♡ Playing Love Games ♡

بواسطة nyghtdreamer

2M 21.1K 4.9K

"We played with love. But now that the time came and we realized that we want to get serious, love plays with... المزيد

Bet Your Heart ♡ Chapter 1
Bet Your Heart ♡ Chapter 2
Bet Your Heart ♡ Chapter 3
Bet Your Heart ♡ Chapter 4
Bet Your Heart ♡ Chapter 5
Bet Your Heart ♡ Chapter 6
Bet Your Heart ♡ Chapter 7
Bet Your Heart ♡ Chapter 8
Bet Your Heart ♡ Chapter 9
Bet Your Heart ♡ Chapter 10
Bet Your Heart ♡ Chapter 11
Bet Your Heart ♡ Chapter 12
Bet Your Heart ♡ Chapter 13
Bet Your Heart ♡ Chapter 14
Bet Your Heart ♡ Chapter 15
Bet Your Heart ♡ Chapter 16
Bet Your Heart ♡ Chapter 17
Bet Your Heart ♡ Chapter 18
Bet Your Heart ♡ Chapter 19
Bet Your Heart ♡ Chapter 20
Bet Your Heart ♡ Chapter 21
Bet Your Heart ♡ Chapter 22
Bet Your Heart ♡ Chapter 23
Bet Your Heart ♡ Chapter 24
Bet Your Heart ♡ Chapter 25
Bet Your Heart ♡ Chapter 26 & 27
Bet Your Heart ♡ Chapter 28
Bet Your Heart ♡ Chapter 29 & 30
Bet Your Heart ♡ Chapter 31
Bet Your Heart ♡ Chapter 32
Bet Your Heart ♡ Chapter 33
Bet Your Heart ♡ Chapter 34 & 35
Bet Your Heart ♡ Chapter 36
Bet Your Heart ♡ Chapter 37
Bet Your Heart ♡ Chapter 38
Bet Your Heart ♡ Chapter 39
Bet Your Heart ♡ Chapter 40
Bet Your Heart ♡ Chapter 41
Bet Your Heart ♡ Chapter 42
Bet Your Heart ♡ Chapter 43
Bet Your Heart ♡ Chapter 44
Bet Your Heart ♡ Chapter 45
Bet Your Heart ♡ Chapter 46
Bet Your Heart ♡ Chapter 47
Bet Your Heart ♡ Chapter 48
She Played Her Part ♡ Chapter 1
She Played Her Part ♡ Chapter 2
She Played Her Part ♡ Chapter 3
She Played Her Part ♡ Chapter 4 & 5
She Played Her Part ♡ Chapter 6
She Played Her Part ♡ Chapter 7
She Played Her Part ♡ Chapter 8
She Played Her Part ♡ Chapter 9
She Played Her Part ♡ Chapter 10 & 11
She Played Her Part ♡ Chapter 12
She Played Her Part ♡ Chapter 13
She Played Her Part ♡ Chapter 14
She Played Her Part ♡ Chapter 15
She Played Her Part ♡ Chapter 16 & 17
She Played Her Part ♡ Chapter 18
She Played Her Part ♡ Chapter 19 & 20
She Played Her Part ♡ Chapter 21 & 22
She Played Her Part ♡ Chapter 23
She Played Her Part ♡ Chapter 24
She Played Her Part ♡ Chapter 25 & 26
She Played Her Part ♡ Chapter 27
She Played Her Part ♡ Chapter 28
She Played Her Part ♡ Chapter 29 & 30
She Played Her Part ♡ Chapter 31 & 32
She Played Her Part ♡ Chapter 33, 34 & 35
She Played Her Part ♡ Chapter 36, 37 & 38
She Played Her Part ♡ Chapter 39, 40 & 41
She Played Her Part ♡ Chapter 42, 43 & 44
She Played Her Part ♡ Chapter 45 & 46
She Played Her Part ♡ Chapter 47 & 48
She Played Her Part ♡ Chapter 49 & 50
She Played Her Part ♡ Chapter 51
Still Playing ♡ Chapter 1 & 2
Still Playing ♡ Chapter 4 & 5
Still Playing ♡ Chapter 6 & 7
Still Playing ♡ Chapter 8
Still Playing ♡ Chapter 9 & 10
Still Playing ♡ Chapter 11
Still Playing ♡ Chapter 12
Still Playing ♡ Chapter 13
Still Playing ♡ Chapter 14 & 15
Still Playing ♡ Chapter 16, 17 & 18
Still Playing ♡ Chapter 19
Still Playing ♡ Chapter 20, 21 & 22
Still Playing ♡ Chapter 23 & 24
Still Playing ♡ Chapter 25 & 26
Still Playing ♡ Chapter 27 & 28
Still Playing ♡ Chapter 29, 30 & 31
Still Playing ♡ Chapter 32 & 33
Still Playing ♡ Chapter 34 & 35
Still Playing ♡ Chapter 36 & 37
Still Playing ♡ Chapter 38, 39 & 40
Still Playing ♡ Chapter 41, 42 & 43
Extra Chapter

