The Secret Agent (COMPLETED)

By JayceeLMejica

406K 11.8K 2.9K

The Dela Fuente Brothers Book 4: Ahron Dela Fuente Ahron Dela Fuente is the most dangerous man among the Del... More

Season 1: Prologue
The Secret Agent: 1
The Secret Agent: 2
The Secret Agent: 3
The Secret Agent: 4
The Secret Agent: 5
The Secret Agent: 6
The Secret Agent: 7
The Secret Agent: 8
The Secret Agent: 9
The Secret Agent: 10
The Secret Agent: 11
The Secret Agent: 12
Season 2: Prologue
The Secret Agent: 1
The Secret Agent: 2
The Secret Agent: 3
The Secret Agent: 4
The Secret Agent: 5
The Secret Agent: 6
The Secret Agent: 7
The Secret Agent: 8
The Secret Agent: One Sweet Day
The Secret Agent: 10
The Secret Agent: Finale
NEW STORY - The Other Side (Prologue)

The Secret Agent: End Game

12.3K 359 72
By JayceeLMejica

N/N: 


And I know na dito rin tayo pupunta.. HAHAHAHA!  Thank you so much sa lahat ng nagbabasa ng kwentong ito, dapat hindi pa talaga ako magu-UD kaso nakita ko na April ko pa 'to sinimulan and naisip ko yung mga nagbabasa nito noon na wala na sa comment box ko ngayon.  Nakakalungkot lang na naging busy ako tas nawalan na ako ng focus sa on-going kong kwento :( 


Pero kahit na ganon, dedicated ang kwentong ito sa guy na nagpagulo ng utak ko noong mga nakaraang buwan.  You became my inspiration sa paggawa ng kwentong ito even though we can't be together *NUKS* hahahaha!  Mention ko na rin si RJMarquez87, ALoveToLust thanks sa pag-marathon!  nj_pmntl09 JHUnicko, thanks sa pagbabasa at pagco-comment na rin!  Happy Holidays!



The Secret Agent: End Game


"When you left I lost a part of me."


NIKKO:


Maraming tao sa labas ng ospital kung saan ako na-confine. Ngayon na ang huling check-up ko sa mga balang natamo ko dahil sa engkwentro kila Boss. Ramdam na ramdam ko na wala nang masakit sa akin dahil magaling na rin naman ang sugat.


"Mr Francisco, I want to tell you that your condition is okay and I'll prescribe some antibiotics pa rin para matuluyang mawala ang germs na maaring na-infect ng bala sa katawan mo." Matapos sabihin ito nang doctor ay napantingin ako kaagad kay Ahron na nasa harap ng upuan ko.


Nakangiti ito pero napansin ko muli ang pagiging ilag nito sa akin. Isang linggo na simula noong napapansin ko na parang may itinatago ito sa akin. Alam kong hindi lang naman ako ang nakakaranas na pagtaguan ng taong mahal nila pero masakit kasi sa'kin. Baka mamaya tungkol na pala sa pamilya ko ang itinatago niya.


Nawala ang pagkatulala ko ng bumuyangyang ang papel na reseta ng dctor sa harap ko. "Nakalagay na rin diyan kung kailan mo dapat inumin ang mga gamot." Tumango na lang ako rito sabay tayo sa upuan.


"Thank you, Doc!" Magalang na sabi ni Ahron at sabay kaming lumabas ng pintuan. Habang naglalakad kami at nasa labas na, naramdaman kong inakbayan ako nito sabay hinalikan sa pisngi.


"Ano ba? Nakakahiya!" Angal ko rito pero natawa lang siya.


"Wala naman akong pake sa sasabihin nang mga tao sa'kin. I love you, Nikko." Tumingin ako sa kanya, "Kahit na may nililihim ka sa'kin?" Malaman na sabi ko rito pero hindi na ako nito pinansin at siya ring umiwas ng tingin.


Nang makarating kami sa parking at makapasok sa loob ng kotse niya ay doon siya huminga ng malalim, "Rain left Kuya Howard para pumunta ng States at dalawin doon ang tito niya." Aniya sa mahinang tono.


"Ano? Dadalawin ang tito niya? May natira pa siyang kamag-anak?" Sunod-sunod na ratsada ko ng mga katanungan sa kanya.


"Yup! Ang tito niya ang nagme-may ari ng isang company na nag-invest sa Kuya ko." Paliwanag nito, alam kong nililihis niya lang ang isyu at alam kong isa lang 'to sa tinatago niya sa'kin.


Alam kong hindi ako babae pero malakas ang kutob ko..


"Ayan lang ba ang sasabihin mo?" Masuspetsa kong tanong rito at tsaka kumunot ang ulo nito. "May iba pa ba dapat? Isang linggo na yang pagsususpetsa mo sa'kin ah, nakakasawa na." Medyo irita ng sagot nito sa'kin.


