The Psychopath's Son (On Goin...

By nanashi_21

17.9K 640 126

He's too naïve. Too innocent to know what exactly is happening. Para syang robot na tanggap lang ng tanggap s... More

Prologue
Chapter 1 - human-robot
Chapter 2 - Eccendentesias
Chapter 3 - Purple Eyes
Chapter 4 - Nyctophilia
Chapter 5 - Sudden change
Chapter 6 - Destruction
Chapter 7 - Home
Chapter 8 - Robin Hood
Chapter 9 - Tangled Red String
Chapter 10 - Pieces of Time
Chapter 12 - Traitors
Chapter 13 - Love, Friendship, Betrayal
Chapter 14 - Gloomy Ball of Sunshine
Chapter 15 - New friend
Chapter 16 - Lost Battle
Chapter 17 - Wounded
Chapter 18: The first move
Chapter 19 - The Devils' Meeting
Chapter 20: Bloodlust
Chapter 21: Playing God
Chapter 22: Siwang sa Reyalidad
Chapter 23: Good in Evil; Evil in Good
Chapter 24: First Bold Move
Chapter 25: Here goes nothing

Chapter 11- Rebellious Fallen Angels

534 23 10
By nanashi_21


Nagtatalo ang isipan ko kung lalabas ako upang kumpirmahin ang nakita ko o mananatili sa kinatatayuan ko. Natatakot akong malaman na totoong nandito sya. Natatakot akong muling mapasakamay nya. I've been in the pit of hell with that demon once, and I never thought that there might be a chance that it will happen again. I thought I killed him. I thought I succeeded or maybe I did and I was just hallucinating.

Nangangatal akong humakbang palapit sa nakakawang na pintuan. Nanlalamig din ang buong katawan ko ngunit patuloy ang pagtulo ng aking malalamig na pawis na umaagos sa ilang sugat sa aking katawan.

Nang makarating ako sa labas at iginawi ang aking paningin sa dinaanan ng pigura na aking nakita ay tila nabunutan ako ng tinik.

"You're alive!" Masiglang wika niya nang makalapit sa akin. Gayunpaman ay hindi ko nagawang makasagot. Pinahina ng kaba at takot ang aking kapasidad na magsalita. Tila ba nasa paligid pa din ang taong nakita ko kanina.

"Hey, nasobrahan ka ba sa pampatulog o nasobrahan sa parusa ni Gavin?" Muli niyang wika.

"A man" I uttered while staring at the corridor. Hindi ko maintindihan kung paano ko itatanong sa kanya ang bagay na iyon.

"Vougn?" Muli niyang tanong at mababakas ang pag-aalala.

"Who's inside this building?" I finally asked. Tumingin din ito sa banda ng gusali na tinititigan ko. The man I saw might be in one of these rooms, but why am I looking for him? Natatakot akong harapin sya at malamang buhay pa nga siya ngunit hindi rin ako matahimik na hindi ko nalalaman ang totoo.

"Well, Gavin's goons and representatives of other organizations. They're here to discuss something important regarding business and other transactions. Seems like Gavin is strengthening his organization by leeching off the power of other organization." Komento ni Jason sabay lagay ng kamay nya sa bulsa ng suot na pantalon.

Nanatili akong nakatitig sa corridor at wala sa isip na inihahakbang ang mga paa tungo sa isang kwarto. Akala ko ay normal lamang ang itinuro sa akin ng aking ama. Na baka ibang paraan ng pangdidisiplina ang alam nya. Ngunit hindi ko mapapalampas ang ginawa nyang pagpaslang sa aking ina. Maisip ko lamang ang gabing iyon ay napupuno na ng puot at galit ang puso ko. Wala syang karapatang mabuhay. Hindi sya maaaring mabuhay pa. Iyon ang kapalit ng pagpatay nya kay Mama. The woman who has all the rights to live.

Kaagad akong hinarang ng mga tauhan ng mga taong nasa loob ng kwarto at kasalukuyang kausap ni Gavin.

"Get lost" Buong pagbabanta kong sabi. Yes, I am afraid to see him. Yes, I am afraid to confirm that he's still alive. Natatakot ako na wala muling magawa ng dahil sa takot, ngunit mayroon ding parte na gusto ko nang matapos ang lahat.

