A Life In Star World [COMPLET...

Bởi MissJ14

68.8K 1.7K 192

Sa Pilipinas mayroong Teen Queen at Teen King, ito sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Ang dalawang Teen... Xem Thêm

A Life In Star World
Chapter 1: ❤️FlashBack
Chapter 2: ❤️Old Friends
Chapter 3: ❤️Picture
Chapter 4: ❤️Flowers
Chapter 5: ❤️KathNiel and JulQuen
Chapter 6: ❤️Surprise Dalaw
Chapter 7: ❤️Twilight
Chapter 8: ❤️Caught In The Act
Chapter 9: ❤️Inviting
Chapter 10:❤️Special Day
Chapter 11:❤️Failed
Chapter 12:❤️Broken-Hearted
Chapter 13:❤️ASAP Day
Chapter 14:❤️Good News
Chapter 15:❤️Love Triangle Date
Chapter 16:❤️DJ's EX
Chapter 17:❤️Realization
Chapter 18:❤️Basketball Practice
Chapter 19:❤️The Story
Chapter 20:❤️Should I Confess?
Chapter 21:❤️Confession
Chapter 22:❤️Possessive
Chapter 23:❤️Midnight Date
Chapter 24:❤️Chances Back
Chapter 25:❤️Fight
Chapter 26:❤️The Reunion Movie
Chapter 27:❤️Open Forum
Chapter 28:❤️Jealous Again
Chapter 29:❤️Premiere Night & Party
Chapter 30:❤️Bothered
Chapter 31:❤️Trouble
Chapter 32:❤️Together
Chapter 33:❤️Career or Love?
Chapter 34:❤️Talk
Chapter 35:❤️Dinner Date
Chapter 36:❤️Star Magic Ball
Chapter 37:❤️Getting Stronger Relationship
Chapter 38:❤️Bhutan Taping (KathQuen)
Chapter 39:❤️Teleserye Royals Concert P1
Chapter 40:❤️Teleserye Royals Concert P2
Chapter 42:❤️Lasagna
Chapter 43:❤️The Truth
Chapter 44:❤️I Love You
Chapter 45:❤️Hospital Tension
Chapter 46:❤️Together Again
Chapter 47:❤️Necklace Issue
Chapter 48:❤️I Will Love Him No Matter What
Chapter 49:❤️Is Everything Will Be Okay?
Chapter 50:❤️HeartBreak
Chapter 51:❤️Because of Love
Chapter 52:❤️Moving On
Chapter 53:❤️Let Me Love You
Chapter 54:❤️After 2 Years
Chapter 55:❤️She's Back
Chapter 56:❤️Project Together
Chapter 57:❤️Heavy Rain
Chapter 58:❤️Difficult
Chapter 59:❤️DJ?
Chapter 60:❤️Stuck
Chapter 61:❤️Awkward
Chapter 62:❤️I Still Love You
Chapter 63:❤️What's Next?
Chapter 64:❤️End
Epilogue:❤️The Superstar And The Nurse

Chapter 41:❤️Enchanted Kingdom (JulQuen)

992 18 2
Bởi MissJ14

A LIFE IN STAR WORLD

🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥

-Daniel Padilla Point of View-

"Ikaw DJ kung End of the World na anong gagawin mo?" Tanong naman sa akin ni Tito Boy. Lahat ng cast ng 24/7 Inlove nandito.

Pagka-uwi namin galing sa U.S. pahinga kami ni Kath ng 1 week tapos nag-taping na kami ng 24/7 Inlove kung saan isa kami sa mga cast dito. Back to interview tayo, teka ano nga kaya ang gagawin ko kung End of the World na?

"Gusto ko po na kasama ko ang pamilya ko at si....." Hindi ko naman pwede sabihin na si Julia kaya....."Kathryn po" Nagtilian naman ang mga Fans namin na naririto ngayon. Pati sina Tito Boy kinilig din sa sagot ko.

