 35
Bet Your Heart ♡ Chapter 36
Bet Your Heart ♡ Chapter 37
Bet Your Heart ♡ Chapter 38
Bet Your Heart ♡ Chapter 39
Bet Your Heart ♡ Chapter 40
Bet Your Heart ♡ Chapter 41
Bet Your Heart ♡ Chapter 42
Bet Your Heart ♡ Chapter 43
Bet Your Heart ♡ Chapter 44
Bet Your Heart ♡ Chapter 45
Bet Your Heart ♡ Chapter 46
Bet Your Heart ♡ Chapter 47
Bet Your Heart ♡ Chapter 48
She Played Her Part ♡ Chapter 1
She Played Her Part ♡ Chapter 2
She Played Her Part ♡ Chapter 3
She Played Her Part ♡ Chapter 4 & 5
She Played Her Part ♡ Chapter 6
She Played Her Part ♡ Chapter 7
She Played Her Part ♡ Chapter 8
She Played Her Part ♡ Chapter 9
She Played Her Part ♡ Chapter 10 & 11
She Played Her Part ♡ Chapter 12
She Played Her Part ♡ Chapter 13
She Played Her Part ♡ Chapter 14
She Played Her Part ♡ Chapter 15
She Played Her Part ♡ Chapter 16 & 17
She Played Her Part ♡ Chapter 18
She Played Her Part ♡ Chapter 19 & 20
She Played Her Part ♡ Chapter 21 & 22
She Played Her Part ♡ Chapter 23
She Played Her Part ♡ Chapter 24
She Played Her Part ♡ Chapter 25 & 26
She Played Her Part ♡ Chapter 27
She Played Her Part ♡ Chapter 28
She Played Her Part ♡ Chapter 29 & 30
She Played Her Part ♡ Chapter 31 & 32
She Played Her Part ♡ Chapter 33, 34 & 35
She Played Her Part ♡ Chapter 36, 37 & 38
She Played Her Part ♡ Chapter 39, 40 & 41
She Played Her Part ♡ Chapter 42, 43 & 44
She Played Her Part ♡ Chapter 45 & 46
She Played Her Part ♡ Chapter 47 & 48
She Played Her Part ♡ Chapter 49 & 50
She Played Her Part ♡ Chapter 51
Still Playing ♡ Chapter 1 & 2
Still Playing ♡ Chapter 3
Still Playing ♡ Chapter 6 & 7
Still Playing ♡ Chapter 8
Still Playing ♡ Chapter 9 & 10
Still Playing ♡ Chapter 11
Still Playing ♡ Chapter 12
Still Playing ♡ Chapter 13
Still Playing ♡ Chapter 14 & 15
Still Playing ♡ Chapter 16, 17 & 18
Still Playing ♡ Chapter 19
Still Playing ♡ Chapter 20, 21 & 22
Still Playing ♡ Chapter 23 & 24
Still Playing ♡ Chapter 25 & 26
Still Playing ♡ Chapter 27 & 28
Still Playing ♡ Chapter 29, 30 & 31
Still Playing ♡ Chapter 32 & 33
Still Playing ♡ Chapter 34 & 35
Still Playing ♡ Chapter 36 & 37
Still Playing ♡ Chapter 38, 39 & 40
Still Playing ♡ Chapter 41, 42 & 43
Extra Chapter

Still Playing ♡ Chapter 4 & 5

14.5K 166 22
By nyghtdreamer

Chapter Four

Lianne's POV

Hay... ang sarap gumising kahit kulang pa ang tulog. Or nakatulog nga ba ako kagabi? Oh, well... this could be just an ordinary day. Another day to live but I'm not sure if prepared enough to go on.

I sighed then I shook my head to drop that thought on my mind.

Every morning should be welcomed with a smile. So, I posted a sweet smile on my lips, like I used to. I stretched my arms upward. Then I let out another sigh.

Tumayo na ako at nagpunta ng bathroom para maligo. At dahil maaga pa naman, gusto ko munang magbabad sa malamig na tubig sa bathtub. Hindi naman mainit ang paligid, gusto ko lang talaga sa malamig ngayon.