"You are not invinted." Wika ng isa sa kanila na may kalakihan ang katawan at bahagya akong inilayo ngunit hindi ako nagpatibag at muling nagpumilit na buksan ang pintuan. Nang tila mapikon ang isa sa kanila ay bumunot ito ng baril at itinutok sa akin.

"Woah Woah Woah, easy. Gavin won't be happy to hear that his guest will kill or will injure one of his men." Hinila ako ni Jason palayo sa mga ito ngunit wala ako sa tamang katinuan para magpasensya at mag-isip pa. Kaagad kong kinuha ang baril na pagmamay-ari ni Jason at walang dalawang-isip na itinutok ito sa kanila.

"Vougn, what the hell?" Akmang kukuhain ni Jason ang baril ng itutok ko ito sa kanya na kaagad nagpataas ng dalawa niyang kamay. Agad kong naramdaman ang pagkilos ng dalawang bantay ng pinto kaya't muli kong ibinaling sa kanila ang baril.

"I said get lost" Muli kong wika. Ikinasa ko ang baril ngunit hindi pa din nagpatalo ang dalawang lalaki sa aking harapan. Nagsukatan kami ng tingin ng isang lalaki lumapit sa aming direksyon.

"It will be very disrespectful if you will cause commotion in the middle of the transaction." Wika niya sa kasamahan niya at saka ibinaba ang baril na nakatutok sa akin.

"We meet again Gabriel or should I call you Vougn?" Walang emosyong wika nito sa akin. "You must be Gavin's amateur bomber, aren't you?" Patukoy niya kay Jason na ginantihan lamang nito ng ngiti. He was insulted and all he could do was smile.

"Wala akong panahong makipag-usap sayo." Nabaling muli sa akin ang atensyon nito.

"I'm here to protect our Boss during the transaction. Lalagpas ka muna sa akin bago ka makapasok sa loob." Wika niya at saka tuluyang humarang sa pintuan.

"Come on Vougn, kakatapos lang ni Gavin sa'yo, are you that masochist at talagang naghahanap ka ng sakit ng katawan? Kung gusto mo talagang gumanti ipagpaliban mo na lang. He won't spare your life kung guguluhin mo ang transaksyon na iyan." Jason said and I clearly get his point. Hindi pa din nawawala ang tingin sa akin ng bagong dating. I have seen what he's capable of, and looking at me now and my state, I know wala akong gawa sa kanya. No, even if I am in condition, I know that he's still somehow better than me. Someone I would find hard to beat.

"I'm just breathing but no soul, not even better than a dead man, so why not end everything today?" Bahagyang nagbago ang ekspresyon ng taong nasa aking harapan ngunit agad din niya itong inalis.

"To prolong the agony and pain so is the joy and happiness. Ang iba ay nabubuhay para sa sarili at kapwa samantalang ang iba ay nabubuhay para sa namayapa. You'll never know which you are if you'll end it now. Who knows how things will turn out for you?" Wika nito na labis kong ikinalito. For a poker face killer, he sure is talkative. A somehow understand his riddle despite it being confusing.

"If you really want to kill someone, make sure you can do it in one try." Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa na tila ba sinusuri kung kaya kong pumatay sa ganitong kalagayan. He must be that confident. Nakakasa na at naghihintay na lamang na kalabitin ang baril na hawak ko ngunit hindi mababakas ang pagkabahala sa kanyang mukha.

"Vougn let's go." Muling pagpilit ni Jason. Tila isang gayuma ang mga tagang binitiwan ng estranghero sa aking harapan. Ibinaba ko na ang baril at tinalikuran sila.

"You are not yet on half of the truth because you are still locked with the memories of yesterday, many things have already changed Vougn." Huling sabi niya na muling nagpalingon sa akin, ngunit masyado syang mabilis at kaagad na nawala sa kanyang kinatatayuan.

Alam kong magtatagpo muli ang aming landas. He seems to know a lot of things. Mas lalong dumami ang mga tanong sa aking isipan.

"Ouch!" Isang madiin na paglapat ng bulak sa aking sugat ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.

"We lost you Vougn. Saan na ba umabot ang utak mo?" Pagrereklamo ni Amber habang ginagamot ang mga galos at sugat ko.