"Okay ang pamilya mo at si Kathryn ang gusto mong makasama eh ikaw Kathryn?" Tumingin muna sa akin si Kath bago sumagot.

"Syempre po family ko rin and si DJ syempre" And again tilian nanaman ang mga fans namin.

After ng interview na toh may Premiere Night pa kami na gaganapin sa may MegaMall. Palagi naman dito nagaganap ang Premiere Night ng mga pelikula.

Pagdating namin dun sinalubong kami ng maraming-maraming tao bukod kasi sa amin ni Kath nandito rin sina Ate Kim at Kuya Gerald.....AWKWARD..... Sina Ate Maja at Kuya Diether Ocampo, sina Ate Bea at Kuya Zanjoe, Xyriel, Zaijan tsaka si Kuya Piolo, Ate Angelica at Kuya John Llyod ang lalaking matagal ng crush ni Julia. Si Ate Pokwang at Kuya Sam.

Nang kami na ang naglakad sa may red carpet nagtaasan ang mga tarpaulin namin ni Kath na KathNiel Lovers, Silent KathNiel at kung anu-ano lang mga grupo ng nga KathNiel Fans. Naghiyawan at nagtilian silang lahat kaya medyo ang sakit sa tenga pero kahit ganun nakakatuwa dahil nandyan ang suporta nila para sa amin ni Kath.

May inabot naman na flowers kay Kath kaya ako na ang nagdala nun. Naupo na kami sa mga upuan na nandito at may mga reporter nanaman na magtatanong sa amin.

Nag-uusap lang kami ni Kath dito habang iniinterview ang mga ibang casts nasa dulo kasi kami eh.

"Nabigay mo na ba yung award na naiwan ni Julia sa may Event nun?" Bigla namang natanong ni Kath.

"Ay! oo nga pala nakalimutan ko" Nakalimutan kong ibigay sa kanya kasi sobra akong naging busy nitong past few days.

"DJ! DJ!" Tawag naman nung nagiinterview kami na pala.

"Mukhang napasarap ang kwentuhan ninyo ni Kath ah? Share niyo naman" Napangiti na lang kami ni Kath sa sinabi niya. Naisip ko kasi si Julia kaya di ko narinig.

"Ang role mo dito Kath ay Die Hard Fan ni Billy Fernandez which is portrayed by Daniel Padilla. Kung ikaw ang tatanungin ano ang mas gusto mo maging Die Hard Fan ni Daniel sa real life o ganito na magkapartner kayo?"

"Para sa akin po yung ganito na palagi kaming magkasama sa mga serye or movie, kasi kung Die Hard Fan lang parang titili-tili lang ako atleast kung sa araw-araw na kasama ko siya masasabi ko na mas okay yun sa akin na ako ang maging partner niya"

"Yun ang sagot ni Kath, DJ ikaw naman ano ang mas gusto mo magkaroon ng Fan katulad ni Kath o siya mismo ang magiging kapartner mo sa mga projects mo?"

"Para sa akin naman po siguri mas maganda kung Fan na lang po para inspired po ako sa pagtatrabaho ko" Tapos si Julia ang partner ko sa mga proyekto. Fan na lang si Kath para si Julia ang Leading Lady ko.

"Ano na ba ang status ninyo ni Kath for now DJ? MU? In A Relationship?"

"Sa ngayon po wala pang progress pero espesyal po sa akin si Kathryn. Kasi liligawan ko lang po siya kapag nag-18 na siya ayaw niya po kasi may sagabal habang nagwowork kami tsaka madali lang naman po yun dahil alam ko po na these next years kami pa rin ang magka-loveteam na dalawa"

"So liligawan mo siya kapag nag-debut na siya. Sasagutin mo ba siya Kath?"

"Depende po kung AKO talaga ang mahal niya" Sagot ni Kath sabay tingin sa akin at ngiti.

"Depende kung ikaw? Bakit may mas mababaw ba sa puso ni DJ kesa kay Kath?" Napatingin naman ako kay Kath parang nilalaglag niya ako. Bakit hindi na lang siya nakiride-in?