I poured the tub with water and put liquid soap, then I dipped one of my feet, testing the coldness of the water. I shivered a little. But then, I dipped my whole body afterwards.

Pumikit ako at dinama ang lamig ng tubig. Parang gusto ko pang lagyan ng yelo itong tub. Para mamanhid ang buong katawan ko.

Flashes of memories intrusively entered my mind. Nangilid ang mga luha ko at kahit anong pigil ko ay walang pakundangang tumulo ang mga iyon. Umiling ako at natawa sa sarili kong habang nakapikit pa rin.

I wanted this! Bakit ko kailangan palaging umiyak? Bakit ba ang hirap pigiling tumulo ng mga luha? At bakit ba ang hirap pigilin ng nararamdaman?

Parang may rubber strap na nakakabit sa akin at nasa kabilang dulo si Mark. Habang lumalayo ako sa kanya, lalong lumalala ang paghila nito sa akin pabalik sa kanya. Pero alam kong kapag nagpahatak ako pabalik sa kanya, masasaktan ko lang siya sa impact ng pagbalik ko at ganoon din ako.

Mas mabuti pang maputol na lang iyon. Masasaktan pa rin kami pareho, pero at least, iyon na ang huli. Dahil wala na ang nagkokonekta sa amin. Hindi na ulit kami masasaktan.

O hindi nga ba?

Parang gusto ko na lang magpakalunod dito sa bathtub. Pero siyempre hindi ko gagawin iyon. Mababawasan magaganda sa mundo.

Shit happens, but life goes on nga, 'di ba?

Lalake lang iyan! Sabi nga nila, there are plenty of fish in the sea.

But the fish you are looking for is always as far deep down as they could possibly be. Kailangan mo sumisid pailalim, sasakit ang ulo mo dahil sa pressure, puwede ka ring malunod o makain ng mga malalaking isda. That's how hard to search for a good catch... to find love. Pero hindi naman isda ang hanap ko kaya hindi ako sa dagat maghahanap.

Hindi ko naman alam kung matatawa ako sa sarili ko o ano. At one moment I'm trying to console myself, then another moment, I'm hurting myself.

Naaaliw ako sa pagbababad sa bathtub at sap ag-iisip ng kung anu-ano. Halos wala ng bula ang tubig. Pinaglaruan ko ang ilan pang mga bula doon. Habang ginagawa ko iyon, unti-unti ring pumuputok ang mga natitirang bula.

Nakakatuwang pagmasdan ang pagputok ng mga bula. Pero mas nakakatuwa sana kung parang bula na lang din na nawawala ang nararamdaman ko para kay Mark.

Naloloka na talaga ako. Sa lahat na lang ng bagay naikukumpara ko itong nararamdaman ko!

"Baliw ka, Lianne..." kausap ko sa hangin at ngumiti na naman ako.

Baliw na nga talaga ako.

Maya-maya umahon na rin ako sa bathtub at mabilis nang naligo. Nilalamig na rin kasi ako. Pagkatapos kong maligo at mag-ayos, nagtimpla ako ng kape. Ito lang ang aalmusalin ko dahil tinatamad ako maghanda ng pagkain.

Umupo ako sa high stool at doon ko na mismo inumpisahang inumin ang kape ko. I felt good when I tasted the bitterness of the coffee.

Bakit kaya ang kape kahit mapait madami pa rin ang may gusto? Pero kapag buhay na ang naging mapait, inaayawan na ng tao. Buti pa ako... maganda.

Ugh! Nakakabaliw pala talaga ang mag-isa! Pero masasanay rin naman ako. Pero ulit... sanay naman ako na baliw ako ah? Anong pinoproblema ko ngayon?

Hindi ko na pinatagal ang pagkakape ko. Inubos ko na agad iyon para makapasok na ako kahit masyado pang maaga. Kailangan ko pang matutong mag-commute! Isang sakay lang naman ang gagawin ko pero natatakot pa rin akong maligaw.