"At pwede ba, ipatong mo itong kumot dyan sa.." Hindi nya natapos ang sasabihin at sa halip at tumingin sa boxer shorts na tanging suot ko. Bahagya itong napalunok bago muling tumingin sa mukha ko. Kinuha ko ang kumot na sinasabi nya at ipinatong sa pang-ibaba ko. This makes her uncomfortable uhh.

"Pinuruhan ka ba ni Morgan dito?" She then checked my head like a kid looking for some treasures.

"Ahh, lagot talaga sa akin ang babae na iyon. Makakaranas siya ng pinakamasakit na medical assistance. Bakit ba ayaw na ayaw nya sayo? Palibhasa magaling lang sya kapag hawak ang sniper nya." Muling pagrereklamo niya at kumuha ng panibagong bulak sa kit.

"Thanks." I smiled weakly. I don't have any energy left. Pakiramdam ko ay kapag humiga ako ngayon sa isang lingo na ang gising ko. I'm tired as fuck.

"Thank you? Yun lang? Nambabae ka ano? Kaya matagal kang nawala? Binalaan na kita na 'wag magsasama dyan kay Jason ah, alam mo naman chick boy yan." Muli akong nangiti sa mahaba nyang litanya. Para syang nakalunok ng megaphone sa lakas ng boses at daldal nya. She's lucky to have this kind of personality. That type of personality that can make a gloomy day a sunny one.

Sinamaan lamang naman ito ni Jason ng tingin na busy sa pagtitipa sa kanyang cellphone.

"Tapos na! At dahil may mga malalalim kang sugat kailangan mong bumalik sa akin para ipalinis iyan. Sigurado akong madaming ipapagawa sayo si Gavin. Isa pa rin naman iyon na baliw at kalahati." She said as she fix her things.

"Bakit ka nasa ganitong lugar Amber?" I asked out of the blue. She's a jolly person. Someone who doesn't show any grieve or interest in killing someone.

"May mga bagay na hindi kailangan ng rason Vougn. Nangyari na lang bigla." Maikling pahayag nito bago tuluyang inayos ang mga gamit.

"Ikaw Vougn, bakit ka narito?" Akala ko ay pinakawalan na niya ang topic na iyon.

"I don't know. One day I just became the person I once swear I will not be. Maybe I belong here" Ibinato niya sa akin ang hawak na damit.

"You belong with me." Mapang-akit na wika nito sa akin.

"Isuot mo na iyan bago pa ako tuluyang maakit. Papatulan talaga kita kahit madami ka pang sugat sa katawan." Mapagbirong sabi niya at saka ipinagpatuloy ang pag-aayos ng mga nagkalat na gamit.

"I am here to cure you, maybe not your heart but at least your body. Or maybe the heart as well if you let me. Minsan, kailangan mo lang maniwala." She winked at me.

"Funny." I commented.

"It shouldn't be." She said making me confused for a bit. I can never tell when is she telling the truth and when not.

Tinulungan ako ni Jason na makabalik sa unit ko. Mas malinis pa ito kasya noong huli kong iniwan.

"Pwede ka nang housewife." Wiko ka bago tuluyang mahiga sa kama.

"What a bromance, 'wag mo akong padalihan ng ganyan Vougn baka patulan kita." He jokingly said and I know what he meant.

"Unfortunately, hindi ako ang naglinis nito. Amber did. She was looking for you pero ako ang nasa unit. Para syang nanay na walang tigil ang bibig kakangawa. Bakit daw ang kalat ng unit mo? Masama daw sa kalusugan. Really? What's wrong with her? Did she really fall in love with you? And I thought she's just fooling around." Napatitig lamang ako kay Jason. Did I just witness the male version of Amber? They would make a good couple and build a home full of noise. I'm afraid to see or even think of them having sex. That would be too loud as well for sure.

"I want some peace and sleep, dude. Get lost if you won't shut your mouth." Hinubad ko ang damit na ipinasuot sa akin ni Amber at saka nahiga sa kama. Kaagad na pumasok sa isip ko ang mukha ni Allie. She must be beautiful wearing a dress. Is she looking for me?

"I was hurt Vougn."That was the last thing I heard from Jason before he closed the door and the darkness embrace me.