Nanahimik kaming pareho habang siya ay nagsimula ng magmaneho. Itinuon ko na lang ang pansin ko sa bintana ng kotse. Habang pinagmamasdan ko ang mga view sa labas ng bintana, naisip ko muli ang pamilya ko. Kumusta na kaya si Nanay at Tatay at ang kapatid ko? Kahit na alam kong baka nasa panganib sila umaasa pa rin akong nasa mabuti silang kalagayan. Siguro naman hindi masama ang umasa sa ganoon.


Basta sana ligtas sila, kontento na ako doon.


**


Dumating kami sa bahay ng mga Dela Fuente ng halos alas-tres nang hapon. Wala pa rin naman nagbago pero nakita ko ang isang bakla sa labas ng pintuan. Nakasuot ito ng kulay violet na ¾ at jeans na sobrang hapit. Habang unti-unti kong itong namukhaan at siya pala yung kahalikan ni Paulo Dela Fuente noong boy ako rito.


"Bakit nasa pintuan ka, Jade?" Wika ni Ahron at sumimangot ito.


"Si Paulo po kasi ayaw pa lumabas ng bahay. Ayaw niya rin namang magpapasok, may sumpong na naman." Sumbong nito pero natawa lang si Ahron at pati ako ay napangiti rin.


"Hayaan mo lang, sumabay ka na sa'ming pumasok at suyuin mo ang mokong doon sa kwarto niya." Resolba ni Ahron at napatango na lang yung Jade at tsaka kami pumasok tatlo sa pintuan.


Naiwan kaming dalawa ni Ahron sa salas at wala pa ring pansinan ang naganap sa amin. Hindi ko alam kung dapat ba akong humingi ng pasensya sa kanya dahil sa pagiging makulit ko o ano.


"May aasikasuhin muna ako sa DOS kaya baka mamayang gabi pa ako makabalik dito sa bahay." Paalam nito sa'kin bago siya umakyat ng hagdanan. Sumabay na rin ako dito dahil alam ko naman na sa kwarto niya kami pupunta.


Wala pa ring pansinan sa pagitan naming dalawa sa loob ng kwarto. Kanina kung kinumbinsi niya akong ayun lang ang hindi niya sinasabi na patungkol kay Rain edi sana maniniwala na ako.


Pumasok na ito sa banyo at nakagawian niya ng iwanan ang cellphone niya sa bag na dinadala niya sa DOS. Naisip ko na hindi naman siguro masama na kuhanin ang cellphone niya at magkunwari na lang na nakalimutan niya dito sa kwarto.


Alam kong masama pero hindi rin ba 'to gagawin kapag pamilya mo na ang nakasalalay dito?


Mabilis pa sa daga kong kinuha ang cellphone nito na nasa bag at tsaka lagay sa bulsa ng suot kong pantalon. Mabuti na lang at alam ko ang password ng cellphone nito dahil minsanan niya itong pinagamit sa'kin.


Lumabas ito ng banyo at parang walang nangyari. Hindi rin naman ako nagpahalata na kinuha ko ang cellphone niya sa bag at ayokong mahalata dahil baka kung ano ang mangyari. Nagbihis ito ng plain black t-shirt at tsaka pantalon.


Ngumiti ito sa'kin ng labas ang ngipin matapos itong magbihis at tsaka ako hinalikan sa labi, "Pasensya ka na sa nangyari kanina, ang kulit mo kasi eh!" Aniya sabay kurot sa ilong ko, "Babalik ako mabilis lang 'to, promise!"


"Okay, ingat ka ah." Sagot ko at tsaka humalik muli sa mga labi nitong malalambot. Mahal kita, Ahron pero ayoko ng naglilihim ka sa'kin.. Ayoko.


AHRON:


Malamig sa opisina namin sa DOS at kakaunti na lang rin ang agents dahil ang iba ay nasa field work at ang iba naman ay katulong ng iba't-ibang presinto para sa mga naturang raids. Sa totoo lang unti-unti ng bumabalik sa dati ang tiwala ng tao sa DOS kaya lumalaki muli ang income ng agency na 'to.


Pumasok ako sa conference room at nakita ko ang mga papel na kailangan pang ayusin at ang mga bagong application form ng mga bagong agent na nag-aapply sa agency. Kung tutuusin kulang na kulang pa rin kami sa agents kaya pinag-iisipan ko na ring mag-recruit pa.


Pabalik pa lang ako sa cubicle ko ng biglang sumalubong sa akin si Agent Lopez, "Agent Dela Fuente, may balita na sa mga magulang ni Nikko." Anito at bigla akong napabalik sa loob ng conference room at isinara ang pintuan.


"Anong balita?" Agaran kong tanong rito at huminga muna ito ng malalim, "Kasama nito ang mga smuggled goods sa huling shipment ni Manuel Del Fierro and maybe nasa ibang bansa na ito as of now."


Napalunok ako, paano ako uuwi sa'yo Nikko? "Okay alam ko na 'yan dahil isa yan sa mga natanggap kong text message just make sure na ma-trace kung saan papunta ang goods na sinasabi mo. Any other news?" Tanong ko pa.