Still Playing ♡ Chapter 3

14.3K 170 49
بواسطة nyghtdreamer

Chapter Three

Lianne's POV

Nag-aayos ako ng mga gamit ko. Maglalayas kasi ako. Joke! I'm moving out of the house. Hindi ako pumasok ng mga nagdaang araw sa school just to find a place. Luckily, I found yesterday. And I'm moving in today.

Mabuti na lang at fully furnished ang nakita naming condo unit and it is located in between our house and the university I'm attending.

Akala ko nga mahihirapan akong kumbinsihin sila Daddy na gusto kong nang magsarili. Pero hindi naman sila tumutol sa gusto ko. Malaki na raw ako at may tiwala naman sila sa akin. And that's a relief for me.

I'm a little excited for my new environment and way of living! Sosyal na rin ako katulad ni Myleen! Magkasing yaman na kami! Kidding. Afford naman naming bumili ng sarili kong unit pero hindi naman kasi ako sanay na nakahiwalay kila Mommy. Sasanayin ko pa lang ngayon. And I didn't have the need to move out of our house before.

But now... I have the motivation to do so. Which is to avoid Mark. And yep, that's is the main reason I'm moving out. I want to move on in peace at hindi ko magagawa iyon kung nandiyan lang siya palagi sa paligid.

Ayayay! Pag-ibig nga naman... kailangan ko pang masaktan para lang matuto ako sa buhay.

Napabuntong-hininga ako sa isiping iyon.

Matatapos na ako sa pag-aayos ng mga damit at gamit ko sa school nang may kumatok sa pinto ng kuwarto ko, kasunod ang pagbukas niyon at ang pagpasok ni Mommy.

"Mom..." nakangiti kong bigkas.

Lumapit siya sa kama ko kung saan ako nakaupo at saka siya naupo rin sa harap ko.

"Hindi ko napansin na ang laki na pala ng anak ko," masuyo niyang sabi habang mataman akong pinagmamasdan.

"Mommy, lumaki lang ako pero ako pa rin naman 'to..." I tried my best para ngumiti ulit sa kanya at hindi ipahalata na partly, ayoko rin naman talaga umalis. Baka kasi biglang magbago ang isip niya kapag nahalata niya iyon.

At isa pa, ayokong malungkot si Mommy. Kahit pa hindi naman kalayuan dito sa bahay iyong nabili naming unit, alam kong nalulungkot pa rin siya dahil hindi na ako dito sa bahay araw-araw uuwi.

Kahit naman excited akong lumipat dahil nga parang kasing sosyal ko si Myleen, nalulungkot pa rin naman ako na mahiwalay sa parents ko at kay ate Hannah. Ngayon pa nga lang kami magiging close. Pero magiging close pa rin naman siguro kami kahit na tuwing weekend lang ako uuwi.