Kakaiba ang araw na ito. Tahimik at walang imik ang aking ama samantalang patuloy lamang sa pagluluto si Mama.

"Andito na po ako." Hinubad ko na ang suot na sapatos at inilagay sa isang tabi.

"Magbihis ka na at kakain na tayo. Malapit na matapos sa pagluluto ang mama mo." Matagal kong tinitigan ang aking ama. Tila isang estranghero ang nagwika nito. Masarap pakinggan ngunit alam kong may kapalit ang ipinapakita nyang kabutihan.

Isang tahimik na hapunan ang lumipas, ngunit alam kong may mali. May kaba, takot at lungkot sa mata ni Mama. May alam sya sa mga pwedeng mangyari ngunit hindi sya nagsasalita.

"Pagkatapos mo dyan ay pumunta ka sa likod bahay." Nauna nang umalis si Papa. Tinitigan ko si Mama at nagsimula nang pumatak ang mga luha nya.

"Anak, tandaan mo ito. Hindi ka masamang tao. Ipangako mo kay Mama na hindi mo iyon gagamitin sa masama, okay?" Nalilito man ay hindi na ako nagtanong pa. Sumunod na ako kay Papa. Nakatayo lamang sya at nakatingin sa puno sa di kalayuan. Ngunit mas tumawag ng aking pansin ang hawak nyang baril. Madilim na tingin at ipinukol nya sa akin at saka itinutok ang baril sa aking kinatatayuan. Unti-unting namumuo ang pawis sa aking buong katawan. Walang katagang binibitiwan ngunit ang tingin pa lamang nya ay alam kong hindi magdadalawang-isip na iputok ni Papa ang baril sa akin. So this is the meaning of that silence.

Isang malakas na putok ng baril ang nagpatakip sa aking tainga. Para akong tinamaan sa dibdib dahil sa tila pagtigil nito. Ngunit ilang sigundo ang lumipas at walang dugo o walang sakit akong naramdaman.

Hindi sa akin ngunit sa puno malapit sa akin tumama ang bala. Hindi nya ito talagang pinatama sa akin.

"Ikaw naman." Wika nito at saka iniabot ang baril sa akin. This is the first I saw a gun in real life and probably the first time to use it. Wala sa sarili ko itong inabot dahil alam ko kung ano ang mga posibleng mangyari sa pagsalungat ko sa nais nya. Tiningnan ko ang aming tahanan at nakita ang aking umiiyak na ina. So this is what she meant.

"Hindi po ako maalam." Nanginginig man ay pilit kong inusisa ang itsura nito at kung paano ito gumagana.

"Subukan mo muna." May bahagyang pagtaas sa tono ng aking ama. I aimed for a tree and pull the trigger but nothing happened. Inagaw ito ni Papa at ipinakita kung paano ikasa at muling itututok sa puno at parang wala lamang na ipinutok doon.

Muli nyang inabot sa akin ang baril. Ginaya ko ang paraan ng kanyang pagkakasa at saka ito itinutok sa puno. Nangangatal pa rin ang aking mga kamay. Malakas na pwersa mula sa baril ang bahagyang nagpaatras sa akin. Hindi tinamaan ang puno na aking pinuntirya. Sa halip ay sa iba ito tumama.

"Gamitin mo ang mata mo Vougn at 'wag mong ipikit. Tingnan mo ang dulo ng baril at ang pinatataman mo." May awtoridad na wika niya na alam kong unti-unti na ding nauubusan ng pasensya. Muli kong sinubukan. Mahirap ngunit pinilit kong ikasa ang baril at muling itutok ito sa puno. Nangangatal pa rin ang aking mga kamay at matindi ang aking pagpapawis.

Itinuon ko ang buong atensyon sa puno na nais kong patamaan. Isang malalim na paghinga bago ko kinalabit ang gatilyo ng baril. Mahinang tawa pinakawalan nya ng makitang bumaon ang bala sa puno.

"Magaling, itabi mo iyan. Pag-aralan mong maigi."

Muli akong napabuntong hininga at saka tinitigan muli ang baril. Dito lamang sa aming barangay at karatig barangay na ang tingin nila sa aking ama ay sira ulo o kaya ay basag ulo at pabayang ama. Dahil nakikita nila ang di magandang pagtrato niya sa amin ni Mama. Ngunit alam kong iba ang tingin sa kanya ng ibang tao para pagkatiwalaan sya sa mga ganitong bagay. Hindi lang baril ang naiuwi nya noon. Maging isang bag na salapi na ilang oras lamang ay sa ibang bagay naman nya nilustay.

