Spirits

By Slylxymndr

450K 22.7K 1.6K

Kapag ang isang bata ay tumungtong na sa edad na 12, sila ay bibigyan ng pagkakataon na pumunta sa spirit for... More

Prologue
1
2
3
4
5
6
7
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
Announcement
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
Part 2 Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
Announcement!!
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
New Story Teaser
43
44
:)

8

5.4K 262 3
By Slylxymndr

Ilang sandali pa ay natapos na rin ako sa pagmemeditate. Nakuha ko ang lahat ng technique na itinuro ni master.

Tumayo ako at lumabas.  Para bang may kakaiba sa aking pakiramdam. Parang ang gaan ng aking pakiramdam. Binuksan ko ang pinto at hinanap si Zed.

Pumasok ako sa loob ng bahay nila at hinanap siya.

*uuurrrrkk

Ilang sandali pa ay nakaramdam na ako ng gutom. At uhaw.

Ha! Nakakagutom pala ang pagku-cultivate.  Sabi ko sa aking sarili.

Ilang saglit pa ay nakita ko na si Zed.

"Zed! Kamusta ka! Simulan na natin ang maglalakbay sa palayan at taniman!" Sabi ko.

Nang makita ako ni Zed ay nanlaki ang kanyang mga mata.

"Ayos ka na ba Kid? Grabe, pinag alala mo kami!" Sabi niya

"Hala! Bakit naman kayo nag alala. Kahapon lang tayo naghiwalay, namiss mo na kaagad ako!" Sabi ko kay Zed.

"Ha? Anong kahapon!? Tatlong araw kang nakaupo lang sa Kwarto mo! Nagme -meditate ka. Hindi ka na namin pinakelaman dahil mukhangseryoso ka eh!" Sabi niya.

"Ha? Tatlong araw?" Sabi ko.

"Di bale, alam kong gutom na gurom ka na. May pagkain doon sa lamesa. Kumain ka na " sabi niya.

At nagpunta na kami sa lamesa.

Nang makaupo na kami, nagaimula na kaming kumain. Habang kumakain, lumabas si Master Val.

'Kid! Magaling! Nakuha mo ang Nine- Star Spirit Technique! Nakuha mo ng kumpleto! Kaya talaga hindi ako nagsisisi na naging estidyante kita.' Sabi niya.

'Ah. Master, ano po ang Nine- Star Spirit Technique.?" Tanong ko sa kanya.

'Ang nine- star technique ay isang Technique kung saan dumodoble o tumutriple ang kailangang lakas mo para makaabot ka sa isang Step. Ibig sabihin, kung makakapaghanap ka ng Spirit na para sa iyo, sabay kayo na lalakas. Ang pisikal na katawan ng tao kasi ay mas mabilis tumanda kaysa sa mga Spirit. Ibig sabihin, mas mabilis din ang paglakas ng katawan ng tao kumpara sa mga Spirit.

Sa technique na ito, mapapahaba mo ang buhay mo. At hindi lang iyon. Mas lalakas ka kaysa sa iba. Ang bawat Step mo ay katumbas ng dalawa o tatlong Step. Ibig sabihin, kapag naging isa ka nang 5- Step spirit Bearer, katumbas mo na ang isang 1-Step Spirit Practitioner. Kaya mo nang tapatan nag isang Practitioner.' Sabi ni Val na dahilan para maibagsak ko ang hawak kong kutsara.

Agad na napansin iyon ni Zed at tinanong ang dahilan. Ang sabi ko na lang ay wala at nagpatuloy sa pagkain.

'Ah. Ganoon po pala kalakas ang Technique na ito! Pero, may posibilidad po ba na makaabot ako at isang Spirit God?' Tanong ko.

'Hahaha! Ang taas ng pangarap mo Kid! Pero wala namang masama sa pangangarap. Oo may posibilidad ka namaging isang Spirit god pero matatagalan ka. Katulad nga ng sabi ko sa iyo, ang bawat step ay katumbas ng dalawa o tatlong step. Sa lagay na iyon, mas mahirap din ang pagbe- breakthrough.' Sabi niya. 'Pero habang tumatagal ang iyong pagsasanay, hindi ka magsiaiai dahil palakas ka ng palakas.'

Ilang saglit pa ay natapos na kami sa pagkain. Bumalik ako sa aking maliit na bahay at kinuha ang mga kailangang gamit at Bumalik na kay Zed para masimulan na ang paglalakbay namin.

Hinihintay na pala ako ni Zed sa harapan ng kanilang bahay.

