Kassandra's Chant (COMPLETED)

By SkyFlake_Morales

88.2K 2.1K 119

NAGING mahirap ang unang pakikisalamuha ni Kassandra sa siyudad ng Hermanos ngunit ni minsan ma'y hindi siya... More

Prologue
Chapter 2 (The Vergara brothers)
Chapter 3 (A simple smile)
Chapter 4 (Lucas)
Chapter 5 (Sta. Louise Bay)
Chapter 6 (True intentions)
Chapter 7 (Vergara mansions)
Chapter 8 (Isla El Mare)
Chapter 9 (Invitations)
Chapter 10 (The Banquet)
Chapter 11 (The rebel knight)
Chapter 12 (Answered Prayers)
Chapter 13 (Fate reveals itself)
Chapter 14 (The gift)
Chapter 15 (Discreet)
Chapter 16 (Voyage of El Mirasol)
Chapter 17 (Isla del Juego)
Chapter 18 (The white tower)
Chapter 19 (Unravel)
Chapter 20 (The fall)
Chapter 21 (The heiress)
Chapter 22 (El Santillian Manor)
Chapter 23 (The red room)
Chapter 24 (Escape)
Chapter 25 (A friendly date)
Chapter 26 (Chivalrous knight)
Chapter 27 (The last chance)
Chapter 28 (Betrayal of trust)
Chapter 29 (Valiant and brave)
Chapter 30 (Tangled hearts)
Chapter 31 (Masquerade)
Epilogue (Lost in translation- Finale)

Chapter 1 (A new beginning)

3.6K 72 1
By SkyFlake_Morales

"PARANG ayaw mo ng bitiwan yan ah." Matawa-tawang asar pa ni Bernard habang ibinababa nito ang bagahe ng kasintahan mula sa sasakyan.

Magmula kasi sa istasyon ng tren hanggang sa makababa na sila ng taxi ay kanina pa nito napapansin ang mahigpit na pagkakayakap ni Kassandra sa kanyang bagahe. Matapos makababa ay agad silang nagtungo sa inuupahang bahay nito.

"Teka, ipasok mo muna yan Bernard tapos ilagay mo muna d'yan sa gilid ang mga bagahe ko. Dadaan lang ako kay aling Aundria at baka sakaling may bakante pa sila sa boarding house," bilin nito.

Tumango naman ito. "Iwan mo muna yang bag mo Kassandra, walang kukuha n'yan." Pigil tawang sabi nito sa kanya. "H-ha, ah sige." Napangisi na lang ito at dahan-dahang ibinaba ang kanyang bagahe. Naglakad sila patungo sa katabing bahay upang mahanap ang landlord.

"Si Aling Aundria, manang?" Tanong ni Rosie sa matandang nagsasampay.

"Aundria, hinahanap ka ni Rosie." Nakaririnding pagsigaw nito sa may bintana. Isang babaeng nakaduster ang agad na lumabas at pinagbuksan sila ng gate.

"Oh, ba't ngayon ka lang dumating?" Galit nitong tono.

"Napasarap lang ho ng bakasyon, aling Aundria."

"Aba, pabaka-bakasyon ka nalang ha, iyong upa mo! Ilang buwan ka ng delay sa pagbabayad mo."

"Aling Aundria naman, may ire-refer pa naman sana ako na bagong boarder sa inyo."

"Hoy Rosie! Ayoko ng tinataguan ako ha. Ang mabuti pa, kung di mo rin kayang magbayad ay maghanap ka nalang ng ibang mauupahan." Agad na taas nito ng boses.

Napapikit tuloy si Rosie sa gulat ng marinig iyon. "Si Kassandra po pala, naghahanap ng boarding house." Sabay mahinang tulak nito sa likuran ng dalaga. Kinakabahan itong lumapit sa babaeng landlord. Pinakitaan niya agad ito ng ngiti.

"K-kamusta po. Uhm... Magbabakasakali po sana ako kung may bakante pa sa inyo." Kinakabahang wika niya. Unti-unting nalukot ang nuo ni aling Aundria. Tiningnan siya mula ulo hanggang paa.

"Pasensiya na, hija. Wala ng bakante mula pa noong nakaraang buwan. Nahuli ka na ng dating."

"H-ho?" Napalingon siya ng di oras kay Rosie, mukhang mahihirapan na siyang makahanap ng matutuluyan.