Gusto sana nila mommy na ihatid-sundo pa rin ako ng driver namin pero tumanggi ako. I really want to learn.

Pag-alis ko ng unit, iniwan ko na muna lahat ng kadramahan ko sa katawan. Tama na ang kadramahan ko ngayon araw at isa pa, ayokong mahalata ng mga bruha ang problema ko ngayon. For sure, magtatampo sila lalo na kapag nalaman nila ang dahilan ng ginawa ko.

They might tell me what Renz said last night.

Nakarating naman ako kaagad sa school. Oh, well... I took a cab. Naisip ko na kailangan ko munang i-familiarize ang sarili ko sa vicinity ng place ko bago ako mamaging komportable na mag-commute o kung ano pa man.

"Waaah! Bruh, we missed you, really!" salubong sa akin ni Trace na may kasama pang pagbeso sa magkabilang pisngi ko.

"Oo nga, bruh! Bakit ba ilang araw kang hindi pumasok?" tanong naman ni Faye at bumeso rin sa akin.

"Waaah! Bruh, buti ang ganda mo pa rin kahit hindi mo kami nakita ng ilang araw?!" bumeso rin sa akin si My pero hindi pa siya nakuntento at niyakap pa niya ako ng pagkahigpit-higpit.

Para namang ilang taon nila akong hindi nakita! Ilang araw lang naman silang hindi nakakita ng maganda, ah? Mga 'to talaga...

Bumitaw rin sa wakas sa akin si Myleen pagkatapos niya akong pisain sa yakap niya. Inayos ko ang nagusot kong uniform.

"Bruh, parang lalo tayong naging sexy," puna ni Faye.

At tiningnan nila akong tatlo mula ulo hanggang paa. Humalikipkip ako. Sabi na nga ba... na-miss talaga nila ang makakita ng maganda!

"Anong lalong naging sexy? Lalong pumayat kamo!" kontra naman ni Trace sa sinabi ni Faye.

"Hindi kaya! Ang sexy kaya namin. 'Di ba, bruh?" bumaling pa sa akin si Faye.

Idinamay pa raw ako? Hay... sexy man o hindi, maganda pa rin ako!

"Oo na lang!" nakairap na sang-ayon ni Trace.

"Ang bitter mo! Palibasa ang taba mo!" pang-iinsulto naman ni Faye.

"Hoy! Excuse me lang, ha! Mataba na ba ang thirty-four, twenty-five, thirty-four?!" nakapamaywang na sabi si Trace.

"Oo mataba na 'yon! Dapat thirty-four, twenty-three, thirty-four!" iminuwestra pa ni Faye ang bawat parte ng katawan niya para i-emphasize ang mga ang sukat na sinabi niya.

"Oo, ang sexy mo grabe! Malnourished!" pahabol pa ni Trace.

Nang mapatingin ako kay Myleen ay napapailing na lang siya, katulad ko. It's either ako at si Myleen ang nag-aaway, o silang dalawa.

Mabuti na lang ay dumating na ang professor namin kaya nahinto na rin silang dalawa sa pagtatalo. Pero nang umupo sila sa upuan nila sa harap, magkatalikuran pa silang dalawa. Natawa na lang kami pareho ni Myleen at naupo na rin sa mga upuan namin.

"Bruh..." mahinang tawag sa akin ni My. "How's your date with papa Mark?" she asked habang nakatingin sa lang sa professor naming nag-uumpisa na mag-discuss.

Napahinto ako at napatingin sa kanya. Pero hindi nagtagal ay ibinalik ko ang tingin ko sa professor. Dahil baka akalain niya, nagdadaldalan kami ni Myleen, na totoo naman. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya at hindi ko rin alam na alam niya ang tungkol sa date namin.

Binabantayan niya ba ang mga nangyayari sa relasiyon namin ni Mark? Tss... whatever...

"Let's talk later. I'm so late sa mga lessons and I don't want to miss another one, " pag-iwas ko sa tanong niya.