"Aba! Mas excited ka pa sa akin ah!" Sabi ko sa kanya.

Natawa naman siya sa aking sinabi at naglakad na papunta sa kanilang sakahan.

"Ito ang aming sakahan. Malawak iti kung kaya't kayang magpadala ng pagkain sa buong bayan." Sabi niya.

"Ah. Ganoon ba. Ang galing!" Sabi ko.

Napansin ko na nagkukumpulan ang mga tao sa paligid ng isang balon.

"Zed, anong ginagawa nila doon?" Tanong ko.

"Ah! Tinitignan nila ang suplay ng tubig sa mga balon. Puntahan natin! Mukhang may problema nanaman sa Tubig." Sabi niya.

Agad kaming lumapit sa tumpulan ng mga tao. Sinilip namin ang balon na sinasabi ni Zed at napansin kong wala nga itong tubig. Malalim na ito at madilim sa dulo. Ngunit walang tubig.

"Anong nangyari dito?" Tanong ni Zed sa mga magsasaka.

"Wala nanman pong tubig ang mga balon, kamahalan." Sabi niya.

"Zed nalang ang itawag ninyo sa akin. Matagal ko nang sinasabi iyan sa inyo diba. Pero tungkol dito sa balon, tinignan nyo na rin ba ang ibang balon?" Sabi niya.

"Opo. Pero ganon parin ang iba. Walang laman." Sabi niya.

Lumabas si Val sa Kwintas at kinausap ako.

'Ano sa tingin mo ang dahilan ngpagkawala ng tubig dito?' Tanong niya sa akin.

'Hindi ko po masabi Master. Ngayon lang ako nakakita ng tuyong balon.' Sagot ko sa kanya.

'Naalala mo ba ang nakita natin sa Spirit Forest? Yung tuyong ilog? Ano ang dahilan ng pagkatuyo nun?' Tanong niya.

'Hmm. May isang halaman na tumubo sa gitna ng ilog. Iyon po ba?' Sabi ko.

'Tama! Mayroong isang mayabong na puno sa gitna ng Ilog na nakita natin. Iyon ang dahilan ng pagkawala ng tubig. Ngayon, sa tingin mo, ano ang dahilan ng pagkawala ng tubig dito sa balon?' Tanong niya.

'T-teka, yung halaman na po bang iyon ang dahilan? Pero hindi iyon kakasya sa balon!' Sabi ko sa kanya.

'Oo. Tama ka. Pero hindi siya sa balon mismo tumubo. Kundi sa pinanggagalingan ng tubig sa balon.' Sabi niya.

'Saan po ba nanggagaling ang tubig sa balon?'

'Gusto mong malaman? Pasukin mo ang balon para malaman mo kung saan.' Sabi niya.

Napaisip ako sa sinabi ni Val. Kung papasok ako sa isang balon, ikinakatkot kong baka hindi ko kayanin ang lalim nito at ikamatay ko. Pero kung hindi ko naman iyon titignan, mananatiling tuyo ang buong palayan.

Agad kong sinabi kay Zed ang aking desisiyon.

"Sigurado ka ba diyan Kid? Masyadong malalim ang balon na ito!" Sabi niya.

"Mas mabuti nang subukan kaysa ipagsawalang bahala nalang." Sabi ko.

"Osya," sabi niya at humarap sa kanyang mga tauhan. "Kumuha kayo ng mahabang tali. Mas mahaba, mas maganda." Sabi niya.

Ilang sandali pa ay nagkapagdala na ang kanyang mga tauhan ng isang mahabang tali. Itinali ko ang aking tiyan atnaghanda na sa pagbaba.

"Kapag bumaba na ako at gumaan na, ibig sabihin, nakaabot na ako sa ibaba. Kapag naman ang tali ay mabigat parin pero dulo na siya, sumigaw kayo sa balon para malaman ko at maihanda ang sarili." Sabi ko.

"Sana naman ay makaabot ka na sa ilalim nang hindi pa umaabot sa dulo." Sabi ng isang lalaki na tauhan ni Zed.

"Oonga, pasalamat tayo sa kanya at ginagaw niya ito para sa atin." Sabi naman nung isa.

"Osya! Simulan na natin!"

Pumasok na ko sa loob ng balon. Unti unti na akong bumababa papunta sa ilalim ng balon.

Habang pababa ako ng pababa, nakakaramdam ako ng lamig sa aking pakiramdam. Hbang pababa ako ng pababa, lumalamig ang paligid ng Balon.

