My Bossy Rich Boyfriend

By mklks_

406K 8.4K 173

Paano kung makilala mo ang kabaligtaran mo sa lahat ng bagay at na-in love ka sa kanya? Titiisin mo ba ang mg... More

My Bossy Rich Boyfriend
Prologue
CHAPTER 1: I Hate Rules
CHAPTER 2: Living Independently
CHAPTER 3: Broken Promise
CHAPTER 4: This Bossy Rich Guy
CHAPTER 5: I Hate You
CHAPTER 6: Frustrated
CHAPTER 7: Follow My Rules or Else
CHAPTER 8: Stop That
CHAPTER 9: Flirt
CHAPTER 10: I Really Like Her
CHAPTER 11: Ha?
CHAPTER 12: Girlfriend
CHAPTER 13: Meet the Parent
CHAPTER 14: His Different Sweet Side
CHAPTER 15: First Date
CHAPTER 16: Meet my Dad
CHAPTER 18: Month-Anniversary Gift
CHAPTER 19: Don't Leave
CHAPTER 20: Misunderstanding
CHAPTER 21: Don't Talk To Me
CHAPTER 22: I Hate Rules AGAIN
CHAPTER 23: Acceptance
CHAPTER 24: I Love You
CHAPTER 25: Confused
CHAPTER 26: I Love You Too
CHAPTER 27: Vacation 1/2
CHAPTER 28: Vacation 2/2
CHAPTER 29: Back To Projects
CHAPTER 30: Second Month-Anniversary
CHAPTER 31: Meet His Mom
CHAPTER 32: What? (His)
CHAPTER 33: Past (His)
CHAPTER 34: Spin The Bottle
CHAPTER 35: Explain
CHAPTER 36: I'll Fight For Us
CHAPTER 37: I'll Fight For Us (His)
CHAPTER 38: Sorry
CHAPTER 39: Third Month-Anniversary
CHAPTER 40: Promise
CHAPTER 41: Which?
CHAPTER 42: Good Bye
CHAPTER 43: Welcome Back
CHAPTER 44: I Missed You
CHAPTER 45: I Still Love You
CHAPTER 46: Yes!
Final Chapter
Epilogue

CHAPTER 17: First Month-Anniversary

7.5K 165 5
By mklks_

CHAPTER
SEVENTEEN

First Month-Anniversary

Ang bilis ng mga araw na dumaan, matapos ang first date namin. Masasabi kong lahat ng bagay naging okay sa amin. May mga bagay na gusto ko at ayaw niya, pero ginagawa pa rin niya para sa akin. He would always be there for me. It was like he was my godmother, at the same time, my prince.

I must admit, sa pagdaan ng panahon. Mas nakikilala ko siya. Para bang laging sa bawat araw may natutuklasan ako sa kanyang hindi ko pa alam. Everyday was a new discovery for both of us. Bawat segundo, nadidinig ko ang pintig ng puso ko na unti-unting bumibilis. Pinapaalalahanan ako ng isang bagay na hindi ko na maitanggi pa.

I already liked him.

It wasn't hard to like someone like him. He was bossy but almost perfect — a perfect man with so much imperfections.

Ngayon na nga ang araw ng first month-anniversary namin. Ang bilis ng panahon. Parang kanina lang ay bwisit ako sa kanya dahil sa kagaspangan ng kilos niya. Ngayon, papasok na ako sa school dala ang pinaghirapan kong regalo para sa kanya.

Cross stitch ng picture naming dalawa. Malaki 'to, as in! Pina-frame ko pa! Ayoko namang pipityugin ang ibigay sa kanya 'no!

Hindi kasi kami makakalabas dahil may project sila na gagawin, groupings 'yun eh. Nabati na rin namin kaninang 12am ang isa't isa, regalo na lang ang kulang.

Papunta na ako ngayon sa first class niya sa senior high department. Nasaan na nga ba 'yun? Di ba niya alam kung gaano kabigat 'to!

"Excuse me, nakita mo ba si Ronnel?"'Tanong ko sa isang babae na mukha namang mabait.

"Ah, oo, Miss Sofia. Nakita ko siya sa may field.." sagot niya naman sabay pasimpleng tingin sa hawak kong napakalaking frame. Dahil nga nakabalot ito ay lalong agaw-pansin.

"Ah, sige, salamat.." tumango naman siya kaya nagsimula na akong maglakad.

Lakas maka-Miss Sofia no'n ah? Pero sanay na ako, lagi na 'yan eh.

Umakyat ako sa sa taas ng isang building para matanaw ko ang buong field. Ang hirap kasi kapag sa field na mismo ajo naghanap. Tiyak na ang posibilidad na magkasalasi kami. Agad naman akong natigilan nang may marinig na isang sigaw.

"Sofia!" Hinanap ko ang sumigaw na iyon. Parang baliw lang! Nakita ko na si Ronnel na nasa baba.

Para siyang baliw do'n na sumisigaw. Natawa ako dahil ang cute niya.

"Happy month-anniversary!" Sigaw niya ulit. Kumaway na lang ako dahil ang hirap kayang sumigaw. Kung tumataas kaya siya dito!

Natigilan lang ako sa pagkaway at nanlaki ang mga mata ko nang may isang banner na tumaas at may nakasulat.