Bakit kasi alam niya ang date namin? Ayokong pag-usapan ngayong araw ang mga ganoong bagay. Tama nang sarili ko lang ang nanggugulo sa isip ko, huwag na silang dumagdag. And surely... kapag nalaman nila ang break-up namin ni Mark, gugunaw ang mundo sa mga reactions nila. Hindi pa ako handa sa paggunaw ng mundo.

But my world just crumbled into pieces when I broke up with Mark, remember? Ano pa ang kinakatakot ko kung magunaw pa lalo ang mundo ko?

Hindi naman na nangulit si Myleen hanggang sa matapos ang first subject naming, pati sa sumunod na subject. Pero alam kong ngayong vacant time siya mangungulit at magpapakuwento. Kaya habang wala pa kami sa bitterlandia nag-iisip na ako ng excuse para makaiwas na naman.

Naman kasi... kahit pumunta ako ngayon sa theater house ay sasama lang sila sa akin. I just wished Student Affairs Office will need them today. Para maging busy sila sa ibang bagay. But I doubt that. Tracy did the job designation already for this week, for sure.

Dumaan pa kami ng cafeteria bago pumunta sa tambayan namin. Pero nasa Bitterlandia na kami ay wala pa rin akong naiisip na magandang ideya para makaiwas sa kanila.

Pero lahat na lang ba ay iiwasan ko dahil sa break up namin? Pero kasi nga... hindi pa ako ready tumanggap ng mga sermon nila. Minsan, ako din na lang talaga ang mapapatiklop sa kanila. Tatlo kaya sila!

"Now... tell us the story!" ayan na nga ang kinatatakutan kong marinig kay Myleen ngayon.

"Ahh..." napakamot ako sa gilid ng leeg.

"What? Did he propose already, bruh?" she added, excitement is obvious in her voice.

"What is it? What is it? Who proposed to who?" singin naman ni Faye.

"Lianne and papa Mark! They had this so romantic second month celebration!" Myleen exclaimed at hindi niya maitago ang kilig niya na para bang alam na niya ang nangyari.

"Oh... kayo ha.. nag-date pala kayo ni papa Mark at si My lang ang nakakaalam! Share the kilig moment na para hindi ako magtampo," si Trace na katulad ni Myleen ay kinikilig na rin agad.

"Spill!" tili naman ni Faye.

Napakagat labi ako. Wala na akong kawala. Pero ano ang sasabihin ko?

"Alam niyo mga bruh... kumain na lang muna tayo," I still tried. "Nagugutom na ako. Baka hindi tayo matunawan kapag 'yan ang pinag-usapan natin habang kumakain." Binuksan ko ang pagkain ko.

Jeez... ano bang sinasabi ko? Parang gusto ko na lang umuwi at magkulong na lang muna sa unit ko. I don't really want to talk about it.

"Ano ka ba naman, bruh!" Faye tapped my shoulder. "Mas nakakagana ngang kumain kapag kinikilig!"

Ang kaso... hindi naman nakakakilig ang gusto niyong ipakuwento. I'll be dead in no time if I ruined their fantasy, right in here where I am sitting! Kailangan ko munang mabusog.

"Hindi ako makakakain ng maayos. Mamaya na nga kayo mangulit," nagkunwari pa akong naiinis na sa kanila.

I just wanted to end this day. Oh, god...

"Yeah, stop pushing... there's nothing to say."

Napalingon kaming apat sa nagsalita at nakita namin ang nakatalikod na si Renz hindi kalayuan sa amin. He turned around and show us a badass smile.

"Because they already broke up," dagdag niya pa habang naglalakad na palapit sa amin.

Napapikit ako ng mariin saglit at saka siya binigyan ng matalim na tingin. Damn this idiot! For sure kanina pa siya nandyan at narinig niya ang pag-iwas ko sa mga udyok ng mga kaibigan kong magkuwento ng tungkol sa amin ni Mark. And he spilled it just like saying his name!