"Wala po si Kath lang po talaga ang mahal ko wala na pong iba"

-Julia Montes Point of View-

"Wala po si Kath lang po talaga ang mahal ko wala na pong iba"

Huminga na lang ako ng malalim, sabi nga ni DJ 'WORK IS WORK' Walang personal attachment sa kanila ni Kath kundi work lang talaga.

Nandito kasi ako sa kwarto ko pinapanood ang Live Streaming ng interview ng mga casts ng 24/7 Inlove. Wala akong work ngayon kasi hindi pa naman nagsisimula ang Movie na gagawin namin ni Kuya Coco na Movie.

Alam ko naman na gustong sabihin ni DJ na ako ang gusto niyang makasama kung sakali man na magugunaw ang mundo kaso hindi naman niya pwedeng sabihin ang pangalan ko kaya si Kath na lang ang sinabi niya.

Nag-ring naman ang phone ko kaya sinagot ko ito ng hindi tinitignan kung sino ang tumatawag.

Ako: Hello?

???: Boring noh? Gusto mo lumabas tayo?

Ako: Sino toh?

???: Si Quen toh ano ka ba. So ano? Tara?

Ako: Quen ikaw pala pasensiya na hindi ko kasi tinignan kung sino ang tumatawag kaya tinanong ko kung sino. Oo nga eh boring sa bahay pero saan naman tayo pupunta?

Quen: Enchanted Kingdom you want?

Ako: Talaga?! Cge ba! Kaya lang.....Paano kung may makakita sa atin?

Quen: Wag kang mag-alala hindi naman ako katulad ni DJ na hindi ka kayang ipagmalaki sa mga tao na hindi kayang sabihin kung sino talaga ang mahal niya hindi katulad ko kayang-kaya kitang ipagmalaki sa mga tao. Sige pupunta na ako diyan ngayon kaya magbihis ka na. Bye!

(Call Ended)

Buti pa si Quen kaya akong isama sa mga lugar na gusto niyang puntahan kahit alam niyang may makakakita sa amin at kahit na magkaroon pa kami ng issue kasi kaya niya akong ipagmalaki. Pero kung wala naman sa ganun na sitwasyon si DJ kaya naman niya eh kaso talagang naiipit lang siya.

Nagsuot lang ako ng komportableng damit kasi syempre sasakay kami sa mga rides dun. Excited na akong sumakay sa Ferris Wheel kasi kapag pumupunta ako sa mga Amusement Park hindi makukumpleto yung pagpunta ko dun kung hindi ako sasakay sa Ferris Wheel. Wala lang kasi pakiramdam ko kapag sumasakay ako sa Ferris Wheel lalo na't mag-isa ako napapa-isip lang at nagmomoment tapos may time pa na titigil dahil may baba tapos sasakay. Yayayain ko si Quen mamaya na sumakay dun sana nga lang hindi siya takot sa heights.

Maya-maya pa nandito na siya kaya nagpa-alam na ako kay Lola. Buti na nga lang at wala si Patrick dito kundi tutuksuhin nanaman ako nun kay Quen.

"Salamat nga pala sa pagyayaya sa akin sa Enchanted Kindom ah?" Sabi ko naman sa kanya habang nagdadrive siya.

"Wala yun tsaka mas masaya kung may kasama diba? Since ikaw ang babaeng close ko at mahal na mahal ko ikaw na lang ang niyaya ko buti na nga lang at pumayag ka"

"Quen ikaw talaga hindi ka ba nahihiya na paulit-ulit mong sinasabi sa akin na mahal na mahal mo ako kahit alam mong may iba na akong mahal?"

"Ba't naman ako mahihiya? Dapat nga sa iyo pinagmamalaki hindi yung tinatago" Natahimik naman ako sa sinabi niya. Pihadong si DJ ang sinasabihan niya nun.

"Excited ka na ba? Ilang beses ka na bang nakapunta sa Enchanted Kingdom?"

