Spirits

Bởi Slylxymndr

449K 22.6K 1.6K

Kapag ang isang bata ay tumungtong na sa edad na 12, sila ay bibigyan ng pagkakataon na pumunta sa spirit for... Xem Thêm

Prologue
1
2
3
4
5
6
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
Announcement
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
Part 2 Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
Announcement!!
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
New Story Teaser
43
44
:)

7

5.7K 263 3
Bởi Slylxymndr

Isa siyang lalaki. Malaki ang katawan at matangkad. Kalbo ang kanyang ulo ngunit may hawig parin kay Zed.

Agad aking tumayo sa kanyang harapan at nagbow.

"Sorry po. Hindi ko po sinasadya." Sabi ko.

Nakita kong kumunot ang kanyang mga kilay at biglang nagsalita.

"Sino ka bata?" Tanong niya.

"Ako po si Kid. Kapatid ni Zed." Sabi ko.

"Ha? Kapatid?" Sabi niya at biglang lumapit sa akin.

Nagulat ako sa kanyang ginawa. Bigla niyang ipinatong ang dalawa niyang kamay sa aking balikat. At biglang tumawa.

"Ngayon ko lang nalaman na mayroon pa kaming isang kapatid ah!" Sabi niya ng nakangiti.

Ilang sandali pa ay biglang lumabas si Zed mula sa kung saan.

"Oh! Kuya! Nakita mo na si Kid." Sabi niya. "Ah kuya, siya nga pala si Kid. Kid, siya ang aking Kuya, si Zac" sabi niya.

Nakahinga naman ako ng maluwag nang malaman kong kuya pala ito ni Zed. Ilang saglit pa ay pimunta na kami sa lugar kung nasaan ang ama ni Zed.

Ilang sandali pa ay nandoon na kami. Bumungad sa akin ang isang lalaki. May mahabang bigote ito na umaabot hanggang sa kanyang tuhod. Maitim pa naman ang kanyang mga buhok na sa tingin ko ay hindi pa siya ganoon katanda. Nag aayos siya ng mga papel sa paligid.

"Ama! Nandito na po ako!" Sabi ni Zed.

"Mabuti anak! Kamusta ang pagauaulit mo sa SHO?" Sabi niya

"Maayos naman po Ama. Nga pala ama, siya po si Kid. Ang sinasabi ko sa inyo. Siya po ang tumulong sa akin para lumakas at maging isang 3-Step Spirit Practitioner." Sabi niya.

"Aba! Magaling anak! Nagkaroon ka ng isang kaibigan na isang Henyo! Maraming salamat Kid sa iyong itinulong sa aking anak. Upang sa mga susunod na mga araw, mayroong nang papalit sa akin." Sabi niya.

"Maari po bang magtanong, si Zed po ba ang papalit sa inyong Pwesto?" Tanong ko.

"Oo anak. Bakit mo naman naitanong?"

"Bakit po hindi si Zac ang papalit sa inyo?" Tanong ko.

Napansin kong napatingin si Zed sa kanyang ama atsaka tumingin sa sahig. Para bang may problemang kinakaharap ang pamilyang ito.

"Dahil mayroon kaming sakit ni Zac. Isa itong sakit na namamana. Ang sakit na ito ay ang dahilan kung bakit ko ipapasa kay Zed ang aking pwesto dahil hindi niya iyon namana."

"Ano po bang sakit iyon?" Sabi ko. Biglang lumabas si Val sa kwintas at sabay sabi sa akin ng

'Isang makasaysayang Bloodline!' Sabi ni Val.

Nagtaka ako ng ibig sabihin ng sinabi ni Val. Nagsalita na ang ama ni Zed.

"Simula pa lamang sa aming ninuno, mayroon na kaming sakit na ganito. Ang sakit na ito ang nagbibigay ng taning sa aming buhay. Bibigyan lamang ng hanggang 50 taon ang masadapuan ng sakit na ito. 48 na tanong gulang na ako at malapit na ang taning ng buhay ko." Sabi niya.

Nagsalita si Val pagkatapos magsalita niya.

'Ang Serpentine Bloodline! Tama nga ako! Isa iyong Bloodline ng mga pinakamagagaling na Spirit Healer!' Sabi ni Val.

"Tungkol po ba ito sa mga Serpentine Bloodline?" Sabi ko.

Nanlaki ang mga mata nila nang sinabi ko iyon.

"Saan mo nalaman iyan!" Sabi niya.

Ang totoo niyan, mayroon akong nabasang libro tungkol sa mga Bloodlines. Nais ko ring malaman ang aking bloodline pero wala akong makita sa librong aking nabasa. At isa sa mga bloodlines na nabasa ko ay ang Serpentine Bloodline. Kakaunti lang ang nabasa ko doon pero sa kaalaman ni Master Val, siguro ay mas lalawak ang nalalaman ko tungkol sa mga bloodlines.

"Hindi na po mahalaga kung saan ko nalaman iyon." Sabi ko.