'Master, bakit lumalamig?' Tanong ko.

'Dahil sa presensya ng tubig. Kahit na nawala ang tubig dito, nandito parin ang essence niya. Kaya tandaan mo na kapag nandoon na tayo sa ibaba, malamig na.' Sabi niya.

Ilang saglit pa ay nakikita ko na ang maliit na liwanag sa ibaba. Para bang may isang kweba ito sa ilalim at may ilaw.

'Master! may ilaw sa baba!' Sabi ko.

"Hindi iyan ilaw, repleksyon iyan ng tubig sa mga dyamante sa paligid kaya maliwanag. O di kaya'y may mga alitaptap sa paligid na hindi natin napapansin.' Sabi niya.

Doon ko muling naalala ang tuyong ilog na nakita namin. Ang ilog na iyon ay maliit lamang pero punong puno ng buhay. Maraming mga isda at pati Spirit Monsters sa ilog ay mayroon din.

Ilang araw at buwan ang lumipas, bumalik kami doon sa Ilog ngunit ang bumungad sa amin ang tuyong ilog na iyon. Ang kakaiba lang doon ay mayroong isang malaking puno doon sa gitna ng ilog. Ang tingin namin ni Master Val ay ang puno ang dahilan ng pagkawala ng tubig. Pero wala kaming magawa dahilhindi namin alam ang gagawin.

Ngayon ay muling naulit ang nangyari noong nakaraan. At mas malaki ang sakoo na pahamak nito. Mga tao ang mapapahamak kapag nagpatuloy ito.

Palapit na kami ng palapit sa liwanag na napansin ko nang biglang tumigil ang pagbaba. Mukhang nasa dulo na ng lubid ah.

Ilang sandali pa ay may sumigaw sa balon.

"Kid! Nasa dulo na ng lubid! Hindi ka na namin maiibaba!" Sigaw niya.

"Sige ayos lang. Tatanggalin ko na ang tali sa akin! Iangat nyo na ang tali kapag gumaan na!" Sigaw ko.

"Ayos ka lang Kid?!" Sabi ni Zed.

"Oo Zed! Ayos lang ako dito!" Sabi ko.

Ilang sandali pa ay tinganggal ko ang buhol ng talisba aking baywang.

At direderetso pabulisok sa baba ng balon. Palapit na ako ng palapit sa liwanag. Hanggang nakita ko na ang loob ng Balon.

Ilang sandali pa ay nakaabot na ako sa ilalim ng balon.

"Hindi na pala masyadong mataas ang kinalaglagan ko." Sabi ko.

Pinagmasdan ko ang paligid ko at namangha ako sa aking nakita.

Mga malalaking bato ng Dyamante! Madami!.

'Master! Ang daming Dyamante! Mahal ang mga ganitong bato!' Sabi ko.

'Oo. Pero huwag na muna natin isipin iyan. Kailangan muna nating hanapin ang pwesto ng punong iyon. Para mapag aralan at dumaloy ulit ang tubig doon sa mga balon.' Aniya.

Doon ko lang napansin na ang lawak pala ng lugar na ito. Parang isang kweba.

'Master. Parang kweba na ang lugar na ito ano?!' Sabi ko.

Napahinto siya sa paglalakad at napatingin sa akin.

'Bakit po master? May problema ba?' Nang sinabi ko iyon ay nakaramdam ako ng kaba. Ngyon lang napahinto di master mula noong tinuruan niya ako.

'Hhm. Sana tama ang iniisip ko. Isang kweba sa ilalim ng lupa. May mga dyamante at malalaking bato. Hhm. Nabasa ko na ang isang ito eh pero hindi ko lang matandaan ang tawag sa lugar na ito.' Sabi niya.

Ano kaya ang naiisip ni Master na lugar. Sa aking pag iisip ay napansin ko na ang malaking puno na nakatayo sa kanang bahagi ng malawak na kwebang ito.

Itinuro ko iyon kay Val at nagpunta na kami papunta sa pwestong iyon.

Continue Reading

You'll Also Like

564K 114K 102
Synopsis: Sa bagong yugto ng buhay ni Finn, isang panibagong pakikipagsapalaran at paglalakbay ang kanyang mararanasan kasama sina Poll, Eon, at Paul...
6.1K 689 36
Isang Annual Harvest Month na naman ang nilahukan ni Wong Ming na siyang dinaluhan ng napakaraming outer disciple. Ano namang kakaibang karanasan ang...
175K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...
10M 497K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...