"Aling Aundria naman, mabait yang si Kassandra, pinsan ko ho yan." Dipensa naman ni Rosie.

Nang marinig yon ay agad na napatingin muli si Kassandra sa kanya. Itinaas nito ang kilay at ipinahiwatig na sakyan ang sinasabi niya. Lumingon naman ulit ito sa landlord.

"Ah opo, c-close po kami!" Dagdag pa niya.

"Iyon na nga, pinsan mo pa pala 'to baka katulad mo rin, palasak magbayad." Pagtataray pa ni aling Aundria.

"Naku hindi po, magaling pong magbayad itong si Kassandra. May papasukan na nga pong trabaho ito rito." Sabay akbay naman nito sa balikat niya.

Agad na nagsalubong ang kilay ng matanda halatang pinag-iisipan nitong mabuti kung tatanggapin ang dalaga.

"Oh siya, kung makakapag-antay ka ng dalawang araw, ibibigay ko sa'yo yung isang kama rito. Ang problema, sa makalawa pa kasi uuwi iyong isang boarder ko dahil nabuntis ng nobyo. Baka naman, malandi ka rin katulad niya?" Nabigla si Kassandra, hindi nito inasahan ang panghuhusga sa kanya ng matanda.

"Ho, naku h-hindi po!" Sabay iling naman niya.

"Mabait po yan, Aling Aundria. Fresh from the province 'pa."

"Naku ganyan naman lahat eh, kapag nasa probinsiya santa kapag nandito na sa siyudad nagiging demonyita na. Patuluyuin mo muna sa bahay mo at bukas makalawa pag-alis nung isa, palipatin mo na rito. Isang libo ang upa ko sa kama, apat kayo sa kuwarto puro babae lang. Libre tubig pero ambag ang kuryente. Pagkain, kayo ng bahala ruon. Iyong iba pang patakaran sa susunod ko na ipapaalala, maliwanag?"

"O-opo, salamat po." Tuwang sagot ni Kassandra, sa wakas at nawala na rin ang kanyang pag-aalala.

Pasimpleng kinabig siya ni Rosie, humagikgik nalang siya ng tumalikod na ang matanda.

"Akala ko, kakainin na niya ako." Bulong ni Kassandra sa kasama.

"Kapag hindi ka nagbayad, talagang kakainin ka niya ng buo."

Nagtawanan sila.

-----

"MATAGAL ka na ba rito sa Hermanos, Rosie." Tanong ni Kassandra habang inaayos ang damit sa bagahe upang ilipat sa isang maliit na kabinet.

"Mga apat na ba? Oo yata, mga apat na taon na rin," tugon nito habang sinisimot ang cup noodles na minimiryenda niya. "Ikaw? Ano naman ang naisipan mo at lumawas ka sa napakagulong siyudad na ito."

Napatigil si Kassandra sa ginagawang pagtutupi. "Para makapagtrabaho..." Hindi naman sa walang mapagkikitaan sa Calmares pero pakiramdam niya'y kailangan na niyang lisanin ito. Umupo siya sa kama at muling lumingon sa kausap.

"Para ba sa mga magulang mo kaya ka lumuwas. Ang tahimik na nga ng buhay sa Puerto Veron pero mas pinili mo pa rito." Titig na tanong ni Rosie.

"Hindi lang naman trabaho ang dahilan ko kaya ako nandito saka wala na akong babalikan sa Puerto Veron o kahit sa Calmares pa. Namatay na kasi ang mama ko." Muli siyang natigilan ng maalala ang yumaong ina. "Gusto kong subukan ang suwerte ko rito sa siyudad." Dagdag pa niya, bahagyang ngumiti at ikinubli agad ang namuong lungkot sa mata.

"S-sorry ha, may pagka-tsismosa talaga ako. Eh, ang papa mo, mga kapatid, wala?"

"Nag-iisa lang akong anak ng mama ko." Muli niyang tinigilan ang pagtutupi. "Si Papa naman... Uhm... Hindi ko pa siya nakikilala."

Hindi mawari ni Rosie kung itutuloy pa ang pagtatanong nang mahalata nito ang mahinang pagsagot ni Kassandra. Nanlaki nalang ang mga mata nito ng makita ang kinang sa kuwintas na dumudungaw sa dibdib ng kasama.