"Vougn!"

"Vougn!" Madilim pa din ang aking kwarto dahil sa kurtinang humaharang sa sikat ng araw.

"Come on Vougn. Gagalitin mo na naman si Gavin nyan. Kanina ka pa nya hinahanap. Ako na ang maghahatid sayo sa office nya kaya bilisan mo na." Amber threw clothes on me while Jason is sitting and mocking Amber.

"What are you doing here?" I asked Jason. Tila nagliwanag ang mukha nito na muli ko na syang kinausap.

"Hindi ka na galit sa akin?" Tila batang tanong niya. Naupo ako sa kama at bahagyang nag-unat.

"We're good, man. Cut the drama." Tumayo na ako at nagdiretso sa banyo at pinabayaan na ang pagtatalo nila ni Amber. Cat and dog fight.

"If I know naiinggit ka lang Jason, saka bakla ka ba talaga at gusto mong masolo si Vougn?"

"At ipinagtataka ko din kung bakit kasama ka na naman namin na dati naman ay hindi. Wala ka bang mga gagamutin ngayong araw or do I have to send one para lang manatili ka sa gusali na iyon?"

Napakamot na lamang ako sa ulo nang marinig ang walang katapusang pagtatalo nila. Isinuot ko na ang earphone sa aking tainga at pinatugtog ang unang kanta na bumungad sa playlist ng aking cellphone.

She knows what I think about

and what I think about

One love, two mouths

one love, one house

No shirt, no blouse.

Just us, you find out nothing that

I wouldn't wanna tell you about it.

Mahinang pagsabay ko sa awitin ng The Neighborhood na Sweater Weather na kasalukuyang tumutunog sa cellphone ko.

Walang kalahating oras ay nakarating na rin kami. He seems to be in the mood to flash a smile to us once we arrived inside his office.

"You are here too Amber. What do you need?" Mahinahon ngunit may banta sa wika nito. Napatigil nito si Amber. Kinakalkyula kung ano ang mga tamang salita na kailangang gamitin.

"Nais kong... nais kong humingi ng mga gamit para sa clinic." Bakas sa ekspresyon ni Amber ang pagkadismaya sa di nya paglalahad ng tunay na saloobin.

Tila hindi ito nagustuhan ni Jason at hindi rin kumbinsido si Gavin sa naging dahilan niya.

"She's mad because of what you've done to Vougn. Our Vougn got a fan too." Komportableng wika ni Jason at saka naupo sa sofa sa harap ng table ni Gavin.

"Oohh. Hindi mo ata nabalitaan na hindi ako ang may kakagawan nyan kung hindi si Morgan. But you don't have to worry. I punished that lady by cutting her tongue. Are you happy now?"

"More than happy." Wika naman ni Amber bago maingat na naupo katabi ni Jason. Unlike us, she seldom sees Gavin and talks to him. No wonder she talks and moves carefully around him.

"And you Jason? What do you want?" Ibinaling niya ang atensyon kay Jason.

"Nothing. I just miss you." May lambing na wika niya na ikinangiti naman ni Gavin.

"Unfortunately, I don't. So would you mind?" Lumapit ito sa pintuan at binuksan ito. Amber rolled her eyes at kaagad na tumayo.

"Para kang si Vougn. You don't appreciate me, do you?" May hinanakit na wika niya na alam naming technique nya lamang upang konsensyahin kami, which we both know will no longer work.

Naiwan kaming dalawa ni Gavin sa loob ng kwarto. He gave me envelope and a black bag. Kaagad ko itong binuksan at tumambad sa akin ang mga ilang bomba roon.

"I want you to kill them, all of them or one of them. I don't care. Just kill anyone of them. Do that and show me that you are still one of my people. If you don't, it's your life that is at risk. You and that lady with purple eyes, which named Allie."

I froze as I heard the name; as I heard her name.

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 101K 33
When an unlikely group comprising of a photographer, writer, musician, artist, and poet band together for a documentary film project, anything can ha...