"Mhmmmm.....Bali pangalawang beses ko na toh. Yung una na punta namin dun kasama ko pa si mama Gemma si Lola tsaka yung mga kapatid ko siguro mga 13 years old ako. Ikaw?"

"Pangalawang beses na rin una yung taping namin sa PAI tapos ngayon kasama ka. Pagdating natin dun anong gusto mong unang sakyan natin?"

"Ay! Rollercoaster yun! Gusto ko dun!" Nakita ko naman na napalunok siya.

"Rollercoaster? Seriously?"

"Oo! Ang saya kaya nun! Dun tayo unang sumakay ha Quen? Tapos yung huli nating sasakyan Ferris Wheel"

"O-okay" Napangiti naman ako pihadong natatakot toh.

"Don't tell me natatakot ka?" Pang-aasar ko naman sa kanya.

"Ako?! Hindi noh! Makita mo lang mamaya hinding-hindi ako sisigaw kapag umaandar na yung Roller Coaster" Sabi naman niya na may matapang na tono. Tignan lang natin.

~~~

"AHHHHHHH! AYOKO NA! AHHHHHH! ITIGIL NA NINYO ITO KUYA! PARANG AWA NIYO NA! AHHHHHHH"

Napatawa na lang ako habang sumisigaw kasi ang bilis ng Rollercoaster dito. Hindi daw siya sisigaw eh nung paandar pa nga lang toh nagsisisigaw na siya.

"Oh? Akala ko ba hindi ka sisigaw?" Tanong ko naman sa kanya ng makababa na kami. Napatingin siya sa akin na parang na-trauma. Grabe natatawa ako sa itsura niya.

"Mabilis pala yun? A-akala ko kasi rollercoaster lang na mabagal"

"Eh baka naman yung sinasabi mo eh yung pambata na walang paikot-ikot? Yung diretso lang na riles tapos mabagal ang andar. Tara! Sakay tayo dun!"

Hinila ko naman siya papunta sa Andhor's Away. Masaya dito promise.

"Diyan? Eh diba una mabagal diyan tapos bibilis rin sa pagtaas-baba?"

"Wag kang mag-alala hindi naman nakakatakot toh katulad nung sa Rollercoaster eh. Tara pila na tayo" Pagpila namin dun ang daming napatingin sa amin. At nagbubulungan habang mga nakangiti.

"Hi po ate Julia and Quen! Ano pong ginagawa niyo dito? Kayo lang po ba na dalawa? Kayo na po ba? Kailan pa po?" Tanong naman nung isang babae na kaedad ko lang. Grabe ang dami niyang tanong ano ba ang una kong sasagutin?

"Hello naman sa iyo. Nandito kami para mag-saya na dalawa tsaka oo kami lang na dalawa and hindi PA kami" Diniinan naman niya yung salitang PA hay nako Quen ang sarap mong kutusan.

"Talaga po? Kailan niyo po siya liligawan?"

"Kapag nasa right time na" Walang papetiks-petiks na sabi ni Quen.

"Talaga po? Pwede ko po ba kayong picturan?"

"Sure!" Sabi naman ni Quen. Nagulat na lang ako ng bigla niya akong hinila papalapit sa kanya at pinicturan na kami nung babae.

"Salamat po!" Sabi nung babae at sumakay na sa anchor's away tapos kami ni Quen sumakay na rin kami na pala.

"Pinagkakamalan tayo na may relasyon. Nakakatuwa naman" Sinuot na namin yung seatbelt at nginitian ko na lang siya.

Maya-maya pa umandar na yung barko ng mabagal hanggang sa bumilis at halos masuka na kami ni Quen.

"Julia punta lang ~ergh~ sa ano sa CR nasusuka kasi ako. Ergh!" Tumakbo naman si Quen sa may CR at naiwan ako dito. May mga lumapit naman sa akin at nagpapicture ang dami nilang tanong kung sino daw ang kasama ko syempre sinabi ko na si Quen.

"Grabe nakakasuka pala dun sa Anchor's Away hinding-hindi na ako sasakay dun. 6:00 na tara kain na tayo?"

