Spirits

De Slylxymndr

450K 22.7K 1.6K

Kapag ang isang bata ay tumungtong na sa edad na 12, sila ay bibigyan ng pagkakataon na pumunta sa spirit for... Mais

Prologue
1
2
3
4
5
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
Announcement
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
Part 2 Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
Announcement!!
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
New Story Teaser
43
44
:)

6

6.3K 287 3
De Slylxymndr

Habang naglalakad kami ni Zed papunta sa kanyang Lugar, parehas kaming tahimik sa isa't isa. Siguro ay naiilang siya sa akin dahil ngayon lang kami nagkakilala at hindi pa magaan ang loob namin sa isa't isa.

Kung kaya't ako na ang nagpaubaya.

"Uhm. Zed, salamat ulit ha. Hindi ko alam kung paano magpasalamat sa iyo kasi malaki ang itutulong mo sa akin. Dagdagan pa ng bahay. Hahaha!" Sabi ko at napakamot sa aking batok.

"Naku Kid! Huwag kang mag isip ng ganyan! Malaki rin ang itinulong mo sa akin. At sa aming bayan." Sabi niya sa akin.

"Haha! Wala iyon noh! Tulong ko na rin iyon para sa inyo." Sabi ko. Kinausap ko kasi kanina si Master Lao. Sinabi ko sa kanya na dahil isang Levi si Zed, nais kong doon siya kukuha ng iba pang mga sangkap sa mga Pills na gagawin namin. Marami pang uri ng mga halaman at bulaklak na maaaring gawing Pill na makakatulong sa pagpapalakas ng isang indibidwal.

Ilang saglit pa ay lumabas si Master Val sa aking Kwintas.

'Tanungin mo si Zed tungkol kay Ceres.' Sabi niya.

Kahit naguguluhan ako kung bakit, itinanong ko nalang kay Zed ang tungkol kay Ceres.

"Ahh. Si Ceres ang God of Harvest and Fertility." Sabi niya. "Siya ang god namin." Sabi niya.

"Ah. Ganoon ba? Salamat." Sabi ko.

Agad kung itinanong kay Vala ang tungkol kay Ceres. At kung bakit siya naging interesado nang marinig niya ang panglang iyon.

'Si Ceres ay hindi isang Harvest and Fertility god. Siya ang God of Nature!' Aniya.

'Huh? god of Nature?' Sabi ko.

'Oo. Mayroong isang Kwento noon tungkol sa mga Spirit gods.'

'Huh? Spirit gods? Ngayon ko lang narinig ang mga iyan! Pwede po bang ikwento ninyo sa akin?'

Napakamot si Val sa kanyang ulo. 'Ikukwento ko na nga eh! Salita ka pa ng salita dyan!' Sabi niya na ikinangiti ko. 'Sorry.'

Hindi ko napansin na napatingin pala sa akin si Zed nang ngumiti ako.

"Oh! Bakit ka ngumingiti dyan!" Sabi niya.

"Ah, wala wala. Hahaha! Wag mo nalang akong pansinin." Sabi ko ng nahihiya.

'Sige, ito na nga. Ang bawat Aspeto sa mundo ay may sariling god. Isa na dito si Ceres. Siya ang nangangalaga sa kagubatan at mga halaman. Kung kaya't tinawag siyang Spirit god of Nature.' Aabi niya sa akin.

Napaisip ako ng saglit sa aking narinig. Bawat aspeto sa Mundo?

'Ibig po Bang Sabihin, may Spirit god din sa Apoy, Dagat, hangin, langit at king anu ano pa!?' Sabi ko sa kanya.

'Oo! Lahat ng bagay na nakikita mo at nararamdaman ay may god na nagkokontrol.' Sabi niya.

Natuwa ako sa aking narinig sa kanya. Ibig sabihin ay may sari sariling Ngunit biglang nagsalita si Val.

'Kung kaya't hindi maiiwasan ang mga god na tumaliwas sa kanyang mga kapatid. Isa na dito ang Spirit god of demons.' Sabi ni Val sa akin.

Napaisip ako ulit. Spirit god of Demons ? Ibig sabihin, isang Demon God! Ibig sabihin, si Vrendick!

'Si Vrendick po ba ang Spirit god of Demons?' Tanong ko.

'Hindi. Si Vrendick ang nakakuha ng Spirit god of Demons. Ang Starlight Wind Dragon. Ang mga Spirit gods ay mga Spirit na namamahala sa kanyang lugar. Sa aking pagkakaalala, ang mga Spirit gods ay umabot sa 100 million Years o higit pa. At mayroong mahigit 100 mga Spirit gods na nasa ating paligid at kalahati pa ang hindi pa nadidiskubre hanggang ngayon.' Sabi niya.