Hindi ko lang din talaga kakayanin kung makikita ko ang mga gagawin ni Mark para sa kanya sa mga susunod na araw.

Will he do the same things he did for me? Or maybe more than those things.

Huminga ulit ako ng malamin nang maramdaman ko ang sakit sa dibdib ko. I don't want to think about it anymore.

"I'll always come by to check on you there," sabi ni Mommy at hinaplos niya ang buhok ko.

"Mom, hindi niyo na po kailangan gawin iyon. Puwede niyo naman akong tawagan na lang. Mapapagod ka lang kakapunta sa unit ko." Nilagay ko na ang huling damit na daldalhin ko sa loob ng suitcase.

"Pero iba pa rin kung nakikita kita," katwiran niya.

Hay... si Mommy talaga. Parang mangingibang-bansa ako at matagal pa bago bumalik.

"Mommy, ang usapan naman natin ay uuwi ako tuwing weekends, 'di ba?"

"I know, I know..." Ngumiti si Mommy at hinaplos niya ang pisngi ko. "But you are my baby girl."

"Mom..." iyon na lang ang nasabi ko dahil baka mag-iyakan pa kaming mag-ina and I don't want that. Napakalapit lang naman namin sa isa't isa.

"Take care, young lady," bilin pa ni Mommy. "Kapag may kailangan ka sabihin mo lang sa anim."

"Yes, Mom."

My mom hugged me. Grabe talaga... parang America ang pupuntahan ko. Ang isang ina nga naman, hindi makakatiis na malayo sa anak.

Pagkatapos akong yakapin ni Mommy ay umalis na ako. Hindi na ako nagpahatid sa kanya dahil walang kasama si ate Hannah. Dumadalas na naman ang pagsama ng pakiramdam niya kaya hindi siya puwedeng iwanan o ibilin lang sa mga katulong.

She needs a personal nurse and Dad is still busy to look for one.

Pagdating ko sa unit, nagpahinga muna ako sa sala. Pakiramdam ko pagod na pagod ako at ang bigat ng katawan ko kaya tinatamad akong mag-ayos ng mga personal things ko. Nanglalata ako.

Hindi ko alam kung natural lang ito sa broken hearted o sadyang tamad lang talaga ako. Alin man sa dalawa, ayoko talagang kumilos.

Dahil sa sobrang panglalata, nahiga na lang ako sa sofa. Amoy bago pa ang sofa. Ang sosyal ko na talaga. Lahat ng gamit dito ay bago at parang magkasing yaman na talaga kami ni Myleen. Napapangiti na lang ako dahil doon.

Pumikit ako kasabay ng paghinga ko ng malalim. Pero sa pagpikit ko, hindi ko inaasahan ang imahe na lumitaw agad sa isip ko.

It was me and Mark in Ejhay's unit. On a sofa, making out. Kung may nangyari kaya sa amin noon, makukuha ko kayang pakawalan si Mark?

Natawa ako ng mahina sa naisip ko.

Hindi iyon ang nagyari kaya hindi ko dapat pinapatay ang sarili ko sa kaiisip ng mga "what ifs" ngayon. Ang magagawa ko na lang ngayon ay ang mag-reminisce ng mga nangyari nitong nagdaang dalawang buwan.

I smiled kahit na nangingilid na ang mga luha ko.

Kailan lang nangyari ang mga iyon. Kailan lang pero ngayon, ibang-iba na ang lahat...

Wala ng magtitimpla sa akin ng gatas kahit na kape naman ang hinihingi ko.

Wala ng magsasabi sa akin ng mga korning banat na nagpapakilig naman sa akin.

Wala na akong kukurutin sa tagiliran kapag inaasar ako.

Wala ng magbibigay sa akin ng kung anu-ano na may kasama ring kung anu-anong notes na nakakakilig ng sobra.

Wala ng aakyat sa bintana ng kuwarto ko sa bahay sa gitna ng gabi na akala mo akyat bahay.