"Cge! Saan?"

"Sa kainan malamang. Tara"

Pilosopo naman nito ni Quen pero tama naman siya kakain kami sa kainan pero saang kainan naman?

"Dito na lang tayo kumain sa Greenwich kasi paborito ko dito ang Pizza nila" Pumasok na kami sa loob at nagtilian yung mga tao. Pero kung mga normal na tao lang kami iisnobin lang nila kami kaso mga artista kasi kami.

"Anong gusto mo?"

"Ano na lang lasagna tsaka pizza"

"Cge oorder na lang ako ng pizza na kasya sa ating dalawa. Cge maupo ka na" Tumango na lang ako at naupo na. Nginitian ko na lang yung mga tao na bumabati at kumakaway sa akin.

Ano na kaya ang ginagawa ngayon ni DJ?

"Julia oh" Nandito na pala si Quen kaya tinulungan ko na siyang ilagay sa may mesa yung mga inorder niya. Ba't parang ang dami?

"Teka ba't parang ang dami naman yata nito?"

"Baka kasi kulang pa sa iyo ang lasagna at pizza kaya umorder pa ako ng dalawang chicken na may rice. Tara kain na tayo" Umupo na siya sa may harapan ko at kumain na ako.

"Ang sarap ng lasagna. Paano kaya gumawa nito? Paborito kasi toh ni DJ eh" Napahinto naman sa pagkain si Quen.

"Talaga? Paborito ni DJ ang lasagna? Paano mo naman nalaman?"

"Kasi diba nagkaroon ng guesting si Kath sa Kris TV? Nagluto siya ng lasagna na paborito ni DJ kaya gusto kong matutong magluto para matikman naman niya ang luto ko"

"Madali lang yan. Gusto mo bukas punta ka sa bahay namin kasi si mama chef yun magaling magluto kahit ano alam"

"Talaga? Cge ba pupunta ako sa inyo alam ko naman address ng bahay ninyo eh"

"Mabuti kung ganun para ma-meet mo siya tsaka yung dalawa kong kapatid"

"Ikaw Quen anong paborito mong pagkain?"

"Ako? Carbonara and si mama palagi niya akong nilulutuan nun pagka-uwi ko sa bahay galing set kaya love na love ko siya eh"

"Wow, ang swerte mo naman. Siguro mga 12 na lang ako pupunta sa inyo bukas"

"Okay. Sasabihin ko kay mama mamaya pagdating ko para maihanda niya na yung mga ingredients sa pagluto ng lasagna"

Pagkatapos naming kumain ni Quen sumakay pa kami sa mga rides na nandito tapos nung napagod kami kumain ulit kaming dalawa. Yung pagsama ko kay Quen dito talagang sobra akong nag-enjoy bukod sa masarao sumakay dito masarao din yung may kasama ka. Napaka-swerte ko kasi nandyan si Quen lalo na yung mga times na nagkakainitan kami ni DJ dahil sa mga problema na dumadating.

9:30 na at nandito pa rin kami. Halos lahat nasakyan na namin kahit yung mga pambata na rides isa na lang ang hindi naman nasasakyan.

"Quen! Tara sa Ferris Wheel!" Sigaw ko naman habang nakangiti. Excited na kasi ako eh.

"Huh? Pero diba tumitigil yan? Ayoko takot ako sa heights eh"

"Para kang hindi lalaki. Tara na hindi ka naman mahuhulog eh. Pramis kapag nahulog ka sasaluhin kita"

"Nahulog na nga ako eh kaso hindi mo naman ako sinalo"

"Ha?" Parang may meaning yung sinabi niya.

"Wala! Sabi ko tara na sakay na tayo" Hinawakan niya ako sa may kamay at sumakay na kami.

"Grabe exciting toh!"

"Exciting eh iikot lang naman toh. Pag ako talaga nahulog dito sasaluhin mo ako ah?"

"Paano kita sasaluhin kung nakasay din ako? Basta enjoy dito paborito ko kaya tong Ferris Wheel. Ayan na umaandar na"

