Spirits

Por Slylxymndr

447K 22.6K 1.6K

Kapag ang isang bata ay tumungtong na sa edad na 12, sila ay bibigyan ng pagkakataon na pumunta sa spirit for... Más

Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
13
14
15
16
17
18
19
20
21
Announcement
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
Part 2 Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
Announcement!!
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
New Story Teaser
43
44
:)

12

5.2K 277 11
Por Slylxymndr

'Ang tawag sa punong ito ay Drainweep Tree' sabi ng Unicorn sa amin. 'Mabuti na lamang at hindi na niya naabot ang kweba kung hindi ay makukuha rin niya ang tubig sa ilog.' Sabi pa niya.

Ang Drainweep Tree ay isang puno na nangangailangan ng maraming maraming tubig bago lumaki. Inihuhulog ito sa pinakamalalim na parte ng isang anyong tubig upang makuha niya ang pinakamaraming tubig na gusto niya. Isa ito sa mga mapaminsalang mga buto sa mundo. Kung kaya't hindi ito matatagpuan sa mga pangkaraniwang mga lugar o palengke.

Hindi rin pangkaraniwan ang presyo nito dahil mahal ang isang buto nito. Mas mahal pa ito sa isang tumpok ng ginto. Ngunit may mga espesyal na pagkakataon na kailangang gamitin ang butong ito. Kung ang isang ilog o kung anumang lugar na pinagmumulan ng tubig ay masyado nang kontaminado o marumi dulot ng mga maraming dahilan, ang buto na ito ay ginagamit.

'Isa sa mga paraan para maalis ang punong ito sa pagkuha ng tubig sa ilalim ng balon ay lagyan ng malakas na pwersa kung saan mailalabas nito ang tubig sa kanyang katawan. Ang katawan ng punong ito ay halos gawa sa tubig kung kaya't kapag nabutas o nasira ito, dadaloy muli ang tubig.' Sabi ni master.

Dahan dahan kong hinawakan ang puno at nagulat ako dahil parang isa itong lobo na may tubig sa loob. Malambot.

Nararamdaman ko ang tubig sa katawan nito.

'Mukhang kailangan na nating bilisan. Unti unti nang tumitigas ang balat ng puno. Kapag nangyari iyon, wala na tayong magagawa dito.' Sabi ni master.

Isa nga pala sa mga kailangan pang malaman tungkol sa punong ito, kapag ang buto ay nakasipsip na ng tubig, sa loob ng limang araw ay titgas na ang balat ng puno. Mas mahurap nang hunin ang tubig sa loob nito.

'Kid, dito na mag uumpisa ang una mong misyon. Kailangan mong akyatin ang puno sa taas nito. Kapag naabot mo na ang taas, may makikita kang mga bulaklak. Kumuha ka ng kahit isang piraso bago mo butasan ang katawan nito para lumabas ang bagong tubig. Pagkabutas mo ay bumaba ka kaagad dahil mabilis na mawawala ang laman nitong punong ito. Maliwanag?' Sabi ni master sa akin.

Ang puno ng Drainweep ay isa sa mga punong namumunga ng kakaibang mga bunga. Ang bulaklak nito ang mismong bunga nito. Kulay asul ang bulaklak nito at kumikintab. Maihahalintulad ang mga bulaklak nito sa batong sapphire. Dulot ito ng maraming tubig na nakuha niya. Mas maraming tubig, mas madaming bunga. Isa ito sa mga mamahaling uri ng bulaklak na tumutubo sa mundo.

Tumango na lamang ako bilang sagot sa kanya dahil hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Medyo mataas ang dulo ng punong ito. Wala itong mga dahon pero ang mga tangkay nito ay parang naging ugat sa itaas ng kweba. Iginala ko ang aking mga mata sa mga tangkay at nakakita ako ng tatlong magkakatabing bulaklak na sinasabi ni Master. Iyon ang kukunin ko!

Nag umpisa na akong umakyat. Pero hindi ko akalaing mahirap umakyat. Mahigpit ang hawak ko sa katawan ng puno pero nahihirapan akong umakyat dahil ang kamay at paa ko ay lumulubog sa malambot nitong katawan.

'Nga pala Kid, kuwag mo masyadong apakan ang puno dahil magkakabutas iyan hindi ka na makakaakyat sa taas. Unti inting lalabas ang tubig kapag nagkaganon at malalanta ang bulaklak.'

Napangiwi ako sa aking narinig. Paano kung nasa taas na ako at nabutas ito? Anong mangyayari sa akin?

Napakaraming tanong na tumatakbo sa aking isip nang nagsalita ang pegasus.

'Huwag mong isipin na mabubutas ang puno. Kapag iniisip mong mabubutas ito, lalung bibigat ang iyong katawan. Dagdagan pa ng iyong mabagal na akyat. Subukan mong taggalin ang masamang mangyayari at isentro mo ang iyong atensyon sa iyong misyon.' Sabi niya.

Medyo naguluhan ako sa kanyang sinabi. Ano ang kinalaman ng aking mga iniisip sa kakalabasan ng mga pangyayari? Gayunpaman, dinunod ko ang kanyang sinabi. Muli akong bumaba sa puno at pinakalma ang sarili.

Ipinikit ako ang aking mga mata at pinakiramdaman ang mga enerhiya sa paligid. Ginawa ko ang lagi kong ginagawa kapag nagme meditate ako.

Nararamdaman ko na mayroong awra na bumabalot sa akin. Mainit.

Itan ang aking nararamdaman. Ilang sandali pa au ibinuka ko na ang aking mga mata. Naramdaman kong gumaan ang aking katawan. Blangko na rin ang aking isip sa kahit anumang bagay.

Sinimulan ko nang akyatin ang puno.