Wala ng chocolate sundae kapag Saturday.

Wala na akong ka-holding hands na maglalakad sa park.

Wala ng magtatampo na siya pa'ng manglalambing.

Wala ng kami...

Wala na akong Mark.

Naramdaman ko ang mainit na luhang dumaloy sa gilid ng mga mata ko. Nakakaiyak naman maging maganda!

Agad akong bumangon at pinunasan ko ang luha ko. Para talaga akong tanga, 'no? Ako itong nang-iwan tapos iiyak-iyak din ako. Lintek! Mabuti na lang talaga, maganda ako. Kung hindi, edi hindi!

Tumayo ako at naglakad ako papunta sa bintana. Tumanaw ako sa labas. Baka may makita akong pamalit kay Mark.

Sus! Ang dali-dali magpalit ng boyfriend. Para lang akong magtitimpla ng bagong kape. Kasi hindi na mainit ang nauna. At ayoko naman kung iinitin lang ulit ang kape, wala ng aroma. Kumbaga, wala ng amor.

Ugh! Whatever, Lianne! May amor, amor ka pang nalalaman. Eh, sa iisa ka lang naman nagka-amor.

Hay... nakailang buntong-hininga na ba ako? Masyado na yata akong naglalabas ng carbon dioxide. Kawawa naman ang mga halaman sa paligid. Nasosobrahan na sa maruming hangin.

Pero hay talaga... parang noong nakaraan lang, ayoko kay Ate Hannah. And now I'm doing a favor for her nang hindi niya nalalaman.

Her life had been hard enough. Hindi ko na kayang dagdagan pa ang paghihirap niya. I know she's strong, but it will be too much kapag nalaman niya pa ang tungkol sa amin ni Mark. At sigurado akong gagawin niya rin itong ginagawa ko ngayon kapag nalaman niya.

Because she's that kind and she'll surely endure everything so that our relationship will stay okay as it is now.

Giving them the chance is all I can do for her. And I know, I won't regret this in the future. But it's up to them now how to make it work. I just hope that Mark will cooperate well.

Hindi ko napansin na umiiyak na naman pala ako. Ano ba naman ito? Ang emo masyado ng mga mata ko ngayon araw. Ayoko na nga! Mag-aayos na lang ako ng gamit ko.

Pumasok ako sa kuwarto at sinimulan kong ayusin ang mga damit ko sa closet. Habang ginagawa ko iyon ay nakita ko ang suot kong sing-sing, na dahilan na naman para mag-emote ako ulit!

He gave me this on our first month. Kinabahan pa ako dahil akala ko, he'll insist our marriage. But he assured me that it is just a promise ring.

Promises...

I never thought na ako ang sisira sa mga pangako at sa mga rules na ginawa namin. Suddenly, I felt the need of running to him again and tell him the truth...

That I love him and all I said that mid night was all lie.

Malungkot na napangiti na naman ako. Mabuti na lang at malayo ako sa bahay. Dahil kung nasa bahay ako ngayon, baka nagawa ko na talaga itong nasa isip ko.

Nakakabaliw gumawa ng desisyon na concern ang dalawang taong mahal mo. Na kahit gusto mo silang iligtas pareho from pain, hindi puwede. May isa na kailangang masaktan sa kanila. At si Mark ang napili kong saktan.

But the thing is... kahit sino ang saktan ko sa kanila ay masasaktan din ako. Minalas lang talaga si Mark dahil hindi ko na kayang saktan pa si ate Hannah.

"I'm sorry, Mark..." I whispered and I removed the ring from my left ring finger.

Bakit ba ngayon ko lang naisipan tanggalin ito? I usually remove it when I take a bath at sinusuot ko ulit pagkatapos. Pero dapat noong nakaraan ko pa ito hindi sinusuot dahil break na kami! Maybe I just got use to it.

Inilagay ko ang sing-sing sa jewelry box ko at inilapag ko iyon sa gilid ng study table. Pagkatapos ay para na naman akong emo na naupo sa kama. Ready na sana ulit akong mag-emote kaso may sunud-sunod na nag-doorbell.