Nang mapatingin ako sa mga bruha, hindi ko malaman kung nagulat ba sila sa sinabi ni Renz o natulala sila sa porma niya ngayon.

Bakit parang blooming si lolo?

"I'm going to snatch my best friend now, girls." He smiled and pulled me. "Bye, girls!" At kumaway pa siya sa mga kaibigan kong nakatulala pa rin hanggang ngayon habang inilalayo ako sa kanila.

Did the world just stop because of my best friend?

Parang gusto kong masuka bigla sa mga reaksiyon ng mga kaibigan ko pagkakita sa kanya. They literally drooling over him!

"Saan tayo pupunta?" tanong ko nang makalayu-layo na kami.

"Well, I'm just saving you from the outburst of your friends," sagot niya na hindi man lang ako tinitingnan. He's just being cool.

"Nililigtas?" I sarcastically repeated.

"Halata naman na ayaw mong sagutin ang mga tanong nila. So, I took the liberty of saying it to them." Then he beamed.

Tiningnan ko naman siya ng masama. "Yeah, sure! You just lit them like a bomb and the will surely explodes in front of me!" pagalit kong sabi sa kanya at inalis ko ang pagkakaabay niya sa akin.

"That's why I snatched you from them. Para hindi ka nila masabugan," sagot niya na parang utang na loob ko talaga sa kanya na iniligtas niya ako.

But how about the coming days? Hindi ko sila maiiwasan araw-araw!

"Come on, Lianne... you broke up with my brother and you don't want to tell your friends about your break that they would eventually know. Anong gusto mong palabasin?"

Huminto kami sa tapat ng kotse niya.

Hinarap ko siya. "Wala akong gustong palabasin! I just don't want to tell them yet!" inis ko pa ring sabi.

"And why not?" he asked while opening his car. "Because you're afraid that they won't believe you when you tell them what you told me last night?"

Hindi ako nakapagsalita, because he is right. Damn him, really...

"Get in," utos niya sa akin nang hindi ako umimik.

"Where are we going?" taka kong tanong.

Nagkibit siya ng mga balikat. "Anywhere you like."

Chapter Five

Lianne's POV

We ended up in a mall near the university.

"Can we eat?" tanong ko agad nang nalakad na kami sa loob at nagwi-window shopping.

Naiwanan ko ang pagkain ko sa Bitterladia dahil hinila na lang ako basta ni Renz kanina at nagugutom talaga ako.

"Libre mo?" tanong naman niya.

"Siyempre!" sagot ko naman agad. "Libre mo..." I added then I smiled.

Natawa siya. "Hindi ka pa rin nagbabago pagdating sa librihan." At inakbayan niya ako.

Pumasok kami sa eat-all-you-can na buffet style na kainan. Mukhang gutom din ang lolo. Hindi rin nakaligtas sa akin na simula pa kaninang pagpasok namin ditto sa mall ay may mga babaeng napapalingon kay Renz.

Blooming talaga siya ngayon and I don't know why, and I don't care right now. What I am really worried about now is how I look miserable beside him!

Bakit kapag ako ang masaya, siya ang miserable at kapag ako naman ang miserable, siya naman ang masaya. Life really has a way of pissing you off!

"I get your feed and you get mine?" I asked. That's how we used to eat in buffets.

He smiled evilly. "Sure..."

I smiled evilly too. Gumagana na naman ang mga kabaliwan namin at ito ang kailangan ko ngayon para hindi ang pagiging miserable ko ang naiisip ko.

Kumuha ako ng kauntin sa bawat putaheng na-trip-an kong kuhaan. At ganoon din ang ginagawa ni Renz na nasa kabilang side ng buffet table. Halos lahat din ng kinuha kong pagkain ay hindi ko pa natitikman.

Nang magkatapat kami ni Renz sa gitna ng table, nginitian na naman niya ako. Parang aliw na aliw siya sa ginagawa namin. And I too... I missed doing stupid things with this guy!