"Wow, ang ganda naman n'yan. Saan mo nabili?"

"Ang alin, ito ba? Ah, pamana sa akin ng mama ko."

"Mukhang mamahalin," lumapit pa ito upang tingnan ng malapitan ang maliit na bilugang pendant.

"Ang ganda ng design, simple lang pero bakit S ang initial sa harap, 'di ba Kassandra ka at wow! Ano 'tong simbolong nakaukit sa likod?"

Napayuko tuloy siya ng di oras upang tingnan ang pendant. "Hindi ko nga rin alam kung anong sinisimbolo niyan pero sabi ng mama ko binigay daw ito ng papa ko sa kanya nung magkasintahan pa sila. Iyong initials na S naman ay sa mama ko, Sandra kasi ang pangalan niya." Paliwanag naman niya.

"Ah, ingatan mo mukhang totoong ginto eh." Sagot naman ni Rosie. Ngumiti naman si Kassandra at binulungan ito. "Kasi totoong ginto siya." Tumawa naman si Rosie. "Atleast... May isasangla ka na kung sakali mang magipit ka." Masayang biro pa nito. Nakangiting bumalik ito sa kanyang kinauupuan.

Napangiti rin si Kassandra ngunit hinigpitan nito ang hawak sa pendant.

"Kahit kailan, hinding-hindi ko isasanla o ibebenta 'to. Ito na lamang ang alaala nila sa akin."

-----

ANG dalawa'y maagang umalis, si Rosie'y papasok na sa restaurant na pinagtatrabahuhan niya samantalang si Kassandra nama'y pupunta sa pabrikang pag-aaplayan niya. Inabisuhan siya ni Rosie sa mga dapat niyang sakyan upang makapunta roon. Malakas naman ang loob ng dalaga palibhasa'y sanay sa iba't ibang klaseng trabaho na napasukan na niya sa Calmares.

"Sakay ka ng LRT tapos bumaba ka ng Miranda Ave. Tapos sundan mo nalang yung sketch na ibinigay ko sa iyo."

"Huwag kang mag-alala Rosie. Kaya ko 'to!"

"Sigurado ka?"

"Oo naman."

"Pasensiya na Kassandra, hindi kita masasamahan ngayon, nakapangako na kasi ako sa amo ko na papasok na ngayon."

"Nahihiya na nga ako eh, kasi ang dami ko ng utang sa'yo." Sagot ni Kassandra.

"Good luck sa trabaho! Maya kita nalang tayo."

"Ikaw rin!"

Kumakaway siya habang naghihiwalay silang dalawa. Nagtungo naman itong si Rosie sa paradahan ng jeep upang makasakay. Nang makapasok si Kassandra sa LRT station ay muli inalala nito ang mga dapat niyang gawin. Iba kasi pamamaraan ng pagkuha ng ticket sa LRT. Kailangan niyang dumaan sa isang ticket vending machine upang makakuha ng ticketcard. Naituro naman ito sa kanya ni Rosie ngunit parang kinakabahan siya palibhasa'y unang beses n'yang gagawin ito. Matiyaga siyang pumila upang makakuha ng ticket. Pinagmasdan niyang mabuti yung mga nasa unahan upang kahit papaano'y may alam na siya sa kanyang gagawin.

Binasa niya ang instructions sa vending machine. Destinasyon? Pinindot niya ang button na may Miranda Ave. Lumabas sa screen ang P15.00 pesos, naghuhudyat na kailangan na niyang magpasok ng pera. Hawak niya ang bente pesos na inihanda niya kanina ngunit bakit may packaging tape ang bill slot nito; saan naman kaya niya ipapasok ang bente pesos? Agad siyang tumingala sa itaas at nakita ang "coins only" na karatula.

Bigla siyang naaligaga dahil bagal na bagal na sa kanya ang mga nasa likuran. Agarang kinalkal niya ang shoulder bag at nang madukot niya ang coin purse ay agad niyang isinalang ang mga mamisong barya. Isa-isa naman itong tinanggap ng machine. Nakaka-fourteen pesos na siya nang matigilan, ubos na kasi ang baryang dala niya. Tarantang hinalungkat niya ang kanyang bag at umasang makakita pa ng barya ngunit wala siyang makuha.

"Miss ano ba, hindi pa ba tapos yan?" Reklamo ng isa sa likuran. Hindi na mapakali si Kassandra kung ika-cancel ba o kakalkalin ang bag niya.