"Yes, nakalimutan mo na yatang may kapatid si Nikko. Nakatakas daw ito ayon sa narinig ko sa tuta ni Del Fierro." Sagot nito.


"Paano mo naman nalaman na tuta nga iyon ni Del Fierro?" Dagdag ko pa, diskumpiyado.


"Simple lang, boss. Tumambay ka lang kung saan may inuman lalo na doon sa mga dating kuta nila." Napangiti ako, matalino talaga 'tong si Lopez.


"Sige, salamat. Sunod-sunod na rin kasi ang natatanggap kong text galing sa isang unknown number at ngayon ko sana ipapa-trace kay Clyde. Puro threats tungkol sa pamilya ni Nikko na mahirap namang paniwalaan dahil baka nanloloko lang." Kwento ko dito sabay saludo kay Lopez at labas ng conference room.


Pagkabalik ko sa cubicle ko para kunin ang cellphone ko ay ginalugad ko na ang bag ko pero wala. Sinilip ko na ang kada bulsa na maaring lusutan ng cellphone ko pero wala talaga. Fuck! Tumawag ako sa telepono na nasa lamesa ko at pinindot ang line ni Clyde.


"Sir, anong kailangan?" Bungad nito sa telepono pero biglang nagkaroon ako ng call waiting kaya hinold ko muna ito.


Magsasalita pa lang sana ako ng 'hello' pero narinig ko kaagad ang mahihinang hikbi sa kabilang linya.. It could'nt be, "What happened, Nikko?" Tanong ko kaagad.


"Bakit hindi mo sinabi sa'kin na alam ko kung ano ang nangyayari sa mga magulang ko at ang mga banta sa kanila?" Medyo galit na wika nito at napahinga ako ng malalim.


Fuck


"I'm trying to solve everything, Nikko. Please, makinig ka sa'kin! Alam ko na--."


"Alam mo na ano? Wala kang alam, Ahron! Kakatext lang noong unknown number na may nakaligtas sa pamilya ko at sigurado akong ang kapatid ko 'yon!"  Matapang at matigas na pagkakasabi nito.  I know, Nikko pero gusto kong maging ligtas ka. 


"Magtiwala ka lang sa'kin, Nikko.  Gagawin ko ang lahat para maging ligtas ang pamilya mo."  Pangako ko. 


"Salamat sa lahat Ahron pero sa ngayon kailangan ako ng pamilya ko." Sasagot pa sana ako pero bigla ng nawala ang boses nito sa linya at bumalik ito kay Clyde na agaran ko ring binaba.


You shouldn't be afraid, Ahron.


**


BARRIO KABIHASNAN

KINABUKASAN, 03:18 A.M.


Walang ilaw ang karamihan sa mga bahay ang nadaraanan ng tricycle na sinasakyan ni Nikko. Hindi niya alam kung ano ang gagawin, pagod at magkahalong takot at kaba ang nararamdaman niya. Takot dahil baka hindi nakabalik dito ang kapatid niya at kaba dahil baka ito na ang huling makikita ang taong mahal niya..


Mahaba din ang biyaheng pinagdaanan ni Nikko para lang makarating sa kung saan siya nagmula. Malaki rin naman kasi ang perang naipon niya sa mga sweldo niya sa pagiging boy noon sa mga Dela Fuente.


Maya-maya pa ay nagsalita na ang driver ng tricycle, "Andito na tayo.." anito sa lengwahe nila. Nagmamadaling bumaba si Nikko sa tricycle dala ang isang backpack na nakasukbit sa likuran nito.


Habang naglalakad ito papasok ng barrio kung saan siya lumaki ay siya rin naman pagtinginan ng mga tambay na nasa tapa ng tindahan. Hindi niya naman alam kung anong rason kaya nagtuloy-tuloy na lang ito sa paglakad. Hindi naman ganoon kakilala ang pamilya nila pero bakit parang ngayon lahat ng tao alam kung anong nangyari sa kanila.


Nang matapos malakad ni Nikko ang kalsada ay nadatnan niya kaagad ang isang babae na nasa labas ng kanilang bahay. Halatang luhaan ito at parang walang tulog, salamat sa kahit papano'y ilaw na nangaggaling sa kapitbahay. Tumayo ito ng makita ang bulto ni Nikko.


Hindi alam ng babae kung ano ang gagawin pero isa lang ang pinakahalata sa pigura nito. Nagdadalang-tao ang babae, lumakad ito sa papunta sa kanya at naramdaman niya ang mahigpit na yakap nito.


"Paano ka nakabalik, Rico?" Madamdaming tanong nito pero isa lang ang nasa isip ni Nikko. Nawawala na rin ang kapatid niya.. Ang kakambal niya.



END OF SEASON 1


//COMMENTS// 

Continue Reading

You'll Also Like

2.7M 169K 57
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
352K 9.7K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
7.7M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...