Kunot ang noo na nagmamadaling lumabas ako ng kuwarto at wala pa ring tigil sa pag-doorbell ang tao sa labas hanggang sa marating ko ang pinto.

Grabe... ngayon lang ba nakapindot ng doorbell ang tao sa labas? At sino kaya ang nang-istorbo sa kagandahang kong nag-e-emote? Wala pa naman akong napagsasabihan sa mga bruha na may sarili na akong unit at wala pa naman akong kakilalang kapit-bahay.

At dahil nga natutulili na ako sa kaka-doorbell ng kung sinumang nilalang ang nasa labas, naiinis kong binuksan ang pinto.

"What?!" pagalit ko pang tanong.

At isang mamang gusgusin ang nakatayo sa labas. Paano siya nakapasok dito sa building sa hitsura niya? Paano siya nakalusot sa mga guard? Akala ko ba ay secured itong building?

I need to call my parents para sabihin ang incident na ito! And we will sue the irresponsible people who allowed this yagit man to enter the building!

"Anong pinaggagawa mo sa buhay niyo?" tanong ng mama sa akin na mukhang nakainom pa yata.

Kumunot naman ang noo ko. Buhay "niyo" daw? Anong ginawa ko? Nananahimik ako lang dito sa bago kong unit na pang mayaman din.

"Mag-usap nga tayo." Hinila ako ng mamang lasing papasok sa sala ng unit ko.

"Hoy! Tuloy ka, ha? Feel at home!" patuya kong sabi sa kanya.

Grabe lang. Hindi pa nga pinapatuloy sa loob nanghihila na lang bigla-bigla na parang kanyang bahay ito. O sige, siya na may-ari!

"H'wag mo ako idinadaan sa katarayan mo... may kasalanan ka! At h'wag mo ring ipinagmamayabang na may unit ka na... baka gusto mong bilhan pa kita ng sampo at sunugin ko sa harap mo lahat," mayabang niyang sabi at saka siya umupo sa sofa, or should I say humilata? Halos sakupin niya ng buo ang mahabang sofa!

Napaikot na lang ang mga mata ko. Akala mo talaga, napaka yaman niyang tao.

"Ano na naman ba 'yon, Renz?" naiinis kong tanong habang nanatili akong nakatayo at nakahalukipkip sa harap niya.

"Anong 'ano na naman ba 'yon?' Gusto mo bang patayin kita?" Dinuro niya pa ako.

Trespassing na nga, nangbabanta pa! Napaka brutal ng mamang ito, ah?! And in my own space!

"Ano ba kasing drama mo sa buhay ngayon at dito ka napadpad? 'Tsaka paano mo nalaman itong unit ko?" magkasunod kong tanong.

"Ang pogi ko kasi..." ngumiti siya at nagpogi sign.

Napaikot na naman ang mga mata ko. "Joke ba 'yan, Renz?" pangbabara ko sa kanya.

Anong pinagsasabi niya? Nahawa na yata siya sa akin. Pero paano siya mahahawa sa akin kung halos hindi ko naman siya nakakasama o nakikita man lang nitong mga nakaraan?

Bumuntong-hininga siya at bumangon paupo sa sofa. Ang bigat ng buntong-hininga niya, ha. Parang mas mabigat yata ang problema niya kaysa sa akin. May nangyari na naman bang hindi maganda sa kanila ni Wendy?

"Bakit ka nakipag-break kay kuya?" seryoso niyang tanong.

Nabigla naman ako. Hindi ko alam na may paki pa pala siya sa amin ng kuya niya. At saan naman kaya niya nakuha ang balitang iyon?

"Saan mo naman nasagap 'yan?" tanong ko at automatic na napataas ang kilay ko.

It's either nagsumbong ang kuya niya sa kanya o magaling na tsismoso lang talaga siya.