Pagdating ko sa dulo ng mahabang table, puno na ang platong hawak ko at sakto rin namang tapos na si Renz sa pagkuha ng pagkain. Sabay na kaming pumunta sa table namin. Inilapag ko sa harap niya ang platong dala ko at ganoon din siya sa akin.

"Looks delicious!" nakangiting sabi ni Renz habang nakatingin sa mga pagkain na kinuha ko para sa kanya.

"Mas masarap yata itong mga kinuha mo," I contested at kinuha ko ang spoon and fork sa tabi ng plato ko.

Ngumiti ulit siya. "There's only one way to find out... let's eat! "

Pinauna ko siyang kumain at hinintay ko ang reaction niya. He filled his spoon full at isinubo iyon. Pinigilan ko ang pagtawa ko dahil sa hitsura niya habang nginunguya iyon.

"Ang sarap nito, best," sabi niya pagkatapos niyang lumunok. "You should try it."

I doubted. Nilunok niya agad at hindi niya ninamnam man lang kahit saglit iyon. Kaya hindi ako maniniwala sa sinasabi niyang masarap!

Nang hindi ako magsalita ay sumubo ulit siya ng sunud-sunod. Napatanga ako bigla. Ganoon ba siya kagutom at hindi siya nagsisinungaling na masarap iyon?

Ibinaling ko na lang ang atensiyon ko sa mga pagkaing nasa plato ko. Masarap tingnan pero mukhang hindi masarap sa panlasa. Puwede bang titigan ko na lang ito?

But... I'm so hungry!

"Kumain na. Hindi 'yan mauubos kung tititigan mo lang," puna niya sa pagtitig ko sa pagkain. "Binabayaran pa naman ang tirang pagkain dito at hindi ko sagot ang bayad sa tirang pagkain," dagdag niya pa sabay ngisi na parang aso.

Bakit nga ulit ako nag-umpisa ng larong alam ko namang ako ang matatalo?

Just like when I agreed to Mark's game... so impulsive!

Ugh! Bakit ba napasok na naman ang bagay na iyon sa isip ko? Wala sa loob na napasubo na lang ako ng pagkain at kamuntikan ko nang maiduwal agad iyon dahil may mayonnaise!

I don't know if Renz really knows me well or he hates me this much! Alam niyang ayaw ko ng kahit anong pagkain na may mayonnaise!

"Masarap ba, best?" tanong pa ni Renz na halatang nang-aasar lang naman.

Nag-angat ako ng tingin at ngising-ngisi siya. Alright, he knows me well and he hates me so much! Palaging tuwang-tuwa siya kapag miserable ako. Kaya siguro blooming siya!

"Yep! Masarap!" sagot ko na halatang hindi totoo dahil alam kong hindi na maipinta ang mukha ko.

"Okay, sabi mo, eh..." he shrugged. "Sayang... I'll offer to get you other food pa naman," kasunod ng sinabi niya ang malalaki niyang subo.

Mag-best friends ba talaga kami?

Pagkatapos naming kumain ng main dishes, dessert naman ang sinunod namin. At nagkanya-kanyang kuha na kami. Ayoko na ng disaster sa tiyan ko ng dahil sa mga desserts na kukuhain ni Renz kung sakali. Pero kahit papaano naman ay may nakain akong matino sa kinuha niyang pagkain kanina.

"Best, bakit kaya hindi na lang iyang lalagyan ng buko pandan ang kinuha mo? Grabe ka! Dessert 'yan pero kung makakuha ka parang main course!" puna na naman niya sa pagkain ko.

Bakit ba? Sa hindi ako nabusog sa mga pagkain kinuha niya kanina. At hindi rin ako nasiyahan dahil hindi lahat masarap sa panlasa ko. Pampatanggal lang naman itong isang plato ng buko pandan sa lasa ng mga kinain ko kanina. Hindi ako matakaw!

"H'wag ka ngang magulo... gutom pa ako!" mahina pero madiin kong sabi sa kanya.