'Kid. Hindi ko pa naikukwento sa iyo ang aking nakaraan. Isang beses sa aking buhay ay nagkaroon ako ng problema sa aking Spirit. Muntikan na akong lamunin ng Spirit ko at kamuntikan na akong maging isang Monster. Mabuti na lamang ay mayroong isang Serpentine Bloodline na tumulong sa akin para magamot ako. Kung hindi sa kanya, wala ako ngayon dito.

Kaya malaki ang pasasalamat ko sa Bloodline na iyon. Ilang taon rin niya akong tinuruan ng paggawa ng Pills at Potions. Pero bago pa umabot ng isang taon, nawala na siya. Doon ko lang nalaman ang tungkol sa Bloodline na iyan. Kung kaya't naghanap ako ng gamot para sa Bloodline na iyon. Nais kong matanggal iyon o kung hindi man, mabawasan ang epekto ng bloodline nila.'

'Ibig po bang sabihin, may nalaman ka nang pangtanggal ng epekto ng bloodlinr nila?' Tanong ko kay Val.

'Meron. Pero hindi ito kumpleto. Kailangan ng isang patak ng dugo mula sa isang Serpentine. Pero wala akong mahanap na Serpentine Bloodline noon kung kaya't itinabi ko ang listahan ng mga kailangan para sa paggamot ng sakit na ito.' Sabi niya.

'Saan po? Saan ninyo inilagay iyon?' Sabi ko.

'Sa taas ng bundok ng Havanna.'

Nanlaki ang aking mata sa narinig. Sa aking pagkagulat, nasabi ko ito ng malakas.

"Sa Havanna!?!"

"Havanna? Anong meron doon Kid? Delikado ang lugar na iyon!" Sabi ni Zac.

"Oonga!" Sabi ni Zed.

"Ah-eh kasi nandoon po ang mga sangkap na kailangan sa paggamot sa inyo." Sabi ko ng nag aalangan.

Nanlaki ang mga mata ni Zec at ng kanilang ama.

"GAMOT PARA SA AMIN?!" Sabi nila.

"Opo. Gamot po sa inyo. Hindi pa po iyon kumpleto pero sa tingin ko ay mapapabagal ang epekto ng inyong sakit sa inyo o mas magandang resulta, matanggal." Sabi ko.

"Maraming salamat sa iyo Kid kung ganoon. Pero tangganp na namin anh aming kapalaran. Kung mawala man kami sa Posisyon, may papalit naman sa amin kaya ayos l--"

"Hindi Ama! Handa akong sumama kay Kid para makuha ang gamot para sa inyo!" Sabi ni Zed.

"Hindi Zed. Hindi na kailangan iyon. Kaya kong pumunta doon ng mag isa." Sabi ko sa kanya.

"Pero wala ka pang Spirit!" Sabi niya.

"Ayos lang. Kaya ko iyon. Kailangan ko lang po ng dalawang taon. Pagkatapos non ay babalik ako dito na tapos na ang gamot." Sabi ko.

"S-sige. Ikaw ang bahala Kid. Pero ngayon palang, gustong gusto ko na talagang magpasalamat sa iyo. Walang kapantay ang pasasalamat ko sa iyo. Ang una ay yung pag tulong mo sa akin. Ngayon sa aking ama at kapatid naman. Sobrang laki na ng utang ng pamilya ko sa iyo." Sabi niya.

"Wala iyon Zed. Hindi ba sabi mo sa akin ay magkapatid na tayo ngayon, ibig sabihin, tutulungan kita bilang kapatid. Pasasalamat na rin sa pagpapatuloy sa akin dito ngayon dahil wala akong matutuluyan." Sabi ko.

"Wala iyon. Pero sigurado kang pupunta ka sa Havanna? Sa pagkakaalam ko, nasa labas iyon ng bayan ah. Malayo pa iyon dito! At bago ka makalabas ng bayan, kailangan mong pumasa sa Spirit Strength Test. Kailangan, nasa 5- Step Spirit Practitioner ka muna bago ka makalabas. Hindi ka makakalabas ng bayan sa lagay mong iyan!" Sabi ni Zed.

"Oo. Tama ka Zed. Sa susunod na tatlong Buwan, darating na ang Spirit Strength Test. Kailangan ko na ngang makahanap ng spirit para sa akin." Sabi ko.

'Master. Paano po iyon! Hindi ko po kayang magsanay dito ng matagal. Kailangan ko pong magkaroon na ng Spirit ngayon palang. Paano po iyon!?' Tabong ko kay Val.

'May naisip na akong Spirit pansamantala sa iyo Kid. Huwag kang mag alala.' Aniya.

'Pansamantala? Bakit po? At anong Spirit po iyon?' Tanong ko.

'Oo. Pansamantala. Maghahanap tayo ng Spirit na gagamitin mo mina at kapag nakalabas na tayo ng Bayan, doon ka na malayang makakahanap ng bagong Spirit. Para sa Spirit mo, mayroon na ako na nasa aking isip. Pero hindi ko muna sasabihin sa iyo iyon.' Sabi niya.