"Don't answer my question with another question..." he said impatient.

Ugh... I don't really like it when Renz is being like this. Feeling ko, tatay ko siya!

"It's none of your business..." Tinalikuran ko siya at naglakad ako papunta sa kuwarto. Walk out queen nga ako pagdating sa kanya, 'di ba?

At isa pa, gusto kong gawin rin sa kanya ang ginawa niya sa akin noong nakaraan! Huh! Akala niya ba, siya lang ang may kayang gumawa niyon?

Take that, Renz!

Pero nakakailang hakbang pa lang ako ay hinawakan na niya ako sa braso.

Oh, god... just leave me be... I don't want this confrontation. Kahit ano ang sabihin ko sa kanya, hindi siya maniniwala.

"I wouldn't pry if you didn't do it for Hannah!" mahina pero may diin niyang sabi.

Natigilan ako at hindi ko magawang humarap sa kanya. How did he know? I never told anyone about it except for Mark. Ganoon na ba sila ka-close magkapatid ngayon para i-share ang mga problema nila sa babae?

Nagbilang ako ng tatlo bago ako nakangiting humarap sa kanya. "You know me better than that, Renz. I did it for myself. I don't really like Mark and I just played his game. And since Hannah likes him, maybe they can try to be together. Well, I just suggested it to Mark. It's still up to him if he'll do it," mahaba kong paliwanag. "I'm not that generous to let other girl take my man if I really into him, you know?"

Matagal niya akong pinagmasdan na parang tinatantiya ang mga sinabi ko. Although there's a high chance that he won't believe me, nanalangin pa rin ako na sana'y maniwala siya.

I'm so emotionally drain right now, and I need some rest from this issue.

Pagkaraan ng ilang segundo ay umiling siya. "I don't believe you. You can fool my brother, but now me, Lianne." He let go my arm.

Hindi ako sumagot at nanatiling nakatingin lang sa kanya. I don't want to explain anymore. Bakit ba hindi niya na lang kami pabayaan?

"How can you do this to my brother?" hindi makapaniwalang tanong niya, disappointment was written all over his face.

I faked a laugh. "Kailan ka pa naging ganyan ka-concern sa kuya mo?"

"I'm not concerned about my brother..." tanggi niya. "I'm concerned about you."

Nagsalubong ang kilay ko para ipakita ang pagkainis ko. I don't need anyone's concern because I can get through with this.

"I don't need your concern, Renz, because I'm perfectly fine!"

Umiling ulit siya. "Playing tough, eh? You know what? It's braver if you fight for that love of yours. It's not your fault that someone else also loves the one you love. And you don't expect my brother to love another girl because you said so, do you? After all, he loved you ever since he had known the that word, or maybe even before that."

Gusto kong takpan ang magkabilang tainga ko dahil ayokong marinig ang mga sinasabi niya pero hindi ko iyon magawa. I remained serious and tried to look unaffected with everything he sain, when in fact, it's tearing my heart and slowly breaking my stance.

"No matter how you tried to look tough, in my eyes, you're a coward..." After saying that, he stormed out of my place.

Nanlulumong napaupo na lang ako sa sahig, while hearing the echoes of the judgement of my life.

Maybe I'm really a coward. That's why I'm here right now, trying to escape everything. But can I have credits for trying to be better? In spite of my pain and fears... I'm trying.


>>> Next Chapter >>>

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

455K 7.7K 62
[Completed / Edited] "O. Naglalaro ka pala ng FLAMES. At pangalan ko pa talaga ang nakalagay d'yan huh? Crush mo 'ko 'no?"
24.5K 1.3K 41
Have you ever had a dream about someone you don't know, a person you don't recall ever meeting, a dream that left you depressed when you woke up? Wel...
156K 11.5K 169
Si Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OK...
1.9M 38.9K 43
In just a second, I became G-Dragon's girlfriend. Well.. unofficially that is. [Just for the ship. No bashing pls] [Warning: lots & lots of pagka-Je...