"Gutom ka pa?" Nagsalubong ang mga kilay niya. "Kanina nga, parang hirap na hirap ka nang ubusin ang pagkain mo, eh. Pero gusto mo bang ikuha pa kita ng pagkain?" pang-aasar niya pa habang pinipgil niya ang tawa niya.

"Ang sweet mo naman, best." I pinched his cheek. "Pero h'wag na! Okay na sa akin itong dessert." At inirapan ko siya.

Narinig ko siyang tumawa ng mahina at parang gusto ko na lang siya tusukin ng tinudor na malaki!

After naming kumain ay nag-ikut-ikot pa kami sa mga store sa loob ng mall. Maaga pa para sa next subject ko. Ewan ko lang kay Renz kung anong oras ang next class niya. Pero pumapasok ba siya? Napaka bihira niyang manggulo sa aming magkakaibigan, hindi katulad dati na halos araw-araw ay kasama rin namin siya.

"Ang tagal na pala nating hindi nagagawa 'to, 'no?"

Napatingin ako kay Renz nang magsalita siya.

"Na-in love lang tayo, nakalimutan na nating mag-best friends pala tayo. At ngayong pareho ulit tayong walang love life magkasama na naman tayo." Hindi siya nakatingin sa akin habang nagsasalita.

Hindi ko makita ang reaksiyon ng mukha niya pero seryoso ang tono ng boses niya. Ganito ba epekto ng mga kinain niya kanina? Nagdadrama siya ngayon?

"Bakit? Wala na rin kayo ni Wendy?" nakatingin pa rin ako sa kanya at hinihintay ko siyang tumingin sa akin para Makita ko ng maayos ang mukha niya.

"Kami pa rin..." mahina niyang sabi. "Hindi pa naman kami nag-usap na break na kami. Kaya kami pa rin."

There's hope in his voice and I kind of felt not just sadness... but loneliness. Ano ba talaga ang nangyari sa kanila ni Wendy?

Lumangon siya sa akin at nagsalubong na naman ang mga kilay niya. "Bakit ganyan ka makatingin?"

Magsasalita na sana ako para magtanong ng tungkol sa kanila ni Wendy pero bigla na lang niya akong inakbayan at bumilis ang lakad niya kaya wala akong nagawa kundi ang bilisan din ang paglalakad.

"Tsk! Let's go back to the university. Baka ma-late ka na."

At ganoon nga ang ginawa namin. Pero maaga pa nang makabalik kami kaya nag-stay muna kami sa gazebo. Medyo hindi na naman ako mapakali dahil makikita ulit ako ng mga bruah. Napapaisip tuloy ako kung papasok pa baa ko.

Pero napakaraming lessons na ang na-miss ko! Kailangan ko pang maghiram ng notes kay Tracy... dapat bago matapos ang araw na ito, okay na kaming dalawa. Kahit kaming dalawa lang! Well, kay Myleen lang naman talaga ako mahihirapan makipag-ayos. Because that's how we two are.

Pero should I be sorry to them na nag-break na kami ni Mark? Dapat ay suportahan lang nila ako, 'di ba? Dahil kaibigan nila ako!

Napatigil ako sa pag-iisip ng mapansin kong himas-himas ni Renz ang tiyan niya.

"May problema ka ba, Renz?" hindi ko napigilang itanong at pinipigilan ko na naman ang pagtawa ko.

"Ha?" Napalingon siya sa akin. "Wala naman..." Umayos pa siya sa pagkakaupo niya.

Hindi ko na napigilan ang mapangiti. Sumasakit na siguro ang tiyan niya dahil sa mga kinain niya kanina. Mabuti na lang at hindi sumama ang tiyan ko.

"Masyado kang mapagpanggap d'yan," nakatawa ko nang sabi.

Napaka-abnormal naming mag-best friend. Kapag talaga ang isa sa amin ang nasasaktan o nahihirapan, ikinatutuwa namin.

"Parang ikaw lang din," wika niya at naging seryoso na naman ang mukha niya. "Nagpapanggap kang masaya ngayon kahit alam naman nating pareho na hindi."

Nawala ang ngiti ko dahil sa sinabi niya.