Nakangiti ako habang umiikot itong Ferris Wheel hanggang sa tumigil ito sa pinaka-tuktok.

"Julia, pakiramdam ko mahihimatay ako. Nasa tuktok na tayo eh" Napatingin naman ako kay Quen. Natawa ako bigla kasi nanginginig siya at hindi makagalaw.

"Wag mo naman akong tawanan. Aish.....Kaya ayoko sumakay dito kasi takot ako sa heights eh"

"Okay cge. Magkwentuhan na lang tayo kasi iikot pa ulit toh eh and then mamaya hihinto ulit tayo sa tuktok"

"Huh? Si-sige. Anong pagkwekwentuhan natin?"

"Ikaw na bahala mag-isip"

"Cge na nga. Kung sakali ba na maghiwalay kayo ni DJ someday may pag-asa ako?"

"Sabi ko kwentuhan Quen hindi Open Forum"

"Just answer me Julia" Bigla na lang siyang naging seryoso. Tapos yung panginginig niya kanina nawala na at naka-focus na ang mga mata niya sa akin.

"E-Ewan ko. De-Depende. Si-siguro. So-Someday or-"

"Pwede?"

"Hindi ko alam Quen" Umiwas ako ng tingin sa kanya. Dapat hindi ko na lang sinabi na magkwentuhan kami para hindi niya na sinabi yan.

"I see. Just you know I like you very much handa akong magpagamit para lang sa iyo Julia para kahit papaano palagi kitang kasama. Tsaka kahit ano kayang kong gawin para lang maging tayo, para lang magkaroon ako ng pag-asa sa iyo"

Napatingin na lang ako kay Quen ng ilang segundo ng biglang umandar ang Ferris Wheel at na-out of balance ako at saktong napapunta kay Quen.

"Okay ka lang ba?" Tanong naman niya sa akin.

"O-Okay lang ako. Na-Nanginginig ka pa ba?"

"Hindi na nawala na. Masarap palang sumakay dito?"

After nun nanahimik na lang kaming parehas habang pinagmamasdan ang dagat na katabi nito. Napatingin naman ako kay Quen habang nakatingin siya sa may itaas.

Talagang mahal na mahal ako ni Quen at handa siyang magpagamit sa akin para lang makasama niya ako. Hay ewan ko.

"May gusto ka pa bang gawin Julia?" Tanong naman sa akin ni Quen pagbaba namin.

"Punta muna tayo sa may Souvenir Shop may bibilihin lang ako"

Pumasok kami sa loob ng isa sa mga Souvenir Shop dito. Napangiti ako kasi ang cucute ng mga Stuff Toy dito. Bumili ako ng dalawang Stuff Toy tapos T-Shirt na Enchanted Kingdom.

"Quen para nga pala sa iyo" Binigay ko naman sa kanya yung paper bag na may stuff toy at T-Shirt na binili ko. Tig-isa kami.

"Para sa akin? Salamat" Kinuha naman niya iyon ng may ngiti.

"Thank you gift ko yan sa iyo kasi dinala mo ako dito at sobra akong nag-enjoy"

"Salamat ulit dito tsaka hindi naman kailangan eh. Tara uwi na tayo"

Tumango naman ako at inihatid niya na ako sa may bahay namin.

"Salamat Ulit Quen ah?"

"Wala yun"

"Mag-ingat ka sa pag-uwi mo"

"Oo naman. Cge!"

-Enrique Gil Point of View-

Calling Kathryn..........

(Hello?)

Selfish na kung Selfish pero ginagawa ko toh para sa taong mahal ko.

"Pumapayag na ako sa gusto mo"

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
6.6K 284 12
Aeros, a gangster who fell in love for the first time and ready to change just for the woman he loves. "Dos" was surrounded by rules that could prev...
133K 3.1K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
97.1K 3.5K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...