Bawat hakbang ko ay para bang gumagapang ako sa tubig ngunit ako'y lumulutang. Habang umaakyat ako ay nararamdaman ko na tumataas at tumataas ang aking pwesto.

Ilang sandali pa ay nasa taas na ako ng puno. Kaunting pulgadang layo mula sa mga bulaklak. Pinipilit kong abutin ngunit hindi ko ito kayang makuha. Humakbang ako ng kaunti sa isang sanga nito malapit sa bulaklak.

'Kid! Bilisan mo! Nagsisimula nang tumigas ang buong puno! Mahihirapat tayong tanggalin ang tubig sa loob nito!' Sabi ni master.

Pero kahit anong gawin ko ay hindi ko maabot ang bulaklak. Para saan nga ba ang bulaklak na ito? Bakit kailangang ako pa ang kumuha?

Sa aking mag iisip ay biglang umuga ang puno. Nagsisimula na itong tumigas at mawalan ng tubig.

'Bilisan mo!! Kiiidd!'

Sa aking pagkataranta ay napatalon ako. Hindi ko namalayan na wala na akong aapakan. Agad kong inabot ang mga bulaklak at inilabas ang isang maliit na espada sa aking likod.

Unti unti nang tumitigas ang puno. Nagmula ang pagtigas nito sa ibaba pataas. Ang dating berdeng balat nito ay nagiging kayumanggi at nagiging parang totoong puno.

Bumabagsak na ako pababa!

"Waaaaahhh!!!" Mag isip ka Kid! Anong gagawin moo!

Agad kong inilagy ang mga bulaklak sa aking bulsa at itinusok naman ang espada sa katawan ng puno. Habang pababa ako ng pababa, hinihiwa ko ang katawan nito.

"Waaaaahhhh!!" Ilang sandali pa ay biglang bumagal ang pagbaba ko at unti unting tumigil.

Ibig sabihin! Tumigas na ang parteng ito!

Medyo mataas pa ang aking pwesto pero kaya ko nang talunin. Pero bago ko iton nagawa ay biglang tumagas ang napakaraming tubig mula sa aking ulohan.

Unti unti nang lumalabas ang natitirang tubig sa katawan ng Drainweep Tree. Unti unti na ring tumataas ang lebel ng tubig.

Ang tubig na galing sa loob ng Drainweep tree ay isa sa pinakamalinis na tubig sa mundo. May kakaiba itong lasa. Manamis namis ito kumpara sa ibang tubig.

'Kid, pumwesto ka na sa may balon! Unti unti nang mapupuno ang kwebang ito! Lalabas na tayo!' Sabi ni Master.

**

Nagpaalam na kami kay Pegasus bago kami lumabas sa kweba. Nang makita ng mga tao sa taas na mayroon nang tubig ay narinig namin ni master ang sigaw nila. Sigaw na punong puno ng tuwa.

Isa ito sa mga kailangan nila para sa kanilang ikinabubihay kaya ganoon na lamang ang pagpapahalaga nila dito. Agad nilang ibinaba ang lubid nang makita nila ako.Agad ko namang kinuha ang lubid at dahan dahan nila akong hinila.

Nang makaalis ako sa loob ng balon ay laki ng pasasalamat nila sa akin sa aking ginawa.

Lalo na si Zed.

Nang makita ko siya, ay nginitian ko rin siya. Nay lumapit sa aking isang matanda at nag abot ng isang tuwalya.

"Magpatuyo ng anak. Basang basa ka." Sabi niya.

"Salamat po"

"Kami ang dapat magpasalamat sa iyo iho. Dahil sa iyo, naipanumbalik mo ang pinagkukunan namin ng tubig dito sa aming bukirin." Sabi niya.

Napakamot ako sa aking batok sa kanyang sinabi. Naghahalong pagkahiya at pasasalamat ang aking nararamdaman.

"Mamayang gabi ay magkakaroon kami ng pagsasalu salo! Iniimbitahan kitang pumunta, Kid." Sabi ni Zed sa akin.

Napangiti ako sa kanya at tumango bilang tugon.

Nang bumalik na kami papunta sa bahay ni Zed ay sinalubing ako ng mag ama. Nagpasalamat sila sa aking ginawa at tinanong kung ayos lang aba ang aking kalagayan.

Tumango ako at nagpaalam sa kanila kung pwedeng pumunta muna sa aking maliit na bahay para magpalit ng damit dahil basa pa ang akimg suot.

Sa kanilang narinig ay napatingin sila sa akin at tumawa. Tumango sila at pumunta na ako sa aking kwarto.

Pagpunta ko sa kwarto ay agad akong nagpalit ng damit. Palabas na sana ako nang biglang nagsalita si Master.

'Kid, sandali.'

Napalingon ako sa kanya.

'Kumuha ka ng baso na may tubig. Ilagay mo dito.' Sabi niya.

Agad naman akong nagtaka kung bakit? Nagiging tao na bang muli si master at nakakaramdam na ng uhaw?

'Bakit master?' tanong ko.

'Papalabasin natin ang Bemeroth sa iyong katawan. At pag aaralan natin kung paano ito kontrolin.' Sabi niya na ikinagulat ko.

Seguir leyendo

También te gustarán

108K 11.4K 102
Si Clyde Rosario ang pinakamahinang hunter sa kasaysayan. Puro panunuya ang kanyang natatanggap. Ngunit isang insidente ang babago ng lahat. Ang mga...
174K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...
1.1K 100 43
Just a group of friends trying to survive a zombie apocalypse.
561K 114K 102
Synopsis: Sa bagong yugto ng buhay ni Finn, isang panibagong pakikipagsapalaran at paglalakbay ang kanyang mararanasan kasama sina Poll, Eon, at Paul...