Masaya naman ako, ah? Masaya ako na kasama ko siya ngayon na parang katulad lang ng dati. Bakit parang hindi niya yata maramdaman iyon? Pakiramdam ko tuloy ang plastic ko.

At bakit ba kailangan niya sirain ang araw namin? Minsan na nga lang kami ganito at gusto niya pang sirain?

"Baka ikaw lang talaga ang hindi masaya ngayon kaya pakiramdam mo hindi ako masaya..." balik ko sa kanya.

He faked a laugh. "Don't use reverse psychology on me." Tumayo siya. "Hindi lang ako sanay na ganyan ka. Hindi na ikaw iyong natural na Lianne na best friend ko. Iyong Lianne na, ang kanya ay kanya. Hindi iyong Lianne na masyadong mapagbigay na kahit tao na hindi naman talaga niya pag-aari, ipinamimigay."

Ouch!

"'No one loses anyone, because no one owns anyone,' that's your favorite quote from a book of Paulo Coelho's." Tinitigan niya ako. "But look at you now... giving someone you don't own to somebody you think he'll better to be with. While you looked like a loser trying to avoid them because it pains you. Stupid."

Another ouch!

Akala ko, wala ng mas tatalas pa sa mga dila ko pero mayroon pa pala. And it happened to be Renz. Ang pinakamasama, sa akin niya ginagamit ang pagiging matalas ng dila niya. I never thought he could say that to me.

"Wendy left me without telling me why. But you... you pushed away Mark by telling him lies. I might be going crazy right now thinking about why she did that, but she still left me with hope. That one of these days, she'll be back and tell me a valid reason why she left. But you..." Umiling siya. "You ruined my brother with your lies. And that's worst."

Huminga ako ng malalim to take in everything he just said. "Why don't you believe that I don't really loved Mark?"

"Because I know you're lying..." mabilis niyang sagot. "At bakit ba hindi mo rin matanggap na kayo ang nagmamahalan?"

"Hindi ko siya mahal!" sagot ko habang hindi kumukurap na nakatingin sa kanya para ipinapakita na totoo talaga ang sinasabi ko.

Tinitigan niya ako ng matagal at umiling na naman siya. "I still can't figure out why you are doing this for Hannah. She's not worth it."

"Why do you hate my sister so much?" pabulong kong tanong.

Tumiim ang bagang niya dahil sa sinabi ko. "Have you thought that this might be her way of getting even with how you treated her before?"

"No!" mariing kong sagot dahil hindi talaga iyon pumasok sa isip ko at alam ko rin na hindi iyon magagawa ni ate Hannah.

"You're hopeless..." Bumuntong hininga siya at kinuha ang mga gamit na nasa tabi ko. "Let's go... ihahatid na kita sa klase mo."

Hindi na ako nakipagtalo pa. Ayoko na rin humaba ang pag-uusap namin dahil hindi ko alam kung ano pa ang mga kaya niyang sabihin at baka hindi ko na rin makayanan ang mga iyon.

This day was supposed to be a good day because we did what we used to do before all this shit happened. But he ruined it. And that's why he still doesn't like my sister because he thinks, she's trying to get even.

But I refuse to believe that. Ate Hannah won't do that. She's too good to. And I won't let Renz feed me negative thoughts that will ruin my relationship with my sister again.

>>> Next Chapter >>>

Continue Reading

You'll Also Like

22K 493 13
Formerly, 'A Thousand Crush' A girl with principles. Matalino, maganda at sobrang bait. 'Yun nga lang... mahilig sa gwapo. Lahat ng gwapong kaniyang...
3M 18.4K 9
NOTE: The complete version is available on Dreame! Sa loob ng maraming taon, napuno ng pagsisisi ang buhay ni Sassy. Marami siyang desisyong pinagsis...
419K 6.1K 78
Taming of a Starr How to tame a cold-hearted bitch First installment of Taming Series Starr is an emotionless yet self-confessed bitch. She's only in...
260K 17.8K 84
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...