May tiwala naman ako kay Val kaya pinabayaan ko nalang siya.

"Pwede bang samahan mo ako Zed sa ibang parte ng bayan ninyo?  Gusto ko lang libutin ang buong Levi. Pwede ba?" Tanong ko.

"Aba! Oo naman! Sige. Una nating puntahan ang pinapagawa kong bahay para sa iyo." Sabi niya.

At nagsimula na kaming maglakad. Bago kami makaalis sa Kwartong iyon, narinig kong nag uusap ang mag ama.

"Sigurado ba si Kid na kaya niyang pagalingin tayo, ama?" Tanong ni Zac.

"Hindi masama ang umasa Zac. Tutal naman, kapag hindi tumalab ang gamot na sinasabi ni Kid, malapit na rin naman ang oras ko." Sagot niya sa kanyang anak.

Napahinga nalang ako ng malalim. Sana ay matulungan ko sila sa kanilang sakit.

Sana ay nandoon pa ang sinasabi ni Master na listahan ng mga Sangkap. At sama ay makakuha na rin ako ng Spirit.

Ilang sandali pa ay naglakad na kami ni Zed palibot sa buong pamayanan. Ipinakita na niya sa akin ang titirahan ko. Sapat na ito para sa isang tao. Binigyan nya rin ako ng mahihigaan at isang lampara.

"Bukas na lang kita ililibot sa sakahan at taniman namin Kid ha! Gabi na. Alam kong pagod ka kung kaya't magpahinga na tayo." Sabi ko.

"Sige ayos lang. Bukas ulit!  Salamat ulit sa munting bahay na ito." Sabi niya.

At isinarado na niya ang pinto. Nakaupo ako ngayon sa aking higaan nang biglang lumabas si Master Val.

'Master, may pumasok lang po sa aking isip. Pwede bang tanggalin ang Spirit sa sarili mo? O bawal?' Tanong ko sa kanya.

'Maaaring tanggalin ang Spirit sa isang katawan. Pero mahihirapan nang humanap ng panibagong Spirit. Una, dahil malakas ka na kaysa sa dati mong Spirit. Diba nga ang mga Spirit mismo ang pumipili sa atin. Kung papaalisin mo ang Spirit na iyon sa iyong katawan, mahihirapan ka nang maghanap ng Spirit na tatanggap sa iyo.' Sabi niya.

'Pero huwag kang mag alala. Mayroon akong alam na technique para sa iyo. Isa itong technique na makakatulong sa iyo sa pagpapalakas.' Dagdag pa niya.

'Iyan po ba ang Skill na ibibigay ninyo sa akin?' Tanong ko.

'Hindi. Para ito sa pagpapalakas mo at ng iyong Spirit. Sa technique na ito, mas tataas ang bawat step mo. Mas matagal ang pagpapalakas mo pero mas magiging malakas ka kaysa sa iba.' Sabi niya.

'Hindi ko po maintindihan. Ano po ang ibig sabihin nun?'

'Tsk! Basta! magtiwala ka sa akin. Tandaan mo, kailangan mong lumakas. Ayos ba?' Sabi niya.

'Sige po. May tiwala ako sa inyo.' Sbi ko

'Sige. Maghanda ka na.'

Inilagay niya ang dalawa niyang daliri sa kanyang noo. Ilang saglit pa ay may kung anong kumikinang sa kanyang mga daliri. Inilagay niya sa akin ang dalawa niyang daliri at pumasok sa aking katawan ang liwanag na iyon.

Ilang saglit pa ay nararamdaman kong may umiinit mula sa aking loob. Hindi ko matiyak kung ano iyon pero alam kong dahil iyon sa ilaw. Napapikit ako sa init na aking nararamdaman.

Ilang saglit pa ay parang nagliliwanag ang paligid ko. Nakakasilaw.

'Magmeditate ka! Huwag mong pakawalan ang Aura ng Technique na iyan.' Sabi niya.

Agad akong umupo at nagrelax ng aking katawan. Unti unti kong nararamdaman ang kakaiba sa aking katawan.

Ang liwanag na iyon ay pumasok sa aking mga ugat. Mga buto at sa utak. Ilang saglit pa ay may nararamdaman akong kakaiba sa aking katawan. Ngunit hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy sa pagku-cultivate.

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

31.2K 2.6K 72
Sa panibagong yugto ng buhay ng batang si Li Xiaolong, could he really do the things he wants to do? Paano na lamang kung sunod-sunod na kalbaryo ang...
48.3K 2.6K 36
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man.
13.2K 1.8K 38
Due to some external forces who drive the Four Kingdoms in Chaos. What kind of danger that awaits for the people who lives in Sky Ice Kingdom, Hollow...
15.5K 2.1K 103
Teiro Cannia is a ninth grade high school student living inside a big mansion, which he calls life prison because of its miserable rules and orders...