'Ibig sabihin, marami pa ang mga Spirit gods sa paligid?'

'Oo.'

'Pero paano naman makakuha ng isang Spirit god?' Naitanong ko kay Val dahil sa tingin ko ay mahirap ang makakuha ng ganitong uri ng Spirit. Sa tagal ba naman nitong nabubuhay, malamang ay napakalakas na nito.

'Sa pagkuha ng isang Spirit god, hindi kailangan maging sobrang lakas. Mas kailangan mo lamang ay oras. Panahon.' Sabi niya. 'Para makakuha ng isang Spirit god, kailangan mong matalo ang Spirit god na iyon. Kapag natalo mo na ito, maglalabas ito ng dalawa hanggang tatlong Spirit Stone.' Sabi niya. Teka, Dalawang Spirit stone?!?

'Master! Dalawa hanggang tatlong Spirit Stones?! Bakit? Diba tig iisang Spirit Stone lang sa isang Spirit Monster?' Tanong ko sa kanya.

'Ang dahilan niyan ay ang Edad ng Spirit. Sinasabi na tuwing makakaabot ng 100 milyong taon na ang isang Spirit, makakabuo ito ng panibagong Spirit Stone sa katawan. Na kapag namatay na ang Spirit Monster, ang bagong Spirit Stone ay magsisilang muli ng panibagong generasyon ng Spirit god.' Sabi niya.

Ngayon lang ako nakarinig ng ganoong uri ng pagailang ng mga Spirit Monsters. Sa aking pagkakaalala kasi, tinuruan kami ng aking guro dati kung paano nagsisilang ng panibagong Spirit monster. Galing ang mga Spirit Monsters sa Spirit World. Isang lugar kung saan naninirahan ang libo-libong mga Spirit Monsters. Tuwing ika-sandaang taon, nagbubukas ang isang Portal mula sa Spirit World at sa Mundo. Doon lumalabas ang maraming uri ng mga Spirit Monsters at kumakalat sa buong mundo.

'Paano po yung mga Spirit na galing sa Spirit World?' Tanong ko.

'Ang mga Monsters sa Spirit World ay napakarami. Doon sila nagpaparami at kumakalat sa ating mundo. Sa tingin ko rin ay doon naninirahan ang natitira pang Spirit Gods na hindi lumabas at piniling manatili doon' sabi niya.

Sa kanyang mga sinabi, lalo akong nagkaroon ng paghahangad na makakuha ng sarili kong Spirit.

'Master, kailan po ang tamang oras para makakuha ng Spirit na para sa akin?' Tanong ko.

Napatingin siya sa akin at tumingin muli sa kawalan.

'Hindi pa ito ang tamang oras para makakuha ng Spirit na para sa iyo. Kailangan mo munang palakasin ang iyong sarili bago ka makapagsimulang maghanap ng Spirit.' Sabi niya.

'Pero po bakit sa bayan, kapag labindawalang taon ka na, maaari ka nang makakuha ng sarili mong Spirit?'

'Dahil ang mga Spirit sa Spirit Forest ay mabababa lamang! Bihira ka lamang makahanap ng mga malalakas na spirit doon! Ang balak ko sa iyo ay turuan ka munang maging malakas bago makakuha ng sariling Spirit para maprotektahan mo ang sarili mo!' Sabi niya sa akin.

Alam ko sa sarili ko na nagmamadali ako. Pero nang narinig ko ang sinabi ni Val, doon ko napagisip na mahina pa ako hindi katulad ng iba.

Kailangan kong magpalakas! Para maipaghiganti ko ang aking mga magulang!

Sa aking mag iisip ay biglang nagsalita si Master.

'Huwag kang mag alala Kid, tutulungan kitang maging malakas. Sa lagay mo ngayon, kaya mong tapatan ang mga 9-Step Spirit Bearer kahit gamit lamang ang Sandatang itinuro ko sa iyo. Mamaya, kapag nakapagpahinga ka na, bibigyan kita ng isang Scroll.' Sabi niya.

Kahit na naguguluhan, nagpasalamat parin ako kay master Val sa pagtulong sa akin.

Marami pang tinuro sa akin si Master Val tungkol sa mga Spirit gods. May kakayahan ang mga Spirit gods na mag-katawang tao. Tanging Spirit god lang ang nakakagawa nito. Kaya na rin nilang mag isip at makapagsalita.

Ilang saglit pa ay nakarating na rin kami ni Zed sa kanyang lugar.

"Nandito na tayo, Kid!" Aniya.