Nagulat ito ng may lumapit na isang lalaki mula sa likuran. Naghulog ito ng piso at nang tanggapin ng machine ay iniluwal nito ang ticket card.

"Sa susunod, siguraduhin mong may barya ka para hindi ka nakakaabala sa iba." Seryosong wika ng binata.

Hindi siya makapagsalita nang i-abot nito yung ticket sa kanya. Nayabangan siya sa binatang ito. Nang makakuha ng ticket yung lalake'y agad itong humakbang papunta sa tren.

"Hoy! Babayaran kita," tumaas ang boses ni Kassandra. Irap lang ang isinagot nito at nagmadaling unahan siya. "Ayokong magkautang sa iyo. SUNGIT!" Isinigaw niya pa lalo.

Pagbukas ng tren ay agad na nagpulasan ang mga tao. Naipit naman si Kassandra habang nagpupumulit itong makapasok sa loob. Ang bibilis nilang magsi-upo. Mukhang naunahan siya agad, wala na siyang magawa pa kundi tumayo sa gitna. Nagsiksikan sila sa loob. Nang umusad ang tren ay kapit itong humawak sa handlebar ngunit sa kinamalas-malasan nama'y natapatan nito ang lalaking nakaharap niya kanina.

Aba, nakade-kuwatro pa ang mayabang na ito, ang dami kayang babaeng nakatayo, baka gusto mong magpaubaya! Sa isip nito. Muli niyang sinuluyapan ito. Sayang guwapo ka pa naman sana, kaso walang kang... "AY KABAYO!" Gulat na napasigaw siya sa biglaang pagbagal ng tren. Muntik na siyang lumipad kung hindi pa s'ya napakapit sa hawakan.

Tumingin naman sa kanya ang antipatikong lalake. Napasinghap ito ng di oras. Agad namang inayos ng dalaga ang kanyang sarili sabay bigay ng matalim na tingin sa binata. Maya-maya'y ikinagulat niya ang pagtayo nito. Humawak na rin sa safety handle sa gitna. Isinenyas pa nito ang kamay upang paupuin siya. May pagka-gentleman ding naman palang naitatago ang antipatikong lalaking ito. Uupo na sana siya nang maunahan siya ng isang matanda. Napa-atras siya.

"Ang bagal mo kasi." Palipad hanging bulong ng lalaki at sa bibihirang pagkakataon ay nagsalubong ang kilay ni Kassandra.

"Napakayabang talaga ng lalakeng ito," Parang gusto na niyang talupan ito sa inis.

This guy is strikingly good looking in his dark linen jacket. Light-tanned skin... Mukha 'tong foreigner dahil sa tangos ng kanyang ilong at sa pangangatawan.

"May dumi ba ko sa mukha?" He felt uncomfortable.

"W-wala!" Irap namang sagot ni Kassandra, halatang naiinis na s'ya.

"Wala pala. So please... stop staring." Malumanay na sambit nito ngunit tonong nang-iinis lang talaga.

Napabaling naman si Kassandra upang iwasan ang kaguwapuhan nito ngunit muling nagulantang na naman ang lahat sa biglaang pagbagal ng tren. Na siya namang pagsubasob ni Kassandra sa matipunong dibdib ng katabi. Napakapit siya ng mahigpit, hindi nga lang sa safety handle kundi sa makisig nitong braso. Mistulang napayakap siya ng buong higpit sa kanya. Sa pagdilat ay kita-kitang niya ang magaganda nitong mata na titig na titig naman sa kanyang pinaggagawa.

-Sky Flake

Continue Reading

You'll Also Like

72.4K 1.1K 55
Posible pabang maging maayos ang pagsasama kapag nalaman na lokohan lang pala ang lahat?
244K 4.6K 63
"16-18 years old girls are allowed to join the search for the bride! Sign-up now! Only 8 girls will be chosen!" IKAW? SASALI KA BA? Are you willing t...
7.8K 163 32
(First Book of LET Series) Gabrielle Sandoval is a photographer. Photography is her way of showing her creativeness. It is her passion. Kaya hindi ri...
5K 349 39
"How can I stop myself? Kung araw araw ay mas lalo lamang lumalim ito. How I can stop myself kung araw araw kitang nakikita. How can I stop myself...