HAPPY MONTH-ANNIVERSARY, SOFIA

Hindi ko na napansin na may nakalapit na pala sa akin kung hindi pa humawak sa braso ko. Ngumiti sa aking ang babae bago ako sinimulang hilahin nang bahagya pababa. Sumunod naman ako. Pagkababa ay iniwan na lang nila ako basta sa field.

May mga lumalapit sa akin at nagbibigay ng red roses, mga kakilala ko 'tong mga 'to. Thirty na ang nakakapagbigay at si Mhe na ang huli. Hindi ko alam kung bakit pero parang gusto kong maiyak habang natatawa. Nakakabaliw pala ang magkaroon ng boyfriend.

"Swerte mo, Sof.." bulong sa akin ni Mhe nang magbeso kami. Natatawa pa ang bruha.

"Oo nga, eh," pagsang-ayon ko sa sinabi niya.

Umalis na siya at nagthumbs-up pa. Sunod ko namang hinarap si Ronnel nang magsimula siyang maglakad palapit sa akin. Natatawa akong umiling-iling.  Ang dami palang nanonood sa amin. Nakakahiya.

"Thirty one roses for thirty one days, or a month and another three hundred thirty four roses to complete a year. Happy month-anniversary, my princess." Sabi niya at iniabot sa akin ang napakalaking boquet ng maliliit na roses.

Three hundred thirty four? Seryoso?

Tinaggap ko ito at ewan ko ba kung anong mararamdaman ko. Kung dapat ba matuwa ako? Kiligin? Matawa na lang dito? O ngumiti na lang ng abot hanggang tainga ko? Grabe, ang lakas ng trip niya!

Kung ganito ang first month-anniversary namin? Paano pa ang anniversary? Na-excite tuloy ako bigla!

Huminga muna ako nang malalim at ngumiti bago magsalita.

"Thanks. Grabe ka, ha? Lakas ng trip, nahiya naman regalo ko sa'yo. Heto na, happy month-anniversary my prince.." inabot ko na ang nahiya ko namang regalo at napangiti ko naman siya kahit paano.

"Thank you. Heto naman talaga ang regalo ko, oh.." inabot naman niya ang isa pang frame.

So may isa pa? Siya na talaga! Kinuha ko ito at inilabas sa paper bag. Dalawa 'to na parehong naka-frame.

"Sabi mo paghirapan ko right? As you wish, my princess," sabi niya at hindi ako makapaniwalang napanganga.

Yung isang frame ay drawing ng mukha ko at ang ganda ng pagkaka-drawing ha? 'Yung isa naman ay pictures namin na ginawa niyang collage para makabuo ng isang '1'.

Ang creative. Pwede na rin! Chos. Choosy pa ba ako?

"Happy month-anniversary!" Sabay naming bati sa isa't isa at nakaakbay siya nang umalis na kami galing sa gitna ng field.

"Hindi mo ba titingnan ang regalo ko?" Tanong ko dahil tiningnan ko na kaya ang regalo niya. Gusto ko pati makita ang ekspresyon niya eh.

"Hm . . ayoko kasing makita mo na na-disappoint ako sa bigay mo.." seryoso siya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Tumawa naman siya nang pagkalakas-lakas. "Joke! Okay, titingnan ko na."

Napangiti ako at tumigil kami sa isang bench dito. Nang buksan niya ito ay wala man lang siyang naging ekspresyon, nakatingin lang siya.

"Pangit ba? Pinaghirapan ko pa naman yan!" Naiinis na sabi ko at lumapit sa kanya. Aagawin ko na sana nang ilayo niya ito sa akin.

"What are you doing?" Nagtatakang tanong niya.

"Ala! Pangit, eh. Ibibili na lang kita ng ibang regalo," nakayuko na ako dahil nakakahiya. Ang ganda kaya ng regalo at gimik niya.

"At sino naman ang may sabi na pangit?" Napatunghay ako sa tanong niya. Maganda naman talaga kaso baka hindi niya na-appreciate.

"Eh, hindi ka kaya nagsalita o nagpakita man lang ng expression.." napanguso na ako sa inis.

"Of course, maganda! Stop pouting.." naiirita na rin siya kaya bigla kong itinikom ang bibig ko. Baka kung anong gawin niya eh! "It's beautiful okay? Basta galing sa'yo at ginawa mo, it will be always beautiful."

Hinawakan niya ang pisngi ko at inilapit sa mukha niya. Napalunok ako. Kinabahan.

"Thank you.." he quickly kissed me and smiled.

"You're always welcome, my prince.." napangiti na lang ako.

Matapos no'n ay inihatid na niya ako sa classroom ko. Our first month-anniversary was the most wonderful thing that I'd ever experienced so far.

Continue Reading

You'll Also Like

349K 6.1K 61
I was a guy with no heart but everything changed, when this girl came into my life. [COMPLETED (2014) & UNDER REVISION: Revised Part 1/53.]
34.6K 1.7K 34
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
7.6K 427 51
Isang pag-ibig na di mo inaasahang mararamdaman sa isang taong kinaayawan mo. Nagsimula ang lahat sa pambubully at saan nga ba ito hahantong? Halina'...
205K 5.4K 63
I hate my life , sa katunayan nga maraming naiinggit sa buhay ko bakit? Dahil anak ako nang isang billionaryo at nang presidente sa pinas, maraming...