Ang bumungad sa akin ang napakalawak na lupain. Punong puno ng mga pananim. May mga taong nagbabantay at naglilibot sa lupain. Sa kabilang banda naman ay isang maliit na pamayanan. At sa gitna ng mga bahay na iyon ay may isang tatlong-palapag na bahay. Iyon ang tahanan ni Zed.

"Halika! Sumama ka sa akin at ipapakilala kita sa aking ama at sa iba pa." Sabi niya sabay takbo.

Ngayon ko lang napansin na mas matanda pala sa akin si Zed. Nasa 21 na taong gulang na siya. Mas matangkad sa akin at may katamtamang pangangatawan.

Hinabol ko siya para makaabot sa kanya. Ilang saglit pa ay nakapunta na kami sa harap ng gate ng kanilang pamayanan.

"Pumasok ka sa aming lugar!" Sanbi niya at bumukas na ang malaking gate. Bumungad sa amin ang limang Tagabantay ng Gate. Nang makita si Zed ay agad silang nagbow at nagbigay galang.

Naglakad kami papasok sa loob. Kumpara sa bayan, ang lugar ni Zed ay mas maluwag. Kakaunti lang rin ang tao sa loob.

"Siguro iniisip mo kung bakit kaunti lang kami ano?"

"Ah.. Haha! Oo. Napansin ko nga. At malawak ang loob ng pamayanan ninyo. Akala ko ay maraming bahay mula sa malayo eh. Haha!" Sabi ko.

"Ang dahilan kung bakit kakaunti nalang ang tao dito ay dahil ang iba ay nasa labas. Nagbabantay sa mga pananim sa labas mula sa mga Spirit Monsters na pwedeng sumalakay." Sabi niya.

"Ah! Ganoon ba, haha!" Sabi ko.

"Ah. Bago ang lahat, sasabihin ko na ang tungkol sa aming lugar para hindi ka malito. Ang lupain ng Levi ay nahahati sa tatlo. Ang taniman ng mga halaman at mga bulaklak, taniman ng mga Palay, mais at marami pang produkto na ipinapadala sa bayan at ang lugar kung saan tayo naglalakad ngayon, ang sentro ng Levi. Kung saan kami naninirahan." Aniya.

"Ah! Ganoon pala, ibig sabihin, mas lamawak ang sakop ng lupa ninyo kaysa sa iba." Sabi ko.

"Hindi. Sa katunayan ay kami ang nagmamay ari ng pinakamaliit na lupain sa iba." Sabi niya.

Nagulat ako sa aking narinig. Mas kailangan nila ng lupa dahil kailangan nila para sa mga pananim nila! At sa kanila pa napunta ang maliit na lupain!? Bakit ganoon?!

Pero nawala sa aking isipan ang mga iyon nang biglang magsalita si Zed.

"Kahit na ganoon ang nangyari, masaya kaming mga nandito kaysa sa iba. Ang mga ibang pamilya ay inaatupag ang pakikipaglaban at gyera. Samantalang kami, walang ganoon. Kung kaya't hindi namin niniisip ang pagkawalay namin sa mga mahal namin sa buhay."sabi niya.

"Sa bagay. Sa inyong pamilya ba, ikaw lang ang may Spirit?" Sabi ko.

"Hindi. Ang mga Tagabantay, mga rumoronda at ang mga pinuno ng Pamilya Levi, may mga Spirit. Para mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng lugar." Sabi niya.

Kung sa bagay.

Ilang saglit pa ay nasa harap na kami ng kanyang tahanan. Mayroon itong malaking pinto na nakabukas.

"Halika! Pasok ka. Ipapakilala kita sa aking ama." Sabi niya.

At pumasok na ako sa loob ng malaking pinto.

Bumungad sa akin ang napakagandang tanawin. Maraming mga bulaklak at mga puno. Mayroin ring isang maliit na pond para sa mga koi. Manghang mangha ako sa aking nakita. Hindi ko na napansin na mayroon palang nakatayo sa aking harapan.

Nabunggo ako sa kanya at natumba.

Continue lendo

Você também vai gostar

140K 11.9K 49
[Completed] Sa mahiwagang mundo ng Illunor, kung saan ang mahiwagang enerhiya ng magicules ay ginagamit sa pagpapamalas ng abilidad at mahika, ang ra...
109K 11.4K 103
Si Clyde Rosario ang pinakamahinang hunter sa kasaysayan. Puro panunuya ang kanyang natatanggap. Ngunit isang insidente ang babago ng lahat. Ang mga...
11.3M 505K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
389K 2.6K 39
Ang mababasa nyo ay kathang isip at gawa gawa ng malilikot na imahenasyon.. may mga scene ako na kinuha sa totoong nangyari. If you are not matured...